SHAINA
Malinaw na malinaw sa akin ang mga sinabing 'yon ni Sir Jacob. Hindi ko raw kailangan na mahiya dito sa pamamahay niya. Nakakahiya naman kasi, eh, lalo na kung kakain ako ng mga pagkain na pangmayaman kagaya niya. Hindi naman ako aanay sa mga pagkain na 'yon. Sapat na sa akin na kinakain ang tinapay, kape, kanin at ano pa na pagkain na madalas kainin namin na mga mahihirap. Tumango na lang ako sa kanya kanina para wala siyang masabi na kung ano sa akin.Nang makaalis siya patungo sa opisina ng kompanya niya ay naiwan kami doon ni Manong Caloy. Pinagpatuloy ko na ang pagtatrabaho ko sa loob ng pamamahay ni Sir Jacob. Naghugas ako ng mga pinggan na pinagkainan niya. Matapos 'yon ay nagwalis ako. Pinunasan ko ang mga gamit doon sa baba na may mga alikabok lalo na doon sa may sala dahil 'yon ang sabi ni Manong Caloy sa akin. Siya naman ay abala doon sa garden. Iyon naman talaga ang trabaho niya. Ngayon na may bago na ngang kasambahay at ako 'yon ay balik na siya sa dating trabaho niya. Habang siya ay nasa labas, ako naman ay nandito sa loob ng bahay nagtatrabaho.May mga lababan doon sa loob ng kuwarto ni Sir Jacob kaya kinuha ko 'yon para labhan lahat. Wala akong itinira sa mga lababan niya kahit 'yung iilang underwear niya ay nilabhan ko na rin. Hindi ako marunong gumamit ng washing machine kaya nagpatulong ako kay Manong Caloy hanggang sa matutunan ko 'yon. Tuwang-tuwa ako nang matutunan ko 'yon.Nang sumapit ang lunch time ay sabay kaming kumain ni Manong Caloy. Doon kami sa may dirty kitchen kumain. Hindi naman kami bagay na doon talaga sa may dining room kumain. Si Sir Jacob lang ang kumakain doon. Katulong lang naman kami sa pamamahay niya kaya hindi kami dapat umaktong parang kami ang nakatira sa bahay niya.Marami pa akong ginawa buong maghapon kaya nananakit na ang katawan ko. Hindi naman ako nagrereklamo dahil trabaho ko 'yon. Habang nagtatrabaho ako ay bigla kung naalala si Tita Delia. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Sigurado ako na abala rin siya sa pagtatrabaho doon sa pinagsisilbihan niyang pamilya. Buong pamilya kasi ang nandoon, hindi kagaya dito sa pinagsisilbihan namin na tanging isa lang. Si Sir Jacob lang naman ang pinagsisilbihan namin at wala nang iba pa.Nagpahinga na muna ako ng ilang minuto at pagkatapos ay muling nagpatuloy sa pagtatrabaho."Sino po ang magluluto ng dinner ni Sir Jacob?" tanong ko kay Manong Caloy ng mga pasado alas said na ng gabi.Huminga muna siya nang malalim at saka nagsalita, "Ako na muna ang magluluto ng dinner ni Sir Jacob. Since bago ka lang dito ay ako na muna. Marami ka pang kailangan na malaman o matutunan lalo na sa pagluluto ng mga paboritong pagkain ni Sir Jacob. 'Wag kang mag-alala dahil ituturo ko naman 'yon sa 'yo, Shaina."Tumango naman ako pagkasabi ni Manong Caloy."Sige po. Turuan mo po ako, Manong Caloy. 'Pag natutunan ko naman na po 'yon sa 'yo ay ako na po ang magluluto. May mga alam naman po akong iluto kaso nga lang ay baka hindi naman magustuhan ni Sir Jacob kaya hindi ko muna iluluto 'yon. 'Yung gusto lang po niya," sagot ko nga kay Manong Caloy na tumango-tango sa akin pagkasabi ko. "Magluluto ka na po ngayon?""Oo. Magluluto na ako. Kaunti lang ang iluluto ko dahil baka hindi naman kumain ng dinner dito sa bahay si Sir Jacob. Masasayang lang. Tayong dalawa lang ang kakain ng lulutuin ko," sagot niya sa akin."Sige po, Manong Caloy. Mabuti pa po siguro ay ituro mo na sa akin ang iluluto mo na dinner ni Sir Jacob para may alam na rin ako. Iyong iba naman ay sa susunod na pagluluto mo. Hindi mo naman po maituturo 'yan ng sabay-sabay, eh," sagot ko nga sa kanya.Sumagot naman kaagad siya, "Puwede naman, Shaina. Ituro ko na sa 'yo ngayon ang iba para may alam ka na rin."Napangiti ako sa sinabi niya."Mabuti pa nga po, Manong Caloy..." sabi ko pa sa kanya."Wala ka na bang gagawin na iba, huh?" tanong pa niya sa akin kung wala na ba akong gagawin."Wala na po, Manong Caloy. Wala na po akong gagawin. Tapos ko na pong gawin kanina pa po," sagot ko sa kanya."Okay. Tinatanong lang kita para malaman ko kung Wala ka na bang gagawin. Kung may ibang gagawin ka pa ay 'yon na muna ang unahin. Maraming oras pa naman para ituro ko sa 'yo ang pagluto ng gustong pagkain ni Sir Jacob. Sinabi mo naman na wala na kaya ituturo ko na sa 'yo ngayon ang pagluto ng iba," sagot niya sa akin.Tumango ako at kaagad na nagsalita, "Sige po, Manong Caloy. Susunod na lang po ako sa 'yo sa kusina para magluto."Tumango naman siya pagkasabi ko.Nauna na nga siyang pumunta sa kusina. Pumunta muna ako doon sa taas para buksan ang ibang mga ilaw na hindi pa nabubuksan ni Manong Caloy. Bumaba naman kaagad ako para ituro sa akin ni Manong Caloy ang kailangan ko na matutunan sa pagluluto ng pagkain na gusto ni Sir Jacob para sa susunod ay alam ko na. Alam ko na lutuin ang pagkain na gusto niyang inihahain sa kanya kapag kakain na siya.Itinuro nga sa akin ni Manong Caloy ang iba na mabilis ko naman na natutunan. Tinutulungan ko na nga siya na magluto, eh. Ginagabayan na lang niya ako kapag may kailangan akong ilagay na ingredients. Masayang-masaya ako nang matapos kami sa paglulutong dalawa. Nagpahinga na muna kami pagkatapos."Shaina, kailangan mo munang lumabas..." sabi sa akin ni Manong Caloy nang magkasalubong kami sa may sala. Galing siya sa labas ng bahay. Hinihintay niya ang pagdating ni Sir Jacob ngunit wala pa ito. Hindi pa ito dumarating."Bakit po kailangan ko na lumabas, Manong Caloy?" nagtatakang tanong ko sa kanya kung bakit kailangan ko na lumabas. "May ipabilbili po ba kayo sa akin?""Wala, Shaina. Wala akong ipabilbili sa 'yo para lumabas ka," mabilis naman na sagot niya sa akin."Ganoon po ba? E, kung wala ka naman po pala ipabilbili sa akin sa labas, bakit ko po kailangan na lumabas? Nand'yan na po ba si Sir Jacob? May kailangan po ba tayong bitbitin na dala niya?" tanong ko sa kanya."Wala. Wala pa siya, Shaina. Kaya kailangan mo na lumabas muna dahil nasa labas ang Tita Delia mo. Gusto ka muna niyang makausap kahit maikling minuto lang," sabi niya sa akin.Natuwa naman nga ako pagkasabi niya na nasa labas ng bahay ang Tita Delia ko at gusto niya akong makausap kahit maikling minuto lang."Talaga po? Nasa labas siya ng bahay?" nakangising tanong ko pa kay Manong Caloy."Oo. Nasa labas nga siya nitong bahay ni Sir Jacob. Lumabas ka na muna raw