Alas-otso na nang dumating si Lance sa townhouse na binili niya para sa asawang si Freeshia. Ilang buwan na din siyang hindi umuuwi dito buhat nang bumalik sa bansa si Celestine.
She was his first love.
Highschool sweethearts sila pero umalis ang pamilya nito at nag-migrate sa Canada. Nawalan sila ng communication hanggang sa naganap nga ang kasal nila ni Freesia Natalia Altamonte, ang anak ng kaibigan ng parents niya.
He was mad! Galit siya sa kagustuhan ng magulang niya pero wala siyang magawa kung hindi ang sumunod.
Pero ang naging pagsasama nila ay naging base sa kagustuhan niya. Hindi sila nagsama sa isang bubong. Nasa townhouse si Freeshia at siya naman ay nasa penthouse.
Umuuwi siya kapag gusto niya. O mas tamang sabihing, kapag kailangan lang niyang gamitin ang asawa.
Nakikita naman niyang gusto ni Freeshia na maging normal ang pagsasama nila pero hindi niya kayang ibigay iyon. Sa mata ng ibang tao, binata pa rin siya. At hindi naman iyon tinutulan ni Freeshia.
Sa palagay niya, mahal siya ni Freeshia at ramdam na ramdam niya iyon kaya sumusunod ito sa lahat ng gusto niya.
Madilim ang paligid kaya naman nagtataka siya dahil kapag umuuwi siya dito, maliwanag ang buong bahay. Nararamdaman niya ang bigat ng paligid at hindi niya iyon nagugustuhan.
“Freeshia!” nakaramdam siya ng pag-alala para sa asawa
Pinasok ba ang bahay? Ninakawan?
“Freeshia!” malakas na tawag niya sa pangalan ng asawa at nagulat pa siya ng may gumalaw sa sala
Kinapa niya ang switch ng ilaw at nang magliwanag ang kabahayan ay nakita niya na nakasalampak sa carpeted floor ang asawa.
Magulo ang buhok nito at tila wala sa sarili. Nakita niya ang isang bote ng alak na halos ubos na kaya naman napamura si Lance sa isipan.
Alam niya ang dahilan kung bakit ganito ang itsura ni Freeshia.
“Nandyan ka na pala!” halos nakapikit na si Freeshia habang nakatingin ito sa kanya
“Ano bang problema mo? Bakit ka ba naglasing?”
Mababakas ang pag-aalala sa tinig ni Lance dahil alam naman niyang hindi ito sanay uminom.
Natawa ng pagak si Freeshia sa tanong ng asawa. Concerned ba siya all of a sudden?
Inabot ni Freeshia ang baso at ang balak niyang pag-inom sa laman noon ay agad pinigilan ni Lance.
“Ano ba!!!” sigaw niya dito kaya naman napatda si Lance dahil ito ang unang beses na sinigawan siya ng asawa
She was always sweet and caring pagdating sa kanya. Soft-spoken ito at hindi nga halos tumataas ang boses niya.
“Stop it Freeshia! Lasing ka na!” pigil ni Lance dito kaya naman napatayo itong bigla
“How dare you! How dare you!” nilapitan siya ng babae at pinagbabayo ang dibdib niya
Hindi naman pumalag si Lance. Hinayaan lang niya si Freeshia hanggang mapagod ito sa ginagawa niya at muling mapasalampak sa sahig.
“Hindi ka na naawa sa akin, Lance! Bakit mo nagawa sa akin ito!” umiiyak na sambit ni Freeshia at nakaramdam naman ng kurot sa puso ang lalake
“Sana pala hindi ka na lang pumayag sa kasal kung lolokohin mo lang pala ako!”
She cried at pinanuod siya ni Lance habang binubuhos ang sama ng loob.
Minsan naiisip ni Lance ang parehong bagay.
Bakit nga ba siya pumayag magpakasal kay Freeshia? Pwede naman niyang tanggihan ang kasunduan, hindi ba?
