Share

Kabanata 6

Penulis: Miss Hunterx_A
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-15 02:35:17

KABANATA 6.

Nang gabing iyon ay naghahanda na si terrance para dalawin ang kanyang lola sa kanilang mansyon sa antipolo. sinakto nyang alas otso ng gabi bumyahe para wala ng traffic, mabilis syang nakarating sa lugar at agad na bumisina sa tapat ng malaking gate.

Agad na pinagbuksan sya ng guard ng makilala ang sasakyan nya. Bumati pa ito at kumaway sakanya bago tuluyang isarang muli ang gate. agad syang bumaba ng sasakyan at tinahak ang daan papunta sa sala dahil alam nyang nandoon ang kanyang mahal na grandma.

"Lola!" sabi nya ng makita ang lola sabay halik sa noo at yakap dito. hindi nag sasalita ang matanda at tila alam na niya ang gusto nitong iparating, kukulitin nanaman sya nito na mag asawa na at bigyang na sya ng apo nito. "la? are you okay"? muli nyang tanong dito. "hmm, kung di pa kita tatawagan at sabihing pumunta dito ay di ka pa bibisita saakin!" himig tampong saad ni donya imelda sa apo.

"Apo malapit kana mag 26 at para saakin ay tamang edad na iyon para magkaroon ng sariling pamilya..- pinutol nya ang sasabihin pa nito," grandma please wag muna natin pag usapan ito darating din naman tayo jan, sa ngayon ay ine-enjoy kopa ang pagiging binata at masyado pang busy sa negosyo". marahang pagkakasabi ni terrance.

"Siguro ay umaasa ka padin at inaantay mo na bumalik yung dati mong nobya na iniwan ka para sa pangarap nya". muling turan ni donya imelda ngunit agad ding pinagsisihan ang sinabe ng makita ang pag dilim ng mukha ng apo. tahimik lang si terrance at magalang padin na nagpaalam sa matanda "la, akyat na po ako sa kwarto ko, medyo pagod ako ngayon kaya magpapahinga na muna ako".

Tumango nalang ang donya at di na nya ito kinulit kahit na ang totoo ay gusto nya pa itong maka-kwentuhan.

dumiretso sya sa kwarto nya sa mansyon at agad na binuksan ang mini ref ng kwarto at kumuha ng isang mamahaling wine. pumunta sya sa veranda at doon sumimsim ng alak habang inaalala ang sinabe ng lola nya.

Bumalik sa alala nya kung pano sya iniwan ni Ivy ang nag iisang babae na minahal nya ng lubos. 3 years silang naging mag kasintahan at sa loob ng mga panahong yon ay sobrang nahulog na ang loob nya dito at pinangakuan nya na sanang magpakasal sila pag tapos nyang mag aral noon. mabait ito at maunawain bukod pa doon ay nakakaakit din ang kagandahang taglay nito, ngunit sa kasawiang palad mas pinili nito ang kanyang pangarap kaysa sa kanya.

Sariwa parin sa isip nya kung pano sya nabigo at mawasak ng sumama ito sa manager nito dahil pangarap nya talagang maging isang sikat na modelo sa ibang bansa. 3 years na ang lumipas at mag mula noon ay wala na syang balita dito pero lumalabas ito sa mga high end magazines bilang isang sikat na sikat na modelo sa france.

"Ivy, kamusta kana?" Babalik ka pa ba?" kausap nya sa sarili, humigpit ang hawak nya sa baso at sinimulan muling lagyan iyon ng laman.

Aaminin nyang medyo umaasa pa talaga syang babalikan pa sya nito kaya naman mula ng maghiwalay sila ay wala na syang sineryosong babae. Lahat ng nagdaan sakanya ay puro panandaliang aliw lang ang habol nya at wala ng iba pang espesyal na pagtingin sa mga ito.

Malungkot nyang inubos ang laman ng baso at nag punta sa shower room para maligo. Pag tapos noo'y natulog na agad sya dahil madami pa syang aasikasuhin kinabukasan.

Masakit ang ulo ni irish pag gising sa umaga tila binibiyak ito marahil ay malakas ang hang over nya dulot ng pag inom kagabi. tinatamad man ay bumangon na sya para mag asikaso sa pag pasok sa school.

Nag lalakad na sya ng hallway patungo sa room nya ng makasalubong nya ang mga Section 1 ng senior high sa pangunguna ng maasim na si Laddielyn kasama nito ang mga kapwa maaasim na sina Princess at anglelight.

"Kung minamalas ka nga naman, ang agang paksiw nito ah!" bulong nya sa sarili. Lumapit patungo sa direksyon nya ang mga ito ng nakasuot ng mga mapang asar na ngiti.

