Share

Kabanata V

Penulis: jeanneration
last update Terakhir Diperbarui: 2022-01-07 06:12:47

Lucky's POV

"Ayoko."Sigaw ko at pilit na hinahawakan ang kamay niya. Ayokong bumitaw, ayoko siyang iwan dito. Hindi ko alam kung paano itutuloy ang buhay nang wala siya sa tabi ko. "Sabihin mong ayaw mo akong mawala sa tabi mo. Ikaw ang pipiliin ko."

"Lucky." Sabi niya at binitawan ang kamay ko. Hinaplos niya ang pisngi ko dahilan para mapapikit ako at namnamin ang huling pagkakataong mahahawakan niya ang mukha ko. "Gustuhin ko mang manatili ka sa tabi ko, bumuo ng pamilya kasama ka ngunit hindi ito ang tamang panahon."

"Paano mo naman nasabi?" Inis na tanong ko sa kanya. "Hindi ka naman manghuhula ahh. Nakausap mo ba si Papa Jesus? Hindi naman di ba? Kung sinabi man niyang oo, pwede naman natin siyang kausapin. Mabait 'yun, promise!"

"May mga taong naghihintay sa pagbabalik mo. Maraming masasaktan kung mas pipiliin mong manatili sa panahong ito."

Tinanggal ko ang kamay niya na nasa pisngi ko, ayokong punasan niya ang mga luha ko. Hindi iyon ang gusto kong gawin niya, gusto kong sabihin niyang gusto niya akong manatili sa panahon niya, kasama siya.

"Ganun na lang, hahayaan mong masaktan ang damdamin ko?" Tanong ko at iniwas niya muna ang tingin sa akin bago tumango.

"Patawad Lucky, mahal na mahal kita ngunit kailangan kitang pakawalan." Sabi nito bago ako binigyan ng isang h***k sa noo.

Bago pa niya tuluyang ilayo ang labi niya sa akin, hinawakan ko ang mukha niya at ginaya ito papuntang labi ko. Kung ito na nga ang huli naming pagkikita, lulubusin ko na.

Alam kong nagulat siya nang hinalikan ko siya sa labi. Ngunit ito na lang ang tanging magandang alaala na babaunin ko sa aking paglisan.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay hinayaan ko siyang lumayo sa akin. Pinagmasdan ko siyang maglakad papalayo sa akin, masakit man pero nakapag-desisyon na siya.

Maybe we have the right love at the wrong time.

"Paalam mahal."

• • • • •

Nagising ako dahil sa huni ng mga ibon at lamig ng simoy ng hangin.

Agad akong napabangon sa hinihigaan kong malaking bato. Nilibot ko ang paningin sa lugar at hindi ko alam kung bakit ako napapaligiran ng mga nagtataasang puno.

Nasaan ako?

Nasaan si Gio?

Ang buong akala ko magigising ako sa hospital dahil sa pagkakalunod ko sa balon. Pinalo ko ang ulo ko dahil wala na akong maramdamang sakit o makitang bakas ng pagkahulog sa balon.

Impossible!

Hindi kaya... hindi kaya nasa langit na ako.

Patay na ba ako?

Hindi pwede! Hindi ko pa tapos sa mission ko, hindi ko pa natutulungan si Tita Amanda.

Napaluhod ako at nagsign of the cross, "Lord, salamat dahil nakarating na ako sa langit. Masaya po ako dahil hindi niyo ako pinatapon sa baba pero pwede bang ibalik niyo muna ako Earth ulit. Sandali lang po, tutulungan ko lang si Tita Amanda." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Ilang minuto rin akong naghintay ng milagro pero nauwi lang ako sa buntong hininga. Ginala ko ang tingin sa paligid, maganda ang lugar at payapa kung titignan. Wala akong makita na kahit isang tao, siguro nga nasa langit na ako.

Pinunasan ko ang mata ko at nagulat na lang ako nang may luha na galing dito. Totoong umiyak ako? Ang buong akala ko sa panaginip lang ako umiiyak.

Hindi ko din maintindihan kung bakit ramdam ko pa rin ang bigat ng damdamin ng nasa panaginip ko. 

Napailing na lang ako at binalewala iyon.

Nagsimula akong maglakad lakad kailangan kong makahanap ng lugar na pwede pagtuluyan lalo kung dumilim. Naniniwala na akong nasa langit ako ngayon, walang ganito kaganda at payapang lugar sa Pilipinas.

