Share

Dinner Date

"Huy, babasagin daw niya ang salamin ng sasakyan pag dimo buburahin yang picture nya, pambihira naman natulala ka naman na?"Marco whispered to Brix, who is very annoyed while staring at the beautiful face of the woman outside. It is obvious to her face that she is very displeased with the stolen shots.

"Huh! Interesting. Let's see how will she do it." Brix sneered while staring at the woman with his dark eyes. Hindi ba siya kilala ng babaing ito? Siya lang naman ang pinaka sikat at pinaka poging movie director ng bansa, Bakit hindi siya kilala nito? Dito na kumulo ang dugo niya sa isiping meron pa palang babaeng hindi nakakakilala sa kanya.

The woman was about to raise her fistto punch the window when she was approached by the woman whom she helped.

"Doc , I'm so grateful for your help. Kung hindi nyo nabigyan ng first aid si Dad, malamang -" Niyakap nya ito habang umiiyak.

"Shhhhh, thanks to these two nurses. They have assisted me to perform my duty. " Pag-aalo niya sa babae at niyakap din habang tinatapik ang kanyang likod. Tuwang-tuwa naman ang dalawang nurse sa narinig na appreciation and acknowledgement galing sa bibig ng Doctora. Habang sila'y naguusap, sumibad na and kotseng sisirain sana niya. Ang pinaka ayaw niya ay yung kinukuhanan siya ng stolen shots. Mabait siya pero ito ang limit ng kanyang kabaitan.

"Ano kayang nangyari kung hindi lumapit ang anak ng narescue?" pang aasar ni Marco kay Brix, habang nasa kahabaan na sila ng highway malayo sa accident scene. Hindi naman maipinta ang mukha ng huli.

"Nabuking ka dahil sa shutter sound ng cellphone mo, ioff mo kasi sounds nyan. Tska sana kasi video nalang eh!" natatawang sabi ni Marco, na panay ang sulyap sa kanyang kaibigan.

"Well, hindi lang iisa ang araw. Magkikita pa kami Marco." Hindi pa kasi siya naka-encounter ng authoritative na babae sa tanang ng buhay niya, and worst, hindi siya kilala. Dahil doon, nasagi ang kanyang ego.

"Check mo yang puso mo, baka atakehin ka sa galit. Atleast ngayon pa lang maibalik agad kita sa kinaroroonan nya habang andun pa siya," natatawang nasabi nalang Marco habang nagmamaneho. Alam niya kung ano ang nararamdaman ngayon ng mayabang niyang kaibigan. Kailan man ay hindi siya friendly sa mga babae, kahit pa ito'y isang babaero tapos nung nagkataong interesado siyang picturan, ganun pa ang trato sa kanya.

Samantala, sa kinaroroonan nina Mirasol at ang dalawang nurse sa kanilang hospital, abot-abot ang pagsosorry ng dalawa sa kanya dahil di daw siya namukhaan agad.

"It's okay girls! Buti nga andiyan kayong nag-assist sa akin. You really love your job, but next time, you may want to pay attention to your manners. Paano kung hindi ako yun, edi sira na ang ating hospital. Sasabihin nilang walang modo ang mga empleyado doon. Kaya, kahit sino, you have to apologize okay?" panenermon niya sa dalawa. Nawala na sa isip niya ang mga mokong sa van.

"Yes, po Doc." Nahihiyang sabi ng dalawang nurse.

Their dinner date is at 5:00 in the evening. Apat lang sila sa kanilang department. Lahat sila ay single, at napaka matagumpay sa kanilang karera.

"Di ba si Eric yun?" anas ni Francine kay Laarni. Francine Santos, Laarni Chavez, and Mirasol are best of friends nung college sila. Alam na alam ng dalawa kung paano sinuyo ni Eric Montemayor si Mirasol, bagay na parang wala lang sa dalaga.

"Eric! Over here!" Kaway ni Laarni kay Eric, kahit hindi siya sigurado kung si Eric nga yun dahil malaki ang pinagbago ng pangangatawan ng lalaki. Abot abot naman ang ngiti ni Eric habang papalapit, at mukhang may hinahanap siya.

"Uyy, don't tell me si Mirasol parin ang tinitibok ng iyong heart, at nakatatak sa iyong hypothalamus?" Pang-aasar ni Francine kay Eric.

Ang pogi na niya ngayon, halos lahat ng nadaanan niya ay napalingon sakanya. Nakakaagaw tingin ang kanyang napaka guwapo at maamong mukha , matipunong pangangatawan, at ang linis linis niyang tignan. Para siyang isang modelo sa itsura niya ngayon. Nang dumating si Mirasol, mas lalong naging masaya ang kanilang kumustahan.

Samantala, sa taping ng "Married to the Beast",

Sci-Fi movie na dinidirek ni Brix, nagtataka ang isa pa nilang kaibigang si Gil dahil sa inasal ng kanilang Direktor.

