Aya Elora Lopez is a brave mother who will do anything for the sake of her daughter, but before that, she was a girl who was always in bars and active in casual sex. Back then, she met Roscoe De Zarijas and became her fuck buddy. Endless night while dancing in the fire of temptation, one night Aya found out that she's pregnant. Fully aware that the man would not accept their future child, she decided to leave the man and raise their child alone. Five years passed, and Roscoe returned to the country. In their reunion, is Aya ready to reveal her secret to Roscoe? Or will fear prevail, leading her to bury the secret that once brought them together?
View MoreNanginginig ang mga kamay at panay ang kagat ko sa aking labi habang tinitingnan ang dalawang linya sa aking pregnancy test. Isang buwan na akong nagtataka sa panay kong pagsusuka at sa menstrual ko na regular naman ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi pa ako dinadatnan.
Ito na ang sagot...
“I... I’m... p-pregnant...” natatakot kong sambit. Tuluyan na akong napaupo sa sahig ng banyo habang nanginginig pa rin na hawak ang pregnancy test sa aking kamay.
Hindi... I cannot be pregnant! Hindi ako pwedeng mabuntis lalo na’t sigurado ako na ang batang ito...
“Aya, are you done?” Tatlong katok mula sa labas ng pintuan ang namayani at lalo lamang ako nahirapan huminga nang marinig ang malalim na boses ng lalaking naghihintay sa akin sa labas.
Sigurado ako... Sigurado ako na ang batang ito ang bunga namin ng lalaking nasa labas... ng aking ka-fuck buddy, in short... my fubu.
Nahihirapan man ay pinilit kong tumayo at ikalma ang sarili. Mabilis kong hinanap ang trashcan sa loob ng banyo at itinapon doon ang pregnancy test. Kumuha pa ako ng maraming tissue upang takpan iyon.
“Y-Yeah! P-Palabas na ako!” sigaw ko pabalik.
“Good. Come to bed now.” Narinig kong sagot niya.
Binuksan ko ang gripo at naghilamos. Matapos ay pinakatitigan ko ang mukha sa salamin. Bakas pa rin ang takot sa namumutla kong mukha at labi maging ang patuloy na panginginig ng aking kamay.
Paano ko sasabihin kay Roscoe na buntis ako? Na nagbunga ang ilang gabing paglalaro namin sa apoy ng tukso? Na magkakaanak kami? Paano?!
“You spent a lot of time in bathroom, huh. What did you do?” Nakataas na ang gilid ng kaniyang labi nang tanungin niya iyon pagkalabas ko ng banyo.
Sa pagkakatanong niya ay tila ba may iniisip siyang bastos na ginawa ko sa banyo dahil saktong kakatapos lang din namin gumawa ng kababalaghan sa kama.
“Nagsuka na naman ako...” nananantya kong sagot. Tumabi ako sa kaniya sa kama at awtomatikong pumulupot ang kaniyang braso sa aking katawan habang ang kaniyang binti ay ipinatong niya rin sa akin.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
Alam ko naman na ang pangunahing rule sa set-up namin ay “no string attached” ngunit sa mga kilos na ginagawa niya sa akin ay sinong hindi mahuhulog sa kaniya?
“Hmm... Maybe the food I ordered made your stomach upset again...” he whispered as he started kissing my ear.
No, Roscoe. It’s because I’m pregnant... with our child.
Unti-unti nang nagkaroon ng bukol sa aking lalamunan. Huminga ako ng malalim habang pinapakiramdaman ang mga halik niya.
“Roscoe...”
“Hm?”
Nakagat ko ang aking labi. Iyon pa lamang ang sagot niya ay nagsisimula nang manubig ang aking mga mata.
“Do... Do you plan to have kids?” I finally asked.
And with that, he stopped kissing me.
Halos tumalon na palabas ang puso ko nang umupo siya sa kama. He looked at me with his dark and hawk-like eyes. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay tila ba may namumuo ng speculation sa kaniyang isip at tila... hindi niya gusto iyon.
“Don’t tell me you’re pregnant?” he asked coldly.
Tila ilang milyong punyal ang tumusok sa aking dibdib sa lamig ng paninitig at boses niya sa akin ngayon. Ang kaninang init na nararamdaman namin sa isa’t-isa ay tila nawala na parang bula at isang napakalaking pader ang bigla na lamang pumagitan sa aming dalawa.
I faked a laugh. “Of course not! I would rather die than to have a child with you!” I joked. Napahawak ako sa aking tiyan sa ilalim ng kumot at hinimas ito.
I’m sorry, my child... I have to deny you because your father won’t accept us...
“Good...” He sighed. “Having a child is not included in my plans.”
Nalasahan ko ang dugo sa aking labi ngunit mas lalo ko lamang idiniin ang pagkagat doon.
‘Bakit? Ano ba ang plano mo pagkatapos ng lahat ng ito? Hindi ba pwedeng sumama kami ng anak mo sa plano mo?’ tanong ko sa isip ngunit sa huli ay hindi iyon ang naisambit ko.
