Share

Chapter 3

ANG akala nila ay makakakain sila ng maayos ngunit hindi pala. Ngayon ay nakatingin lamang sila sa binata at dalagang nag sasagutan sa harapan nila. Hindi nila ito inawat.  Not because they can't but both are on fire.

"Bobo ka ba!? Hindi nga sinasadya ni Ategurl e, tapos sinisigawan mo pa!" Sigaw ni Shin.

"Are you stupid or what? She deserved that for being so stupid." Tutol ni Damon. "Baka nga kalahi mo 'yan." Hirit pa nito.

Tumaas ang kilay ni Shin. "Huwau! Perfect ka? Perfect? Malalabhan naman 'yang uniform mo e!"

"Oo nga---"

Hindi pa natatapos ang sinasabin ng binata nang sumabat na si Shin. "'Yon naman pala! Labhan mo nalang. Hindi 'yong ang dami mong pinuputak diyan."

Ngumisi ang binata at sinimulang hubarin ang uniporme nito. Nang matanggal na ito agad namang lumantad ang perpekto nitong katawan na isa sa mga dahil kung bakit ito habulin ng mga kababaehan. Napalunok si Shin habang tinitignan ang 8 pack abs nitong may tumutulong orange juice dahil natapunan ito kanina. 

Nanlaki ang mata ni Shin at napamura sa sariling isipan.

Sino ba naman ang hindi mapapatitig sa pandesal na may kasamang juice? 

Napansin iyon ng binata, tumaas ang sulok ng labi nito. "Like what you see?"

Napakurap-kurap si Shin. "H-Hindi ah!"  

Mas lalong napangisi ang binata at lumapit sa kaniya. "Talaga?" Tumango siya. Hinapit ng binata ang bewang niya at inilapit ang mga mukha nila. Tulad ng kanina ay nakatulala lang si Shin, hindi nito kaya magsalita dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila.

  

Nakatitig ang mga mata ng binata sa mga mata niya at bumaling sa kaniyang mga labi. "Ganda ng labi mo ah."

"H-Huy! Gago! Anong g-ginagawa mo?"Tanong ni Shin sa binata dahil kunting-kunti nalang ay lalapat na ang labi ng binata sa labi niya. 

Ngumisi ito. "Ki-kiss ka." Tumingin ito sa mga labi niya bago bumaling sa mga mata niya,"pakiss ah?"

Walang naitugon na sagot ang dalaga ngunit pumikit ito habang hinihintay ang halik ng binata. Ngumiti ang binata bago dahan-dahang inilapit ang mukha niya upang mailapit ang labi niya sa dalaga. Hindi man niya maintindihan ang sarili ngunit ang gusto niya ngayon ay matikman ang nakaka-akit nitong labi. 

Slowly, inch away their lips will be collide.

"OMG! My precious eyes!"

Agad inimulat ng binata ang kaniyang mga mata at mariin itong ipinikit ulit. Alam na alam niya ang boses na iyon.

Hinihingal na napasapo si Shin sa kanyang puso.. Gaga! Ano 'yon!? Mali 'yon, Mali!

Napabaling naman siya sa tatlong natatawang umiiling. Si Luna halatang kilig na kilig habang ang dalawang binata ay pasimple lang ngumingiti na natatawa.

"Wahh! Sorry na! HM make tawag you three kasi," anito at tinuro ang tatlong binata. Si Grey, Luke, at Damon. "At I make not know na you make loving pala ni Shin kahit sa canteen." Dagdag nito at nginitian si Shin.

Shin look at her, confusedly. "Kilala niya ako?" Mahinang bulong niya.

Kumunot noo ni Damon. "Why?"

"Uhh, Mrs. Ocampo just made a report to you tatlo because you don't have galang raw. Like GMRC."

Ang nanahimik na si Greyson ay nagsalita. "At bakit kasama kami?"

Umirap si Fiona. "Do I look like Mrs. Ocampo?"

"No, but you look like Mrs. Montero."

Humalakhak naman sabay hiyawan sila dahil sa banat ni Greyson.

"Just shut, Greyson!" Singhal ni Fiona. Halata sa mukha nito ang pagkairita.

Greyson just chuckled as he fix his eye glasses. "Pikon mo naman, Mrs. Montero."

"Just go!" Pikon na saad ni Fiona, nasabay pa ang pag-sasapak ni Luna sa kanya dahil sa kilig.

Tumawa si Greyson at umalis. "Isang take care naman dyan, Mrs. Montero." Pahabol nito.

Imbis na sumagot si Fiona nakita nalang nilang may hawak na itong sapatos at handa ng ibato kay Greyson. Humalakhak naman si Greyson at tumakbo.

Sumunod naman ang natatawang Luke. "Taena, Dre! Hintay! Kailan ka pa natutung humarot!?" Bumaling ito kay Damon,"ikaw din, may natutunan ka na rin sa 'kin. I'm so proud." Umakto pa itong pinapahiran ang mata na para bang may luha talaga. 

Umiling si Luke nang makita ang nakataas na isang daliri ni Damon. "F*ck you, Martinez."

Humalakhak naman si Luke at sumunod kay Grey. 

Bumaling si Damon kay Shin na ngayon ay tahimik lang sa gilid, nakaupo at ang lalim ng iniisip. "See you, later." He smirked as he walk away not waiting for her response.

Umismid si Shin nang makita niyang umalis na ang binata.

At may gana talaga siyang magpa-alam sa'kin! Kapal!