Mainit ang kanyang ulo habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"Anong nangyari sa lokong yun, kaya nga kayo pumunta dito para tignan niya ang progress. Ba't andun lang siya at nagseselpon?" Takang tanong ni Gil kay Marco. Si Gil ang isa sa mga Lead actors na gaganap bilang Scientist.

"Eh pano, nakatagpo siya ng kanyang katapat." natatawang sagot ni Marco.

"What? Di ko yata gets." Kunot-noong tanong ni Gil sa kaibigan, kaya kinuwento ni Marco ang buong pangyayari sa highway.

"Oh? Hahah! May picture ka? Patingin nga." Curious si Gil. Gaano kaya kaganda ang Doctorang yun at naisipan niyang picturan?

"First time in history na may iistolenshot siya pero ganun pa. hahah!"

"Makinood ka nalang sa cellphone niya ah!" Nakangiting sagot naman ni Marco, at tumayo na siya para ayusin ang mga ilaw para sa susunod na eksena.

Pinagbreak na muna niya ang mga secondary actors and actresses dahil di rin lang naman attentive ang kanilang Director. Mabilis na lumapit si Gil sa kinaroroonan ni Brix at sinilip agad ang screen ng kanyang cellphone kaya nakita niya ang larawan bago pa man niya maitago ang kanyang cellphone. Tumatawa siya papalayo kay Brix dahil baka batukan siya nito.

"Anong tinatawa tawa mo diyan Gil?" napailing nalang si Brix, "Itong si Marco talaga, chickboy na tsismoso. Tsk! " Nasambit nalang niya sa sarili, pero ang volume eh dinig sa kinaroroonan ni Marco. Nagkatawanan ang mga iba pang artista na nagpapahinga sa paligid sa kanilang narinig.

Matagumpay na natapos ang shooting, dahil bumalik ang sigla ni Director Love. Yan ang titulong bansag sa kanya dahil halos lahat ng baguhang artista ay naiinlove sa kanya.

They all thought that being his girlfriend is already a priviledge. Some seduced him, bagay na pinatulan naman niya kung type niya ang babae. Palay ang lumalapit sa manok eh, sa isip niya. Pero minsan, pinapahiya din niya ang isang babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya.

Mula nung kumalat ang balitang iyon sa kanilang mga artista, wala nang nangahas na akitin siya. Nagkasya nalang sila sa pagpantasya sa kanya ng lihim. Inspirado sila pag meron siyang nanonood sa kanilang taping.

Sa kabilang dako ng siyudad, hating gabi na nang makauwi si Mirasol. Pabiling-biling siya sa kanyang higaan, dahil di mawaglit sa isip niya ang mga titig ni Eric.

It's almost 3am, and yet, she's still awake. Nalilito siya kung tanggapin ba niya ang pag-ibig ng binatang surgeon. Wala man siyang nararamdaman sa binata, gusto niyang subukan. Nakita kasi niya kung gaano kapursige ang binata sa kanya.

"Pero, kainis naman! Why do I can't feel anything pag kasama ko siya?" naalala na naman kasi niya na pagkatapos ng dinner, naunang umuwi sina Francine at Laarni. Parang date tuloy nila ni Eric ang gabing iyon.

"I'm sorry sa kapangahasan ko Mirasol. But I think, we are old enough not to be in a relationship. Diba sabi mo dati, hindi ka pa ready? Until now ba, hindi ka ready? We both have our stable jobs naman na."

Parehas silang ganap na Surgeon, at may kanya kanyang business maliban sa kanilang propesyon.

"Or talagang hindi mo ako gusto?" Tanong ni Eric sakanya habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata.

"Ahmmm E-Eric, di naman sa ganun. Eh kasi-" wala na siyang maidahilan pa, kaya umiwas nalang siya ng tingin.

"Then why Mira? Bakit dimo pa ako tanggapin sa puso mo?" parang naiiyak at nagmamakaawa na ang mga mata ni Eric habang nakatitig sa mukha ng nakayukong dalaga.

Ganito na ito dati pa. Pag nacorner na, at wala nang maisagot, tahimik na ito at sa sahig na nakatingin, pero pag academic questions naman, wala itong pinapalampas na tanong.

"Please , Mira tumingin ka sa aking mga mata. Tell me how do you feel about me, may nararamdaman ka ba kahit konti lang?"Nasa gitna sila ng dance floor, at nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng banda .

Through the help of The Management, he turned the venue into a very romantic ambiance.

Maya maya ay nagring ang kanyang cellphone.

"Excuse me Eric, I need to receive this call,"paalam niya sa binata. Naunawaan naman ito ni Eric.

"What? Nasa labas pa ako eh! Gosh! Grabe naman! OMG!" Nag-aalalang boses ni Mirasol. Nakita ni Eric kung gaano siya kabalisa sa oras na yon. Kaya naiintindihan niya kung aalis na ito. pero bakit? Ano ang nangyari?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status