Share

Beautiful Smile

"Beautiful Smile"

NAWINDANG ang ulirat kong nakatungo. Ang mga titig ko ay nakatuon sa bagay na nangangatal; nanginginig sa sahig.

Natulos ako sa kinatatayuan ko at gusto ko nalang ding mangangatal sa sobrang hiya.

Isang tikhim ang aking narinig. Sa inaasahan ay nandoon pa ang panauhin at nanatiling nakatayo na nakatalikod sa akin.

Saglit ay nakita kong gumalaw ang paa nito at bumalikwas paharap sa direksiyon ko.

Napadiin ko ang kagat ng aking pang-ibabang labi, ayokong iangat ang paningin ko sa may-ari ng katawang nabangga ko.

Pasimple na sinukbit ko ang hoodie sa ulo ko, nakatungo parin ako na hindi nangahas na gumalaw. Kahit hibla ng buhok ko'y gusto kong sawayin dahil sa pagsabay sa hangin sa paligid, bwesit!

Makalipas ang ilang segundo ay walang nagsalita at nanatili itong nakatayo sa harap ko. At ang lintik na vibrator lang ang nag-ingay sa buong paligid.

Buzzing...

My introverted mind came to the rescue.

What should I do?

a. Ngumiti at umarteng parang natural saka pulutin ang dildo?

b. Maging maharot at e-distract ang panauhin?

c. Tumakbo at liparin ang pasilyo.

d. Wala sa nabanggit.

Kung alam ko lang na mangyayari ito ay hindi ko nalang sana binuksan ang package.

Damn, I was so excited and here I am facing trouble and embarrassment. Oh well, wala naman pagsisisi na nauna sa mga pangyayari. Silly me!

So, if I choose letter A. parang hindi ko yata kaya... kung letter B. naman mas lalong hindi, Majarrot nga ako pero apelyido lang... I think I should choose letter C. Tumakbo at liparin ang pasilyo... dahil pag letter D. naman ang pipiliin ko mas lalong wala na ako sa tamang pag-iisip para mag-isip pa ng defense mechanism.

Being an introvert letter C. is a great choice it fits my personality.

Palihim akong humugot ng hininga sabay hanap ng bwelo. Ilang dipa nalang ay condo ko na, kaya sagarin ko iyon ng takbo.

"Miss—

Panimula ng panauhin pero hindi ko na pinakinggan at kumaripas na ako ng takbo.

Parang si Killua lang ang peg, walang kisap mata'y nakatayo na ako sa harap ng pinto ngunit baliwala ang justu ko't natataranta akong pinipindot ang passcode ko.

"Tang-ina pisting yawa!"

Lihim akong nakahinga nang tumunog na ang pinto, 'unlocked' successfully bagaman bago pa ako makapasok ng tuluyan ay isang kalabog ang gumulantang sa aking harapan.

Tuloy napahalukipkip ako nang makita kong hinarangan ng panauhin ang pinto ng aking condo. Ilang dangkal ang layo nito sa akin.

Sinulyapan ko ito, napakurap-kurap ako. Halos mapugto ang leeg ko sa tangkad nito.

And take note lalaki pala ang nabunggo ko. Hindi ko kase binigyan diin kanina dahil sa tindi ng hiya ko. Wala sa sariling napahagod ako ng tingin sa lalaki sa aking harapan.

He's blocking my doorway with his muscled right arm and staring at me intently. His muscles flexed; the fat veins surged as he put a lil pressure on my door.

Napasinghap ako, hindi ko man aminin sa sarili subalit ang lalaki ay maihahalintulad ko sa mga bida sa mga nobelang sinulat ko. Yes. I am a romance novelist. An erotic romance novelist to exact.

His physical appearance somewhat came from my fantasy. Iyon bang pang hero ang datingan.

Tall, dark, and handsome. Thick black eyebrows; thick, long, and curved lashes. Tiptilted nose, a well-defined jaw line and pinkish inviting lips, and of course his brown wavy hair that made his face even more attractive.

As I looked into him deeper his hazel brown eyes were very tantalizing that could devour me any minute. It seems it hypnotizes me and could consume my sanity in no time.

Kaya bago pa mawala ang katinuan ko ay humakbang ako paatras ng kaunti. Iniwas ko ang titig sa mukha nito at yumuko.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang hindi mapakali ang puso ko sa tinding tambol, siguro dahil sa tinding hiya.

"Miss," the man speaks.

His voice, it was amazing. Maybe if he talks to me all day I won't get exhausted.

I winced at the thought.

