Share

Chapter 3

Zachs' POV:

"Here.", abot sa akin ni Alfonso nga isang folder.

Kinuha ko ito at binuksan.

"What is this?", tingin ko sa nilalaman nitong folder.

"We're leaving for Philippines in a week. That will serve as an alibi.", sagot nito sa akin.

I gave him a quick look, bago ko ibinalik ang tingin sa loob ng folder. So, we're finally meeting my twin brother?

"An alibi?", ulit ko kay Alfonso. I read what's in the folder, and I guess this is not my forte at all, may naiintindihan ako but not entirely. Trabaho ko ba talaga 'to noong hindi pa nawala mga memorya ko?

"We can't just go in the Philippines without an alibi. No one knows here other than me that you have a twin brother, that'll be dangerous for you and for your position. Imagine yourself as a prey trapped inside a cage full of tigers, the moment these tigers find out about your twin brother, they'll take it as an opportunity to bring you down.", paliwanag sa akin ni Alfonso.

What a competitive and scary world I live in; where I need to be careful with my actions because one small mistake from me, then I'll be ousted. I'll be thrown out mercilessly. That's what Alfonso has been reminding me all this time.

"That's a contract. 9Yards Media is currently in the middle of producing a movie from a famous novel. There's this actress from the Philippines that surges in popularity not too long ago because of a movie she got casted in, a movie under our greatest competitor. We've been trying to get in contact with that actress, we've sent out people to offer her the leading role but she declined. The thing is, the one who wrote the novel, is a big fan of that actress and won't sold the rights of adapting her novel into a movie unless it's that specific actress who'll play the role of the lead character. The shareholders has been acting suspicious after your accident, they're already digging a hole to find any fault that they will use against you. I've been trying to look for an alibi, and this task just came at the right time. They're giving it to test you. Therefore; you need to do a good job even though it's an excuse to meet your twin brother.", mahabang kasunod na pagpapaliwanag ni Alfonso.

Sumakit ulo ko doon ah? That's very complicated. How did I managed to come this far, with all these people waiting for me to fall or explode like a ticking bomb. This is suffocating. I lived this kind of life for a long time?

"I see.", tanging naisagot ko sa mahabang impormasyon na pinaalam sa akin ni Alfonso. Ano pa ba ibang masasabi ko? Sasakit lang ulo ko lalo 'pag nagtanong pa ako. The more information I consume, the more I get confuse.

"You don't need to do anything for now, because I'll prepare everything for you. Read what's in the folder thoroughly.", sambit nito.

Hindi ako sumagot at gaya ng sinabi ni Alfonso ay binasa ko ng maigi ang nilalaman nitong folder. But, I can't seem to absorb anything.

Alfonso excused himself after explaining everything to me. I raised my head nang marining ang pagsara ng pintuan. Napatitig ako doon. Sinara ko ang folder, and played with it using my fingers habang nag-iisip.

That's strange. I feel like a puppet right now. Something's not adding up. Is the answer in the Philippines?

Charlotte's POV:

"Devin? Good job today.", an international photographer of a photoshoot I did today. He offered his hand for a handshake, and I took it.

"Thank you, you did great as well. The pictures came out as well.", nakangiti kong handshake sa kanya.

Nag-usap lang kami ng saglit tungkol sa photoshoot, and parted ways.

"Here.", abot sa akin ni Val ng cellphone ko. Medyo nagulat ako nang makita siya, I came here sa venue ng photoshoot with my assistant manager kasi ang alam ko may lakad si Val ngayon.

"Tapos na lakad mo?", kuha ko sa cellphone ko mula sa kanya.

"Saglit lang kaya dumeretso na ako dito after.", sagot niya at sinabayan ako sa paglalakad.

Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan kung may message man lang ba ako o text galing kay Zach, kasi dapat magkikita kami ngayon to eat dinner together, ngunit wala akong natanggap. Busy pa ba siya? He told me hindi gaano ka hectic schedule niya today, that's why we're having dinner outside.

"Sa'n ka nagpunta?", tanong ko kay Val na nasa screen ng cellphone ko ang aking paningin. I'm sending Zach a message na ako nalang pupunta sa opisina niya, dapat susunduin niya ako pero mukhang busy pa siya kaya ako nalang pupunta sa kanya.

"I visited him.", maikling sagot ni Val, ngunit napahinto ako sa paglalakad. I diverted my gaze from my phone to her.

"You did?", I asked to confirm if what I heard was right.

Napatango siya, "I've been visiting him these past few weeks.", hindi nakatingin sa akin nitong sagot.

Napatitig ako sa mukha ni Val. She never once visited Jax in prison, ngunit siya mismo 'yong tumutulong sa pamilya ni Jax sa probinsya. Jax's family know nothing, and they thought na ang nagpapadala pa rin sa kanila ng pera ay si Jax.