“A-Ako rin... H-Hindi ko rin plano magkaanak...”
He tilted his head. “Why? I think you’d be a great mom though,” he said with a smirk on his lips. Hindi ko tuloy matukoy kung seryoso ba siya o nagbibiro lamang.
“R-Really?” I asked.
Tumingala siya at nagkunwaring nag-iisip.
“Yes. I can imagine you carrying a baby between your arms... Smiling and singing a lullaby since you’re a great singer...” he said softly with a small smile on his lips. It looks genuine.
Really genuine na muntik na akong malinlang na kaya niyang tanggapin ang anak namin lalo na kung ako ang ina ng magiging anak niya.
I didn’t answer and just stare at him while he’s busy imagining me as a mom.
Roscoe... sana nga ay tama ka... ngunit natatakot ako. Natatakot ako na hindi ko magampanan ang isang pagiging mabuting ina. Natatakot ako na sa oras na mahawakan ko siya ay mabitawan ko lamang siya at kamuhian dahil sigurado ako na ikaw at ikaw ang maaalala ko sa kaniya. Natatakot ako na sa oras na lumaki siya ay hanapin ka niya... Natatakot ako na wala akong amang maipapakilala sa kaniya...
Roscoe... paano ko palalakihin ang anak natin ng mag-isa?
Pumikit ako nang mariin at naramdaman ang mga luha na dumaloy sa pisnge ko. Isang oras na rin ang lumipas nang magpasya nang matulog si Roscoe ngunit hanggang ngayon ay ang pag-uusap pa rin namin kanina ang dumadaloy sa isip ko.
Hindi alintana ang hapdi ay mas lalo ko lamang kinagat ang labi ko upang pigilan ang pagkawala ng mga hikbi ko habang ramdam ang braso ni Roscoe na nakayakap sa aking tiyan.
I smiled to myself while tears were running through my cheeks.
This is your father’s arms, anak... He’s hugging you...
Ilang minuto pa ang pinalipas ko nang tuluyan na akong kumalma. Dahan-dahan at maingat kong inalis ang yakap ni Roscoe sa akin bago umalis ng kama. Kinuha ko ang mga damit ko sa sahig at sinuot na ito.
Napatingin ako sa cheke na nasa side table. Iyon ang payment sa akin ni Roscoe para sa gabing ito. Tila ilang libong punyal na naman ang tumusok sa aking dibdib nang isilid ko ito sa aking bag.
“Iisipin ko na lamang na sustento mo ‘to,” ani ko na mahina kong ikinatawa.
Sa huling pagkakataon ay tinitigan ko si Roscoe. Hawk like eyes, thick eyebrows, thick eyelashes, naturally red lips, and perfectly angled jaw... I’ll miss all of it even his big dino down there.
I bent down and kisses his lips for the last time.
“Good bye, Roscoe... Let’s not see each other again...” I whispered and with that, I left the room... The man I loved... and the father of my child.
Wala sa sarili kong sinara ang pintuan nang makauwi na ako sa apartment. Kaagad namang napatingin sa akin si Eli na kanina lang ay nanonood ng tv. "Oh, akala ko madaling araw pa uwi mo? Pinatulog ko na si Anya," ani niya. Hindi ako sumagot at dali-daling kumuha ng malamig na tubig sa ref. Ilang minuto palang ang lumipas nang matapos ang naging pag-uusap namin ni Roscoe. Nais pa niya sana akong ihatid dito mismo ngunit tumanggi ako."Bakit parang nakakita ka na naman ng multo?" nagtatakang tanong ni Eli, papalapit sa akin. Mabilis akong nagsalin sa baso at tuloy-tuloy itong nilagok. Nang matapos ay hinarap ko si Eli na nakapamewang na sa harapan ko ngayon. "Nahimatay ako kanina." Wala sa sarili kong pagsisimula. Nanlaki naman ang mata ni Eli. "What?!" gulat na gulat niyang tanong. Hinawakan niya ang pareho kong balikat at kaagad inikot-ikot. "Bakit?! Anong nangyari?! Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Nabagok ba ulo mo–" "But Roscoe came and saved me," pagpapatuloy ko. Natig
"I'm sorry... I'm sorry..." Unti-unti kong dinilat ang inaantok ko pang mata nang magising sa paulit-ulit na bulong at sa marahan na paghimas sa ulo ko. "You're awake..." Tumikhim si Roscoe at kaagad na umayos sa kaniyang upuan. Nang tingnan ko siya ay mahigpit na ang kaniyang hawak sa steering wheel habang diretso ang tingin sa labas. Nang tingnan ko ang labas ay natanto kong nasa parking lot na rin pala kami ng apartment building. Natuluyan ang pagpapanggap kong tulog kanina. "K-Kanina pa ba tayo nandito?" tanong ko habang pasimpleng tiningnan ang itsura sa side mirror. Kaagad kong pinunasan ang gilid ng labi ko. "Hindi naman..." marahan nitong sagot habang diretso pa rin ang tingin sa labas. Tila malalim ang iniisip. Tumango ako at kinuha na ang bag ko. Nang buksan ko ang phone ko ay laking gulat ko nang makita ang oras. Anong hindi naman eh halos magt-tatlong oras na simula nung nakaalis kami ng Hospital?! "I... didn't wake you up," ani niya nang mapansin
