登入"NO!" sigaw niya habang nanginginig na binubuksan ang kaniyang Instagram account.Sunod-sunod ang pagkawala ng followers niya. 18 million. 17 million. 12 million. Hindi niya napigilang mapaiyak nang makita ang mga komento at mensaheng bumabatikos sa kaniya. May mga brand nang naglabas ng pahayag tungkol sa pagputol ng kanilang kontrata. May mga dating tagahanga ring nagsabing hindi na nila siya susuportahan. Patuloy na bumaba ang bilang hanggang sa umabot ito sa 330 thousand. "Please, no..." umiiyak na bulong ni Serafina. "My career... everything I've worked for..." Hindi siya pinansin ni Lucian. Sa halip, lumingon ito sa akin. Agad na nagbago ang kaniyang ekspresyon nang makita ako. Nawala ang mapanirang ngiti at napalitan iyon ng pag-aalala. "Are you all right, sweetheart?" mahinang tanong niya habang lumalapit. Hindi agad ako nakasagot. Nakatingin lamang ako sa mga taong minsang tinawag kong pamilya. Hindi ko inakalang darating ang araw na makikita ko silang gani
"Calista, please..." mahinang sambit ni Don Federico habang lumalapit. Ngunit ang mga mata ko ay nanatili kay Lucian. Hindi siya gumagalaw. Nakatingin lamang siya sa akin habang unti-unting namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. "Our baby..." bulong niya. Lumapit siya at marahang hinawakan ang aking mukha. "Why didn't you tell me, sweetheart? Bakit kailangan mong sarilinin ang lahat ng iyon? I would've been there for you," nanginginig na tanong ni Lucian habang marahang hinahaplos ang aking pisngi. "I tried, Lucian. Gusto kong sabihin sa iyo. Gusto kong makasama ka noong panahong kailangan na kailangan kita," sagot ko habang tuluyan nang humahagulgol. Napayuko siya at idinikit ang noo sa akin. "I'm sorry. God, I'm so sorry. Hindi ko alam... Hindi ko alam na may anak pala tayo," paulit-ulit niyang bulong habang mahigpit akong niyayakap. Sa likuran namin, tuluyan nang napaiyak si Leannie habang hawak ni Darius ang kaniyang balikat. Si Elleanie ay nakayakap kay Mada
"Of course. I'll see you later," nakangiting sagot ko bago tuluyang lumabas ng kaniyang opisina.Hindi pa tuluyang nawawala ang ngiti sa aking mga labi nang biglang bumukas ang pinto ng opisina."WHAT THE—"Napalingon kami ni Lucian sa direksiyon ng pinto.Nakatayo roon si Darius, bahagyang nakabuka ang bibig habang salit-salitang tinitingnan ang magkayakap naming dalawa."Seriously? Hindi ba puwedeng kumatok muna bago pumasok?" nakataas-kilay na tanong niya habang napapailing."Darius," malamig na tawag ni Lucian habang nananatili ang isang kamay sa aking baywang."Okay, sorry! Hindi ko alam na may private moment pala kayo rito," natatawang sagot niya bago biglang nagseryoso. "Anyway, the Monteros are here. Nasa receiving area silang lahat."Agad na nawala ang ngiti sa aking mukha.Napatingin ako kay Lucian."What's happening? Bakit sila nandito?" mahinang tanong ko habang bahagyang humihigpit ang hawak sa kaniyang kamay."Don't worry, sweetheart. I'll handle this," malumanay niyang
Napailing si Leannie. "You're unbelievable. Pagkain talaga ang iniisip mo pagkatapos ng lahat ng iyon?" natatawang tanong niya habang nakatingin sa kapatid. "Of course. I didn't skip breakfast just to listen to her complaints," pabirong sagot ni Darius. Napatawa ako nang mahina. "Come on, everyone. Breakfast is ready," tawag ni Madam Elleana mula sa dining area. Agad na lumapit sa akin sina Lucas at Elleanie. "Ate Calista, sit beside me!" masayang pakiusap ni Lucas habang hinihila ang kamay ko. "No, beside me! I want Ate Cali next to me," nakasimangot na singit ni Elleanie habang hinahawakan naman ang kabilang kamay ko. "There's enough room for both of you. Huwag kayong mag-away," nakangiting paalala ko habang marahang inaayos ang buhok nilang dalawa. "Then I'll sit between them," nakangising sabi ni Leannie habang sumusunod sa amin. Habang papunta kami sa dining area, naramdaman kong may nakatingin sa akin. Paglingon ko, nakita kong nakatayo pa rin si Lucian malapit sa mes
"Come on, Calista. Let's go somewhere else. Nakakasawa na rito," malditang sabi ni Leannie habang hinihila ang kamay ko palayo sa receiving area.Napangiti ako nang bahagya at sumunod sa kaniya. Hindi ko na rin gustong manatili roon at makinig sa paulit-ulit na reklamo ni Serafina. Kung tutuusin, wala na naman akong kailangang sabihin sa kaniya. Alam na niya ang lahat tungkol sa nakaraan namin ni Lucian."Don't you dare walk away from me, Calista! Hindi pa tayo tapos!" mariing sigaw ni Serafina habang nakatingin sa akin.Napahinto ako at marahang lumingon."Seriously? Ano na naman ang kailangan mo?" mataray na tanong ni Leannie habang nakataas ang isang kilay."I wasn't talking to you, Leannie. Kausapin mo muna ang kapatid mo bago ka makialam sa buhay ng ibang tao," matalim na sagot ni Serafina habang inaayos ang kaniyang buhok.Napatawa nang mahina si Darius mula sa sofa."Wow. She really came here looking for trouble. Hindi pa ba sapat ang kahihiyang nakuha niya kanina?" nakangising
Hindi ko inaasahang makikita ko si Serafina sa mansion ng mga Vittorino kinabukasan.Akala ko. Matapos ang nangyari kagabi at ang tuluyang pagkansela ng engagement nila ni Lucian, hindi na siya magpapakita. Ngunit tila hindi pa rin niya matanggap na wala na siyang anumang dahilan upang bumalik sa bahay na iyon.Nasa receiving area ako kasama sina Leannie, Darius and the twins. Nang biglang bumukas ang pangunahing pinto."Where is Lucian? Kailangan ko siyang makausap!"Napalingon kaming lahat.Nakatayo sa entrada si Serafina, suot ang mamahaling designer dress at malaking sunglasses. Kahit wala na ang engagement nila, dala pa rin niya ang dating kumpiyansa na para bang may karapatan pa rin siyang mag-utos sa loob ng bahay na iyon."Well, look who's here," nakangising komento ni Darius habang ibinababa ang kaniyang telepono."Didn't we make it clear yesterday na hindi ka na welcome rito?" malamig na tanong ni Leannie habang nakahalukipkip.Hindi siya pinansin ni Serafina. Sa halip, dum







