تسجيل الدخولSevy's POV Buong gabing hindi ako nakatulog dahil sa pag aalala kay Diane. Ilang ulit ko ng tinawagan ang cellphone niya ngunit hindi niya pa rin ito sinasagot. Halos lahat ng staff ng kumpanya ay tinanong ko na pero wala silang idea. Maaga daw itong umalis kahapun at hindi nila kung saan ito pumunta. Pati ang kaibigan niya na pinuntahan niya last time ay pinuntahan ko rin kaninang madaling araw. Wala daw siya roon at hindi din daw ang alam ng kaibigan niya. "Fcvvvk! Where the hell are you Diane??!" Murang sabi ko at naghithit na naman ng panibagong sigarilyo. Alas siyete na ng umaga at pumapasok na ang liwanag ng araw sa loob ng kwrto ko. Tumayo ako at pinatay sa tray ang sigarilyo na hawak hawak ko. Naglakad ako papunta sa maliit na table na katabi ng kama ko ng biglang marinig ko ang ugong ng sasakyan nito. Naikuyom ko ang kamao ko. Mabilis na hinawi ko ang kurtinang nakaharang sa bintana at tiningnan ito. "Fvccckkk! Siya nga!" Sabi ko ng makita kong bumaba ito. Hindi ko a
Diane's POV Matapos kong marinig ang sinabi nito. Nakita kong dahan dahan itong lumapit sa kinatatayuan ko. Patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula sa braso nito kaya parang natakot ako. Gayunpaman ayokong makita niya ang totoong nararamdaman kaya naglakad ako papunta malapit sa kama ko at umupo dito. Hinintay ko siyang magsalita pero nakatitig lang siya sa mga mata ko. "O-okay let's talk" Sabi ko at pinasigla ang boses ko at umaktong hindi ako apektado. "Ma-may problema ba tayo Love??" Seryosong tanong nito. Hindi ko makayang tagalan ang titig nito kaya umiwas ako. "Hu-huh? Wa-wala. Anong problema naman yon??" Tanong ko at kunwaring natawa pa sa tanong nito. "Me-meron love, nararamdaman ko" Sagot nito at nakita kong naglakad siya papunta sa gawi ko. Habang naglalakad ito. Hindi ko naman mapigilan ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Nagwawala ito sa loob ng dibdib ko. "Sa-sabihin mo sa akin. Wa-wag naman ganito oh! A-ayokong tiningnan mo ako na parang ibang tao" Sabi nit
Diane's POV "Ma'am Diane, salamat naman po at umuwi na kayo. Nag aalala po ako sa inyo." Nasa pinto pa lang ako sinalubong na ako ni Manang Elsi. Bakas sa hitsura nito ang pag aalala ng makita ako. "Na-naku manang. Pasensya kana, nakalimutan ko magsabi sayo na hindi ako makakauwi kagabi" Sagot ko at ngitian ito para gumaan at wala ang pag-aalala niya. Nawala kasi sa isip ko na tumawag rito sa bahay kahapun dahil sa lahat ng nangyari. "Sorry talaga manang." Ulit ko. Nakita kong parang naging okay naman ang hitsura nito pero napansin kong parang may tinitingnan ito sa likuran ko. Kinakaban ako at biglang bumagal ang paghinga ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin ramdam kong may tao sa likod ko. "Where the hell have you Diane??! Ito ba ang uwi ng isang matinong asawa??" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Sevy galing sa likod kaya dahan na dahan na binalingan ko ito. Hindi ko alam pero habang naririnig ko ang boses niya. Wala akong ibang maramdaman kundi galit at suklam.
