共有

Chapter 111: Determinado

作者: rainheart
last update 公開日: 2025-07-14 03:10:49

Kinakabahan si Sabrina sa pakikipagharap kay Mr. Black pero sinisikap niyang mawala ito alang-alang sa kapatid niya. Mas pinangibabaw niya ang determinasyong makita ito para naman hindi masayang ang kanyang pagpunta sa lupang banyaga. Marami na siyang pinagdaanan at ayaw niyang umuwing bigo sa paghahanap dito.

Matagal na ang panahong lumipas mula nang malugi ang kanilang negosyo at matanggal sa listahan ng mga elites pero may katiting pa namang naalala at natutunan si Sabrina sa pakikihalo mul
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 114: Totohanan na!

    Nanghihinayang man sa pagkakataon, nakapagdesisyon si Sabrina na sumabay na lamang nang uwi kay Adrian. Nararamdaman niyang tila walang balak magpakita ang kapatid sa kanya kaya nagdesisyon siyang umuwi dahil sa pag-aalala na rin sa mga magulang. Hindi pa tuluyang magaling ang amang si Arnulfo kaya kailangan pa rin niya ang tulong sa pag-aaruga dito. “Sasabay na ako sa pag-uwi.” Wika niya kay Adrian habang binabaybay nila ang daan pabalik sa hotel kung saan sila nanunuluyan. “Are you giving up to find your brother?” “I am not, but I needed to go home. Isa pa, naka-schedule na rin naman ang flight natin pabalik bukas at ilang araw na lang ay mag-expire na ang aking visa,” tugon niya. Hindi inaalis ang tingin sa daan. “Ikaw ang bahala.”Binalot sila ng katahimikan pagkatapos ng maikling usapan hanggang makarating sila sa hotel. Dala ng pagod ay pabagsak ng higa si Sabrina sa kama at tumingin sa kisame. Hindi niya mawari ang nararamdaman. May bahagi ng kanyang katawan na parang ayaw

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 113: Bigo

    Kinabukasan, nakatanggap ng mensahe si Adrian mula kay Mr. Black. Nakasaad sa mensahe nito ang address kung saan dating nakatira ang kapatid ni Sabrina. Ayon pa dito, ito lamang ang kanyang maitutulong dahil ito lamang ang impormasyong kanyang nakalap. Hindi niya alam kung doon pa ito nakatira sa address na ibinigay sa kanya.“Pupuntahan natin bukas nang maaga. May gagawin pa ako,” wika ni Adrian pagkatapos ibigay kay Sabrina ang address kung saan nakatira ang kanyang kapatid ayon sa informant ni Mr. Black. “Walang problema sa ‘kin. May pupuntahan lang din ako saglit mamaya habang busy ka sa gagawin mo.”Kagaya nang napag-usapan nila, umalis si Sabrina para bumalik sa mall kung saan sila nakakuha ng isusuot niya sa forum na dinaluhan niya kasama si Adrian. Pagdating sa mall, agad siyang dumiretso sa shop. Sinalubong agad siya ng tindera na nakaharap nila nang nagdaang araw. Tila natatandaan siya nito. “What can I do for you, Ma’am?” Maaliwalas ang mukhang tanong nito sa kanya. “Uh

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 112: Nagseselos

    “Adrian?!”Hinabol ni Sabrina si Adrian na mabilis naglakad palabas ng bulwagan. May mga bisitang nakaharang sa kanyang daraan pero mabilis naman niya naiwasan ito. Pagdating sa labas ay agad niyakap ni Sabrina si Adrian mula sa likuran nang maabutan niya itong nakatayo sa harapan.“Adrian, huwag ka ng magalit. Hayaan mo muna akong magpaliwanag,” pakiusap ni Sabrina sa binata at niyakap lalo ito nang mahigpit.“Bitiwan mo ako Sabrina.” Madiin nitong wika. “Wala ka na bang natitirang pagpapahalaga sa pagkababae?”“Adrian, please don’t get me wrong.” May mga dumadaan ng mga tao kaya nag-alala si Adrian na baka maintriga sila dahil ang alam nilang lahat ay wala siyang kasintahan at mailap siya sa mga babae. Baka maging tampulan pa sila ng tsismis. Dinala ni Adrian si Sabrina sa isang maliit na garden sa bandang gilid ng gusali kung saan idinadaos ang okasyon. Madalang ang tao roon kaya makakapag-usap sila ng maayos at walang inaalala si Adrian na maaring may makakita sa kanila at pagm

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 111: Determinado

    Kinakabahan si Sabrina sa pakikipagharap kay Mr. Black pero sinisikap niyang mawala ito alang-alang sa kapatid niya. Mas pinangibabaw niya ang determinasyong makita ito para naman hindi masayang ang kanyang pagpunta sa lupang banyaga. Marami na siyang pinagdaanan at ayaw niyang umuwing bigo sa paghahanap dito. Matagal na ang panahong lumipas mula nang malugi ang kanilang negosyo at matanggal sa listahan ng mga elites pero may katiting pa namang naalala at natutunan si Sabrina sa pakikihalo muli sa mga ito kagaya nitong magarang salo-salo pagkatapos ng pormal na pagbibigay-pugay sa mga awardees. “Ayon si Mr. Black, ikaw na ang bahala dumiskarte kung paano mo siya malapitan at makuha ang iyong pakay,” pabulong na sabi ni Adrian kay Sabrina. Pareho silang nakaupo sa bar stools sa isang sulok ng bulwagan. “Kinakabahan ako pero kakayanin ko.” “Do it like how you did it to me before.” Hindi tumitingin kay Sabrina na nagwika ang binata. “Is it necessary to remind me what I did before?”