Puno ng nagtataasang puno ang paligid kaya hindi masyadong mainit sa pakiramdam kahit pa naglalakad ako at mukhang 3 o'clock ng hapon. Ang sarap ding singhutin ng hangin, sobrang linis. Marami ring mga ibon at paru-parong lumilipad.

Nasa paraiso na ako.

Manghang mangha ako sa lugar na nilalakaran ko, panandalian kong nakalimutan ang problema tungkol kay Tita Amanda. Para bang ayoko nang umalis sa lugar na ito, gusto kong dito na lang tumira habang buhay... este sa eternity ko.

Patay na nga pala ako.

Ibig sabihin, wala na akong buhay.

"Tabi! Tabi po! Makikihingi lang po ng pagkain." Paalam ko. Mahirap na! Mamaya may magalit pa dahil kumuha ako ng prutas.

Umakyat ako ng puno ng mangga at kumuha nito, mabuti na lang tinuruan ako ni Tatay kung paano magbalat nito na walang ginagamit na kutsilyo. Unang kagat pa lang, nanlaki na agad ang mata ko dahil sa sobrang sarap.

Hindi ko maintindihan kung ngayon lang ba ako muling nakakain ng mangga kaya sarap na sarap ako o talagang masarap lang ang manggang nakuha ko.

Hindi siya sobrang asim, tamang tama lang ang lasa niya kaya kumuha pa ako ng tatlo pa.

Kumain ako habang nakaupo sa isang malaking sanga ng puno. Wala pang isang oras, natututo na akong mamuhay sa panahong ito at nagugustuhan ko ang paanatili dito.

Napailing ako, "Lord naman, alam kong maganda ang lugar na ito at unti unti na akong natutuksong manatili dito pero kailangan tulungan ko muna si Tita Amanda, please!" Muli kong pakikipag-usap sa kanya.

Matapos kong kumain, nakaramdam ako ng uhaw. Muli akong nag-ikot ikot para humanap naman ng maiinom.

Sa pag-iikot ikot may natagpuan akong batis o sapa. Hindi ko alam ang tawag basta ang alam isa itong anyong tubig. Lalo akong na mangha dito dahil napakalinaw ng tubig, wala kang makikitang kahit na anong b****a.

"Hindi naman siguro ako malalason dito."

Hindi ko napigilan ang sarili kong uminom dito. Una dahil uhaw na uhaw na ako at pangalawa mukhang inaakit ako ng tubig na ito.

Wala naman akong nalasahang kakaiba sa tubig. Mas masarap pa nga ito sa mineral water. Kaunti na lang talaga maniniwala na akong nasa langit ako.

At dahil nagpaakit din ako sa ganda ng tubig, agad kong hinubad ang damit ko at lumusong sa tubig. Sa lamig ng tubig ako nagtampisaw, nakakagaan ng pakiramdam.

Inaakit talaga ako ng lugar na ito para hindi ako umalis. Humiga ako sa isang malaking bato na nasa gitna at pinagmasdan ang langit. Walang pinagbago ang ganda nito kahit dito sa paraiso o Maynila.

Dati, sa tuwing napapagod ako, tumitingin lang ako sa langit para mawala ang stress at pagod ko.

Paano ako napunta dito?

Kung nasa langit ako, bakit wala man lang nag-welcome sa akin na kahit isang angel or fellow kaluluwa ko.

Napabangon ako nang marinig kong may kumaluskos sa may damuhan. Agad akong lumangoy pabalik sa gamit ko at muling sinuot ang T-shirt at pantalon na suot ko kanina. Wala akong pakialam kung mabasa man ang damit ko, ang mahalaga makaalis ako sa lugar na ito.

Paano kung isang mabangis na hayop iyon?

O

Isang masamang tao?

Paano kung patayin ako? Double dead ma ang kinalabasan ko. 

Binulagbog ko muna ang paligid bago umalis. Paniguradong matatakot ang hayop sa binato kong buto ng mangga at aalis na iyon. Lalong lumakas ang tibok ng puso nang maramdaman kong sinusundan ako ng nilalang na kumakaluskos, isa lang ang sigurado ko.

Hindi iyon hayop, isa iyong tao.

Kinuha ko ang isang sanga na nasa lapag at tinago iyon, papalapit ng papalapit at papalakas ng papalakas ang kaluskos kaya naman dapat maging handa ako.

