Share

Chapter Three

Naiinis na si Nizar sa pagsunod-sunod sa kanya ni Ivana, isa itong model at panay ang pamemeste nito sa kanya araw-araw. Katulad ngayon. Nandito na naman ito sa office niya.

“Baby, please, kausapin mo naman ako. Ikaw lang ang nilaanan ko ng aking mala-gintong oras,” maarte nitong pahayag. Matalim niya itong tiningnan. Napupuno na ang binata rito. Sa lahat ng babaeng nagkagusto sa kanya, ay ito pa lang ang parang aso na buntot na buntot sa kanya.

“Can’t you see? I'm busy.” Madiin na saad ng binata sa dalaga. Sumimangot naman si Ivana.

“Can you give me some of your time? Hindi ba ako maganda sa paningin mo?” muling kulit ng dalaga kay Nizar.

Malakas na binitiwan ng binata ang hawak na ball pen.

“Get out! I'm busy at hindi ka nakakatulong sa akin!” inis na sigaw na ni Nizar. Malapit na siyang sumabog sa inis para sa dalaga.

“Fine! Pero babalik pa rin ako rito bukas!” sabi ng dalaga sabay tayo at nagmamartsang lumabas ng opisina ni Nizar. Napahilot na lang si Nizar sa kanyang noo. Ivana is persistent. Walang nakakapigil dito na siyang lalo niyang ikinainis.

Tumawag siya sa security officer at inutusang bawal ng papasokin si Ivana sa building niya. Maging ang secretary nito ay pinagsabihan na rin ni Nizar.

She's disturbing his private life.

Mabilis lang na natapos ang araw at umuwi na si Nizar. Dinaanan niya muna ang matalik na kaibigan at sabay na silang umuwi.

Sa mga sumunod na araw ay panay pa rin ang pamemeste ni Ivana sa dalaga.

“Can you give me a little time? I have a proposal. Please!” pakiusap ni Ivana sa binata.

“Wala akong pakialam sa proposal mo.” Malamig kong pahayag.

“Really? Paano kung sabihin ko sa ‘yo na Ninong ko ang nagmamay-ari sa Buenaventura shipping line na gusto mong maka-business partner. I can talk to him, but in one condition.” Nakangising wika ng dalaga. Tiningnan ito ni Nizar. Tama ang dalaga, matagal na niyang nililigawan ang kompanyang ‘yon. Mailap lang talaga ang may-ari.

This is his chance para mapa-oo ang owner ng kompanyang ‘yon.

“What is your condition?” kahit kinakabahan sa magiging kondisyon ng dalaga ay nagtanong pa rin ang binata.

“Be my boyfriend.” Walang paligoy-ligoy nitong wika. Malalim na bumuntonghininga si Nizar.

I can use her, then after that, I can dump her. Sa isipan ng binata.

“Sure.” Laking tuwa ni Ivana sa naging sagot ng binata.

“Really? Yes! Bukas na bukas ay makikipag-meeting si Ninong sa ‘yo!” masayang ani ni Ivana.

Katulad nga ng sinabi ni Ivana ay nakipag-meeting ang Ninong nito kay Nizar.

Na-close din ni Nizar ang deal sa pagitan ng kompanya nito at ng Buenaventura shipping line company.

Isang linggo na simula ng maging mag-nobyo sina Nizar at Ivana. Pero hindi pa rin nagugustuhan ng binata ang dalaga. Nakakasakal kasi ito, and she's not a girlfriend material.

“Babe, it's our weeksary, mag-date naman tayo oh,” naglalambing na wika ni Ivana. Halos masuka si Nizar sa pagkakalapit nila ng dalaga.

“Sure. Bukas na ng gabi, sa One Night Stand Bar tayo. I will text you the add-”

“No need, I know that place! Madalas ako roon.” She cut him off.

“Okay sige. Seven in the evening. See you there,” sabi na lang ng binata.

Parang mababaliw na si Nizar nang humiga sa kama nito. Nag-iisip ito ng gagawin upang mawala sa landas niya ang dalaga.

Napalingon ang binata nang may kumatok sa labas ng kanyang silid. Hindi ito bumangon at hinayaan niya ang sinoman na pihitin ang seradura para pumasok sa loob.

Nakita ni Nizar ang kanyang ina. Mabilis na bumangon ang binata at tiningnan ang ina.

“Momma, what are you doing here?” tanong ng binata sa ina. Umupo sa gilid ng kama ni Nizar ang ina nito.

“Anak, I want to clear somethings to you. Alam mo namang nakita ko kayo ni Celeste na nag-kiss na dalawa. Hinayaan ko kayong magkausap kaya hindi ako nagtanong sa inyo. Hinihintay ko ring sabihin mo sa akin ang nakita ko, but I guess wala akong mahihita sa inyong dalawa. You were quite about that incident, para bang ayos lang sa inyong dalawa ang nangyari.” Pahayag ni Karylle sa anak.

“What do you mean, Momma?” hindi maintindihan ni Nizar ang ina nito.