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 110: Ang paghahanda

    Kinabukasan, maagang nagising sina Adrian at Sabrina para magpaalam sa mga kasamahan nilang mauunang uuwi. Naiintindihan naman ng mga ito kung bakit maiwan si Sabrina at nakisimpatya sa nangyari sa kanya at nagbigay ng suporta at panalangin na sana matagpuan niya ang kanyang kapatid. “So, you’re going home with Prof. Reyes?” Tanong ni Bernard nang mapagsolo sila ni Sabrina sa isang tabi habang abala pa ang iba sa pag-checkout. “Yes! Pakisabi kay Alex na wala akong pasalubong. Alam naman niya ang nangyari sa akin,” tugon ni Sabrina. “Huwag mag-alala si Alex pa ba kukulangin ng pag-unawa sa ‘yo?” Mahinang napatawa si Sabrina. Totoo nga naman ang sinabi nito tungkol sa kanyang kaibigan. Si Alex na yata ang kaibigang hindi niya kayang ipagpalit o mawala. Mula nang magkakilala silang dalawa, ni minsan hindi sila nag-away na ikakasira ng kanilang samahan. Nagtatalo sila sa ibang bagay pero naayos din naman kaagad lalo na kung tungkol sa kanyang lovelife. “Oh, Bernard. Tapos ka na ba?”

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 109: Shopping

    “Ayaw mo ng bag mo?”Magkasalubong ang kilay na tanong ni Adrian kay Sabrina. Kahit ang mga pulis na naghatid ng kanyang bag ay napailing na lamang.“I mean, huwag mo na akong bayaran kasi hindi naman ikaw ang dahilan kaya nawala ang mga ‘yon. Ang unfair naman na ikaw ang mag-compensate sa mga bagay na hindi mo naman kinuha.” paliwanag ni Sabrina.“Just take it as a gift.”“Adrian, huwag na. If this happens for a reason, then let it be. Okay lang kung hindi ko mahanap ang kapatid ko,” tugon ni Sabrina na nanghihinayang sa perang nawala sa kanya“Speaking of your brother, may dadaluhan akong forum at pwede kitang isama roon.”Sasagot na sana si Sabrina nang muling lumapit ang dalawang pulis para magpaalam na sa kanila.“Are eveything fine now, Sir?”“Yes, Sir! Thank you so much for your help.”“No worries, Sir!” tugon ng dalawang pulis. “We have to go.” paalam pa ng mga ito.Pagkaalis ng mga pulis ay kinausap ni Sabrina si Adrian.“So, hindi ka sasabay ng uwi sa iba?”“Hindi! Extended

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 79: High school crush

    Natapos ang seremonya at nagiging abala na ang bagong kasal sa pagharap sa kanilang mga bisita. Sina Adrian and Sabrina naman ay umaalalay sa bride and groom bilang maid of honor and bestman ng mga ikinasal. Silang dalawa ang tagabigay ng mga giveaways ng mga ikinasal para sa mga bisita bilang toke

    last update最終更新日 : 2026-03-30
  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 87: Mistress

    Tinawagan ni Sabrina si Adrian para humingi ng saklolo dahil pakiramdam niya ay nangingimay ang buo niyang katawan sa tensyong namumuo sa pagitan ng kanyang mga kaharap. Hindi niya alam kung tatayo at umalis o manatiling nakaupo pero parang naninigas ang kanyang katawan na kahit paglingon ay parang

    last update最終更新日 : 2026-03-31
  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 82: Kakaiba

    Kinabukasan, maagang ginising ni Adriian si Sabrina. Nilalaro nito ang tungki ng ilong ng dalaga gamit ang ilang hibla ng buhok nito habang ang isang kamay ay sa ilalim ng ulo ng dalaga na nagsilbing unan nito. “Mmmnn.” pinalis ni Sabrina ang nagdulot ng kati sa tungki ng kanyang ilong at tumagili

    last update最終更新日 : 2026-03-30
  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 106: Attractive

    Nahihiya man pero hinayaan ni Sabrina na ipagpatuloy ni Adrian ang pagpupunas sa kanya. Wala rin naman siyang magagawa dahil presko pa ang sugat gawa ng kanyang operasyon baka kung ipagpilitan niyang siya ang magpupunas sa sarili ay mahihirapan siya. Hindi maaring mabasa ang kanyang sugat para mail

    last update最終更新日 : 2026-04-04
続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status