"Mari, you're an introvert and dealing with people drains your energy, paano ka nag-isip ng ganyan sa harap ng lalaki!" nangangaral na naman ang kotrabidang utak ko.

"Miss," ulit nito na tinaas ang isang kamay na hawak ang vibrator.

Gusto ko nalang maglaho na parang bola dahil sa bagay na hawak hawak nito. Kaya walang ibang sumagi sa utak ko upang makawala sa scenario kundi ang maging bayolente.

Walang pag-alinlangan ay isang malakas na tadyak ang binigay ko sa binti nito.

Napadaing ang lalaki, nalukot nito ang gwapong mukha sabay na napayuko't hinimas ang nasaktang binti.

Sinamantala ko ang pagkakataon at tumalilis papasok sa aking condo. Buong lakas na binalya ko pagkasara na halos malagas ang mga hinges niyon.

"Miss, your things—" dinig ko pang sabi nito sa likod ng pinto ngunit wala akong balak pagbuksan ang lalaki't bahala na kung mangisay iyon doon.

Napasandal ako sa pinto dahil sa tinding kaba na nararamdaman ko.

Lintik to'ng right ventricle ng puso ko at parang nasiraan ng bait, kung makatibok daig pa ang tumakbo ng 1000 meter run. Hayop!

Makalipas ang maikling sandali ay sinilip ko sa peephole, lihim akong nakahinga ng maluwag nang wala na akong nabungaran pa—ngunit halos sabunutan ko ang sarili nang maalala ko ang cellphone ko.

"Tang ina!"

Malakas na mura ko. Sinadya ko talagang ilabas ang frustration ko dahil alam ko naman na sound proof ang condo ko.

Sigurado akong nasa kamay ng lalaking iyon ang phone ko.

Pero paano ko babawiin iyon?

"Ang tanga!" nakakahiya pa naman ang screensaver ko dun SB19 lang naman, halatang stun ng SB19.

Aba! Aba huwag mahiya tangkilikin ang sariling atin be proud 'Atin'.

Nagmamaktol na tinalunton ko ang sofa saka tinapon ang sarili doon.

Now, I am in big trouble paano na ang phone ko? May mga importanteng account ako dun, ang saklap hindi ako naglagay ng password o kung anuman, I found it irritating. Paano kung bubuksan nito iyon?

May mga confidential files ako dun. Nandun ang account ko sa isang reading platform paano kung maleak iyon. I am hiding my true identity and I am using just a pin name.

And what troubles me is I don't know that man. Bago iyon sa paningin ko, hindi ko napapansin iyon na pagala-gala dito sa gusali. Paano kung ipagkalat ang details ko, may mahigit 10milyon followers na ako dun.

Oh well, my account is connected to my laptop I still have a solution.

Tumayo ako sa pagkakatihaya ko sa sofa upang puntahan ang laptop ko na nasa silid ngunit may biglang nagdoor bell.

Halos humiwalay ang espiritu ko sa katawan dahil doon. Kanina pa nga ako hindi mapakali dagdagan pa sa pabigla biglang doorbell.

Napa-isip ako baka bumalik ang lalaki, kung bumalik nga anong gagawin ko?

Ano nga ba talaga ang gagawin kung bumalik ang lalaki?

a. Buksan at tanungin patungkol sa gamit.

b. Buksan at sumbatan bakit nangingi-alam sa hindi pag-aaring gamit.

c. Mangisay nalang sa loob at huwag na huwag bubuksan.

d. Titik a. at titik b.

Napangiwi ako, wala akong mapili dahil hindi pa naman ako sigurado kung sino ang nasa labas.

Mabibigat ang mga paang kinaladkad ko ang sarili sa tapat ng pinto. Tumingkayad ako upang silipin kung sino—at talagang hindi ako nagkakamali bumalik ang lalaki.

Damn! My heart became unstable again. Yawa!

Sumisipol itong nakapamulsa. He's waiting for me to open the door.

Naninigas parin ako't nag-iisip kung bubuksan ko ba to'?

But I need my phone, kung uunahin ko ang hiya ko for this scenario parang di-tama. Mamimiligro ang buhay ko... I mean ang files ko. Kaya lunok-lunok din ng hiya pagmay time.

Out of nowhere, I opened the door. As usual, the hood of my jacket is on.

Bumulaga sa akin ang gwapong mukha nito. He is now wearing a gray white t-shirt na pinaibabawan ng plaid long sleeve na nakatupi ang manggas at nakabukas lahat ng butones at naka-khake short. He looks so good on it, really good. A very fine man for all you know.

