My Gorgeous Wife is a Contender

My Gorgeous Wife is a Contender

last updateLast Updated : 2024-12-10
By:  HanaleeOngoing
Language: English
goodnovel16goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
99Chapters
5.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Brix Jose was a famous, but extremely arrogant actor and a movie director. He is very prominent in their country due to his extraordinarily handsome face, magnetic looks, and powerful aura, that every woman dreamed of being with. He never expected that there is still someone who never knew of his existence. This discovery brings out the beast in him. That's why he promised himself that the woman must become his wife. He will pursue her and leave her soon with a broken heart. But what if he is the one who fell in love? Pick this one and find out!

View More

Chapter 1

Choices

Malapit na ang tournament ng Wushu sa Busan next month, kaya todo practice ang team nina Mirasol. Second week na ng kanilang ensayo kaya nagdesisyon ang Coach na i-treat ang team sa isang bar para makapag-relax naman sila bago ituloy ang nalalabing dalawang linggong ensayo para sa tournament .

 

"Saan naka-park ang kotse mo, Mira?" tanong ni Donna habang sinusuot ang kanyang jacket pagkatapos mag shower sa gym. Silang dalawa na lang mula sa kanilang team wushu ang nagpaiwan pa. They want to freshen up first, before going anywhere. They are the only flowers among the thorns sa kanilang mga wushu fighter.

 

"Dun sa underground parking lot sa Halsema Bldg. Puno na kasi dito kanina dahil ang daming walk in," aniya habang tinatali ang kanyang rubber shoes. Nakasuot siya ngayon ng hapit na red tshirt at jeans, na bumagay naman sa kanyang balingkinitang katawan.

 

"Okay, see you nalang sa Careless Whisper mamaya," sabi ni Donna at ito'y nagpaalam na. May bibilhin pa daw kasi sya sa mall bago makipag-meet up sa venue.

 

Marami pang nage-ensayo sa gym para sa nalalapit na Olympics kaya kampante siyang nagpaiwan. Pupunta pa siya sa Halsema Bldg. para kunin ang kanyang kotse. Walking distance lang naman yun mula sa gym na kinaroroonan niya.

 

Pagdating niya sa underground parking lot, didiretso na sana siya sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan nang biglang nakarinig siya ng alingawngaw ng baril. Kasunod nun, ay may bumulagtang lalaking duguan.

 

Mabilis siyang nagtago sa ilalim ng isang kotse na sobrang kinakabahan. It was her very first time that she encountered such a scene. Halos mabingi siya sa kabog ng kanyang dibdib.

 

"Boss, may nakakita yata sa atin."

 

Narinig niya ang boses ng isang lalaki habang nakikita niya ang tatlong pares ng paa na naglalakad palapit sa kinaroroonan niya. Ang mga sapatos na suot ng mga di kilalang lalaki ay makikintab, at pawang mga mamahalin ang mga ito. Maya maya ay tumigil ang mga iyon sa tapat ng kanyang pinagtataguang kotse.

 

"Halughugin ang buong area," a baritone voice chimed in.

 

Kung sana hindi criminal ang may-ari ng boses ay maaakit pa siya. It soothes her nervousness. Kaso, wala na siyang time mag-appreciate ngayon dahil isang kamali lang, buhay niya ang nakataya. Kung kaya nilang pinatay ang lalaki, madali lang din sa kanilang patahimikin siya.

 

Makalipas ang ilang minuto, narinig naman niya ang isa pang boses, "Boss, wala yata. Tara na."

 

"Okay." The magnetic male voice answered. Pagkatapos ay nakarinig siya ng mga hakbang palayo, hanggang sa wala na siyang naririnig na anumang tunog. Senyales ito na wala nang tao paligid. Nakahinga siya nang maluwag, kaya unti-unti na siyang lumabas sa kanyang pinagtataguan. Balak niyang dumiretso sa Police station para i-report ang kanyang nasaksihan. Atleast, pwede naman sigurong lead ang description ng kanilang mga sapatos at pantalon na nakita niya mula sa kaniyang pinagkukublihan.