"She was diagnosed of anxiety and panic disorder. Matagal na. Pero hindi kailanman ito nangyari kay Nurse Aya na rito mismo sa Hospital siya inatake. Ang pagkakaalam ko ay gumaling na rin siya rito."Unti-unti kong idinilat ang aking mata nang makarinig ng mga boses sa paligid. Sa pagmulat ko ay pamilyar na puting kisame ang bumungad sa akin. "Huwag ka nang mag-alala, Dr. De Zarijas. Magiging maayos din si Nurse Aya sa oras na gumising siya." Dining ko pang sambit ulit ni Nurse Wilma nang hindi sumagot ang kaniyang kausap. Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ko bago ako nagpasyang bumangon. Hindi ko pa man sila nililingon ay alam kong kaagad kong nakuha ang atensyon ng dalawa. "Aya," seryosong tawag sa'kin ni Roscoe pagkalapit. Akmang hahawakan niya ako upang alalayan bumangon ngunit suminghap ako at umiwas. Napansin niya iyon na kinatigil niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?" Si Nurse Wilma ang nagtanong habang may pagtataka rin sa nakitang pag-iwas ko sa lalaki.
"How's school, baby?" tanong ko habang pinapanood si Anya na kumain ng kaniyang ice cream sa shotgun seat. Kakasundo ko lang sa kaniya sa school niya and again, she seems down pagkalabas niya palang ng room. Kaya naman dumaan muna kami ng ice cream store para bilhan siya bago umuwi. "Good, Mommy," sagot niya. I tilted my head."Hmm, how much good? Walang kwento ang baby?" Saglit ko siyang sinulyapan bago muling ibinalik sa daan ang tingin.That was strange. Usually, kapag tatanungin ko siya kumusta ang araw niya sa school ay kaagad siyang magda-daldal, talking about how she played with her classmates, lead a prayer, and how she got so many stars. But today, I noticed she doesn't have any stars. Well, that's fine though. Umuwi man siyang walang stars, para sa akin ay napaka-galing pa rin niya. But still... it was strange. I know how smart Anya is na ultimo, kahit wala pa sa tamang edad ay ginusto niya agad pumasok sa eskwelahan. And I also know how active and competitive she is in
"Oh, wala ka atang pasok ngayon?" Bungad ni Eli sa akin nang maabutan niya akong naghahanda ng breakfast. I gave her a small smile before placing the plates on the table. "Day off ko ngayon. Ipapasyal ko si Anya at napapansin ko lately parang malungkot yung bata, eh," ani ko. Totoo iyon dahil lately napapansin ko na nabawasan ang pagiging jolly ni Anya. Ngumingiti at tumatawa pa rin naman siya sa tuwing ihahatid ko siya sa school niya hanggang sa makauwi ako sa bahay ngunit may mga oras na bigla nalang siyang tatahimik, natutulala, at nagiging pilit ang ngiti sa tuwing tinatanong ko kung ano ang problema. Inisip ko... dahil ba sa sobrang busy ko sa trabaho? Nawawalan na ba ako ng time sa anak ko? Nagkakaroon na ba siya ng tampo sa akin? Jusko, four years old palang si Anya. Sa murang edad ay ayokong pati ang kawalan ng presensya ng ina ay maramdaman niya. "Pansin ko nga rin. Buti naman at naisipan mong mag day off," ani Eli bago naupo na sa mesa. "Oo naman. Medyo pagod na rin sa
"Medyo mahapdi po ito, ha? Kailangan ito para mapigilan ang infection," malumanay kong ani habang ginagamot ang sugat ng pasyente. Bagong umaga na naman sa Hospital. Pagkatapos ihatid si Anya sa school niya ay sabay pa kaming dumating ni Roscoe sa Hospital. Nagkatinginan lang kami bago ako naunang pumasok at gano'n ulit... May awkwardness na naman sa pagitan namin. I sighed. Hindi naman ata mawawala?"Hindi naman mahapdi, neng," nakangiting ani ni Lola sa akin bago marahang hinaplos ang aking kamay. "May asawa ka na ba?" Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nurse Precy sa gilid ko, hawak niya ang mga ointment na nilalagay ko sa sugat ni Lola. Napangiti na lamang ako. "Wala po. May irereto po ba kayo sa akin?" pakikisabay ko. Hindi na kasi bago sa'kin 'to at may nakailang beses na rin sa'kin nagtanong ng ganito, matanda man o ka-edad ko."Ay, sayang naman! Sa ganda mong iyan, neng? Paanong wala?" tanong pa nito. Kinuha ko ang gauze kay Nurse Precy at maingat na ibinalot ito sa sugat
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments