Share

Doomed

"Doomed"

Simula

TUNOG mula sa doorbell ng aking condo ang nagpagising sa aking diwa mula sa kababasa ko ng subtitle ng pinanunuod kong anime sa malaking screen ng smart tv.

I tsked and stood up from laying on my dark shade couch. Matamlay kong pinindot ang pause button ng remote saka nilapag sa salaming mesa sa gitna ng sala.

Sabog at gulo ang buhok, walang ligo ng dalawang araw. Sobrang bantot at hindi nag-aayos.

"Nag-aayos naman ako paglumabas, defensive lang."

I wrinkled my nose when I smelled myself.

"Ang panghi!"

I lethargically dragged my feet to the main door.

I breathe inwardly and fix my big glasses. Put my dirt brown hoodie on.

Baka kasi ang order ko sa food ganda ang dumating. I can cook prito-prito but I don't wala ako sa mood.

Yes. My aura is gloomy parang si Sawako Kuronuma lang naman. I don't to talk to other people except my family and close friends. Palagi akong napagkamalang masungit at bastos, pero hindi iyon problema. This is me!

Hindi ko lang talaga alam kung paano magbukas ng paksa. Very unsociable. pero wala naman akong social anxiety, I just love being alone. Matipid akong magsalita, yes.

In fact I work as a freelancer at the same time I write a book. Trabaho na hindi ko kailangan makipag-usap sa mga tao ura-urada. Which is very advantageous to people like me, an introvert.

I hate being in a circle of friends, they're draining my energy and exhausting me. I like... no... I love being alone on my own. It's not that I am timid... I am an introvert type of persona. I most of my time spending inside my house, reading books, watching dramas and animes or SB19's vlog, playing Minecraft and Roblox that's one of my favorites, and of course eating.

Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako. I have a loving family at walang kulang... siguro yong lumaki akong malaki ang agwat ng edad ng mga bata sa paligid ko.

Kung hindi naman mas bata ay mas matanda sa akin. Kaya sa baryo namin ay wala akong naging ka-close. Nauubos ang oras ko sa sarili ko, naglalaro ako ng mag-isa. And here's the fact sa sobrang mapag-isa ko sobrang daming tumatakbo sa utak ko kaya nga siguro naging writer ako. And I like it... hell I love it!

However, being an introvert is tiring some time. Lalo na ngayong trenta na ako. I am NBSB, di naman sa hindi ako maganda may appeal din naman ako pero maliit ang kompyansa ko sa sarili yet I am aloof and not too friendly, I'm having a hard time finding a friend.

Damn! I talked too much. Baka nangisay na ang nasa labas.

Sisilipin ko sana sa peephole ng pinto pero naisipan kong h'wag nalang sigurado akong si manong rider lang iyon.

Nang binuksan ko ang pinto halos lumugwa ang eyesballs ko sa nabungaran.

There, Mrs. Feliza Majarrot 'Pily' pinning her feet on the floor in front of my doorway. My beautiful mother came with my ten-year-old nephew Jude.

Gulat na pinaglakbay nito ang titig sa akin, pagkatapos nagbago ang ekspresyon nito. Nakitaan ko ng pandidiri ang mukha ng aking magandang ina.

"Maria Marites Majarrot!" bulyaw ni mama nang makita ang ayos ko. Umalingawngaw ang matinis nitong boses sa pasilyo ng buong gusali.

At talagang binigkas pa nito ang mabantot at buo kong pangalan na ibig sabihin 'chismosang maharot'.

Ibig kong batukan kung sino ba ang nagpa-uso ng mari-marites na 'yan dinamay pa ang nanahimik kong pangalan?

"Ma!" saway kong biglang hinablot ang braso ni mama kasama na si Jude papasok sa loob. Mabilisan kong sinara ang pinto.

Sobrang dilim ayoko ng maliwanag. Pati blinds sa bintana naka sarado. Hindi ko talaga masisisi si Sunako Nakahara kung bakit gusto nito ng madilim, pakiramdam ko kasi sobrang komportable. Chill kung baga.

Naging mabilis naman si Pily at in-on ang mga ilaw sa loob ng bahay. Talagang alam na alam na nito ang sulok ng condo. Isang beses isang buwan kase itong dumadalaw sa akin pero kakadalaw lang nito sa akin noong isang linggo? Nakakapagtaka?

"Mari! ki babae mong tao ang dugyot mo!" sigaw ni mama na inisa-isang pinulot ang mga ilang damit ko na nagkalat sa sahig.

"Kaya nga walang nagkakagusto kay ate, lola, ang dugyot na nga ang bantot pa!" sabat ng pamangkin kong si Jude na deritsong na-upo sa sofa at pini-play ang napintong anime kanina.

Anak ito ng nakatatandang kapatid kong lalaki na si Rolly na nasa abroad nagtatrabaho.

Napanguso ako sa sinabi ni Jude. Kung di ko lang pamangkin to' kanina ko pa to inupakan eh. Sarap bawiin ng binigay kong g-cash pambili ng diamonds sa ML nito.

