Am I ready to be in love? Am I ready to sacrifice myself? Handa na ba ako sa mga mangyayare kapag sinabi ko sa kaniya na mahal ko siya? Paano kung hindi niya ako mahal? Paano kung wala naman siyang nararamdaman para sa akin ano ang gagawin ko? Deserve niya ba ako? Hindi ako para sa kaniya. Kaya titignan ko na lang siya na masaya sa ibang babae na kayang ipagtanggol at mahalin siya ng lubusan.
View MoreNang makapasok ako sa kwarto ko, ay humiga agad ako sa kama. Nahihilo at gusto ko nang sumuka kanina pa, pero hindi ako pwedeng masuka dahil baka mag-alala si Tita. Maling desisyon ata na umuw agad ako, pero tama rin na umalis ako dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos sa loob ng hospital.Daing ako nang daing sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, pero hinihinaan ko lang dahil baka marinig ako sa labas. Baka mamaya idala ulit ako sa hospital dahil hindi oa ako magaling. Kakaalis ko lang babalik agad.Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para mabawasan kahit kunti ang pagkahilo ko. Sa sobrang sakit kasi gusto ko na lang itulog para hindi ko masyadong maramdaman.Makakatulog na sana ako nang biglang magising ang diwa ko dahil sa pagbukas ng pintuan ng kwarto ko."Wake up, you need to eat this lugaw." Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Daylon na nakaupo na sa gilid ko. "Gusto mo pang subuan kita? You have your own hands, use them." Dahan-dahan akong umupo sa ka
"Puwede naman na siya umuwi, pero kailangan mo pa rin siyang alagaan dahil hindi pa siya magaling. Saka huwag mo muna siyang papapasukin ng school para hindi mabinat," saad ng Doctor sa aming dalawa ni Daylon.Sabi na nga ba malalaman at malalaman ni Daylon na hindi pa ako magaling dahil sasabihin ng Doctor.Tinignan ko si Daylon, pero umiwas agad ako dahil nakatingin siya ng seryoso sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya na magaling na ako at gusto ko nang umuwi. Ayaw ko kasi sa hospital dahil kapag nasa loob ako ng hospital, ay naaalala ko ang pagkamatay ng mga magulang ko. Maiintindihan naman ako nila Tita kung gusto ko nang umuwi. Pero panigurado hindi ako maiintindihan ni Daylon dahil hindi naman niya alam kung ano ang pinagdaanan ko."Ito pala ang reseta na ibibigay ko sa inyo. Nakasulat na rin dyan kung kailan at ilan ang ipapainom mo sa kaniya. Sundin mo ang mga bilin ko sa iyo iho. Kailangan ka ng girlfriend mo dahil ikaw lang ang aasahan niya." Bigla akong nahiya dahil sa sinabi
Third Person's POV“Ang dami namang sinabi ng babaeng ‘yun. Mcdo lang pala ang gusto,” seryosong saad ni Daylon habang nakatingin sa mcdo na nabili niya para kay Allianna. “Ano ba ang meroon sa pagkain na ‘to at gustong-gusto ng mga bata?”“Mga bata.” Napangisi si Daylon dahil naalala niya si Allianna. Naisip niya dahil isang isip bata ang babae. Minsan nga napagkakamalan niyang ten years old si Allianna. Maliit kasi ang dalaga at kung kumilos at magsalita, ay parang bata. Kaya hindi na siya nagtataka kapag sinasabi ng nanay niya ang babae na prinsesa o kaya baby.“Ito na ang mcdo mo. Kumain ka na.” Lalakad na sana si Daylon papunta sa pwesto ni Allianna nang makita niya ang babae na natutulog. Napabuntong hininga si Daylon at inilapag ang mcdo sa lamesa na malapit sa kama ni Allianna. Pang dalawahang pasyente kasi ang kwarto na kinuha ni Daylon, pero parang sariling kwarto na nila dahil wala naman silang kasama na isang pasyente sa kwarto.Kinuha niya ang mccafe at ininom ito habang
Allianna’s POVNagising ako na masakit ang ulo at nilalamig ang buong katawan kahit nakakumot na ako.Madilim na ang paligid. Ang ilaw na lang, ay ang lamp na nasa gilid ko at doon ko napagtanto na nasa hospital ako ngayon.Uupo na sana ako nang makita ko si Daylon na nakasubsob ang ulo sa kama ko. Natutulog siya kaya hindi ko na siya ginising. Alam ko kasi na pagod at puyat siya.Ano nga ba ang nangyare kanina? Wala kasi akong matandaan. Ang alam ko lang, ay nakita ko si Daylon.Napahawak ako sa tyan ko nang kumulo ito dahil sa gutom. Nagugutom na ako ah. May makakain kaya sa labas? Kahit sa vending machine lang hindi naman siguro magnanakaw ang tawag kapag kumuha ako ng pera sa wallet ni Daylon hindi ba?Ang problema ko lang dito, ay kung ano ang gagawin ko para makaalis ng hindi nagigising si Daylon. Baka kasi magalit siya sa akin kapag nagising ko siya. Ayaw na ayaw pa naman non na ginigising siya sa tulog niya. Mahalaga kasi sa lalaking ‘yun ang oras ng tulog niya kaya mahirap it
