Share

Meet My Boyfriend

Pag-uwi sa bahay, tinawagan agad niya si Donna.

 

"Ano bang pinagsasabi mo kanina? Masyado namang out of topic ang mga sagot mo sa sinasabi ko." Reklamo agad ni Donna nung nagconnect na ang tawag.

 

"Well, I'm on a date that time. Kasalukuyan ang interview, eh diko na alam ang isasagot ko. Buti nalang tumawag ka , heheh." pagpapaliwanag niya.

 

"Date? Tapos may interview? Ano yun?" Na we weirduhan siya. "By the way, nkasalubong ko si Coach Allen kanina, start na daw natin ang practice nextweek para sa competition sa Busan." sabi ni Donna habang nagdadrive pauwi, kaya ikinabit nya ang headset para makapagusap sila ng maayos.

 

Donna Perez was her bestfriend and confidant after she graduated in college. Magmula nung nag match sila sa sparring, doon na nagumpisa ang kanilang pagkakaibigan. Pinagharap kasi ang dalawang winners. Si Donna ang overall champion sa Viper team, at siya naman sa Wolf team. Walang winner sa kanilang paghaharap. Ilang rounds na pero laging draw, kaya nagdecide ang namamahala sa koponan na pagsamahin nalang ang dalawa sa iisang team.

 

May boyfriend si Donna, pero parang wala kung umasta ito. Wala kasing tumatawag , at sumusundo sa kanya. Si Donna ay isa ring Doctor - Obstetrician at Gynecologist, pero sa ibang paaralan ito nagtapos.

 

"Okay. Magkita nga tayo bukas, may tatanungin lang ako, tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend. Heheh, Or baka gusto mong pumunta dito sa bahay, ipag bake kita." Pang eengganyo niya.

 

"Ayoko, baka tanungin na naman ako ni Uncle Delon kung kailan ako ikakasal." Todo tanggi siya. Hindi kasi siya sigurado kung may boyfriend pa ba siya dahil matagal ito sa abroad at kahapon lang nagtext na magkita sila. Isang Actor at co-producer ang kanyang kasintahan.

 

"Edi sabihin mong pagdating ng boyfriend mo. Sige na punta ka na dito sa Friday." Parang batang naglalambing si Mirasol para puntahan siya ni Donna.

 

"Okay, sige kung maganda ang paguusap namin. Pero kung sasabihin niyang may iba na siya, ikaw ang pupunta sa akin, kasi siyempre magmumukmok na ako at iiyak, hahaha" advance mag-isip ng the moves si Donna.

 

"Okay, deal!" Tuwang tuwa si Mirasol, ngunit huli na nang naisip niya na baka maiinggit na naman ang ama dahil may ipapakilalang boyfriend si Donna, samantalang siya, wala.

 

 

Pang apat na araw ng shooting ng team ni Brix.

 

"Anong ginagawa nun, kanina pa siya parang call center ah!" Tanong ni Brix kay Marco habang nakatingin sa kinaroroonan ni Gil.

 

"Ewan ko, kanina pa siya may kausap." Sagot ni Marco habang nagpapahinga. Katatapos lang kasi ang nakakapagod na eksena, at suot pa niya ang kanyang costume.

 

"Sabi kasing huwag siya mismo ang magmanage sa page niya eh. Tigas ulo is real, ayan tuloy." ani Brix, pero siya man ay hindi pinaubaya sa iba ang kanyang official account. Gamit niya ang kanyang screen name, Rex Jay. (mula sa Brix ang Rex, at J sa Jose)

 

"Dude, maaga akong aalis mamaya tutal tapos ko naman na ang mga eksena ko. May imimeetup kasi ako." ani Gil nang makabalik na siya sa kinarorooonan nila. Hindi nila kilala ang kanyang girlfriend, at lalong hindi nila alam na meron siya nun.

 

"Ako din Brix, may imemeetup din ako." panggagaya ni Marco kay Gil. Pero gusto din talaga niyang umalis agad sa lugar na yon dahil ang daming lamok. Pano nalang ang kanyang makinis na mukha? Naaawa siya sa mga babaeng kasama nila, panay ang kamot pero walang nagreklamo dahil baka pauwiin ni Brix ng di oras kaya nagbigay nalan siya ng kanyang mga dalang lotion na insect repellant.

 

"Pambihira ang mga ito oo. Sige tapusin nalang natin ang shooting ng mas maaga para sabay tayong aalis." Ani Brix, tska tinawag na ang mga gaganap sa susunod na eksena.

 

Mabilis natapos ang shooting, dahil perfect ang mga dialogues. Walang nagkamali kaya puro first take lahat. Masyado nilang ginalingan dahil ayaw nilang magtagal sa lugar na iyon.