Napabuntong-hininga na lamang siya at bumalik sa pag-iisip kung bakit niya hindi naitulak ang lalaking iyon. Bakit nga ba?

Natigilan si Shin sa pag-iisip nang makarinig siya ng sunod-sunod na tikhim.

"Yow, Shin, musta puso natin?" Panunuksong tanong ni Luna.

Kumunot noo ni Shin. "Huh? Wala naman akong sakit sa puso ah?"

Natawa si Fiona. "So, if you're in love na ba, you make slow na rin?" Tanong nito kay Luna na ngayon ay kumakain ng Fries habang nakakunot noo. 

Nagkibit-balikat si Luna. "Ewan ko. Tanong mo sa pagong. At hindi ba time ng kinder ngayon? Ba't hindi ka pumasok?"

Inirapan ni Fiona si Luna. "That again. My speaking is maganda, okay?"

"Maganda,"umismid si Luna,"ako 'yong maganda."

"You make shut up nga!" Pigil nito na ikinatawa ni Luna.

Napabuntong-hininga si Shin. "Puwedi mag tanong?"

Sabay na tumango ang dalawa.

Tumingin si Shin kay Fiona. "Bakit mo ko kilala?"

Kumuha si Fiona ng fries at kumagat. "Ah, I know you 'cause you're trendy kasi."

Kumunot noo ni Shin. "Trendy?"

"Trending." Si Luna ang sumagot. 

Tumango si Shin. "Bakit naman?"

"Girl! Here in Univ mabilis kumalat ang mga news, hindi lang mag sa-stay ang news sa rooms. Like, your sagutan with Cheska and what MD did."

"Cheska? Sino 'yon? MD?" Sunod-sunod na tanong ni Shin dahil wala pa siyang masyadong alam at kilala sa university dahil bago pa lamang siya.

Bumuntong-hininga si Luna. "Alam mo? Kwento mo nalang lahat. Bili muna ako ng pagkain, nanghihinayang  pa rin ako dahil sa kanina." Ngumuso pa si Luna dahil sa paghihinayang. 

Napakamot si Fiona. "Sorry na?"

Tumango si Luna at nagpaalam muling bibili ng pagkain. 

"Okay, first and una." Fiona laughed at her own joke. "I'm Fiona Mae Miller. I'm a Senior High school same to you. And i'm in ABM to have experience about business to follow my family's legacy."

Napatango siya sa sinabi ni Fiona.

Sanaol Legacy. Galaxy lang alam ko. Shar.

"Arielle Shin Miracle, STEM ako..." Pakilala niya. "Kasi.. hindi ko rin alam ba't nag STEM ako."

Sabay silang napatawa dahil sa sinabi ni Shin.

"As long ikaw ay good there." Natatawang saad ni Fiona.

Kahit hindi masyado naiintindihan ni Shin ang sinabi ni Fiona dahil kakaibang tagalog-english ito.

"Sanaol nga ikaw pinag-isipan mo."

"I did not think about it naman din. May reason lang talaga si me."

Napatango siya. "Ahh.."

"Okay next!" Pumalakpak si Fiona na ikinailing ni Shin. "I know na matagal sila Luna because we are sama-sama here since we are highschool kasi."

Sanaol may squad.

Fiona smiled. "But now you are sama to us na!"

Hindi siya nagsalita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hinintay niya na lamang na magsalita si Fiona ulit.

"Okay?" So since your bago to us, I will tell you about them nalang, okay?"

She would love that.

"Sige."

"Okay, first Luna at Greyson have the same strand as sa 'yo because they are STEM too." Fiona paused. "While me, MD, at Luke are in ABM."

Napatango ulit siya. Mukhang may kasama na siya ngayong year sa STEM.

"Ah, ano nga 'yong MD?"

Ngumiti si Fiona. "I'm glad you asked!"   Pumalakpak pa ito. "I tawag Damon as MD kasi most of the student him that in short for Master Damon."

huh? Sosyal.

Gusto niya pa sanang mag tanong pero hindi niya na lamang itinuloy.

"And excuse MD for being rude and naughty kanina ah? Gan'on talaga siya. He's kulang ng pasensya kasi."

Napatango si Shin. Kaya naman pala sinigawan nito ang babaeng nakatapon ng orange juice sa uniporme nito kanina. Kulang pala iyon sa pasensya tapos mahangin pa. 

"He is Damon Xerious Coffey by the way."

Washuu sanaol ganyan pangalan.

"Ahh.. Damon Xerious Coffey.. akala ko Demonyo seryoso kape.."

Nagulat na lamang siya ng marinig niya ang makalas na tawa. Napalingon siya at doon niya nakitang napaubo ang umiinom ng milktea na si Luna habang tawa ng tawa si Fiona.

Lagot! Napalakas ko atang nasabi yun.

"Ahh animal!" Napahawak si Luna sa kaniyang tyan para pigilan ang pag tawa habang may kumakalawa sa kaniyang iniinom.

Napasabay siya sa pag-tawa ni Fiona.

"Make tanga pa!" Tumawa pa si Fiona.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Luna, kaya humalakhak ulit sila, kasama na si Luna. 

Tuloy ang tawanan, asaran, at kuwentohan nilang tatlo. Hindi maiwasan ni Shin ang mapangiti dahil sa kabila ng nangyari sa araw na ito ay nakatagpo siya ng mga taong napasaya at napatawa siya. 

"Tayo ay friends na ah?" Fiona asked.

Ngumiti siya.

"Friends."

 

MSHIN

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status