Share

Chapter Four

Nagpabalik-balik sa isipan ng dalaga ang sinabi ng babaeng nagpakilalang si Ivana. She was Nizar girlfriend, base sa kwento ng babae kay Celeste. Nakita raw niya ang matalik na kaibigan na may kahalikan sa loob ng room 105, at ang room number na sinabi nito ay katulad ng room number na ibinigay ng kanyang kapatid.

Isa pa sa gumugulo sa isipan ng dalaga ay kung sino ang kahalikan ng kanyang kaibigan. Dahil ang tangi niyang kasama kagabi ay ang kanya lamang kapatid. Sila kayang dalawa ang nakita ni Ivana?

Dahil sa dami ng iniisip ng dalaga ay hindi niya namalayang nasusunog na pala ang kanyang niluluto.

“Celeste!” malakas na tawag ni Twyla ang nagpabalik sa diwa ng dalaga.

“Shit!” malakas na sigaw ng dalaga at pinatay kaagad ang apoy. Mabilis itong nilapitan ng kaibigan.

“Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?” tanong ni Twyla sa kanya. Malalim na napabuntonghininga ang dalaga.

“Wala, may iniisip lang ako.” Sabi na lang ni Celeste.

Napapantastikuhang pinagmasdan ni Twyla ang kaibigan. Simula nang pumasok ito kanina ay para itong wala sa sarili.

“Magpahinga ka kaya muna? Ako na lang muna ang bahala rito at may mga iba pa naman tayong chef, baka pagod ka lang,” suhestyon ni Twyla kay Celeste.

Marahas na bumuga ng hangin si Celeste.

“Tama ka nga siguro. Dapat muna akong magpahinga,” sang-ayon nito.

“O baka naman may pinagdadaanan ka? Pwede mo namang sabihin sa akin. Alam mo namang magkaibigan tayo, hindi ba?” pangungumbinsi ni Twyla sa dalaga. Umiling-iling ang kaibigan dito.

“Wala ‘to, pagod lang ako at saka baka may hangover pa ako. Nag-bar kasi ako kagabi kasama sina Kuya Deimos at Nizar.” Paliwanag nito sa kaibigan.

“Sige, pahinga ka na lang muna.” Si Twyla.

Dalawang araw ang lumipas at hindi pa rin nawawala ang deal nila ng babaeng si Ivana.

Iniiwasan na nga ni Celeste ang kaibigang si Nizar. Hindi kasi matingnan ni Celeste ang kaibigan habang nag-iisip ng plano kung paano gagawin ang pinapagawa ni Ivana.

Nasa office si Celeste at nagsusulat ng bagong recipe na idadagdag sa menu nang may kumatok sa labas ng kanyang opisina.

“Pasok!” sigaw niya mula sa labas. Pumihit ang seradura at pumasok ang kaibigang si Twyla.

“Pst! Nandito si Nizar! Anong sasabihin ko?” mahinang tanong ni Twyla sa kaibigan.

Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ng dalaga. Bigla siyang nagpanik.

“S-sabihin m-mong wala a-ako rito! U-malis ako! Oo! Sabihin mong umalis ako!” natataranta na niyang utos sa kaibigan.

Isinara niya ang laptop at mabilis na pumasok sa private room niya at ni-lock ‘yon. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ng dalaga. Para siyang kinakapos ng hininga.

“Nasaan si Celeste?” narinig ng dalaga ang boses ng binata sa labas ng kanyang private room. Hindi alam ni Nizar na may kwarto sa loob ng kanyang opisina.

“A-ah, eh. Ahm, u-umalis pala si Celeste. N-nakalimutan ko lang, nagpaalam pala siya sa akin kanina.” Nauutal na paliwanag ni Twyla sa binata.

“Siguraduhin mong hindi ka nagsinungaling. Dahil kapag nalaman kong nagsinungaling ka, lagot ka sa akin.” Pagbabanta ni Nizar sa dalaga.

Nakahinga ng maluwang si Twyla nang umalis na si Nizar sa labas ng office ni Celeste.

Takot na takot ito sa nakikitang galit sa mukha ng binata. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa dalawa pero ayaw niyang makisawsaw sa problema ng dalawang magkaibigan.

Ilang araw ng iniiwasan ni Celeste si Nizar. Ayaw pa niyang makita ang binata. Kaya hangga’t maari ay inilalayo niya muna ang sarili sa matalik na kaibigan.

