Maagang nagising si Freeshia kinabukasan at napangiti siya nang maramdaman niya ang nakapulupot na kamay ni Lance sa bewang niya.Dahan-dahan siyang bumangon para hindi ito magising lalo pa at mukhang mahimbing ang tulog nito.Nagtagumpay naman siyang makatayo at hindi man lang gumalaw si Lance and she can’t help but smile habang tinititigan niya ang maamong mukha ng lalaki.Nakadapa ito at medyo nakaawang pa ang labi niya habang natutulog pero hindi man lang nakabawas iyon sa kagwapuhan niya.Naligo na si Freeshia at saka siya lumabas para maghanda ng almusal dahil tiyak gutom si Lance paggising niya. Napapitlag pa siya ng magsalita si Troy mula sa likuran niya.“Aga mo?” sabi nito habang inaayos ang coffeemaker sa likod niya“Ano ba! Bakit ka ba nanggugulat!” sabi pa ni Freeshia pero napangiwi siya nang maalala na nasa kwarto nga pala niya si Lance“Huy! Hindi kita ginulat!” kontra naman ni Troy sa kanyaBacon, scrambled eggs at hotdog ang niluluto ni Freeshia. Balak din niyang ma
“Anong sagot mo?” tanong ni Troy kay Freeshia habang papunta sila sa opisina para sa deliberation ng board sa billboard shoot nilaNaikwento niya sa kaibigan ang pag-aalok ni Lance ng kasal at ngayon ay curious si Troy sa naging sagot niya.“Of course I said yes!”“Whoah! That fast?!” Natawa pa si Lance sa sariling komento niya kaya natawa na din si Freeshia.“But hey, pumpkin! No offense! I mean, I’m so happy for you! Kung si Lance ang magbabalik ng saya sa mga mata mo, at sa buhay mo, hindi ako kokontra!” sabi pa ni Troy and he hugged her friend real tight“Thank you Troy! Sigurado ako na magiging masaya na ako ngayon! I lnow Lance will keep his promise!” confident na sagot ni Freeshia sa kaibigan niya“Aba dapat lang! Binalaan ko na si Lance na sasapakin ko siya kapag sinaktan ka pa niya.”Napangiti si Freeshia dahil ramdam na ramdam talaga niya ang malasakit sa kanya ng kaibigan.Wish lang niya, maging positibo din ang pagtanggap ni Herea sa desisyon niya. At hindi naman niya mas
Paalis si Celestine ngayon dahil balak niyang magpa-spa para makabawi siya sa isang linggong pagod at puyat noong nakaburol si Bernard. Pagbaba niya sa hagdan ay nakita niya na nakaupo sa sala ng mansion ang abogado ni Bernard na si Attorney Bejamin Laxamana.Tumayo naman ito pagkakita sa kanya.“Good morning, Mrs. Salviejo!” “Good morning attorney! Anong sa atin?” Tanong ni Celestine habang papalapit siya sa abogado kaya medyo nagtaka pa ito“Hindi ba sinabi ni Ms. Salviejo na ngayon babasahin ang last will and testament ni Bernard?” Kumunot ang noo ni Celestine hanggang sa dinaan niya sa tawa ang lahat.“Ah oo nga pala! Sorry attorney, alam mo naman kamamatay lang ni Bernard kaya medyo lutang pa ako. It slipped my mind actually!” pasisinungaling ni Celestine para pagtakpan ang pagkapahiya niyaTalagang hinahamon siya ni Wilma! Kung noon ay hindi niya pinapatulan ang kamalditahan nito, ngayon lalabanan na niya ito. “Attorney! Good morning!” sabi ng isang tinig mula sa likuran ni
“Galit ka pa ba sa akin?” tanong ni Freeshia kay Herea habang nakaupo sila sa cottage ng isang private beach resort na pinuntahan nila dito sa Bataan na pag-aari ng kaibigan ni LanceAlam ni Freeshia na masama ang loob sa kanya ni Herea dahil nalaman nito na nakipagbalikan na siya kay Lance.Mabuti nga at sumama pa ito sa outing dahil na din siguro sa pakiusap ni Troy.“Alam mo kung ano ang stand ko sa bagay na yan, Freeshia. Pero nasa sayo naman yan!” sabi pa ni Herea habang nakatingin sa dagatNiyakap ni Freeshia ang kaibigan niya ng mahigpit at nandoon ang pag-asa niya na lalambot din ito.“Her, please try to understand! Mahal ko si Lance at nagsisisi naman na siya!” sabi ni Freeshia at narinig niya ang malalim na buntonghininga ni Herea“Fine Freeshia! Alam mo na ang gusto ko lang, maging masaya ka! I just wish hindi ka nagkamali sa desisyon mo.” sabi ni Herea kaya napangiti si FreeshiaAlam niya, unti-unti, magiging okay na din ang kaibigan niya.“C’mon girls, lunch is ready!”