At kung sakaling itakwil siya ng mga magulang niya, hindi siya maghihirap dahil bukod sa Villavicencio Corporation ay may sarili naman siyang negosyong naipundar.
Bakit nga ba pinakasalan niya ang babaeng ito kung hindi naman niya kayang ibigay ang tunay na kahulugan ng kasal?
Nang kumalma na si Freeshia ay nilapitan niya ito ay pilit itinayo pero pumalag ito na para bang diring-diri ito sa kanya.
“Huwag na huwag mo akong hahawakan!” banta ni Freeshia sa asawa kaya napaatras si Lance
Somehow he was surprised sa pinapakitang tapang ng asawa. Hindi niya ito inaasahan.
Alam niyang lumaki si Freeshia sa pag-aalaga ng mga magulang niya. She was sheltered at itinuring na prinsesa ng pamilya lalo pa at nag-iisang anak na babae ito.
She was always prim and proper. Disiplinado at kalkulado ang bawat galaw kaya hindi niya inaasahan na makikita ito sa ganitong sitwasyon.
Talagang nasaktan siya.
Naupo si Freeshia sa couch at sinapo ang mukha gamit ang mga palad niya. At nang iangat niya ang paningin niya kay Lance ay bakas ang naglalatang na galit sa mga mata niya.
“How long has this been going on?” tanong niya sa lalake
Matagal bago sumagot si Lance and it was confirmed na alam na ng asawa ang relasyon nila ni Celestine.
“At least tell me!” galit na sigaw ni Freeshia kaya napapikit si Lance
“Matagal na din. Almost a year!”
Narinig ni Lance ang mahinang tawa ni Freeshia.
“Grabe no! Isang taon na pala! I’m so stupid!” nakakuyom ang palad ni Freeshia sa sobrang galit na nararamdaman niya
“Freeshia…”
“Maghiwalay na tayo!” matapang na sabi ni Freeshia kaya halos mapanganga si Lance
Hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula sa asawa. Tama bang nakikipaghiwalay ito sa kanya?
“W-what?!” gulat na tanong ni Lance pero seryoso naman ang mukha ni Freeshia
“Kakausapin ko ang abogado ko. I will send you the copy of the divorce papers!”
Tumalikod na si Freeshia at nagsimulang umakyat sa hagdan. Mabigat ang loob niya sa naging desisyon niya na pinag-isipan niya ng matagal.
Hindi na niya kayang tiisin ang sitwasyon niya lalo pa at nalaman niya na may kabit ang asawa niya.
Masyado na siyang tinatapakan ni Lance. Matapos siyang itago sa mata ng ibang tao bilang legal na asawa ay nakuha pa niyang mambabae!
Magsama sila ng kabit niya!
“Sa tingin mo ba makakaya mo nang wala ako sa buhay mo Freeshia?” mayabang na tanong ni Lance hoping to see the slightest doubt in his wife’s eyes pero nagkamali siya.
Matapang na lumingon ang babae at tinignan siya ng walang kakurap-kurap.
“Don’t flatter yourself too much, Lance! Nagpakatanga ako, oo, pero hindi ako mahina na gaya ng iniisip mo!” matapang na sagot ni Freeshia sa asawa niya
“Tigilan mo na ito, Freeshia! You are drunk! Matulog ka na at bukas tayo mag-usap!”
Natawa naman si Freeshia kaya lalong nakaramdam ng galit si Lance. Humalakhak ito ng malakas na parang baliw na sobrang ikinairita ng asawa niya.
“Stop it, Freeshia! I’m starting to get angry!” bulyaw niya dito kaya naman medyo pinigil ni Freesia ang pagtawa
“Hay Lance!” sabi pa ng babae habang pinapahiran ang luha sa mga mata niya ng dahil sa pagtawa niya
“I can’t believe myself that I endured everything!” sabi ni Freeshia in a serious tone habang umiiling
“Ngayon or bukas, hindi mababago ang gusto ko! Let’s get a divorce para makasama mo na ang kabit mo!”