"My heart's still heavy... sa lahat ng nangyari noon. I don't want to forgive him... But, it's keeping me up every night. So, I tried visiting him, hanggang sa nagtuloy-tuloy.", nakayukong ani nito na may mapait na ngiti sa mga labi.

I tapped Valerie's shoulder, kung kaya't napaangat siya ng tingin sa akin. Nginitian ko siya. She smiled back few seconds after.

"Selena already left after I arrived with the van. Sabi ko may personal na lakad ka, at ako na mismo maghahatid sayo. Wait by the entrance, kukunin ko muna ang kotse.", pagbibigay alam sa akin ni Valerie. I told her about my dinner with Zach today, I tell her everything kaya alam niya mga lakad ko at nangyayari sa buhay ko.

"Alright.", sagot ko.

Sabay kami naglakad patungo sa labasan nitong naging location ng photoshoot ko, dumeretso siya ng lakad patungo sa parking area habang nag-aantay ako sa labas. Habang nag-aantay ako ay binabati ako ng mga staffs na nadadaanan ako, nginingitian ko lang sila at binabati pabalik.

Napaangat ako ng tingin sa ulap. I think it's about to rain.

Slowly, a smile appeared between my lips nang bigla akong may maalala. Dati... hihilahin ako ni Zach sa labas, and would dance with me in the middle of the rain, so that it would wash away the bad memories that comes with it, and change it to a good one. He successfully did. Sa tuwing umuulan, it reminds me of nothing but him. How he healed me, and helped me to get back in my feet.

That's why, hinding-hindi ako mapapagod na antayin na bumalik ang mga ala-ala ni Zach. Hindi ako mappagod na intindihin siya, hindi ako mawawala sa tabi niya. Just like how he never left and understood me better than anyone else.

Tinignan ko ang phone ko kung nag-reply ba si Zach sa naging mensahe ko na ako nalang pupunta sa kanya, pero wala. Is he that busy?

Nakarinig ako ng malakas na busina dahilan upang mapalundag sa gulat. Tutok na tutok ako sa cellphone ko 'di ko namalayan na nasa harapan ko na pala kotse ni Val.

Nakarinig ako ng malakas na busina dahilan upang mapalundag sa gulat. Tutok na tutok ako sa cellphone ko 'di ko namalayan na nasa harapan ko na pala kotse ni Val.

"Lika na.", tawag niya sa akin mula sa loob ng kotse.

Hinatid ako ni Val sa harap ng building ng opisina ni Zach. Iniwan ko sa loob ng kotse niya ang sumbrero ko. May mga pinaalala lang siya sa akin tungkol sa mga schedule ko at nagpaalam na kami sa isa't-isa pagkatapos.

"Boss mo?", bungad ko kay Ben, isa sa mga emplyado ni Zach, nang salubungin ako.

"In his office po, Mrs. Silvius.", napahinto ako sa paglalakad at napatitig sa kanya. Napahinto rin siya sa paglalakad at nagtataka kung may nasabi ba siyang mali.

"P-po?", kinakabahan nitong sambit.

Napaharap ako ng tingin at napangiti. Mrs. Silvius? Para 'yon lang, kinikilig ako? Hindi pa rin ako makapaniwala na kinasal ako kay Zach.

"Nothing, you cut your hair? You look good with your new hairstyle.", ani ko at binalikan siya ng tingin. Nakita ko kung paano mamula ang mukha niya. Halos kabisado ko na mga empleyado ni Zach, and they're all really nice to me.

"Salamat po, Mrs. Silvius.", nahihiyang pasalamat nito.

"I can go from here, you can go back.", nakangiti kong sabi sa kanya. Nagpasalamat lamang ito ulit sa akin at iniwan na ako.

Bawat nadadaanan ko ay binabati ako, kaya binabati ko rin ng nakangiti pabalik.

I stopped walking and gazed upon the concierge desk, just right at the corner of Zach's headquarters. Kate is not there, it's her post.

Napagawi ako ng tingin sa pintuan ng opisina ni Zach. Hindi ko alam ba't ako kinabahan bigla, ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad. Napahinto ako sa mismong harap ng pintuan ng opisina ni Zach, at nagdadalawang isip na nakatingin sa doorknob nito.

Saktong bubuksan ko na ang pintuan nang bigla itong bumukas, napaatras ako ng kaunti sa gulat at linuwa mula dito si Kate.

Namimilog na mata ko siyang tinignan. Napatitig siya sa akin ng saglit bago ito ngumiti.

"Good evening, Miss Devin.", bati nito sa akin. She moved from my way and opened the door entirely, revealing Zach on his table reading a document.

Tinignan ko si Kate mula ulo hanggang paa, "Good evening.", bati ko pabalik at pumasok sa loob. Sinara niya ang pintuan nang makapasok na ako.

Napaangat ng tingin sa akin si Zach.

"Why are you here?", napatayo nitong tanong. Tumingin ito sa relo niya.