Malungkot na pinagmasdan ni Lance si Freeshia habang natutulog ito matapos niya itong pakalmahin mula sa nangyari kanina sa resthouse.Takot na takot talaga si Freeshia and she was really shaking hard dahil sa mga nakita niya sa kwarto.At dahil nga sa takot niya ay napilitan silang umuwi na ng Maynila dahil ayaw na nitong pumasok sa loob ng resthouse.She was freaking out kaya naman minabuti ng magdecide ni Lance na umuwi na lang sa nakikita niyang takot ni Freeshia.Walang nagawa ang mga kaibigan niya kung hindi ang unawain si Freeshia pero nandoon talaga ang pagtataka nila dahil wala namang nakita si Lance at Troy na mga ahas sa kwarto gaya ng sinasabi ni Freeshia.Nang makita ni Lance na malalim na ang tulog ni Freeshia ay maingat siyang tumayo at lumabas ng kwarto nito. Nandito na sila sa condo unit at dahil sa takot ay nakatulog na si Freeshia habang nakabantay naman sa kanya si Lance.Ayaw pang magpaiwan ni Freeshia kaya naman sinabi ni Lance na hindi siya aalis sa tabi nito k
Hindi matawaran ang saya ni Celestine ng ibalita sa kanya ng kapatid niya ang nangyari kay Freeshia sa resort. Ayon sa kapatid niya, nagtagumpay si Abby na sundan sila Freeshia habang papunta ito sa resort at doon na siya nakakuha ng pagkakataon para gumawa na naman ng gulo.Tuloy, nagmukhang baliw si Freeshia at nasira ang balak nilang bakasyon nila Lance. Kahit papano may nakapag paganda ng mood niya matapos niyang umalis sa mansion ng mga Salviejo. Wala siyang magawa dahil yun ang gusto ni Wilma at dahil hindi naman pala nakarehistro ang kasal nila ni Bernard, masasabing wala naman talaga siyang karapatan sa mga naiwanan nito.Mabuti na lang may iniwan pa rin sa kanya si Bernard kahit hindi man sapat pwede na kaysa wala. Buong akala niya, naka-jacpot na siya pero hindi pa pala. Mabuti nalang may pera ang kapatid niya kaya kahit papano, hindi pa rin siya mahihirapan sa mga plano niya.Suportado siya ng kapatid at sa tingin niya sapat na iyon para maisagawa ang mga plano niya kay
Dalawang araw na ang nakalipas buhat ng makalipat si Freeshia kay Lance at hindi pa naman nasusundan ang prank call sa kanya matapos ang insidente sa resort.Pilit nilalabanan ni Freeshia ang takot lalo pa at naglagay si Lance ng security sa kanya. Hindi muna siya pinayagan ni Lance na magtrabaho kahit pa sinasabi niyang okay na siya dahil gusto nito na makarecover muna siya.Kasalukuyang nasa trabaho si Lance at naiwan si Freeshia sa penthouse. Hindi naman sumama sa paglipat niya si Troy dahil makakagulo lang daw siya sa privacy nila.Nagluluto si Freeshia ng dinner nila ni Lance ng may nag-buzzer. Inisip ni Freeshia na baka ang mga security niya iyon kaya naman agad niyang binuksan ang pinto.Pero hindi ang security ang nakita niya kung hindi ang galit na galit na mukha ng dating biyenan niya, at idagdag pa si Marga.“So totoo pala ang nakarating sa akin na ibinabahay ka na nga ng anak ko!” anito saka dere-deretsong pumasok sa loob ng penthouse“Wala pa po si Lance tita.” mahinahon