Napakuyom ang kamay ni Lance at inilang hakbang lang niya ang asawa niyang nasa gitna ng hagdan. Hinaklit niya ang braso nito pero ni hindi man lang niya kinabakasan ng takot ito.
Samantalang dati, ipakita lang niya na inis na siya, mababasa mo na agad ang pangamba sa mata nito.
“Don’t you dare!” mahinang bulong niya dito at naghatid iyon ng kilabot sa sistema ni Freeshia pero agad siyang nakabawi
“Let’s just get to the divorce! Hindi na kita masikmura, Lance!”
Nakarating na ang private plane na sinasakyan nila Herea papunta sa Cebu at kanina pa siya kinakabahan dahil ito na ang araw na magkikita sila ni Troy.Kasama niy ang kanyang pamilya pati na ang pamilya ni Freeshia at ni Mint. Magiging bakasyon na din ito para sa kanila at doon sila tutuloy sa hotel na pag-aari ni Troy, Lance at Damon.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na ito pero dahil hawak ni Adam ang kamay niya, kahit papano ay nawawala ang takot nito.Pagbaba nila sa tarmac ay may sumundo sa kanilang van na may tatak ng resort ni Troy at dumeretso na sila sa nasabing resort dahil nagpahanda daw doon si Troy.“Relax!” bulong ni Adam nung papasok na ang van sa resort kaya pinisil naman ni Herea ang kamay ng kanyang asawaNaunang bumama ang mga kasama niya at nahuli na sila Troy and when she Troy, tumibok na ng mabilis ang kanyang puso.Nakatayo ito sa may entrance at naghihintay sa kanila. Walang pinagbago si Troy after all this years. Sa tingin ni Herea,
“Her, hindi ba mahirap yung sitwasyon ninyo? I mean, paano kung makaalala na si Argus? Baka magalit pa siya pag nalaman niya ang totoo?” nag-aalalang saad ni Freeshia, isang araw na dumalaw sila ni Mint sa bahay ni Herea kasama si Lance at si DamonSobrang saya ni Herea dahil unti-unti, naibabalik na ang mga panahong nawala sa kanya at sa matalik na kaibigan niyang si Freeshia. May bonus pa dahil nadagdagan sila at yun nga ay si Mint.Naikwento kasi niya ang sitwasyon nila ngayon ni Adam with regards to Argus at hindi naman mapigilan ni Freeshia na mag-alala.“Freeshia, hindi naman namin itatago sa bata ang totoo tungkol sa katauhan niya. Hindi lang ngayon dahil hindi pa naman siya totally okay!” sagot ni Herea habang nakatingin kay Argus na nakikipaglaro sa mga anak ni Freeshia at MintSi Lance at Damon naman ay nasa garden at binabantayan ang mga batang naglalaro habang nagkukwentuhan.Isang buwan na din ang nakalipas buhat nung mamatay si Clarisse at hanggang ngayon, hindi pa rin n
Ayon na rin sa kagustuhan ng kapatid ni Clarisse, pina cremate ang mga labi nito at ngayon nga ay inilagak nila ito sa isang columbary sa Maynila. Nailipat na ni Adam si Argus sa Manila at dahil wala pa rin itong naaalala ay minabuti na nilang hindi ito isama sa libing ng kanyang ina.Ayon sa doktor na tumingin kay Argus, he is experiencing amnesia dahil sa trauma na natamo niya ng dahil sa aksidente. Maaring temporary lang ito at maari din na hindi na bumalik ang alaala ni Argus at depende ito lahat sa kanya.Ang sinabi lang ng duktor, dapat maging handa sila at dapat ipakita pa rin nila ang suporta at pagmamahal nila sa bata. Habang nasa ospital si Argus ay nakita na ito ni herea at nakaramdam talaga siya ng awa sa batang ito.Hindi madaling mawalan ng mahal sa buhay at kung sakali nga na bumalik na ang alaala ni Argus, siguradong masasaktan ito pag nalaman niya na wala na ang kanyang ina.Pagkatapos ng libing ay dumaan muna sa isang restaurant si Adam at Herea pati na din ang kapat
