“Oh my gosh! Our baby princess is here!”Natutuwa ko namang pinanood na tumakbo palapit si Anya sa mga kapwa ko nurse at iilang mga doctor na naroon sa aming area. Walang pasok ngayon si Anya at saktong nasa vacation ang kaniyang tita-ninang, si Eli, kaya naman sinama ko na lang muna siya sa Hospital. “Hello po, nurses and doctors!” tuwang-tuwa namang bati ni Anya. Tumatalon-talon pa ito habang pinalilibutan siya ng mga kaibigan ko. “Sinama ko muna rito at walang magbabantay sa kaniya sa bahay,” ani ko habang nilalapag ang gamit ko at baon na gamit ni Anya sa aking table. “Naku, mabuti naman! At stress na stress na kami dito sa ward! Now that Anya is here, may magbibigay aliw na naman sa atin!” ani Manny, one of the nurses. Busy na siya ngayon sa pagkurot sa malobong pisnge ng aking anak.Natatawa naman akong napailing. “Paglalaruan niyo na naman ang anak ko,” ani ko habang nakaupo na at pinapanood sila. “Do you want lollipop, Anya?” tanong naman ni Doc Russell, isang pediatrician
Last Updated : 2024-06-04 Read more