Patakbong lumabas si Sabrina mula sa opisina ni Adrian. Naiwan naman ang binata na naisuklay ang mga daliri sa sariling buhok bago muling hinarap ang gawain sa computer. Walang tiyak na pupuntahan si Sabrina pagkalabas ng opisina ni Adrian. Bumaba siya sa ground na mabilis ang lakad. Walang pakialam sa paligid habang dinama ang labing nasaktan dahil sa mga mapagparusang halik ni Adrian. Nakaramdam siya ng hapdi sa ibabang labi kaya hinaplos niya ito. Nang tiningnan ang daliri ay may kaunting dugo na kumapit dito. Lalong sumidhi ang paghihimagsik ng kanyang kalooban laban kay Adrian. Ganon na ba siya kababa dito para wala na siyang pakialam sa kanyang damdamin? Muli siyang naglakad ng mabilis, nakalimutang basa ang lupa dahil sa pag-ulan nang nakaraang ilang oras. Paliko na siya nang madulas sa damuhan. Hindi napansin ang nilulumot na bahagi ng daanan kaya madulas. Bumagsak ang kanyang puwetan sa damuhan at napuno ng putik ang kanyang suot na pants. Agd tumayo si Sabrina at napalingon
“Ganyan ka na lang ba ka desperada o kababaw, Sabrina? Paano kung wala itong mesa? Anong gagawin mo? Paano kung ibang tao kagaya ng pumasok kanina?” Agad na binanatan ni Adrian ng sermon si Sabrina. “Oh, bakit? Kasalanan ko na naman? Una, pumasok ka dito na hindi man lang kumatok. Pangalawa, malay ko ba na pupunta ‘yon dito. Pangatlo, basa ang pantalon ko, kasalanan ko rin ba kung bakit nadulas ako, eh nilulumot ‘yung lupa at hindi ko napansin kaya ako nadulas.” Nanggigigil na tugon ni Sabrina. Taas-baba ang dibdib nito sa bilis ng kanyang pagpapaliwanag kay Adrian kahit alam niyang walang halaga para rito ang lahat ng kanyang paliwanag. Napangisi si Adrian. “Talaga ba? So, kasalanan ko na hindi ka nag-lock ng pinto? Kasalanan ko na hindi ko alam na nandito ka? Nandito ka sa opisina ni Alex; isang lalaki tapos ganyan ang ayos mo?” Angil muli ni Adrian kay Sabrina. “So, what if hinintay talaga kita dito?” Muling tugon ni Sabrina at lumapit kay Adrian sabay lingkis ng isang binti sa
Pabagsak na nahiga si Sabrina sa kanyang kama nang marating ang kanyang silid. Buong araw siyang nasa ospital dahil nadulas sa hagdan si Aling Milagros at kinailangan ng agarang lunas. Walang bakanteng kama sa silid kung saan naroroon si Mang Arnulfo kaya sa ward muna inilagay si Aling Milagros. Sabrina was so exhausted running up and down to look after her parents in turns. Wala siyang maayos na tulog at iniyak na lamang ang sobrang pagod at isiping paubos na ang gamot ng kanyang ama. Hindi na niya alam ang gagawin para muling makakuha ng gamot. Si Adrian lamang ang tanging pag-asa para matugunan ang pangangailangan ng ama sa gamot. Kinuha niya ang mobile phone at nag-send ng mensahe kay Adrian. Pero biglang nalaglag ang kanyang balikat nang hindi na niya magawang mag-send ng message dahil naka-block na siya sa binata. “Alex?” Tugon niya nang sa gitna ng hindi matawarang pag-iisip kung paanong makakuhang muli ng gamot kay Adrian nang tumawag ang kaibigan. “Ready ka na ba para
“Ano ba kasing nangyari?” Muling usisa ni Alex nang sila na lamang dalawa ni Sabrina. Dinala niya si Sabrina sa isang bahagi ng garden, may kaunting layo mula sa main venue. “Ewan ko sa babaeng, ‘yon!” “Iwasan mo na lamang siya at magtrabaho na tayo,” saad ni Alex. “Siya naman itong lumapit, eh. Tapos nagdrama na naman at pinaniwalaan na naman ng kababata niyang walang bayag,” tugon ni Sabrina. May halong inis at galit sa kanyang boses. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung maliban sa mga iniiwasan niyang tao ang nandoon, binastos pa siya ng mga ito pero tila siya pa ang may kasalanan base sa mga tingin ng mga ito. Hindi man nagsalita kanina ang iba, pero dahil sa kabilang sa sosyudad nila sina Pia at Seth, syempre sa kanila kakampi ang mga ito. “Nandito rin pala si Adrian. Nakita mo ba ang mga tingin niya sa ‘yo?” Untag ni Alex na bitbit ang mga gamit nila sa kanilang trabaho bilang photographer nang gabing ‘yon. Hayaan mo sila, gawin na lang natin ang ating trabaho ng m
“He is so fast!”Biglang dumilim ang mukha ni Adrian na nakakubli sa likod ng mayayabong na halaman sa kabila lamang kung saan nakaupo sina Sabrina at Alex. Patapos na ang event kaya hindi na gaanong maingay ang tugtugan kaya dinig na dinig niya ang usapan ng dalawa. “What do you mean by ‘he is so fast’?“Basta mabilis. . .kaya parang ang useless.”“Useless? Gwapo siya, matangkad, may trabaho, paanong naging useless?” Magkasalubong ang kilay na tanong ni Alex kay Sabrina. Natahimik saglit si Sabrina nang inulit ni Alex ang kanyang sinabi. That’s not what she meant, baka iba ang pagkakaunawa ng kaibigan niya. “I mean, mabilis sa kama.” Napahagikhik pang wika ni Sabrina. Si Adrian naman sa oras na ‘yon ay umalis na sa pinagkukublihan kaya hindi na narinig ang mga huling sinabi ng dalaga. Ayaw niyang dumalo sa mga ganoong okasyon pero dahil kabilang siya sa sirkulasyon ng mga alta, kinakailangan niyang dumalo. Pagkatapos ng program para sa debutante at ilang serve ng alak, naisipan n
Itinapon ni Sabrina sa damuhan ang coat ni Seth na ipinasuot sa kanya ng binata pagkatapos marinig ang sinabi ni Adrian. Itinaas ang kilay at kumindat pa kay Adrian pagkatapos ng ginawa. “Gusto mo itong coat mo ang isusuot ko?” Wika ni Sabrina sabay pinagapang ang mga kamay sa collar ng suot na coat ni Adrian at umaktong huhubarin ito. Sa isip ni Adrian, may taglay na ibang charisma si Sabrina sa mga lalaki. Hindi ito sobrang ganda, average lang ang ganda nito. May kakaiba lang talaga sa dalaga para magustuhan ng mga lalaki kagaya ng kaibigan niyang si Seth. Nanatili lamang nakatitig si Adrian kay Sabrina. Sa isip niya, ang lakas ng loob ni Sabrina para siluin ang sinumang lalaki na magustuhan niya. Kagaya niyang kahit alam nitong kaibigan siya ng kanyang nobyong si Seth. Mula sa malamlam na liwanag na nagmumula sa ilaw ng pinakamalapit na poste, kita ni Sabrina ang walang ekspresyong mukha ni Adrian. Bahagya siyang nasaktan sa pambabalewala ng binata pero dahil wala naman silang
Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng huling pagkikita nina Sabrina at Adrian, hindi na muli pang nagkita o nagkausap pa ang dalawa dahil naka-block pa rin ito sa social media ng binata. Sabrina was resting in her bedroom when she received a message from the hospital. “Miss Altamirano, your father’s condition is deteriorating. Kung hindi ito maagapan, I’m sorry to say pero wala na kaming magagawa. You know this—” Walang paalam na ini-OFF ni Sabrina ang telepono at dali-daling inayos ang sarili para pumunta ng hospital. Puno ng kaba at mangiyak-ngiyak siyang bumaba ng taxi pagdating ng hospital. Muntik na niyang makalimutang ibigay ang pamasahe sa sobrang pagmamadali. Pagkatapos itong iabot sa driver ay lakad-takbo siyang pumasok ng hospital deretso sa intersive care unit kung saan naroroon si Mang Arnulfo. Pagliko niya sa pasilyo patungong ICU, nakita niyang lumabas ang isang attendant nurse bitbit ang ilang aparatu sa kamay nito. Lalo siyang binundol ng kaba at binilisan ang pag