Nahinto ako sa paglalakad nang mawala na ang kaluskos pero ramdam kong nasa likuran ko na siya kaya lalong bumigat ang hinga ko at humigpit ang hawak ko sa piraso ng sangang hawak ko.

"Yaaaaaaaaaa!" Sigaw ko habang pikit matang pinalo ng sanga ang taong nasa likod ko. Minulat ko lang ang mata ko nang maramdaman kong bumagsak ang tao.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may dugo sa noo niya at nakahandusay siya sa harap ko. Ang akala ko napatay ko siya pero laking pasalamat ko nang nakita ko siyang humihinga pa.

May hawak siya sa kaliwang kamay niya at lalo akong nagulat nang makitang iyon ang paborito kong panyo. Balak niya ba iyong ibalik sa akin?

"Ang galing mo talaga Lucky." sarkastikong bulong ko sa sarili ko.

Siya na nga ang nagmagandang loob.

Siya pa ang napahamak.

Tinihaya ko siya para maging maayos ang posisyon niya at magamot ko ng maayos ang sugat niya pero natigilan ako nang mapagmasdan ko ang mukha niya.

Siya yung lalaki sa panaginip ko!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Love From The Past   Kabanata XXVIII

    Lucky's POVAkala ko papagalitan ako ni Señora Rosario kapag nalaman niyang lumayo sa simbahan. Nagulat ako nang masaya siyang makita na magkasama ni Magnus. Mukhang nagkakamabutihan na raw kami at maganda iyon para sa pagsasama namin. Isang tipid na ngiti na lang ang binigay ko bago siya inayang umuwi. Mamaya kasi kung saan na naman mapadpad ang usapan namin ni Magnus.Pagbangon ko, rinig ko ang komosyon ng mga tao sa baba. Nakalimutan kong pista na nga pala ng mga patay at isa si Señora Rosario sa punong abala. Iba talaga ang devotion ng nga tao sa panahong ito sa simbahan.Pagbukas ko ng pintuan, agad akong hinila ni Perlita para muling pumasok sa kwarto. "Bakit ba? Marami pa akong gagawin." Sabi ko habang inaayos ang pagkakapusod ng buhok ko. Wala akong makitang panali ng buhok kaya naman gumamit nalang ako ng stick at tinusok sa buhok ko.Inaasahan ako ni Señora Rosario na magluto para sa dadalo ng padasal. Ilang araw ding kinalimutan ang mission ko kay Magnus para lang ituon ang

  • My Love From The Past   Kabanata XXVII

    Lucky's POVTulala pa rin ako nang marating namin ang lugar na sinasabi ni Magnus. Hindi pa rin nag-sink in sa utak kong pinili niya akong bigyan ng pagkakataon kesa samahan si Juana sulsulera."Ayy!" Sigaw ko pagbaba namin ng kalesa. "Anong nangyari?" Kita sa mukha ni Magnus ang gulat sa sinabi ko dahil agad niyang sinuri ang katawan ko. "Nasaktan ka ba?"Sunod sunod akong umiling bilang sagot sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ang bait bait niya sa akin, samantalang noon gusto niyang mawala si Lucia sa buhay niya."Hindi kasi ako nakapagpaalam kay ina. Mamaya mag-alala sa akin iyon, bumalik nalang kaya tayo." Sabi ko. Pangalawang beses na iniwan ko si Señora Rosario sa simbahan, mamaya hindi na niya ako payagang lumabas kapag nalaman niyang umalis ako ng hindi nagpapaalam.Ngumiti lang si Magnus at hinila ako papalapit sa kanya. "Kasalukuyang magkasama sila ng aking ina at inaayos ang magaganap na pista ng mga patay. Paniguradong aabutin sila ng gabi kaya nam

  • My Love From The Past   Kabanata XXVI

    Lucky’s POV Napaupo kami sa gilid ng simbahan matapos naming makipaglaro ng habulan sa mga bata. Hindi ko akalaing mapapagod ako ng ganito, ilang minuto na ang lumilipas pero hinahabol ko pa rin ang hininga ko. Pinagkaisahan namin ng mga bata si Magnus, siya ang palagi namin tinataya pero palagi namang bumabalik sa amin dahil sa bilis niyang tumakbo.Inabutan kami ni Magnus ng tig-isang buko juice pantawid uhaw. As usual, siya ang nagbayad dahil wala naman akong dalang pera palagi, kung mayroon man hindi sapat. Ngayon nila sabihing galing ako sa pinakamayamang pamilya sa panahong ito, wala nga akong kapera-perang dala.“Ate Lucky, laro ulit tayo bukas.” Sabi ni Felipe habang ginamit ang damit niya bilang pamunas sa pawis. “Hindi ko maipapangako.” Sagot ko na nagpawala ng ngiti ng mga bata. “Pero sa tuwing pupunta akong simbahan, palagi akong makikipaglaro sa inyo.”Sabay sabay na nagsaya ang mga bata matapos ang sinabi ko. Tagaktak pa rin ang pawis ko kaya naman ginamit ko ang mang