Habang nagdadrive si Daylon, ay biglang tumawag ang nanay niya. Kaya agad niya itong sinagot. Ayaw niya naman na mamaya niya pa sabihin. Ayaw niya rin pag-alalahanin pa lalo ang nanay niya baka mamaya pulis na ang tawagin ng magulang niya dahil hindi pa umuuwi ang mga anak niya.[Nasaan na kayo? Anong oras na, Daylon. Bakit hindi pa kayo umuuwi? Saka saan kayo nagpunta? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin kung saan ka pupunta. Bakit hindi ka man lang tumatawag o sagutin ang mga tawag ko? Kanina pa ako tumatawag ah!?]Bumuntong hininga muna si Daylon para hindi sabayan ang galit ng nanay niya. Kailangan niya munang kumalma bago sumagot dahil ayaw niyang isipin ng nanay niya na galit siya.“Mom, will you please calm down?”[Ano? Paano ako magiging kalmado kung hindi niyo sinasagot mga tawag ko? Kasama mo ba si Allian? Kailangan ko siyang makausap ngayon na.]“Hindi ko siya kasama.”[Ano!? Kung hindi mo siya kasama. Nasaan siya ngayon? At bakit hindi niya man lang sagutin ang mga tawag k
Pagkatapos ng lahat ng klase, ay lumabas na ako ng paaralan at hinintay si Daylon doon. Gabi na kaya hindi na ako pwede umuwi mag-isa. Sinabi kasi sa akin ni Tita na hindi ako pwedeng umuwi mag-isa kapag nakita niya ako ng mag-isa. Papagalitan niya ako pati si Daylon.Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ang tagal niya lumabas ng paaralan. Ang alam ko parehas lang kami ng uwian e. Hindi naman siya nagchat sa akin na nakaalis na siya. Well hindi naman talaga nagtetext sa akin si Daylon kaya hindi na normal sa akin ‘yun. Kung umuwi na lang kaya ako mag-isa? Kaysa naman sa hintayin ko pa si Daylon. Baka umulan din kasi umaambon na. Ayaw ko naman maabutan ng ulan dahil wala naman akong payong na dala, pero kasi iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Tita. Ayaw ko naman siyang sawayin dahil sa rason ko ay ang ambon.Napabuntong hininga na lang ako at hinintay si Daylon,“Miss? Hindi ka pa ba lalabas? Isasara ko na kasi ang paaralan.” Kumunot ang noo ko at tinignan ng malungkot ang lalak
“Ang dami kong sasabihin ngayon sa’yo,” saad sa akin ni Hillaree nang makaupo siya sa table namin sa cafeteria. Nang mailapag niya ang kaniyang mga pagkain ay tinignan niya ako na parang baliw.“Ano na naman ang sasabihin mo sa akin? Alam mo? Puro ka na lang kabaliwan talaga.”“Ano ka ba, tungkol naman ‘to kay Daylon.” Para talaga siyang baliw. Magkekwento lang siya tumatawa pa. Hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa kakatawa niya.“Ano na naman ba ang meron kay Daylon? Bakit palagi na lang siya ang topic natin? Hindi ba pwedeng iba naman?”“Tumahimik ka kasi muna. Sigurado akong matatawa ka kapag nalaman mo ‘to.”“Mukha nga dahil hindi mo pa sinasabi sa akin tumatawa ka na.”“Umalis kasi si Daylon sa classroom namin para maglibot sa school. Bumalik siya sa classroom namin para sabihin kung sino ang merong dalang napkin sa amin. Siyempre palagi akong meron kaya binigyan ko siya kahit hindi ko alam kung kanino niya ibibigay ‘yun. Baka nga sa secret girlfriend niya
Habang nakikinig ako sa teacher namin ay biglang sumakit ang puson ko.Tinignan ko sa calendar namin kung anong araw na at doon ko lang nalaman na itong araw na ‘to ako magkakaron. Bakit hindi ko man lang napansin? Iba pa naman ang sakit ng puson ko kapag meron ako. Hindi siya normal katulad ng mga ibang babae.“Miss Gregorio, palagi ka na lang bang tulala sa klase ko? Halos araw-araw kang tulala ahh? Paano ka matututo kung hindi ka makikinig sa mga lessons ko?”“Sorry po.” Ramdam na ramdam ko ang mga tingin ng mga kaklase ko kaya napayuko ako. Hindi ko kaya ang mga titig nila. Pakiramdam ko unti-unti akong natutunaw.“Hindi ko kailangan ng sorry mo. Ikaw ang sumagot ng isang problem dito. Bahala ka na kung ano sa tingin mo ang problem na mas madali sa’yo, ‘yun ang sagutin mo.” Hindi ko naintindihan ang sinabi sa akin ni Ma’am. Parang nahilo ang ulo ko.Pagkatayo ko ay biglang sumakit ang balakang ko. Nakakainis talaga ang regla na ‘to. Kaya ayaw kong magkaregla e.Nang makapunta ako
“Ano na naman ba ‘yang iniisip mo? Hindi ka naman na nakafocus sa laro e.” Tumingin ako kay Hillaree at inilingan siya. “Naku, kung ano man ‘yang iniisip mo ay huwag mo na isipin dahil magfocus ka sa laro ng baby mo,” dagdag niya pa.“May kilala ka bang Dianna?” Kumunot ang noo ni Hillaree.“Bakit mo naman natanong sa akin ‘yan?”“Basta sagutin mo na lang ang tanong ko.”“May kilala ako isa. Dianna Madrigal, ang Supreme Student Government Secretary ng school natin. Siya ang palaging kasama ni Daylon minsan. Kaya nga medyo close na silang dalawa. May chismis nga na magjowa raw ang dalawang ‘yun.”“Bakit sila palaging magkasama?”“My ghad, girl? Hindi mo ba alam na si Daylon ang President ng Supreme Student Government? Ang dami mo pang hindi alam tungkol sa kaniya ah. Huwag kang mag-alala ako ang magiging tulay para makilala mo siya ng maayos.”“Hindi naman na kailangan.”“Kahit hindi na kailangan sasabihin ko pa rin sa’yo kung sino ba talaga ang totoong Daylon sa paningin ng lahat dito
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.