Isang linggo na ring hindi umuuwi si Celeste sa bahay nila. Nakiusap lang siya sa kanyang mga magulang na kailangan niya muna ng space para makapag-isip. Mabuti na lang at naiintindihan ito ng kanyang mga magulang.

Sa office na naglalagi si Celeste.

“Celeste, nasa labas si D-”

“Sabihin mo wala ako.” Mabilis na sabi ng dalaga.

“Huh? Sigurado ka? Si Duke ang nasa labas. Gusto ka raw kausapin.” Pagpapatuloy ni Twyla sa sinasabi nito. Nag-angat ng paningin ang dalaga. Nanlalaki ang mga mata nito at hindi makapaniwalang tiningnan ni Celeste ang kaibigan.

“Bakit daw?” kinakabahan niyang tanong.

Nagkibit-balikat lang si Twyla sa kaibigan.

“Papasukin mo na lang.” Utos ni Celeste sa dalaga.

Wala sa sarili si Nizar. Isang linggo na niyang hindi nakikita si Celeste at sasabog na ang isipan niya kakaisip kung anong ginawa niyang mali sa dalaga upang iwasan siya nito.

“Sir, you have a meeting to Mr. Severino at ten am.” Imporma ni Liza kay Nizar. Ngunit parang walang narinig ang binata sa sinabi ng sekretarya.

Ang isipan nito ay lumilipad pa rin kay Celeste. Nawala nga ang pamemeste ni Ivana sa kanya, ngunit mukhang mawawala na rin yata ang matalik niyang kaibigan sa buhay nito.

Is this his karma? For using Ivana for his own good?

“Sir?” muling tawag ni Liza sa binata.

Malakas na napabuga ng hangin si Nizar.

“Cancel all my meeting for today. I'm not in the mood to go.” Walang buhay na wika ng binata. Tumango na lang si Liza at iniwan ang amo sa loob ng office nito.

Ngayon lang nakita ni Liza na ganoon ang boss nito.

“Wow! Ang ganda naman dito!” namamanghang ani ni Duke sa dalaga.

“Mabuti naman at nagustuhan mo rito.” Nakangiting wika ni Celeste sa kasama.

“This place is like heaven. God! I can't believe na mayroon palang mga ganitong lugar dito sa Manila. Hindi ako nagkamaling lumapit sa ‘yo para magpasama sa mga magagandang lugar dito sa lungsod.” Nakangiting wika ni Duke sa dalaga.

“It’s my pleasure. Idol kaya kita!” may pagmamalaking wika ni Celeste rito.

Akala niya talaga mahuhulog na ang loob niya sa binata. Ngunit, hanggang paghanga lang pala ang nararamdaman niya para rito.

“Know what? I like you.” Madamdaming pahayag ng binata sa dalaga. Nagulat naman si Celeste sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan na sasabihin ‘yon ng binata.

Nginitian niya si Duke.

“Thank you.” ‘Yon lang ang tangi niyang nasabi.

Mahinang natawa ang binata.

“I think, you like someone else.”

“How did you know that I like someone else?” kuryosong tanong ng dalaga.

“I can see it in your eyes. But, don't worry, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa ‘yo. I just like you. That's all.”

Hindi na nagsalita pa ang dalaga at nagpatuloy lang sa pagtanaw sa magagandang bulaklak sa garden.

Inihatid ni Duke si Celeste sa restaurant ng huli.

“Thank you so much for accompanying me today.” Nakangiti na pasasalamat ng binata sa dalaga.

“Nah! It's nothing. Sabi ko nga, it's my pleasure. Isang sikat na model at singer ba naman ang ito-tour ko. Aayaw pa ba ako?” pabirong wika ng dalaga na siyang ikanatawa ng binata.

“Ahm, can I hug you?” alinlangan nitong tanong. Lumapad naman ang ngiti ni Celeste sa binata.

“Sure.” Sagot nito. Ilang iglap lang ay magkayakap na ang dalawa. Medyo nagtagal ang pagyayakapan ng dalawa.

Nagulat pa si Celeste nang halikan ito sa pisngi ng binata. Natulala na lang ang dalaga habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ng binata.

Sa hindi kalayuan ay kitang-kita ni Nizar ang dalaga na may kasamang ibang lalaki. Kita niya kung gaano kalambing ang dalawa sa isa’t-isa.