“Ang ibig kong sabihin, ano ba talaga ang relasyon niyong dalawa ni Celeste. You know naman na mahal na mahal ko ang batang ‘yon. At mas boto ako kapag siya ang naging girlfriend mo. So, what's between you and Celeste?” tanong ulit ng ina nito.

Malakas namang napabuntonghininga si Nizar.

“Momma, wala po kaming intimate relationship ni Celeste. We are purely best friend! Nothing more! Ang nakita mo sa aming dalawa ay aksidente lang. Naglalaro lang kami nang mahulog sa kama at aksidenteng naglapat ang labi naming dalawa. It's not a big deal for us. Kaya sana tigilan mo na kaming dalawa. Baka kung anong isipin ni Celeste kapag narinig ‘yang sinasabi mo.” Paliwanag ni Nizar sa ina.

Walang nagawa ang ina nito kundi ang magpaalam na sa anak.

Kinabukasan ay tinawagan ni Nizar ang kapatid ni Celeste na si Deimos. He wants to talk to him about something important.

“Bro! What's up? Pinapatawag mo lang naman ako kapag may kailangan ka eh,” biro ni Deimos sa kaibigan.

Matalim na tinitigan ni Nizar ang kaibigan.

“I’m not in the mood to joke around. I have a big problem, as in big big problem.” Seryoso ang boses nitong pahayag kay Deimos. Tumaas ang kilay ng kaibigan.

“And what is that?” tanong ng binata.

Malalim na napabuga ng hangin si Nizar.

“I want to woo someone. Well, she's my girlfriend. But, I'm not serious with her. Masama mang pakinggan, pero ginamit ko ang deal nito para makuha ko ang gusto ko. So, dahil nagawa ko na ang gusto ko, I want to dump her na.” Pagpapaliwanag ni Nizar sa kaibigan.

Hindi makapaniwala na tiningnan ni Deimos ang binata.

“That’s so rude of you! How could you used someone for your own gain!” may inis sa boses ni Deimos nang sigawan ang kaibigan.

“I’m not sorry at all! She's always pestering me! And I had enough of her dramas!” pinipigilan ni Nizar ang magtaas ng boses. Umiling-iling si Deimos.

“Karma is bitch my friend. Well, it's your decision not mine. Kung gusto mo siyang makawala sa kanya, then be yourself, your true self.” Makahulugang wika ni Deimos sa kaibigan.

Napanganga ang binata sa sinabi ni Deimos. Be himself? As in be a gay? In front of Ivana? He can't do that!

“Wala na bang ibang paraan? I can't do that!” pasigaw na tanggi ni Nizar.

Nagkibit-balikat lang ang kaibigan nito.

“Then, wala na akong maitutulong pa. Dahil kapag nagpakilala ka ng ibang babae sa dalaga, siguradong may world war three na mangyayari, so at least safe ka kapag pinakita mo ang tunay na ikaw.” Pinagdiinan pa talaga nito ang huling sinabi.

Walang nagawa si Nizar kundi ang sundin ang suhestyon nito.

“Okay fine. But you will help me.” Sabi ni Nizar. Kumunot ang noo ni Deimos.

“What kind of help?”

“Be my boyfriend. That's final and no but’s.” May pinalidad sa boses ng binata.

Walang nagawa si Deimos kundi ang tumango sa kanyang kaibigan.

Mukhang mapapasubo sila sa isang mahabang gabi mamaya.

Binabasa ni Nizar ang mga papeles sa harapan niya nang may nagpumilit pumasok sa office nito.

“Ma’am! Bawal po talaga kayong pumasok!” sigaw ng sekretarya ni Nizar. Tumayo ang binata dahil masyado ng maingay ang mga tao sa labas.

“What’s going on?” baritonong tanong nito sa nag-aaway sa labas.

“S-sir, nagpupumilit kasing pumasok si Ma'am Ivana sa loob ng office mo.” Paliwanag ng sekretarya nito. Bumuga ng hangin si Nizar. Sumasakit na naman ang ulo ng binata sa eskandalong ginawa ni Ivana.

“I’m his girlfriend! I'm going to fire you!” galit na galit na dinurduro ni Ivana ang babae.

“Enough! Get inside. Liza, I'm sorry about that.” Paghingi ng binata ng despensa sa sekretarya.

“Okay sir.” Tanging sambit ni Liza.

“Babe! Fire that bitch! How dare her stop me from entering into my boyfriend's office!” galit na galit pa ring ani ng dalaga.

Pinipigilan ni Nizar na singhalan ang dalaga.

“Can you please calm down!” mariin nitong ani. Natahimik naman si Ivana.

“I’m sorry babe, na-miss lang naman kasi kita kaya pumunta ako rito eh.” Parang batang ani ng dalaga.

“Hindi ba at magkikita naman tayo mamaya? Look, I have a lot of papers to review, tapos nandito ka pa. How can I finish my works kung nandito ka?” hindi na naitago pa ng binata ang iritasyon para rito.

Tila naman binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga. Napahiya ito.

