Share

Chapter 27

“Ang dami kong sasabihin ngayon sa’yo,” saad sa akin ni Hillaree nang makaupo siya sa table namin sa cafeteria. Nang mailapag niya ang kaniyang mga pagkain ay tinignan niya ako na parang baliw.

“Ano na naman ang sasabihin mo sa akin? Alam mo? Puro ka na lang kabaliwan talaga.”

“Ano ka ba, tungkol naman ‘to kay Daylon.” Para talaga siyang baliw. Magkekwento lang siya tumatawa pa. Hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa kakatawa niya.

“Ano na naman ba ang meron kay Daylon? Bakit palagi na lang siya ang topic natin? Hindi ba pwedeng iba naman?”

“Tumahimik ka kasi muna. Sigurado akong matatawa ka kapag nalaman mo ‘to.”

“Mukha nga dahil hindi mo pa sinasabi sa akin tumatawa ka na.”

“Umalis kasi si Daylon sa classroom namin para maglibot sa school. Bumalik siya sa classroom namin para sabihin kung sino ang merong dalang napkin sa amin. Siyempre palagi akong meron kaya binigyan ko siya kahit hindi ko alam kung kanino niya ibibigay ‘yun. Baka nga sa secret girlfriend niya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status