  • My Love From The Past   Kabanata XXV

    Lucky's POV“Hay!” Tanging sabi ko nang maupo sa hagdanan sa labas ng simbahan. Ngayon ko lang na-realize na hindi ako sanay na wala akong trabaho. Kadalasan, one month lang ang binibigay ni Mommy sa pagitan ng mga projects ko para magpahinga. Palagi akong nagreklamo dahil napakabilis lang at hindi ko nagawang i-enjoy ang bakasyon ko.Sa panahong ito naman, dalawang linggo palang ako pero para na akong mamamatay sa boredom. Pinilit ko pa si Señora Rosario na isama ako sa lakad niya ngayong araw. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang sabihin kong sasama ako sa kanya. Ayon kay Perlita, ito ang unang beses na nagkusang lumabas ng bahay si Lucia, palagi nalang kasi itong nagkukulong sa kwarto nito.Kaya naman pala si Magnus lang ang gusto niya dahil ito lang kilala niya. Kung sinubukan lang niyang lumabas,makikita niyang madami pang lalaki ang karapat dapat sa pag-ibig niya. Maganda naman siya, paniguradong maraming lalaki ang magkakagusto sa kanya.Sa limang minuto kong pag-upo sa

  • My Love From The Past   Kabanata XXIV

    Lucky's POVReady na ang monologue ko kaso biglang hinila ni Magnus si Juana sa lugar na walang tao. Gusto niya ‘atang ma-solo ang girlfriend niya.Nagpasya kaming magtago ni Perlita sa isang malaking puno upang marinig ang pag-uusap ng dalawa. Kahit pa may kung anong nag-uudyok sa aking hilain ang buhok ni Juana at ilampaso sa sahig.“Kalma, Lucky.” Bulong ko sa sarili ko. “Hindi mawawala ang class mo ng dahil lang sa isang lalaki.”Hindi ko napigilan ang sarili kong tignan si Juana mula ulo hanggang paa. Tama nga si Perlita, kulay kayumanggi si Juana at napakamahinhin. Maihahalintulad mo siya kay Maria Clara pero napangisi pa rin ako.Ano naman kung isa siyang huwarang Pilipina, mas maganda naman ako sa kanya.“O aking irog, nadudurog ang aking puso sa tuwing nakikita kitang kasama mo si Lucia. Pakiramdam ko’y unti unti ka na niyang inaagaw sa akin.” Sabi ni Juana habang hawak ang kamay ni Magnus.Tinakpan ko naman ang bibig ko dahil kakaunti nalan

  • My Love From The Past   Kabanata XXIII

    Lucky's POVFirst time kong gumising sa panahong ito na nakangiti. Nagawa man akong iwan ni Magnus sa balkonahe para sundan si Juana, masaya pa rin ako. Lumuluha si Juana bago tumakbo papalayo sa bahay ng mga Alindogan.Sa tingin ko, nakita niya ang magkahawak na kamay namin ni Magnus. Sinuman ang makakita sa amin sa ganoong posisyon ay iisipin na mayroon kaming relasyon. Napaka-malisyoso pa naman ng mga tao sa panahong ito.Sana naman tigilan na niya si Magnus matapos ng nasaksihan niya.Pinipilit ko naman ang sarili kong kalimutan ang pagtatapat ni Amado. Sigurado na akong hindi siya si Gio kaya naman kailangan ko na siyang layuan at mag-foucs sa mission ko.“Magandang umaga.” Bati ko nang pumasok sa hapag kainan at binigyan ng yakap ang magulang ni Lucia at Ate Amor na nagsisimula na kumain ng agahan.“Mukhang maganda ang gising ng aming bunso.” Nakangiting sabi ni Señora Rosario nang umupo ako sa pwesto ko. “Maaari ko bang malaman ang dahilan ng ngit

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status