 

Ang pinagtataka niya, bakit wala na yung nakahandusay na bangkay ng lalaki? Ang bilis naman nilang itinago ang kanilang biktima. Nanginginig pa siya nang tangkain niyang buksan ang kanyang kotse, pero halos napalundag siya sa gulat. Halos mawalan siya ng ulirat nang biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran.

 

"So, you're here! I guess you saw everything," ang baritonong boses. Narinig niyang papalapit sa kanya ang mga hakbang.

 

Hindi siya umimik. Para siyang naging estatwa na napako sa kanyang kinatatayuan. Ang kanyang kamay ay nakahawak parin sa pintuan ng kanyang kotse. Nanlalamig na ang kanyang buong katawan, pero dahil mahaba at nakalugay ang kanyang buhok, hindi kita ng taong nasa likod na nangangatal na ang kanyang mga labi sa ginaw na nararamdaman sanhi ng matinding nerbiyos.

 

"Bingi ka ba, Miss?" naiiritang sabi ng lalaking may magandang boses.

Hindi pa rin siya makakilos mula sa kanyang kinatatayuan. Kung ilang minuto silang nakatayo dun ay hindi na niya alam. Basta ang alam niya, nagka-cramps na ang kanyang mga binti dahil sa hindi paggalaw nang matagal.

 

"Okay, since you don't want to talk, I am forced to do this." Tapos nakarinig siya ng naikasang baril.

 

Lalo siyang kinabahan, baka nakatutok na sa ulo niya ang baril. "Oh my! Katapusan ko na yata ngayon," naisip nya.

 

Alam lahat niya ang self-defense maliban lang sa pag paghawak ng baril. Ayaw kasi ng parents niya, too much na daw.

 

"What do you want?" She has the courage to speak now. Baka kasi makalabit niya ang trigger, tigok na siya nang di oras. Baka may chance pa para maawa ang lalaki sa kanya kahit isa siyang witness sa krimeng nagawa ng mga ito, or pwede ring baka patayin din siya para wala nang magsumbong.

 

Naalala niya ang kanyang mga magulang. Sana hindi siya naging pasaway, sana hindi siya nagpagabi, sana hindi siya sumali sa wushu tournament, edi sana wala siya sa parking lot na ito sa ganitong oras. Paano na ang kanyang mga magulang? Her childish heart has begun to worry about her beloved parents.

 

Baka maatake ang kanyang ama pag mabalitaang nabaril siya sa isang parking lot. Tapos made-depress naman ang kanyang ina. Sobrang guilty na siya ngayon pa lang sa posibleng sasapitin ng kanyang mga magulang.

 

"I will give you two choices Miss," saad ng lalaki.

 

Mirasol took a deep breath to calm herself. Baka magbunyi ang criminal na to pag nakitang takot na takot siya.

 

"Marry me, or you will die?" malakas na sabi ng lalaki na ikinagulat ni Mirasol.

 

Nanlaki ang kanyang mga mata at napasinghap siya, pero steady ang kanyang mala estatwang katawan. Ganun pa rin ang posisyon.

 

Both choices are for his protection. Kung makasal sila, hindi na ito makukulong dahil kung tetestigo parin siya, siguradong idadawit siya nito. Baka sabihin niya sa korte na dalawa silang gumawa ng krimen. Hindi naman siya papayag nun.

 

Pag papatayin naman siya, ligtas pa rin ang lalaki dahil wala nang magsusumbong at tetestigo. Mirasol was very nervous and confused.

 

"I will repeat," iritadong anas ng lalaki na parang nanggigigil.

 

"Marry me, or you will die. I will give you three seconds to answer. Timer starts now!" Malakas na ulit ang boses nito.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

user avatar
Hanalee
Thanks to those who are reading this book. To those who did not, I hooe you'll give it a try. Feel free to comment your thoughts, I'd love to read them. ...️
2024-08-29 13:33:47
1
user avatar
Hanalee
salamat sa mga nagbabasa .
2023-02-17 21:24:13
2
user avatar
Xiao Yu Hsien
THANK YOU FOR THE GEM..
2022-12-10 08:03:06
0
user avatar
leejhen
I highly recommend this book. Good story line and surprise plot twist that you will truly love.
2022-11-04 06:49:41
2
user avatar
valadhiel
hi author please keep on writing <3
2022-11-04 06:40:19
3
99 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status