Share

Chapter 4

Pagdating nila sa maliit na apartment ni Jun. Tamang tama may pagkain ng iniluto si Jun para sa kanila.

“Anung plano niyo bro, magsama na kayo dito ni Elane.?” Biglang tanong ni jun. Habang umiinum ito ng softdrink na kinuha niya sa maliit niyang ref.

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

“Hindi bro, mamaya ihahatid ko siya sa kanila.” Tugon nito, na nabigla naman si Elane.

“Usapan natin magsasama tayo” Ani Elane na biglang huminto sa pagsubo ng kanin.

At biglang sumimangot.

“Uhm? Labas muna ako bro” Paalam naman ni Jun sa kaibigan. Agad tumayo at lumabas.

Napansin niyang hindi nagustuhan ng babae ang turan ng lalaki.

“Pansamantala lang muna hon” Ani Mateo.

“Nakita muna man diba, ang liit ng apartment ni Jun.? Saan tayo dito matutulog isang kama lang si Jun, at wala pa tayong sapat na perang dala para mag rent tayo?” Sabi pa niya habang nakatingin kay Elane.

“Sige, ihatid mo ako sa Caloocan.” Agad naman paglambing nito sa lalaki.

Pagkatapos nilang kumain at nakapag pahinga. Sinamahan nalang ni Jun ang dalawa. Dahil hindi pa kabisado ni Mateo ang daan pabalik ng Pasay kung sakaling pabalik na ito.

Hindi sinabi ni Mateo kay Elane na alam na nito kung saan nakatira ang ama nito.

Mas ginusto niyang magsulo itong maghanap sa kinaroroonan ng ama.

Maraming bagay ang itinuro ni Tricia sa kanya. Schedules, appointment, meeting, out of town. Karaniwang ginagawa ng isang secretary. Dahil firstime niyang mag trabaho.

Hindi nila namalayan na mahabang oras din ang ginawa nila ng pinsan. At nakaramadam na sila ng gutom.

Kaya na isipan nilang lumabas. Pero nagulat sila ng bilga silang tawagin ni Dave.

At lalo pa silang nabigla ng yayain sila ni Dave na kumain sa loob ng kanyang opisina.

Ang daming pagkain na inorder.

Maya’t maya pa dumating si Ethan. At ang ibang mga worker.

“Sige, kain tayo.” Sabi naman ni Ethan at sinunggaban naman ng ilang worker ang pagkain.

“Kain na” Sabi ni Dave kay Zara.

“Pagkatapos nito. Mag usap tayo.” Bulong na sabi nito kay Zara, na ikinabigla naman niya.

Ang lakas ng kaba ng kanyang dibdib. Parang tambol ito sa lakas.

Pagkatapos nilang mag dinner. Nagpa iwan siya.

“So? Biglang sabi ni Dave, na ikinagulat niya.

“It’s okay! Aniya ng mapansing nabigla siya.

“Zara. I want you to know. Na ayaw kung ganyan ulit ang ayos mo, gusto ko ganyan sa pinsan mo.?” Seryosong sabi nito habang nilalaro ng kanyang hintuturo ang ballpen na hawak niya.

Naka upo ito sa kanyang bangko, at nakatitig ito kay Zara.

“I think, your also pretty like your cousin. Kung marunong ka lang mag ayos.

Napayuko bigla si Zara sa biglang turan ng boss nito.

“I give you advance salary. Gusto ko bukas maayos na ang bohok mo? Lahat lahat?” Dogtong pa nito.

Tumango lang si Zara bilang tugon nito sa kanyang maarteng boss.

Hindi muna umuwi ang dalawang magpinsan. Sinamahan ni Tricia si Zara sa saloon para ayusin ang pigura nito.

Ang mahabang bohok nito na sobrang buhaghag, napalitan iyon, na akala mo ay isang model ng shampoo. Ginupitan iyon hanggang balikat at nilagyan ng hot oil.