"look who's here!. nag iisa ka ata wala ba yung mga impakta mong kaibigan?" tanong ni laddielyn habang nakapamewang. "pwede ba lumayo kayo sakin ayoko sa maasim". Singhal nya at akmang lalagpasan nya na sana ang mga ito ng bigla syang hawakan sa mag kabilang braso ng dalawang kasama nitong babae.

"Ano ba! bitawan nyo nga ko!" sigaw nya. "Alam mo irish hindi ka naman ganon ka talino di ka rin naman ganon kaganda pero bakit madami may gusto sayo?" isa na dun si baby jake ko!" iritang sabi ni laddielyn sakanya.

Inikot nya ang mata pairap dito dahil sa sinabe nito bago sumagot. "alam mo, kung gusto mo gayumahin mo! bitawan nyo nga ako wala akong panahon sainyo!. Pag kasabi nun ay binawi nya ng malakas ang mga braso nya sa pagkakahawak ng mga ito. bago sya tuluyang humakbang ay pinatid sya ni laddielyn kaya nadapa sya at tumama ang tuhod nya sa simento.

"A-Arayy!" anas nya sa sobrang sakit ng tuhod nya, dumugo ito at nagkaroon ng sugat. Nagtawanan ang mga babae at muling nag salita si laddielyn. "Makita ko lang na magpa cute ka pa ulit kay baby jake ko di lang yan ang matatamo mo!" sabay martsa paalis kasunod ang dalawa pang kasama.

"Bwiset naman oh! ihhh! ang aga aga nakakabadtrip, late na ata ako". pagkasabi nun ay tinignan nya ang relong pambisig at di nga sya nag kakamali 20 mins na syang late sa first subject. Nag madali syang tumayo at paika-ikang naglakad patungong room nya.

Pag bukas nya ng pinto nagulat sya ng ibang prof ang naka upo sa mesa sa harap. Si terrance iyon at sumama ang timpla ng mukha ng makita sya nito. tumingin ito sa suot na relo at binalingan sya ng tingin.

"Ms. Tambalque you are 30 mins late, my class already started, ganyan kaba talaga pumapasok sa umaga? how come na naging scholar ka?" kunot noong sabi nito. Magpapaliwanag sana sya ng pinutol nito ang sasabihin sana nya-.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
LhYn B Satuito
Tanong lang po ba bumalik ang ads dito?sorry po ah..
goodnovel comment avatar
Miss Hunterx_A
maasim hhahahahhahah
goodnovel comment avatar
Nikki Santos-Montañez
Laddielyn ...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 360

    KABANATA 360. Napakunot ng noo at natigilan si helen sa pag iyak ng marinig ang pangalang binanggit ni manang ester na siyang pangalan ng kanyang anak. "Manang ano nga po ulit iyon? ang totoong pangalan ng anak ko?" Nagmamadali niyang hinawakan muli ang isang braso ng matanda na nagulat dah

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 359

    KABANATA 359. "Maupo ka ma'am, sandali at ikukuha lamang kita ng maiinom. pasensya na po kayo dahil makalat at maliit lamang po itong bahay.." Saad ni manang ester at kumuha ng tubig upang ibigay kay helen. Sinipat naman ni helen ang buong bahay kahit na maliit lamang iyon ay halata namang

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 358

    KABANATA 358. "A- s-sa totoo lang may punto ka honey.. hindi ko naisip ang bagay na iyan, basta't ang unang tumakbo sa isip ko ay ang pag aalala sa kalagayan at mararamdaman ni ivan ngayon" Dinig niyang saad ng kanyang ina na si vivian, maging siya ay bahagyang nagulat din sa sinabi ng ama at k

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 357

    KABANATA 357. Matapos makausap ni terrance ang doktor ni ivan ay bumalik siya sa silid ng anak upang ayusin naman sana ang mga gamit nitong dadalhin. Pag bukas niya ng pintuan ay naaktuhang natutulog palang muli ang bata kaya naman hindi na muna niya ito ginising at inistorbo. Alam niyang kaila

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 356

    KABANATA 356. Maya-maya rin ay nilamon na si irish ng antok dahil maaga silang nagising kanina upang kausapin ang doktor ng anak. Hindi na niya namalayang mabilis na lumalim ang naging tulog niya dahil sa kapanatagan ng pag iisip dahil nasa tabi na niya ang kanyang anak at nasa mabuti na itong kala

  • My Hot Young Professor Became My Husband?   Kabanata 355

    KABANATA 355. Ipinagsa walang bahala na lamang ni irish ang iniisip tungkol sa ama dahil halata namang umiiwas ito sa maaari pa niyang itanong rito, hinayaan niyang huwag nalang iyon usisain pa at ituon nalang muna ang buong atensyon sa kakalabas lamang na anak. Ilang sandali pa ay tumunog ang t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status