Si Mang Arnulfo ay isang mabuting ama. A provider of their family. Responsableng ama para kay Sabrina. Ginawa nito ang lahat para pag-aralin si Sabrina sa kabila ng hirap ng kanilang buhay. Gusto ni Sabrina noon na mag-working student para mabawasan man lang ang paghihirap ng mga magulang pero si Mang Arnulfo ang tumanggi. Ayon sa kanya, obligasyon ng mga magulang ang bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Prinsesa ang turing ng ama kay Sabrina kaya bilang ganti sa mga magulang ay nagsumikap siyang makatapos ng pag-aaral. Si Mang Arnulfo rin ang nagregalo sa kanya ng camera na siyang ginagamit niya sa trabaho. Naglalakad sa pasilyo ng hospital si Sabrina nang biglang may humila sa kanya–ang nurse na nag-aasikaso sa mga magulang. “Sabrina, nalaman ng tatay mo na mahal ang gamot kaya may time na ayaw niya itong inumin at nito lang, dinamihan niya ng inom para raw gumaling siya kaagad. Ayaw niya raw na mahihirapan ka sa pagtatrabaho para bilhin ang napakamahal na gamot na ‘yo
Walang nagawa si Sabrina kundi sumunod kay Adrian. Ni hindi na niya nagawa pang magpaalam ng maayos kay Mara. kumaway na lamang siya sa estudyante na tila nabigla rin sa mabilis nilang pag-alis.Sa sasakyan walang imik si Adrian kaya tiningnan ito ng maigi ni Sabrina. Wala naman siyang nakitang bakas ng galit sa mukha nito kaya naisip niyang baka pagod lang ito.“Sobrang gwapo ko ba para titigan mo ako ng ganyan?” nangingiting wika ni Adrian habang nagmamaneho. Nakikita nito sa sulok ng kanyang mata kung paano siya titigan ng dalaga.Hindi sumagot ang dalaga kaya muling nagsalita si Adrian. “Ganito lang talaga ako kapag pagod. Tinatamad ako pati magsalita.”“Seryoso?”“Mukha ba akong nagbibiro?”Hindi na nagsalita pa si Sabrina hanggang makarating sila sa tirahan ni Adrian. Pagpasok sa unit ng binata ay agad itong dumiretso ng banyo para maligo. Naghihintay naman si Sabrina sa labas para maligo rin.“Ikaw na!” tinawag ni Adrian si Sabrina para sabihang siya na ang maligo.“Salamat.”
Hindi malaman ni Sabrina kung ano ang maramdaman nang sabihin ni Adrian na lagi siya nitong nakikita noon. Sinungaling siya kung hindi niya aamining kinilig siya sa mga oras na iyon. Knowing that Adrian was so annoyed with her presence, but he did notice her before.“So, binabantayan mo ako?” nangingiting tanong ni Sabrina.“Mmnn, not really? Baka ikaw ang nagbabantay sa ‘kin kasi nga crush mo ako noon, ‘di ba?” tugon ng binata. Napabaling si Sabrina dito at tiningnan ang ekspresyon ng binata kung seryoso ito sa sinabi. Nang makitang hindi ito seryoso saka siya muling nagsalita.“Hindi no. tambayan ko lang talaga ‘yang puno kasi tahimik doon at walang gaanong mga estudyante na pumupunta,” pagsalaysay ni Sabrina ng rason kung bakit naging tambayan niya ang puno ng Banaba noon.“I see. Of course, nakikita mo rin ako roon palagi.”Mabilis na tiningnan ni Sabrina si Adrian at inirapan. Narinig niya kasing tumawa ito nang bahagya pagkatapos magsalita. “Nang-aasar ka ba?” nakanguso na niya