Paglabas niya sa saloon. Halos dimo siya makilala sa taglay niyang ganda na noon pa nakatago. Dahil sa pagka nerd nito.

Bumili sila ng mga bagong damit para sa pang araw -araw na sout nito tuwing pupunta ng opisina

Unang araw ni Zara sa opisina. Halos lahat nakatingin sa kanyang newface. Medyo mataba lang siya. Pero ang kanyang taglay na ganda. Lahat ng nakapaligid sa kanya, talbog silang lahat, maging ang pinsan nito.

Nang makita siya ni Dave. Napatitig ito sa kanya, mula ulo hanggang paa, may kakaibang kislap ang mga mata nito. Pero dagli lamang at nabaling sa iba ang kanyang attention.

“Good! Perfect.” Tugon agad nito.

Napansin niyang nakangiti ito habang nakatingin sa pepermahin niyang mga papers na dala- dala ni Zara.

“Sir, may appointment po kayo mamaya kay Mr. De Lion”

Sabi agad ni Zara sa kanya.

Ngumiti muna siya bago sumagot.

“Ang dali mong matutu Zara. That’s great!” Sabi pa nito. Habang nangungusap ang mga

matang nakatitig ito sa kanya.

“Sige po sir I’ll go ahead. Paalam nito sa binata.

Bago tuluyan niyang isara ang pinto ng kanyang office, bigla siyang tinawag ni Dave.

“Zara, wait!” Aniya

“Yes, Sir?”

“I hope after one month hindi kana ganyan kataba.” Sabi nito at biglang sumeryoso ang mukha.

“Don’t worry Sir, I do?” Ani Zara. Pagkatapos dahan -dahan niya sinarado ang pinto ng opisina ng binata.

“Alam ko ang lugar na ito bro?” Sabi ni Jun. Ipinakita ni Mateo ang address ng ama sa kaibigan upang alamin kung nabubuhay paba ang ama nito.

Sinamahan naman siya ni Jun.

Buti nalang may sariling sasakyan si Jun, at mayroon silang magagamit.

Sa Pasay din nakatirik ang mansyon ng mga Delos Reyes.

Ilang minuto din bago marating ang kanilang mansyon.

Ang problema hindi sila pinapasok ng guard sa mismong loob nito. Dahil hindi sila kilala.

“Guard, kailangan kulang talaga makausap ang papa ko.?” Sabi ni Mateo na nagmamakaawa sa guard.

“Sinung ama mo?” Tanung ng guard.

“Si Fabio Delos Reyes. Dito kasi siya nakatira. Ayon dito sa address. Gusto kulang malaman niya na hinahanap ko siya.” Sabi pa niya.

“Naku, mga Sir.! Wala po talagang Fabio dito e’ ang alam kulang na mga Delos Reyes sina sir Dave at sir Ethan.?” Sabi ng guard.

“Baka sila iyong mga kapatid ko sa ama.” Sabi pa ni Mateo.

“Boss, balik nalang po kayo sa ibang araw.?” Tugon ng guard.

Wala na silang nagawa kundi ang umalis nalang.

Pero bago sila umalis iniwan niya dito ang kanyang numero para makausap ang mga kapatid.

Tumalima naman ang guard.

Pumasok bilang janitor si Mateo, pansamantala habang naghahanap pa ito ng trabaho.

Magkasama sila ni Jun sa trabaho.

Kaya lang si Jun bilang assist.

Halos isang buwan din naghintay si Mateo na tawagan siya ng mga kapatid pero wala parin.

Si Elane naman nakapasok siya bilang model sa isang tv network.

Maganda at sexy si Elane. Kaya hindi kataka- takang maging model siya.

“She is perfect.” Hiyaw ng isang bakla na manager ni Elane.

“Will, kapag mapanuod ito ni boss, i know na ma empress siya sa bagong model ko na nakuha?” Sabi pa ng bakla.

Laking pasalamat ni Elane. Dahil matagal na niyang pangarap na mag model.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status