 

"Ako na magdrive," si Brix, papunta na siya sa drivers side pero mas mabilis ang kilos ni Marco dahil patakbo nitong inunahan si Brix. Agad siyang umupo sa driver's seat dahil ayaw niyang si Brix ang magmaneho.

 

Para kasi itong laging nakikipagkarera sa tulin ng kanyang pagpapatakbo. Dinala ni Gil ang kanyang sariling kotse dahil may lakad siya pagkatapos ng shooting, kaya nag aargue palang ang dalawa kung sino ang magdrive, ay nakaalis na siya.

 

Biglang nagring ang cellphone ni Marco. Pagtingin niya sa screen, nagbiblink ang pangalang Sandra. Hinayaan lang niyang tumunog ito.

 

"Sagutin mo na! " Utos ni Brix, dahil hindi niya gusto ang ringtone kaya nagiging ingay nalang ito sa kanyang pandinig.

 

"Nakikita mo naman sigurong nagdadrive ako," singhal ni Marco sa kanyang kaibigan. Ayaw kasi niyang kausapin ang babae dahil astang girlfriend ito.

 

"Edi ako na magreceive," sabay mabilis na dinampot ang cellphone ni Marco, at pinindot ang loudspeaker button.

 

"Sutil talaga ang lokong to" naisip ni Marco, di niya kasi naalala na kasama niya ang pilyong kaibigan. Kung naalala lang niya, hindi na sana niya inilabas pa ang cellphone at hinayaan nalang niyang mag ring sa kanyang bulsa hanggang malowbatt.

 

"Nagdadrive kasi siya, abangan mo nalang kami sa studio." Si Brix na ang sumagot. Alam niyang maraming gf na sabay sabay itong si Marco.

 

"Ikaw pala Direk. Sige, po." Magalang siya kay Brix, dahil kahit nakikipagbiruan ito sa mga artist, naglalagay parin siya ng gap kahit pa babaero ito. Si Marco lang naman ang Mr. Friendship dahil ka close niya ang lahat, lalo na ang mga babaeng artista. Si Gil naman, parang pamilyado kung umasta. Mailap siya sa mga babae kahit wala naman siyang kasintahan.

 

Kumpleto ang Studio. Limang palapag ito. Ang buong 5th floor ay pahingahan ni Brix, bilang CEO ng Nimbus Productions. Nahati naman ang 4th floor para sa personal space nina Gil, at Marco. Ang 3rd floor, para sa mga staff. At production room naman sa 2nd floor. Ang first floor ay receiving area at offices na. Kaya pagdating nila doon, kanya kanya nang pumunta sa kani kanilang kuwarto ang mga staff, maliban kay Marco dahil may Sandra siyang naghihintay.

 

It's Friday.

In Carlos' mansion, Mirasol is busy preparing the ingredients for the cake that she promised to bake. Hinihintay niya ang tawag galing kay Donna, pero mag alas dose na, wala parin.

 

Pagdating ng ala una, naisip na niyang baka nga break na sila ng kanyang boyfriend kaya nagpasya siyang magbake parin para dalhin nalang niya sa beach house ni Donna.

After finishing the cake icing, her cellphone began to ring. Dali dali niyang sinagot ito.

 

"Ano, kumusta na? Nasaan na kayo? Papunta na ba kayo? Or nasa beach house ka na?" Sunod sunod na tanong ni Mirasol sa kaibigan.

 

"Mira, ikaw nalang lang pupunta dito sa house ko," malakas ang pag-iyak ni Donna. Kaya si Mirasol naman, napatampal nalang sa noo. Alam na niyang nagbreak ang dalawa, pero di niya alam kung gaano ba ito kasakit dahil hindi pa niya naranasan ang mabroken heart.

 

"Okay , okay huwag ka nang umiyak! He's not worthy of your tears my dear!" Naiinis siyang sabi sa kaibigan. Tinanggal na niya ang kanyang apron para maghanda na sa pagpunta sa kaibigan, nang biglang may tumawa sa may pinto habang papasok ito kasama ng kanilang maid.

 

"It's a prank! Hahaha" masiglang tumatawa si Donna. Kasama niya ang kaniyang boyfriend.

 

"Mira, meet my boyfriend," paguumpisa ni Donna sa pagpapakilala sa kanyang kasintahan. Nagtama ang kanilang mga mata. Napansin ni Mirasol na bahagyang nagulat ang boyfriend ni Donna pagka kita sa kanya, at halatang pilit lang nitong pinapakalma ang sarili.

 

"Why the looks?" Tanong nito sa sarili at pilit inaalala kung nagkita na ba sila. Where? Wala talaga siyang maalala. She really don't know the man, but why is he staring at her that way? She felt weird , and she started to feel uneasy.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status