“Wow!”Namangha si Sabrina nang makita ang puno na noo’y naging karamay niya sa halos lahat ng pagkakataon. Isa itong puno ng Banaba na tawag ng iba ay cherry blossoms ng bansa oras na ito ay mamulaklak. May health benefits din ito kaya inalagaan ito ng paaralan. Hindi akalain ni Sabrina na magpahanggang sa oras na iyon ay nandoon pa rin ang puno. “Isa itong puno sa napagdesisyunan ng pamunuan ng paaralan na huwag putulin. Nagkataon lang na Sabado ngayon kaya walang maraming tao o estudyante rito. Kapag raw weekdays, maraming estudyante ang tumatambay rito para magpakuha ng picture. “Kaya ba binakuran ang puno nito para walang makalapit masyado?” tanong ni Sabrina. May hanggang hitang taas na bakod na kasi ang nakapalibot sa puno pero hindi iyong nakasira sa ganda nito. Pinasadya rin yata na lagyan ito ng isang bench para sa mga gustong magpakuha ng larawan. Dahil sa naisip ay kinuha ni Sabrina ang camera at kinuhanan ng larawan ang puno sa iba’t-ibang anggulo.“Gusto mong kuhanan d
Kinabukasan, maagang ginising ni Adriian si Sabrina. Nilalaro nito ang tungki ng ilong ng dalaga gamit ang ilang hibla ng buhok nito habang ang isang kamay ay sa ilalim ng ulo ng dalaga na nagsilbing unan nito. “Mmmnn.” pinalis ni Sabrina ang nagdulot ng kati sa tungki ng kanyang ilong at tumagilid para bumalik ng tulog. Inaantok pa rin siya dahil sa malalim na ang gabi sila nakatulog dahil dalawang beses muna siyang inangkin ni Adrian.“Gising na!” muling ginising ni Adrian si Sabrina. This time niyugyog na niya sa balikat ang dalaga.“Maaga pa,” reklamo nitong nakapikit pa ang mga mata.“May pupuntahan tayo,” muling saad ni Adrian na pilit ibinabangon ang dalaga gamit ang braso niyang nasa ilalim ng ulo nito.“Pero maaga pa nga.”“Alam ko pero dahil babiyahe pa tayo mamaya kaya kailangan nating agahan ang pagpunta roon,” tugon ni Adrian. Siniguro nitong hindi na siya mulimg babalik sa pagtulog kaya inalisan siya nito ng kumot at hinila pababa ng kama.“Sige, bababa na! Huwag mo na
Pagkatapos makatanggap ng rejection kay Adrian, pinilit ni Sabrina ang sarili na kalimutan ang nararamdaman para sa binata. Iniisip na baka kapag matured na siya ay makakalimutan niya ito at maaring mabaling sa iba ang kanyang atensyon. Nang bumalik nga siya galing ng ibang bansa pagkatapos niyang magtapos sa kolehiyo ay muling nagkasalubong ang landas nila ni Seth. isa ito sa kanyang mga kababata at dating magkakaibigan ang kanilang mga magulang kaya madali lang silang nagkapalagayang loob. Wala rin naman siyang masabi noon laban kay Seth hanggang sa dumating nga sa gitna ng relasyon nila si Pia.“Bakit hindi ka na makagalaw diyan? Dumidilim na, oh.” Napapiksi si Sabrina nang marinig ang boses ni Adrian. Saglit siyang nawala sa kasalukuyan dahil sa mga alaala ng nakaraan.“Huh?!” “Are you okay, Sabrina?” tanong ni Adrian na may pag-alala.Hindi naman inaasahan ni Sabrina ang naging reaksyon ng binata. Naikurap niya ang mga mata ng ilang beses para siguraduhing hindi siya nananaginip
Pakiramdam ni Sabrina, namanhid ang kanyang katawan ng sarkastikong tanong na iyon ni Adrian uminit ang kanyang mukha sa hiyang naramdaman. Naririnig niya ang tawanan sa paligid pero pakiramdam niya blangko ang kanyang isip ng ilang saglit. Nang mahimasmasana ay itinulak niya si Adrian. “Bata pa ako noon ay hindi alam kung ano ang nararapat. Kagaya ng ibang kabataan ay dumaan rin sa ganoong sitwasyon. Nakalipas na iyon kaya huwag mo ng isipin, Adrian,” seryoso niyang wika dito.Tumango naman si Adrian na sumang-ayon sa kanya. “Mas mabuti kung ganon.”Naging awkward ang paligid dahil sa nnagyari pagkatapos silang tudyuhin ng mga kaibigan. Nakaramdama ng pagkaasiwa ang mga naroroon pero hinayaan na nila at nagpatuloy sa kwentuhan sa iba pa nilang mga kaibigan.Pagkatapos nag pagtitipon ay sinamahan ni Sabrina si Fate na magligpit ng mga natanggap na regalo at iba pang gamit nto. “Alam mo Sabrina, gusto ko talagang maging kayo ni Mr. Reyes. Bagay kayo at kung kayo ang magkatuluyan, sig