Inirapan ko ito pagkatapos sinundan ko si mama na nagpunta ng kusina. Walang pahintulot na ginalugad at pinaghahalungkat ang laman ng ref ko.

"Susmaryosep, Mari!" bulyaw ni mama nang makita nito ang laman ng ref ko. Pawang mineral water at instant meal. "Ano nabang klaseng buhay ang gusto mo? Gusto mo bang magka-cancer ha! Ni gulay wala!"

Napakamot ako ng ulo. Kapapanood nito kay doc Willie Ong dinamay pa ako sa healthy lifestyle nito.

Hindi ako nagsasalita. Nakangusong sinundan ko lang nang tingin si mama.

I am a quit person kase, hindi ako palasalita o palakibo kahit sa mga magulang ko't iba kong kapatid, maliban lang sa kapatid kong babae na si Samantha na nasa Japan. Isang taon lang ang agwat namin kaya medyo iyon ang palage kong nakaka-usap. Anim kaming magkakapatid at ako ang bunso.

"Ano ba ang ginagawa mo dito, ma?"

"Anong ginagawa ko dito? Nakalimutan mo na sigurong buhay pa ako!" Pinandilatan ako ni mama na akmang sapakin sa hawak nitong kung anu-ano.

Naging mabilis ang kilos ko't hinarang ang braso ko ngunit hindi naman nito tinuloy.

"Ikaw talagang babae ka! Kaya nga hindi ka nagkakanobyo diyan sa ugali mo, kung hindi ako sinabihan ng ate Samantha mong naaksidente ka, malamang kabaong nalang maaabotan ko!"

"Eh, hindi naman gaanong malala, ma. Nabundol lang naman ako ng bisikleta dun sa kanto."

Napahugot si mama ng malalim na hininga sa narinig dahil sa pagpipigil na hindi ako mabatokan.

"Ano ba ang gagawin ko sa'yo, Mari? Trenta anyos ka na heto at akala mo'y dose anyos lang, nagkalat pa iyang mga salawal mo sa sahig babae ka!"

"Ma, hindi nga ako nakapaglinis kasi nga pinapagaling ko pa galos ko—

"Nagdadahilan ka pa! Maglabas labas ka nga, baka maging matandang dalaga ka pa sa kamumokmok mo dito sa condo mo!"

Hindi ako nagsalita dahil alam naman talaga ni mama na hindi talaga ako palagala, lumalabas man ako kasama lang naman ang bestfriend kong si Julie, ito lang kasi nakakaintindi sa ugali ko. Kaso ang bruha nag punta ng Australia para makipagsapalaran, ayon mas lalong nagmukmok ako sa bahay.

Sa halip na harapin si mama ay tumalikod ako at nagtungo sa sala—

"At san ka pupunta? Hindi pa ako tapos—

Hindi ko na pinakinggan at nagtuloy-tuloy ako. Naabotan ko si Jude na pinanood ang Naruto na pangmilyong beses ko ng pinanood nang paulit-ulit.

Pabagsak akong na-upo sa tabi nito, tuloy napalingon ang pamangkin ko sa akin.

"Ate, maligo ka nga amoy sibuyas kana!" sobrang prangkang sabi ni Jude.

Pati ba naman pamangkin ko, ayaw ako? Lintik na buhay!

Ayaw talaga ako ng mga tao, sino naman ang may gusto sa akin eh halos hindi nga ako nagsasalita sa labas kahit 'hi' nga di ko pa magawa. Damn!

Now, that I am thirty I am very desperate to change my life style, gumagawa ako ng mga account sa mga dating sites baka may mabihag akong imported kaso puro hi, hello lang ako, hindi ako marunong pahabain ang usapan tuloy hindi na ulit nagcha-chat o kung tatawag naman ayaw kong sagutin kaya nawawalan ng interes ang mga kano.

Hindi naman ako naghahanap ng long term relationship o kasalan ang wakas. I am looking for a man who's willing to take my innocence without string attached.

Madami naman talagang nakakalat sa tabi-tabi kung talagang hook-up lang ang hanap ngunit gusto ko kahit first time ko mapagkakatiwalaan ko naman ang lalaki. Sana iyong memorable kung baga.

NAKALIGO na ako, suot ang nakasanayan kong oversize hoodie at malaking pajama ay lumabas na ako ng silid. Nakasuklay na ang tuwid na tuwid at itim na itim kong buhok. Inayos ko pa ang bangs upang hindi masapawan sa malaking salamin ko sa mata.

Mataas nga kase ang grado ng mata ko, dagdagan pa sa trabaho kong nakaharap sa monitor buong araw. I need glasses besh!

Tamang tama at naabotan ko si mama na nag-aayos na at papaalis. Lihim na nadiriwang ang puso ko't papauwi na si Pily. She's draining my energy too. I am not a bad daughter. Na mimis ko naman ang mama ko but I preferred alone. Mas nare-relax ako. Ganun talaga basta introvert.

As I travel my eyes in my whole house. Parang nasisilaw ako sa sobrang linis kumikinang kinang pa talaga.