“I. . . I'm sorry. Sige, aalis na lang ako. See you in the bar tonight.” Parang maamong tupa nitong wika.

Muling bumuga ng marahas na hangin ang binata.

“Okay. Pumunta ka na lang doon. Seven sharp,” saad nito.

“Sige, bye!” paalam ni Ivana.

“Bye!” walang ganang wika ni Nizar.

“Ahm. . . Where's my kiss?” tila ba nahihiyang tanong ng dalaga sa binata.

Walang nagawa si Nizar kundi ang tumayo at halikan sa pisngi ang dalaga.

“Now, go.” Pagtataboy ng binata rito.

Kinagabihan ay naunang dumating sina Nizar at Deimos sa One Night Stand Bar.

Kinausap ni Nizar ang security at bartender na kapag may naghanap sa binata ay ituro lang ang kinaroroonan nilang silid.

Nagpaganda si Ivana. Halos lumuwa na nga ang dibdib nito dahil sa suot nitong V-neck na damit. Hapit na hapit sa katawan nito ang kulay itim na evening gown. Ang haba ng slit nito at nakikita na ang kalahati ng hita nito.

Glamorosa itong naglakad papasok sa bar. Nagpalinga-linga siya sa paligid para hanapin ang kasintahan. Ngunit hindi niya ito makita. Kaya naisipan na ng dalaga na magtanong sa bartender. Mukha naman kasing kilala na rito si Nizar.

“Hi! I'm looking for someone.” Bati niya sa gwapong bartender.

“Yes, beautiful lady. What can I do for you?” tanong ng bartender sa dalaga. Binigyan niya ng nakakaakit na ngiti ang binata.

“I’m looking for Nizar. Do you know where he is?” malanding tanong ni Ivana.

“Oh! Nasa room 105, second floor. Akyat na lang po kayo roon.” Turo ng binata kay Ivana.

“Thanks!” at nag-flying kiss pa ang dalaga rito.

Mabilis ang bawat hakbang ni Ivana.

Nang makita niyang bahagyang nakabukas ang room 105 ay dali-dali siyang pumasok para lang magulat sa nakitang eksena!

Her boyfriend is kissing someone! And that someone is a man! Natutop ni Ivana ang kanyang bibig dahil sa gulat. They are torridly kissing! Halos malaglag ang shoulder bag nitong hawak.

Now, it's explained everything to her what kind of a person Nizar is. Kaya pala ang cold cold ng lalaki sa kanya dahil hindi pala babae ang gusto nito, kundi ay isang lalaki rin. Mabilis na kinuhanan ni Ivana ng video ang dalawa. Kahit hindi masyadong kita ang mukha ng dalawang naghahalikan ay alam na alam ng dalaga na si Nizar ang binatang ‘yon.

Hindi na pumasok pa si Ivana sa loob at dali-dali siyang lumabas para pumunta sa ladies comfort room. Nakakadiri si Nizar. Pero kahit ganoon ay gusto pa rin nito ang binata.

Tinawagan ni Deimos si Celeste para pumunta sa bar. Gusto raw makipag-bonding ng kapatid sa kanya at kasama nila ang matalik na kaibigang si Nizar.

Pumasok muna siya sa ladies comfort room para umihi.

Nasa loob siya ng cubicle nang makarinig siya ng boses. Ayaw niya sanang makinig pero ang lakas ng boses ng babae. Para bang galit na galit ito.

“He’s a gay! For goodness sake! Kaya pala wala akong dating sa kanya dahil bakla pala ang gago! I just wasted my time with him! Argh!” inis na inis na sigaw ni Ivana.

“Who’s that guy?” tanong ng kausap ni Ivana.

“Nizar! He's a gay!” sigaw ni Ivana sa pangalan ng binata.

Biglang napatayo si Celeste sa toilet bowl at inayos ang sarili.

“Sasabihin ko sa buong mundo ang tunay niyang pagkatao.” May pagbabanta sa boses ni Ivana.

Agad na lumabas si Celeste ng banyo at tiningnan ang babae.

“Hey! You're eavesdropping!” sigaw ng magandang babae sa akin.

“Wait! Huwag mong ipakalat sa lahat ang nalalaman mo kay Nizar!” nagpapanik na ani ni Celeste sa babaeng kaharap.

“And who are you?” tanong ni Ivana sa babaeng bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan.

“I. . . I'm his best friend. He's not gay, you. . . You just mistaken him being a gay!” pagdadahilan ni Celeste sa dalaga.

“At paano ako maniniwala sa ‘yo?”

“Because I'm his best friend nga!” pasigaw na sabi ni Celeste.

“Okay fine. Hindi ko ipagkakalat ang nakita ko. In one condition.” May pilyang ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi. Biglang kinabahan ang dalaga sa nakitang ngiti ng babaeng kaharap.

Nang sabihin ni Ivana ang gusto nitong mangyari ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Siguradong mag-iiba na ang pakikitungo ni Nizar sa kanya kapag ginawa niya ‘yon.

Pero para sa kaibigan ay gagawin niya ang lahat para mapanatili ang sekreto nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status