Gusto sanang samahan ni Lance si Freeshia sa photoshoot niya para sa isang magazine na magfe-feature ng LDV Residences at siya bilang modelo at brand ambassador na din ng korporasyon ng mga Villavicencio.Hindi lang talaga pumwede si Lance dahil may kailangan itong puntahan sa site ng bagong pinapatayong condominiums niya.Sinabihan pa niya si Freeshia sa i-reschedule na lang ito para masamahan siya pero tumanggi na ang babae lalo pa at nakapagset- up na din ang mga tauhan ni Lance.Kaya naman kahit labag sa kalooban ni Lance ay napilitan siyang payagan si Freeshia matapos niyang bigyan ng instructions si Kelly over the phone, pati na ang security na kinuha nito para kay Freeshia.Hinatid na lang niya ito sa venue at sinalubong naman ni Troy si Freeshia sa labas ng studio.“Keep an eye on Freeshia! Kapag may kahina-hinala, ireport mo agad sa akin!” bilin pa ni Lance sa head ng security“Ako na ang bahala dito!” sabi pa ni Troy kay Lance sabay tapik sa ballikat ng kaibiganUmalis naman
Namangha si Herea nung makarating sila sa mansion ng mga Jennings at doon palang, masasabi na niya na mayaman talaga ang lolo niya. Well, ayaw naman niyang ipasok ang mga nakikita niya sa kanyang sistema dahil hindi naman siya isang tunay na Jennings. Maaring tinanggap niya ang pagtira dito pero magtatrabaho siya sa kumpanya para naman makabawi siya sa kabutihan sa kanya ng matanda.Malugod siyang ipinakilala ng kanyang lolo sa mga nakahilerang kasambahay sa mansion. “Siya ang senyorita Herea ninyo! Kaisa-isang apo ko siya at kung ano man ang ibinibigay ninyong respeto at pagsisilbi sa akin ay ganun din sana ang gawin ninyo sa kanya.”“Magandang araw po, senyorita! Maligayang pagdating po. Ako po si Pilar, ang mayordoma dito at kung may kailangan po kayo, huwag kayong majiyang mag-utos sa amin!” magalang sa sabi nito “Maraming salamat po!” ani Herea at sa totoo lang, hindi na nga yata siya sanay na tinatawag siyang senyorita o ma’am. Palibhasa, limang taon siya sa kulungan at hind
Labis ang saya ni Stanley nung pagmulat ng mata niya ay nandoon ang kanyang apo na si Herea. Siya na lang ang natitirang alaala ni Maristela at gusto niyang makasama ito lalo pa at matanda na din siya.“Gusto na po ba ninyong kumain?” tanong sa kanya ni Herea at nung tumango siya ay sinimulan na siyang pakainin nito“Masaya ako at nagbago ang isip mo, apo! Sana huwag ka ng aalis sa tabi ko.” sabi nito sa kanyaTumango lang si Herea at ipinagpatuloy nito ang pagpapakain sa kanya.“Kamag-anak niyo po ba si Adam?” naisipan niyang itanong lalo na at nakikita niya na malapit siya dito“Parang anak na ang turing ko sa batang yan! Abogado ko ang kanyang ama at nagtatrabaho naman siya sa kumpanya. Mapagkakatiwalaan si Adam at sa palagay ko, magkakasundo kayo!” sabi pa nito kay Herea“Parang hindi din!” sagot niya saka siya tumayo pa dalhin sa mesa ang plato “Hindi pa lang kasi kayo nagkakakilala, apo! Mabait na bata si Adam! Seryoso lang siyang masyado minsan!” paliwanag sa kanya ng matanda
Panay ang lakad ni Adam sa pasilyo ng ospital kung saan isinugod si Stanley Jennings matapos sumama ang pakiramdam nito.Nakaupo lang naman si Herea na takot na takot naman sa maaring mangyari sa matandang nagpakilalang lolo niya.Nagdarasal siya na sana ay walang mangyaring masama dito sa dahil alam niya na siya ang sisisihin ni Adam.Napaangat ang ulo niya nung marinig niya ang pagbukas ng Emergency Room at mula doon ay lumabas ang doktor na agad nilapitan ni Adam.“How is he?” “He is fine! Nothing to worry about but please, iwasan na sana ang stress because the next attack might be fatal for him lalo at may edad na si Stanley!” narinig ni Herea na sabi ng doktor kaya kahit papano, nakahinga siya ng maluwag“Thanks tito!” sabi ni Adam nung magpaalam na ang doktor at sabihing nasa private suite ng matanda Sinabi na din nito kay Adam na hayaan muna ito na maconfine overnight for monitoring.Napapitlag si Herea nung magsalita si Adam at halata ang galit sa tinig nito.“Magpasalamat k
BOOK 3HEREA’S REDEMPTIONNapahinga ng malalim si Herea nung tuluyan ng tumuntong ang paa niya sa labas ng correctional kung saan siya nakulong.Sa loob ng limang taon, nanatiling tahimik ang buhay niya habang pinagdurusahan ang sintensya niya. At dahil sa ipinakita niyang pagbabago sa loob ay nabigyan siya ng parole ng Pangulo ng bansa kaya naman bumaba ang sintensya niya at ngayon nga ay tuluyan siyang nakalaya.Naputol ang pagmumuni-muni niya nung may kotseng huminto sa harap niya. Nahawakan pa niya ng mahigpit ang bag niya habang pilit sinisilip ang taong nasa loobb ng sasakyan.Mula sa kotse ay bumaba ang isang lalake na nakasuot ng tuxedo. His hair neatly brushed up at nakasuot din ito ng shades. “Herea Sevilla?” tanong nito kay Herea kaya naman nagtaka pa siya kung sino ito“Ako nga! Sino ka?” balik tanong niya din dito“Adam Policarpio! Anak ako ng abogado mo and he instructed me to pick you up dahil may meeting pa siya.” sagot naman nito pero nagdalawang-isip pa siya“Oo
Ngayon na ang araw na pinakahihintay ni Troy dahil matapos ang ilang buwang paghihintay, ikakasal na sila ni Isa, ang babaeng nagpabago sa buhay niya.Sa resort siya natulog noong gabing nagdaan at dito na din siya manggagaling papunta sa simbahan for their wedding.Nakahanda na din ang resort dahil pinili ni Isa na dito na lang gawin ang reception lalo at malalapit na kaibigan lang nila ang imbitado sa kasal.Nagpadala si Isa ng invitation sa kanyang mga pamilya last month pero nabalitaan na lang niya na umalis daw ang mga ito, one week before the wedding.At masakit iyon para sa kanya dahil ibig sabihin, hindi pa rin siya napapatawa ng mga ito.Nakalipat na din sila sa bahay na pinagawa ni Troy at maganda naman ang naging ayos nito lalo at katuwang ni Isa si Freeshia.Naging close ni Isa si Freeshia at si Mint dahil talaga namang mababait sila pati na din ang mga asawa nito.And of course, kasama sa wedding entourage ang mga ito.“Tara na bro! Nakakahiya namang mauna pa si Isa sa s
Kinabukasan after their lunch ay dumating naman ang yaya na nirequest ni Troy sa isang kilalang agency dito sa Cebu. Mukha naman itong mabait at magiliw din sa bata kaya naman nakasundo agad ito ni Basty. Taga-Cebu din siya at bente-tres anyos na din ito.“Dati ka na bang nag-alaga ng bata?” tanong ni Isa kay Lily habang hinihintay nito si Troy“Opo Ma’am! Dalawang taon din po akong naging Yaya kaso po umalis na sila dito.” kwento naman ni Lily“Hindi naman mahirap alagaan si Basty, Lily! Yun nga lang, medyo malikot na siya ngayon! Gusto niya lakad ng lakad!” masayang sabi ni Isa habang nakatingin kay Basty na naglalaro sa carpeted na sahig“Talagang ganun po basta ganyang edad, Ma’am! Pero mukha naman nga pong mabait si Basty at mukhang magkakasundo po kami!” pahayag naman ni LilyNakita niya na palabas na si Troy sa kwarto kaya naman tumayo na asiya at nagpaalam sa kanyang anak.“Basty, mommy and Daddy is going out okay! You behave while you are with Yaya!” sabi niya sa kanyang ana
“So paano ba yan, Cassie? Maiiwan ka na ba talaga dito?” tanong ni Marge dito nung makarating sila sa resort para ihatid si BastyAlam na nila na nakakaalala na ang kanilang kaibigan at dahil nadakip na si Mayor Arthur ay tila alam na nila ang susunod na mangyayari.“Nag-usap na kami ni Troy, Marge! Gusto ko namang mabuo ang pamilya ko at maranasan ni Basty na magkaroon ng ama!” pahayag ni Isa“Well, kung yan ang gusto mo, igagalang namin yan. Just always take care of yourself okay! At kung may kailangan kayo, huwag kang magalinlangang tumawag sa amin!” sagot naman ni Greg na noon ay kausap naman si Troy“Thank you for everything! Sa pagliligtas ninyo sa amin and of course sa pagbabantay kay Isa!” ani Troy sa mga kasamahan ni Isa“Oo naman! Parte ng grupo si Cassie kaya kailangan naming gawin yun! Nakakalungkot nga lang kasi mawawalan na kami ng magaling at matinik na tauhan.” ani Greg sa kanya“Noon ko pa naman gusto na magbagong buhay na, Greg! At si Carlitos nga ang huling misyon k
Kinalagan agad ng mga pulis na dumating si Troy at yung iba naman ay hinuli at pinosasan si Mayor Arthur pati na ang ibang tauhan na nadis-armahan ni Amethyst mula sa taas.Hindi na sila nakita ni Isa kaya alam niya na nakalayo na ang mga ito bago pa man dumating ang mga pulis.“Pakawalan niyo ako! AKo ang Mayor ng bayan na ito! Bakit ninyo ako hinuhuli?” pagmamatigas pa ni Mayor Arthur pero hindi naman nagpatinag ang mga pulis na dumadakip sa kanyaBinasahan siya ng kanyang mga karapatan bago siya tuluyang ilabas sa kwartong iyon pero panay pa rin ang pagsigaw niya.“Hindi ninyo ako maikukulong! Ako ang Mayor ng bayan na ito!” “Mayor, malakas ang ebidensiya namin sa iyo for kidnapping and attempted murder! Kung inosente ka talaga, patunayan mo yan sa korte!” sabi ng isang pulis kaya naman lalong nagwala si MayorSunod namang pumasok ang mga rescue team at agad nilang inalalayan si Troy para i-check ang mga natamong sugat nito at ganun din kay Isa. Isinakay sila sa ambulansya at a
Hinalikan ni Isa si Basty ng matagal at mariin kasabay ng pagtulo ng kanyang luha. Hindi niya tiyak ang mangyayari pero nandoon ang pag-asa na maliligtas niya si Troy.Nangyari na nga ang kinatatakutan nila at hindi nila akalain ang mabilis na pagkilos ni Mayor Arthur para makuha siya.At iyon ay gamitin nga si Troy para lumitaw si Isa.“Anong plano?” tanong ni Amethyst kay Greg na ngayon ay inaayos na ang kanyang mga sandata“Maiiwan kayo dito ni Marge. Kami na ni Jazz ang kikilos!” sabi ni Greg pero hindi pumayag si Amethyst“Sasama ako! Hindi pwedeng kayong dalawa lang ang kikilos! Tandaan ninyo, may amnesia si Cassie at baka pati ang pakikipaglaban ay nakalimutan na niya!” ani Amethyst Nagkatinginan naman ang dalawang lalake at mukhang naisip nila na may punto si Amethyst.Kakailanganin nila ng pwersa lalo at marami tiyak tauhan si Mayor.“Sinend na ni Mayor ang location!” sabi ni Isa kaya agad namang tinignan ni Greg ang locationMamayang gabi, alas diyes, kailangang magpunta ni