That's Pily for me.

Nilinis nito ang bahay ko pati ang kaliit liitang alikabok walang takas kay mama.

"O siya, Mari aalis na kami ni Jude," si mama na tumayo na mula sa pagkaka-upo sa sofa.

Of course may laman na ang account ni Pily. Kahit malimit akong makipag-usap dito wala naman akong paltang lagyan ang banko nito. Para may maipagmanayabang na naman to' sa mga mga chismosang kapit bahay namin sa baryo.

"Sige ma, salamat," binalingan ko si Jude. Inabot ko dito ang limang daan. Kita ko pa to' sa commission ko sa pagsusulat at pag be-virtual assistant, "—o sa'yo na'yan, h'wag pasasakitin ang ulo ni lola," paalala ko sa pamangkin ko.

Si mama kasi ang nagbabantay dito simula ng mamatay ang asawa ng kuya ko.

"Salamat po, ate," ngumiti ito kaya ginulo ko ang buhok ng pamangkin ko.

"Kumain ka ng maayos, may gulay at prutas akong pinamili nasa loob ng ref, Mari. Ayusin mong kinakain mo!" hindi parin natapos si Pily. "Teka naalala ko si Roy," dagdag pa nito.

Ang tinutukoy nito ang kaklase at kapitbahay namin sa baryo. Isang engineer, dati pa itong nagparamdam pero hindi ko pinapansin di ko type sobrang seryoso sa buhay. Tahimik ko na nga dadagan pa ng halos walang joke kada buka ng bibig ano mangyayari sa aming pagsasama kung ganun?

Tinaasan ko ng kilay si mama.

"Makipagdate ka kay Roy, hinahanapan na kita, parang hindi mo naman ginamit ang kalandian mo, Mari. Malapit ka ng lumampas sa kalendaryo wala ka paring nobyo, ba't ba naging kasapi ka ng angkan ng Majarott e di mo naman ginagamit," pahabol na biro ni mama.

"Titingnan ko po," tipid kong sagot para matapos na.

Tumalikod na sila mama kaya nang sumara ang pinto halos talunin ko ang couch saka nahiga. Nagdiriwang ang kaibuturan ko nang maiwan na akong mag-isa.

Nakangiting dinukot ko ang cellphone sa bulsa. May dalawang missed call sa chat app ko, galing kay Julie.

"Hoy, asan ka ba sagutin mo tawag ko!"

.

.

"Hoy!"

.

.

"Mali-late na ako sa trabaho!"

.

.

"Antayin mo mamaya, may parcel ako para sa iyo!" followed by laugh emoji.

Saglit nag ring ang cellphone ko ngunit hindi registered ang numerong tumambad sa screen.

Damn! I hate answering calls. Napilitan man ay sinagot ko.

"Hello?"

"Si Miss Majarrot po ba to'?" turan ng kabilang linya.

"Yes, speaking."

"May parcel po kayo, ano ba ang door number n'yo Miss, hindi naka e-specify ang address eh nasa baba po ako."

"Sige puntahan nalang kita, sir."

Tinakbo ko ang pinto saka tumalilis pababa ng condo ko. Walang minutong nakababa ako. Nakita ko agad ang rider, ni recieved ko na agad.

Ano naman kaya ang binigay ng bruha kong kaibigan. Nang tumalikod na ang rider ay sabik na binuksan ko ang package, hindi ko na hinintay makaakyat ng bahay.

Upon looking at the item inside, my face is about to pop like cherry red out of embarrassment.

"Julie!" Pasigaw ng utak ko.

The item was a huge dildo vibrator. Lihim kong ginala ang paningin sa paligid dahil baka may nakakakita sa akin baka ano pa ang iisipin.

Nanlaki ang butas ng ilong kong muling sinara ang kahon. Nanginginig ang daliri ko tang ina.

Sipit ang package ay dinukot kong muli ang cellphone sa bulsa.

Pagmumurahin ko talaga ang kaibigan kong iyon. Alam na alam talagang mang-asar.

Mabilis ang daliri kong pinindot ang chat app. Nakatungong nagtungo ako sa elevator papanhik sa condo ko sa 18th floor.

Hindi ko pinansin ang kasabayan ko sa elevator dahil sa inis ko kay Julie. Padiin nang padiin ang tipa ko sa screen ng aking cellphone.

Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto hudyat na narating ko na ang tamang floor ay humakbang na akong hindi inintindi ang kasabayan ko.

Dahil nga nakatungo ako ay aksidenting nabunggo ko ang likod nito.

"Shit!" mura ng may-ari ng likod na nabunggo ko.

Ako naman ay napabalikwas dahil biglang nabitawan ko ang hawak kong phone ang saklap tumilapon din pati ang kahon na dala ko.

And what worse come to worst ay tumalsik ang laman ng kahon at awtomatikong na-on ang switch ng item.

Nanigas na nakayuko akong sinundan ng tingin ang vibrator dildo na gumigiling-giling sa sahig.

"Oh, my God! I am doomed, very doomed!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status