Diane's POV Kasalukayang nakatulala ako habang nakaupo sa couch dito sa loob ng condo ni Margaret. Hindi muna ako uuwi ngayon at nagpagpasyahan kong dito na lang muna matulog. Hanggang ngayon kasi, nasa isip ko pa rin ang lahat ng nakita kong picture nila ni Sevy kasama ang babae niya. Hindi ito mawala wala sa isip ko. Binabagabag ako nito hanggang sa mamalayan ko nalang na tumutulo na naman ang mga luha ko. Sobrang sakit ng ginawa nito. Hindi niya lang ako niloko, kundi pinaglaroan niya rin ako. Lahat ng pinakita niya sa akin ay puro pawang kasingulingan lamang at ni isa walang totoo dito. "Tama na nga iyan! Bakit ba kasi hindi ka gumaya sa akin. Iyang mga lalaking yan. Palamuti ko lang sa buhay!." Reklamong sabi ni Margaret na narinig ko at umupo ito sa tabi ko. "Besty, tama na yan please. Alam mo maganda ka at marami ka namang pera eh!. Wag mo ng isipin ang manloloko mong asawa. Dati paman sinabi ko na sayo diba? Hayaan mo na at wag ka ng umasa, pero anong ginawa mo? Naghin
Diane's POV Nang makalabas ang babae sa loob ng opisina ko. Nanlalambot ang tuhod na napaupo ako sa swevil chair. Mahigpit na kumapit ako rito habang walang hikbing lumalabas sa bibig ko at patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko? Ang sikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga dahil sa sobrang sakit nito. "Gi-girlfriend??" Natatawang tanong ko habang walang tigil pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. "Ta-tama nga si Margaret. Impossibling walang babae si Sevy sa tagal ng panahon na tumira siya sa America! Ang tanga ko. Mas nahulog pa ako lalo sa mga kasinungalingan niya. Buong akala ko lahat ng pinapakita niya sa akin totoo!" Humikhikbing sabi ko. Marahas na pinahiran ko ang mga luha ko saka kinuha ang bag ko. Ngunit Umurong sa ere ang kamay ko ng mapansing bumukas ulit ang pinto ng opisina ko. "O-oliver??" Nauutal utal na mahinang sambit ko. Nakita kong nakatayo ito sa harap ko habang nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay nito.
Diane's POV Matapos kong ireveiw at pirmahan ang lahat ng dokumentong iniwan ni Sevy. Pikit matang napasandal ako sa likod ng swevil chair ko. Sobrang sakit sa mata at sintido ko dahil sa sobrang dami nito. Simula kahapun ko pa ito nirereview at ngayon ko pa lang natapos ito. Nagpahinga lang ako sandali, pagkatapos iminulat ko na ulit ang mga mata ko at iniligpit lahat ng mga ito. Isa isang binalik ko ito sa pagkakasunod sunod hanggang sa mag marinig kong tumunog ang cellphone ko. "Oh bakit???" Bungad na sagot ko. Ang kaibigan ko itong si Margaret. "Kumusta kana? Ilang linggo ka ng hindi nagpaparamdam sa akin ah? Masyado mo atang na enjoy ang pagiging FUBU niyong dalawa" Sagot nito habang may tampo ang tono. Pumasok sa alala ko ang lahat ang mga nangyari sa amin ni Sevy nitong mga nakaraan. Lalo lalo ang kasinungalingan nito. "Wa-wala, ganun pa rin. Naglulukahan lang" Walang ganang sagot ko. Narinig kong tumawa ito. "Umpisa lang yan Diane. Kapag natutunan mo ang teknik k
Diane's POV Matapos ang ilang ulit na pagpapakalma ko sa sarili ko. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa lahat ng gawain ko na naiwan kanina. Medyo marami rami pa ito dahil sa buong linggo na lahat ng nakatambak na trabaho niya ay ipinasa niya lahat sa akin. "Ma'am Diane, kumain na po kayo.
Diane's POV It's been a week since Sevy and I live with the same roof. As usual ganun pa rin ang set up namin. Parang hindi lang kami magkakilala sa tuwing nagtatagpo sa bahay man o sa opisina. Hindi ko alam saan tatagal ang ganitong set up namin pero mas mainam na ito dahil kahit papano nakikita
Sevy's POV "Ano tutu-nganga ka lang dyan? Hindi mo ko ipagtitimpla ng kape?" Pag iibang sabi ko. Nakikita ng gilid ng mga mata ko na umangat ito ng tingin sa'kin. Gusto ko siyang balingan pero hindi ko magawa dahil kapag nakita ko siya nagwawala na naman ang alaga ko sa loob ng pantaloon ko. "
Sevy's POVAfter 30 minutes narating ko na rin ang harap ng building na pagmamay ari ko. Ilang taon na rin akong hindi nagawi dito. Si Diane ang kasalukuyang namamahala dito, dahil tatlong taon din akong namalagi sa America. Matapos kong bumaba sa kotse ko agad na dere-deretsong pumasok ako. May mg







