๊ณต์œ 

kabanata 18

์ž‘๊ฐ€: akosipraluemn
last update ์ตœ์‹  ์—…๋ฐ์ดํŠธ: 2025-06-11 19:40:46
Nakatulala ako habang hawak ang invitation na bigay sa'kin ng teacher ni Anya kanina. Dahil sa nangyari kagabi sa parking lot at sa naging pag-uusap namin ni Eli ay halos hindi ko nagawang pumikit para matulog. Buong gabi ay nagtatalo ang puso at isip ko sa anong dapat kong gawin.

Ngayong mismo kay Roscoe na nanggaling na handa siyang maging ama ni Anya kahit lingid sa kaalaman niya na siya naman talaga ang ama ni Anya, ano pa ang dahilan para ipagkait ko sa kaniya ang anak niya? Lalo na ngayon...

"Father and Child Event po 'yan, Mommy. This Saturday po 'yan gaganapin. Sana po maka-attend na ang Daddy ni Anya this time."

Inilapag ko ang invitation sa aking desk at napahilot na lamang sa aking sintido habang inaalala ang mga sinabi ng teacher ni Anya sa akin kanina.

"Nakakatuwa nga po, Mommy dahil nakaraan po ay masayang nagk-kuwento si Anya sa mga classmates niya na Doctor daw ang Daddy niya. Nagulat nga po ako, eh! Akala ko po single mom kayo," dagdag pa ng teacher ni Anya.

I sighe
์ด ์ฑ…์„ ๊ณ„์† ๋ฌด๋ฃŒ๋กœ ์ฝ์–ด๋ณด์„ธ์š”.
QR ์ฝ”๋“œ๋ฅผ ์Šค์บ”ํ•˜์—ฌ ์•ฑ์„ ๋‹ค์šด๋กœ๋“œํ•˜์„ธ์š”
์ž ๊ธด ์ฑ•ํ„ฐ

์ตœ์‹  ์ฑ•ํ„ฐ

  • My Fubu is the Father of My Childย ย ย kabanata 20

    "Breakfast."Gulat akong nag-angat ng tingin kay Roscoe nang ilapag ang isang lunchbox sa desk ko. Kumpleto na ang staff sa ward, at ilang minuto na lang ay sisimulan na namin ang mga morning rounds kaya naman pati sila ay napatingin kay Roscoe."Ano 'to?" pabulong kong tanong. Pinandilatan ko siya, pero ngumisi lang siya at itinaas ang isang malaking paper bag sa kabilang kamay."Breakfast for everyone," nakangiting ani niya."Wow!" kaagad na bulas ni Manny.Mabilis silang nagsilapitan para kuhanin ang paper bag mula kay Roscoe. Lahat naman ng 'yon ay kahalintulad ng nasa lunchbox ko. Habang ang lahat ay abala pag pyestahan ang pagkaing dala ni Roscoe ay tinaasan ko naman ng kilay ang lalaki.Anong pakulo 'to, Roscoe? Eto ba yung naiwan mo kanina?Hindi ko alam kung nabasa niya ang tingin ko, pero laking gulat ko nang ngumiti siya sabay kindat! Bago pa ako makapag-react, tumalikod na siya at lumabas ng ward."Ang sarap naman nito!""Parang hanggang lunch ko na 'to, ah!""Doc, anong m

  • My Fubu is the Father of My Childย ย ย kabanata 19

    "Good morning!" masayang bati ko kay Eli pagkalabas niya ng kaniyang kuwarto. Natigilan siya. Parang tulalang tinitigan akoโ€”gulo pa ang buhok, nakakamot sa balakang, at nakanganga habang nagtataka. "Anong meron?" nagtatakang tanong niya, hindi sanay sa pagbati ko. Natawa na lamang ako at inabala ang breakfast namin. Anong magagawa ko, eh sobrang ganda lang talaga ng gising ko ngayon? Dahan-dahan siyang naupo sa harap ko, hindi pa rin ako inaalis sa titig. Hindi ko man lang namalayan na nagh-humming na ako at pakembot-kembot habang sinasangag ang kanin namin. "Nadiligan ka ba kagabi ng hindi ko alam?" Kaagad nanlaki ang mata ko sa biglaang tanong ni Eli at mabilis na binato sa direksyon niya ang pamunas ng sink na kaagad naman niyang nasalo. "The heck, Eli?!" singhal ko sa kaniya. "Eh, ano?! Last time na ganiyan ka eh nung mga med student pa tayo. Sa tuwing galing kang five start hotel kasama si Roscoe!" litanya pa niya. "Hindi!" sagot ko at inirapan nalang siya. "Hindi ba pwe

  • My Fubu is the Father of My Childย ย ย kabanata 18

    Nakatulala ako habang hawak ang invitation na bigay sa'kin ng teacher ni Anya kanina. Dahil sa nangyari kagabi sa parking lot at sa naging pag-uusap namin ni Eli ay halos hindi ko nagawang pumikit para matulog. Buong gabi ay nagtatalo ang puso at isip ko sa anong dapat kong gawin. Ngayong mismo kay Roscoe na nanggaling na handa siyang maging ama ni Anya kahit lingid sa kaalaman niya na siya naman talaga ang ama ni Anya, ano pa ang dahilan para ipagkait ko sa kaniya ang anak niya? Lalo na ngayon..."Father and Child Event po 'yan, Mommy. This Saturday po 'yan gaganapin. Sana po maka-attend na ang Daddy ni Anya this time." Inilapag ko ang invitation sa aking desk at napahilot na lamang sa aking sintido habang inaalala ang mga sinabi ng teacher ni Anya sa akin kanina."Nakakatuwa nga po, Mommy dahil nakaraan po ay masayang nagk-kuwento si Anya sa mga classmates niya na Doctor daw ang Daddy niya. Nagulat nga po ako, eh! Akala ko po single mom kayo," dagdag pa ng teacher ni Anya. I sighe