Tinawagan ni Adam si Herea matapos niyang makausap ang doctor ng kanyang anak at nakahinga naman siya ng maluwag nung sabihin nito na okay naman ang kalagayan ni Argus. Wala naman itong internal bleedings according sa mga CT-scans kaya labis ang pagpapasalamat ni Adam sa Diyos.Naikwento niya din sa kanyang asawa na hindi maganda ang kalagayan ni Clarisse at sinabi pa nito sa kanya na ipagdarasal niya ito na sana makaligtas siya.Lakas-loob siyang pumasok sa kwarto kung saan nandoon si Clarisse habang naiwan naman si Lucas sa kwarto ni Argus.Nakasuot ng PPE si Adam at siniguro naman ng mga nurse na disinfected siya bago siya papasukin sa loob ng kwarto ng pasyente.Naupo si Adam sa tabi ni Clarisse na hanggang ngayon ay wal pa ring malay at marami din ang nakakabit na aparato sa kanya.“Clarisse, si Adam ito!” aniya at nakatingin siya kay Clarisse hoping na makakita ng reaksyon mula dito“Magpagaling ka dahil kailangan ka pa ni Argus! Kailangan ka ng anak natin!” dagdag pa niya“Pata
Isang linggong nanatili si Adam at Herea sa Paris para sa kanilang honeymoon at bakas ang kaligayahan sa kanilang mukha ngayon na pauwi na sila sa Pilipinas. Gusto pa sana ni Adam na mag stay pa doon pero kailangan na din nilang bumalik dahil may mga naiwan silang responsibilidad dito.“Don’t worry, Love! Everyday is honeymoon day naman sa atin!” pabirong sabi ni Herea habang nakasakay sila sa eroplano lalo na at panay ang reklamo ni Adam na bitin pa ang kanilang bakasyon“Alam mo naman na gusto ko ng magka-baby tayo eh!” maktol pa ni Adam kaya hinawakan naman ni Herea ang kamay ng kanyang asawa“Malay naman natin, may nabuo na tayo, Love! Panay ang overtime mo eh!” sabi nito kaya natawa naman ng mahina si Adam sabay haplos sa tiyan ni Herea“Sana nga, Love! I just wish na may baby na talaga tayo!” sabi nito kaya napangiti si HereaAlam niyang masaya naman si Adam at excited ito na magkaroon ng bunga ang pagmamahalan nila pero batid din niya na gusto ding makita ng kanyang asawa ang
Araw ng kasal ngayon nila Herea at Adam at walang pagsidlan ang saya ng dalawang magsing-irog. Beach wedding ang kanilang kasal at ilan lang sa malalapit na mga kaanak at kaibigan ng bawat pamilya ang imbitado sa kasal. Nakasuot lang si Herea ng simpleng gown at flat sandals dahil hindi naman siya makakapas-heels sa buhangin na nasa dalampasigan. Private resort naman ang lugar na ito na pag-aari ng isang kaibigan ni Adam kaya naman very solemn ang lugar dahil sila lang ang nandito at ang mga bisita.Si Adam naman ay nakasuot ng puting suit at nakasuot lang din siya ng itim na flat sandals at ganun din naman ang suot ni Stanley at ni Walter. Nasa isang cottage si Herea kung saan siya inayusan ng kanyang make-up artist at nakaramdam ng lungkot si Herea dahil naalala niya si Freeshia. Nandoon ang pag-asam niya na sana, nandito si Freeshia, at kasama niya sa mga oras na ito. Ito naman ang pangako nila sa isa’t-isa noon, that they will be the bridesmaid of each others wedding and in he