He is smiling. Yes, a very beautiful smile. His teeth are as white as snow and very fair and straight.

Dali kong nilahad ang kanang palad ko sa harapan na hindi man lang nagsasalita. Iniwas ko din ang tingin. I can't look at him, he is so bright. Nakakasilaw.

"Oh so, your stuff—" sabi nito na may dinukot sa bulsa. "—here," nilagay nito ang phone sa palad ko. Ta's ang isa ay nakalagay na sa box na inabot sa akin.

I am impressed, hindi ako nakadama ng hiya at awkwardness dahil sa ginawa nito.

He's a gentleman but still, he can't deny the fact that he witnessed something he shouldn't.

"Hey, I live next—

"You shouldn't pick up things that you don't own!" bara ko dito na deritsong tumalikod at binalya ang pinto pero agad kong sinilip sa peephole.

"But still, if you want to know, I am living next door," pahayag nito sa likod ng pinto. Ngumiti pa ito na tinapat ang gwapong mukha sa peephole, ta's tumalikod na.

Napaatras tuloy ako sa gulat. Parang tanga! Hindi naman ako nakikita nito mula sa labas.

I should be grateful. Yes however I don't know how to say it or deliver it, I am not used to talking to people.

Isipin na nito ang gusto nitong isipin. Pero hindi nakaligtas sa pandama ko ang pagkadismaya ko sa tinuran ko sa lalaki.

I shouldn't have said that! Nagsisi tuloy ako.

I chose the wrong answer letter D. Tiktik a. at titik b.

God damn it! Now I hate being an introvert.

Marahas kong tinapon ang kahon sa kung saang espasyo. Napahamak pa ako nang dahil lang sa walang kakwenta-kwentang bagay.

Nagmamaktol ay natuloy tuloy ako sa silid, saka hinarap ang aking laptop.

KINABUKASAN magtatanghali na nang natapos ko ang isang kabanata ng storyang sinimulan ko.

Naisipan kong sumaglit sa kusina upang maghanap ng ngunguyain, kumakalam na ang aking sikmura ngunit naubusan ako ng bigas.

Napabuntong hininga ako sabay na pinadyak ang paa sa inis. I have to do a grocery again!

Napangiwi ako nang maalala ko no'ng namili ako isang linggo ang nakakaraan. Umuwi ako na sobrang pagod sa haba ng linya. Ta's naiinis ako dahil aksidenting may kakilala akong nagugrocery din at sobrang daldal, nauubos nito ang enerhiya ko. Pawang tango at ngiti lang ang sagot ko pero nakakapagod pa din.

Going outside is very exhausting. May makakasalamuha na naman akong bago but as if I have other choice kailangan ko talagang magrocery maliban nalang kung gusto kong mamatay sa gutom.

But hell no! I still have my solid goal and that is to find a man that is worthy to rip my petal.

Buo ang loob na tumalilis ako sa silid upang mag-ayos ng sarili. Nagsuot lang ako ng mahabang palda, oversize pink tshirt saka pinaiibabawan ko ng oversize hoodie. I wear my white walking sneakers. Nakamask ng itim ay nagtuloy-tuloy na akong lumabas.

Habang pabaybay ako ng pasilyo ay natapat ako sa isang nakabukas na pinto ng kapitbahay. Door 269 next to mine 268.

Sobrang nakaawang ang pinto ng condo na tumagos talaga ang paningin ko. Halatang bagong salta. May mga kahon pa na nagkalat at hindi pa naaayos. Piles of books at kung anu-ano pa na nakalatag sa sahig.

What captured my attention was the man and the soft and sweet melody he made that echoed throughout the hall. Canon in D Pachelbel.

Hindi ko namamalayan na dinala ako ng paa ko papalapit sa pinto ng condo. Nakatuon ang paningin ko sa lalaki.

My heart went into chaos as I looked at him on the instrument. He is tapping the keys of the keyboard gracefully as if his world depends on it. His fingers artfully played the soft melody.

I leaned on the door frame unconsciously while savoring the most nostalgic melody that the man was playing on the piano.

It was very soothing and seems to ease my worries. I am humming... closing my eyes as if I am in the other world until the melody ends.

When I opened my eyes I saw the man staring at me from the distance. Again a beautiful smile was painted on his lips. Very exquisite.

Damn, nadala ako sa musika. And now I am pinning my feet at his doorway. Ang tanga lang!

Kaya bago pa makatayo ang lalaki mula sa pagkaka-upo ay umatras na ako't tumalikod. Lakad takbong tinalunton ko ang elevator.

"Hey, wait—

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status