  • My Fubu is the Father of My Childย ย ย Kabanata 17

    Wala sa sarili kong sinara ang pintuan nang makauwi na ako sa apartment. Kaagad namang napatingin sa akin si Eli na kanina lang ay nanonood ng tv. "Oh, akala ko madaling araw pa uwi mo? Pinatulog ko na si Anya," ani niya. Hindi ako sumagot at dali-daling kumuha ng malamig na tubig sa ref. Ilang minuto palang ang lumipas nang matapos ang naging pag-uusap namin ni Roscoe. Nais pa niya sana akong ihatid dito mismo ngunit tumanggi ako."Bakit parang nakakita ka na naman ng multo?" nagtatakang tanong ni Eli, papalapit sa akin. Mabilis akong nagsalin sa baso at tuloy-tuloy itong nilagok. Nang matapos ay hinarap ko si Eli na nakapamewang na sa harapan ko ngayon. "Nahimatay ako kanina." Wala sa sarili kong pagsisimula. Nanlaki naman ang mata ni Eli. "What?!" gulat na gulat niyang tanong. Hinawakan niya ang pareho kong balikat at kaagad inikot-ikot. "Bakit?! Anong nangyari?! Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Nabagok ba ulo moโ€“" "But Roscoe came and saved me," pagpapatuloy ko. Natig

  • My Fubu is the Father of My Childย ย ย Kabanata 16

    "I'm sorry... I'm sorry..." Unti-unti kong dinilat ang inaantok ko pang mata nang magising sa paulit-ulit na bulong at sa marahan na paghimas sa ulo ko. "You're awake..." Tumikhim si Roscoe at kaagad na umayos sa kaniyang upuan. Nang tingnan ko siya ay mahigpit na ang kaniyang hawak sa steering wheel habang diretso ang tingin sa labas. Nang tingnan ko ang labas ay natanto kong nasa parking lot na rin pala kami ng apartment building. Natuluyan ang pagpapanggap kong tulog kanina. "K-Kanina pa ba tayo nandito?" tanong ko habang pasimpleng tiningnan ang itsura sa side mirror. Kaagad kong pinunasan ang gilid ng labi ko. "Hindi naman..." marahan nitong sagot habang diretso pa rin ang tingin sa labas. Tila malalim ang iniisip. Tumango ako at kinuha na ang bag ko. Nang buksan ko ang phone ko ay laking gulat ko nang makita ang oras. Anong hindi naman eh halos magt-tatlong oras na simula nung nakaalis kami ng Hospital?! "I... didn't wake you up," ani niya nang mapansin

  • My Fubu is the Father of My Childย ย ย Kabanata 15

    "She was diagnosed of anxiety and panic disorder. Matagal na. Pero hindi kailanman ito nangyari kay Nurse Aya na rito mismo sa Hospital siya inatake. Ang pagkakaalam ko ay gumaling na rin siya rito."Unti-unti kong idinilat ang aking mata nang makarinig ng mga boses sa paligid. Sa pagmulat ko ay pamilyar na puting kisame ang bumungad sa akin. "Huwag ka nang mag-alala, Dr. De Zarijas. Magiging maayos din si Nurse Aya sa oras na gumising siya." Dining ko pang sambit ulit ni Nurse Wilma nang hindi sumagot ang kaniyang kausap. Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ko bago ako nagpasyang bumangon. Hindi ko pa man sila nililingon ay alam kong kaagad kong nakuha ang atensyon ng dalawa. "Aya," seryosong tawag sa'kin ni Roscoe pagkalapit. Akmang hahawakan niya ako upang alalayan bumangon ngunit suminghap ako at umiwas. Napansin niya iyon na kinatigil niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?" Si Nurse Wilma ang nagtanong habang may pagtataka rin sa nakitang pag-iwas ko sa lalaki.

๋”๋ณด๊ธฐ
์ข‹์€ ์†Œ์„ค์„ ๋ฌด๋ฃŒ๋กœ ์ฐพ์•„ ์ฝ์–ด๋ณด์„ธ์š”
GoodNovel ์•ฑ์—์„œ ์ˆ˜๋งŽ์€ ์ธ๊ธฐ ์†Œ์„ค์„ ๋ฌด๋ฃŒ๋กœ ์ฆ๊ธฐ์„ธ์š”! ๋งˆ์Œ์— ๋“œ๋Š” ์ฑ…์„ ๋‹ค์šด๋กœ๋“œํ•˜๊ณ , ์–ธ์ œ ์–ด๋””์„œ๋‚˜ ํŽธํ•˜๊ฒŒ ์ฝ์„ ์ˆ˜ ์žˆ์Šต๋‹ˆ๋‹ค
์•ฑ์—์„œ ์ฑ…์„ ๋ฌด๋ฃŒ๋กœ ์ฝ์–ด๋ณด์„ธ์š”
์•ฑ์—์„œ ์ฝ์œผ๋ ค๋ฉด QR ์ฝ”๋“œ๋ฅผ ์Šค์บ”ํ•˜์„ธ์š”.
DMCA.com Protection Status