"D*mn, I'm sorry, hon. Forgot about the time.", ibinaba nito ang binabasa kanina at naglakad patungo sa akin.

"It's fine, nagpunta lang ako dito personally to say if we can cancel our dinner? I have an important schedule to attend to.", ani ko.

Niyakap niya ako ng saglit, sabay halik sa pisngi ko nang makalapit siya sa akin.

"We should've taken lunch together instead... ", he uttered with dismay.

"I'm sorry, I'll make it up to you next time.", ngiti kong sabi.

"Where is this schedule? I'll take you there.", offer niya at akmang aalis, mukhang kukunin niya ata ang jacket niya na nakasabit sa coat rack.

Pinigilan ko siya by holding his right arm, kung kaya't napaharap ulit ito sa akin.

Tinitigan ko siya sa kanyang mukha, hinila ko siya papalapit sa akin at inayos ang kanyang necktie.

"Valerie's waiting outside, finish your stuffs, let's just meet at home.", mahina kong sabi habang inaayos ang necktie niya.

"I see.", maikling sagot nito.

"Sige na, mauna na ako.", pamamaalam ko pagkatapos kong ayusin ang necktie niya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan, and I told him to not see me off kasi ayokong malaman niyang hindi naman talaga nag-aantay si Valerie sa labas. Pinapasok ko lang siya ulit sa opisina niya after niya ako pagbuksan ng pintuan.

Napalingon ako kay Kate nang mapadaan ako sa desk niya, binigyan ako nito ng matamis na ngiti at binati ulit. I gave her a cold look as a response, bago ako umiwas ng tingin at umalis.

Pagkalabas ko ng opisina ay nagulat ako nang makita ang kotse ni Vale

Maya-maya lang ay lumabas si Val mula sa kotse niya at patakbo akong nilapitan na hawak-hawak ang sumbrero ko, pati ang aking cellphone.

"Bumalik pa talaga ako, ba't mo naman nakalimutan cellphone at sumbrero mo?", abot nito sa akin ng aking cellphone at sumbrero.

Napatitig lamang ako doon. I left my cap intentionally since I thought hindi ko magagamit, but my phone... I forgot about it because I was so excited to see Zach.

"Hoy! May problema ba?", silip ni Valerie sa mukha ko.

Kinuha ko 'yong sumbrero at sinuot ito. Sunod kong kinuha ang cellphone ko.

"Zach will cook for me sa bahay instead, can you take me home? May meeting pa kasi siya.", pagsisinungaling ko.

"Gano'n ba? Tara.", talikod sa akin ni Valerie para pagbuksan ako ng pintuan sa passenger's seat. Ibinaba ko ang suot na sumbrero upang takpan ang aking mga mata, saka pumasok ng kotse.

Mahinang sinara ni Valerie 'yong pintuan ng passenger's seat nang makapasok na ako. Napatitig ako sa gusali ng opisina ni Zach ng iilang sandali bago ko ipinikit ang aking mga mata.

Zach's POV:

"Zeth? Saan kayo pupunta?", harang ni Louise sa dinadaanan ko.

Andito na naman ang babaeng 'to.

"Akala ko ba hindi ka na nakakapagsalita o nakakaintindi ng tagalog?", panliliit na mga mata ko siyang tinignan.

Her pupils dilated, she just realized what she did.

"Well... ", hindi alam ang isasagot niyang sambit.

"Tabi.", tulak ko sa kanya ng mahina paalis sa harapan ko. Nakaharang sa daan eh.

"Alfonso, where are you guys going?", baling nito kay Alfonso nang makita itong kalalabas lang ng kotse na pumara sa harap namin.

Pinagbuksan ako ni Alfonso ng pintuan sa backseat at sumakay ako doon, ni-lock ko nga just in case.

"We're going on a business trip, Miss Louise.", rinig kong sagot ni Alfonso mula sa labas.

"Where?", Louise.

Dami naman tanong talaga, gusto ko na umalis. Hindi na ako nakinig sa pag-uusap nila. Sumandal ako sa backrest nitong inuupuan ko at ipinikit ang aking mga mata.

Today is the day that we're leaving for Philippines. I can't fully understand what I'm feeling but my heart's been thumping, as my stomach's twirling inside out of nervousness, I guess. I don't even know what's getting me nervous.

"Sh—", muntiko ko nang mura. Dumilat ako ng mga mata tapos napatingin sa labas ng bintana, bumulaga sa akin mukha ni Louise na nakadikit 'yong mukha na parang sinusubukan akong makita dito sa loob mula sa labas. Tinted 'tong kotse, makikita ko siya mula sa loob pero hindi niya ako makikita mula sa labas.

Napatingin ako kay Alfonso nang pumasok na ito ng kotse, sa driver's seat.

"Miss Louise, is very fond of you.", nakangiting sambit ni Alfonso.

Napangiwi ako bago tignan ulit si Louise sa labas. "No, thank you.", sagot ko kay Alfonso sabay napailing.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status