Puno ng selos ang puso ng binata. Kaya pala lumalayo sa kanya ang dalaga ay dahil may iba pala itong nakakasama.

Maagang umuwi sa bahay nila si Nizar. Kumuha siya ng ilang bote ng beer at dinala n’ya ‘yon sa kanyang silid. Doon ay magkukulong ito at ibubuhos ang lahat ng inis at selos na nararamdaman niya. Wala naman ang mga magulang nito at my business trip sa Singapore kaya walang sasaway sa gagawin nito.

Habang si Celeste naman ay nakapag-desisyon na. Handa na siyang gawin ang matagal na niyang pinaplano. Iniisip niyang para naman ‘yon sa kanyang mga matalik na kaibigan. Pinangako niya sa sarili na gagawin ang lahat para itago ang namumukod tanging sekreto ni Nizar. May magagawa naman ito para mapigilan ang pagkalat ng sikreto ng binata.

Kinagabihan ay nagtungo si Celeste sa bahay nina Nizar. Sanay na sanay naman ang mga kasambahay sa kanya. Ngunit ng gabing ‘yon ay nagulat siya dahil walang nakitang kasambahay ang dalaga.

Dere-deretso na lang itong pumasok sa loob at umakyat papunta sa second floor kung saan ang silid ng binata.

Binuksan niya ang silid ni Nizar. Kahit kinakabahan ay deretso pa rin siyang pumasok sa loob.

Nakapatay ang ilaw at tanging lampshade lang ang nagsisibiling liwanag sa loob ng silid. Nakita niya si Nizar na nakayukyok ang ulo. Hindi alam ng dalaga kung gising ba ito o tulog. Ngunit ng maamoy ang alak sa loob ng silid ay napagtanto ng dalaga na uminom si Nizar.

“May problema kaya ito?” wala sa sariling naitanong ng dalaga sa sarili.

Nilapitan niya si Nizar at bahagyang niyogyog.

“Hmmm. . .” mahina nitong ungol.

Ilang beses na napalunok ang dalaga. Ito na ang pagkakataon para gawin niya ang pinaplano. Lalo pa at lasing ang binata.

“Nizar. Hey!” tawag ni Celeste sa kaibigan.

Nang marinig ni Nizar ang boses ng kaibigan na isang linggo rin niyang hindi nakita ay biglang nabuhay ang inis at panibugho sa puso ng binata.

“A-anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa lasing na boses.

Hindi nagsalita si Celeste at bigla na lang niyang sinunggaban ng halik sa labi ang matalik na kaibigan. Akala ni Celeste ay itutulak siya ni Nizar, ngunit mas pinailalim pa ng binata ang halikan nilang dalawa.

Bawat hagod ng labi ng binata ay nakapagbibigay ng kakaibang sarap sa kaibuturan ni Celeste. Kailanman ay hindi pa siya nahahalikan katulad ng pagkakahalik sa kanya ng binata. At sa isiping isa itong bakla ay hindi maisawang magtanong ni Celeste sa sarili. Tama ba ang ginagawa niya?

“Oh!” napadaing siya nang hawakan ni Nizar ang kanyang dalawang dibdib at mahinang masahiin ‘yon. Nawala na sa katawan ng dalaga ang inhibisyon at mga katanungan sa utak niya dahil sa sarap na pinapalasap ng kanyang kaibigan.

Pareho na silang walang saplot ni Nizar sa katawan. Hindi man lang nakaramdam ng hiya si Celeste. Bagkus ay mas nag-aalab sa init ang kanyang katawan.

Pinasadahan ng labi at ekspertong kamay ni Nizar ang bawat parte ng kanyang katawan. Napapaliyad at napapaungol ang dalaga sa ginagawa nito.

“Nizar! Oh!” tawag ni Celeste sa pangalan ng binata. Wala man lang imik si Nizar, mas pinupukos nito ang ginagawa sa katawan ng kaniig.

Nagulat si Celeste nang lumapat ang labi ng binata sa gitnang bahagi ng hita niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata at parang kinakapos siya ng hininga.

“Niza- Oh!” hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla na lang dilaan ng binata ang kanyang hiyas. Parang naglalagablab ang katawan ng dalaga dahil sa ginawa ng matalik na kaibigan. Kahit sa imahinasyon ay hindi naisip ni Celeste na mangyayari ito sa kanila ng binata.