Natapos ang seremonya at nagiging abala na ang bagong kasal sa pagharap sa kanilang mga bisita. Sina Adrian and Sabrina naman ay umaalalay sa bride and groom bilang maid of honor and bestman ng mga ikinasal. Silang dalawa ang tagabigay ng mga giveaways ng mga ikinasal para sa mga bisita bilang token sa pagdalo sa kanilang kasal.Hindi nagtagal at isa-isang nagpaalam ang mga bisita kaya sila na lamang na mga abay sa kasal ang naiwan at iilang mga kakilala at kamag-anak na ayaw pang magsiuwi dahil nasa malapit lang naman ang sa kanila. “Guys, alam kong hindi kayo nakakain ng maayos kanina kaya nagpahanda ako ng pagsaluhan natin,” malakas na wika ni Fate nang bumalik ito pagkatapos nilang magbihis na mag-asawa. Agad nitong tinawag ang mga waiter para ipasok ang ipinahanda niyang pagkain at inumin para sa kanila. Pahapyaw na sinuyod ni Sabrina ng tingin ang lahat at halos ang mga naroroon ay mga kaklase nila noong high school. May iilan na hindi familiar sa kanya. Naiisp niya baka kaklas
Kagaya ng sabi ng doktor, hindi na nag-alala pa si Sabrina ng kanyang nararamdaman. Psychological ‘ika nga. Iniisip niya ito ng sobra kaya siya nauunahan ng takot kapag nasa dilim. Umpisahan na niyang iwaglit sa isipan ang takot para mawala ang kanyang nararamdaman. Sabi nga ng doktor, malaki ang maitulong niya sa sarili para makawala sa phobia.Palabas na siya ng clinic nang makatanggap ng magkasunod na message. Auto-messages na galing sa bangko na nagsasabing nakatanggap siya ng magkahiwalay na halaga ng pera. Buong 3000,000.00 galing kay Adrian at ang 20,000.00 ay galing naman kay Kevin. “Hi, Sabrina. Maraming salamat nga pala sa concept natin at sa maganda mong kuha. Nanalo po ako and I’ve sent you the full payment for it.”Kasunod ng dalawang naunang messages ay may message ulit siyang natanggap at mula ito kay Kevin. Nagpasalamat ito sa ginawa nilang photoshoot kinaumagahan mula napag-usapan nila ang concept nito.“No worries, Kevin. It’s my job to do it so I can get more clien
“Sabrina!” Mabilis na nilapitan ni Adrian si Sabrina gamit ang muntik liwanag na nagmumula sa kanyang mobile phone. Tila nanigas ang dalaga sa kinatayuan na hindi man lang gumalaw kahit bahagya lamang. Hinawakan ito ni Adrian kaya ramdam niyang nanginginig ito sa takot. “Takot ka ba sa dilim?” Isinandal niya ito sa kanyang dibdib pero wala pa ring tugon mula dito. Pinailawan niya ang mukha nito kaya kitang-kita niya ang pamumutla ng dalaga. Wala ng magawa si Adrian kung hindi buhatin ito at inihiga sa kama. Tulala itong nakatitig sa kisame na mukhang takot na takot.Nang hindi pa rin tumutugon si Sabrina ay inalalayan niya itong makabangon. Umupo na rin siya sa tabi nito at tinapik-tapik ito sa likod sa takot na baka kung anong mangyari sa dalaga sa pamamahay niya.“Sabrina, huwag kang matakot. Nandito ako. Hindi kita iiwan.” pang-aalo ni Adrian kay Sabrina.Illang minuto lang ay dahan-dahan itong gumalaw at diretsong tumingin sa kanya. Siya ring pagbalik ng kuryente at agad kumala