Napakapit ito sa buhok ni Nizar nang may mamuong kung ano sa kanyang puson. Ilang sandali pa ay may samubog na mula sa kaibuturan ni Celeste.

Nanghihina ang kanyang buong katawan dahil sa pagkamit ng kanyang orgasmo.

Pumwesto sa gitna ni Celeste si Nizar.

Hindi muna ito gumalawa at tinitigan ang dalaga.

“You’re so beautiful.” Wika nito. Lumakas ang tibok ng puso ni Celeste. Hindi niya malaman kung bakit para siyang nahihipnotismo sa bawat titig ng binata sa kanya. Alam niyang lasing ito, at bukas ay makalimutan na nito ang nangyari sa kanilang dalawa.

“And you're so handsome too.” Ani ni Celeste.

Halos mapasigaw at mapamura ang dalaga nang maramdaman niya ang kakaibang sakit na bumalatay sa kanyang kaibuturan nang pumasok ang pagkalalaki ni Nizar sa kanyang sagradong butas. A lone tear escaped her eyes.

“I’m sorry.” Tanging sambit ng binata. Pilit na kinalma ng dalaga ang sarili. Ilang segundo lang ang lumipas at gumalaw na si Nizar sa ibabaw ng dalaga.

Kung kanina ay ibayong sakit ang hatid ng pagkalalaki ng binata, ngayon naman ay kakaibang sarap ang kanyang nalalasap. She moaned. He groaned.

Puro d***g at ungol lang ang maririnig sa apat na sulok ng silid ng binata.

At ilang sandali pa ay naabot na ni Celeste ang langit na kanyang gustong maabot. Sumunod naman kaagad si Nizar rito.

Parehong hapong-hapo ang kanilang mga katawan.

“Wala na. Tuluyan ng nawala ang iniingatan kong pagkababae sa loob ng ilang taon.” Bulong ni Celeste sa sarili.

Kinapa niya ang kanyang puso kung may pagsisisi siyang naramdaman. Ngunit, wala.

Tinitigan niya ang natutulog na si Nizar. Bigla na lang ay nahiya ito sa ginawa. Ano na lang ang iisipin ng mga magulang ng binata? Ano na lang ang iisipin sa kanya ng kanyang pamilya? At ano na lang ba ang iisipin ni Nizar sa kanya?

Natatakot siyang kamuhian siya ng mga taong mahal niya.

Ano ba ang nagawa niya? Bakit nagawa niya ang bagay na ito?

Celeste, ginawa mo ‘yan para sa kaibigan mo. Upang protektahan ito sa tunay niyang pagkatao. Sagot ng utak ng dalaga.

Ngunit para sa kanya ay mali pa rin ang ginawa niya.

Kahit masakit pa ang kanyang pagkababae ay pilit na naglakad si Celeste. Isinuot niya ang kanyang mga damit at dali-daling lumabas ng silid ng matalik na kaibigan.

Dahil gabing-gabi na ay halos tulog na ang tao sa loob ng bahay nina Celeste.

Kaya binilisan ni Celeste ang pag-akyat sa kanyang silid.

Nakapag-desisyon na siya, aalis siya. Dahil hindi niya kayang pakiharapan ang mga taong mahalaga sa kanya dahil sa kanyang ginawa.

Isang maleta lang ang dala niya. Iniwan nito ang cellphone at kumuha lang ng cash at iniwan nito ang kanyang credit card.

Marahas siyang bumuntonghininga at inilibot ang buong paningin sa bahay nila. Ito na muna ang huling pagkakataon na masisilayan niya ang kanilang bahay.

Hindi alam ni Celeste kung saan siya pupunta. Wala siyang destinasyon.

Magmamadaling-araw na nang makita niya ang isang barko.

“Hija, saan ang punta mo?” tanong ng isang ginang sa kanya.

“Hindi ko po alam. Gusto kong makalayo rito. ‘Yong malayong-malayo.” Wala sa sariling sagot ng dalaga sa ginang.

“Kung gusto mo sumabay ka na sa amin. Maglalayag ang barkong ito, pero bababa ka sa bansang pupuntahan namin.” Sabi ng ginang.

Nagkaroon ng pag-asa ang dalaga at sumama nga siya sa ginang.

Habang si Nizar ay mahimbing na natutulog sa kanyang silid. Walang kaalam-alam sa ginawa nito ng nakaraang gabi. At wala rin itong ka-ide-ideya na iniwan na ito ng kanyang matalik na kaibigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status