para magkausap kayo. Wala pa naman si Sir Jacob kaya walang problema na mag-usap kayong dalawa," sagot nga niya.Mabilis naman akong tumango at nagsalita, "Sige po, Manong Caloy. Lalabas na muna po ako. Maraming salamat po!""Okay. Sige na, lumabas ka na muna habang wala pa si Sir Jacob," sabi pa ni Manong Caloy sa akin."Opo. Maraming salamat po ulit," pasalamat ko muli sa kanya.Hello guys! Maraming salamat po sa inyong lahat na mga nagbasa ng kuwentong 'to. Sana po kayo ay nagandahan sa kuwentong 'to na sinulat ko. Sana ay may napulot kayong aral kahit papaano. Please share this book to your friends. Maraming salamat po sa inyong lahat! Basahin n'yo rin po ang kuwentong 'to "In Love With My Husband's Son" at sana po ay suportahan n'yo po 'yon kagaya ng pagsuporta n'yo sa kuwentong 'to. Support n'yo pa rin po ang ibang stories ko lalo na itong mga sumunod:• In Love With My Husband's Son • No Love Between Us• Release Me, Mr. Billionaire• A Perfect Man For Me• My Mom's Ex-Boyfriend• Save Me, Mr. Billionaire• Playboy's KarmaMaraming salamat po sa suporta n'yong lahat! Mahal na mahal ko po kayong lahat!❤️❤️❤️
SHAINA Mula sa delivery room ay inilipat na ako sa isang private room matapos ko na ipanganak ang panganay naming dalawa ng asawa ko na si Jacob. Isang malusog na lalaking sanggol ang isinilang ko. Dinala na rin siya sa room kung saan ako ngayon. Katabi ko na nga siya, eh. Maayos naman ang panganganak ko. Hindi naman nagkaroon ng problema. Kasama ko ngayon dito sa kuwarto ko ang asawa ko na si Jacob, pinsan niya na si Camille at Tita Delia. Wala pa sina mama at mga kapatid ko dahil papunta pa lang sila dito sa Maynila.Masayang-masaya kami sa binigay sa amin ng Panginoon na napakaguwapong anghel sa buhay namin ng asawa ko na si Jacob. Kamukhang-kamukha niya ang baby boy namin. Walang nagmana sa akin. Lahat ay nakuha sa kanya. Ang lakas talaga ng dugo ng asawa ko. Naluluha ako habang pinagmamasdan namin siya sa tabi ko."Ano ba ang ipapangalan natin sa kanya, baby?" tanong sa akin ng asawa ko na si Jacob kung ano ang ipapangalan namin sa baby boy namin.Hindi muna ako nagsalita sa ta
SHAINA Doon pa rin ako sa bahay namin natulog habang si Jacob naman na boyfriend ko ay bumalik sa hotel na pinag-check-in-an niya para doon siya matulog. Hinatid naman nga niya ako sa bahay namin matapos namin na mamasyal. Madilim na nga nang umalis siya sa bahay pabalik sa hotel na pinag-check-in-an niya.Isinama namin sina mama at mga kapatid ko sa airport para ihatid kaming dalawa ni Jacob. Umaga ang flight namin pabalik ng Maynila. First time ko na sasakay ng eroplano. Medyo kinabahan nga ako. Mahigpit na niyakap ko sina mama at mga kapatid ko bago kami pumasok sa loob ng airport. Naluluha muli ako habang niyayakap ko sila. Hindi ko alam kung kailan ko sila muling makikita at makakasama. Hindi naman ako sigurado na makakasunod silang dalawa sa Maynila lalo na nag-aaral ang mga kapatid ko. Ilang buwan pa bago magbakasiyon sila.Sabay kaming pumasok ni Jacob sa loob ng airport matapos na magpaalam ako sa kanila ay yakapin ko sila nang napakahigpit na para bang wala nang bukas pa.
SHAINA Tinulungan ako ni mama na mag-impake muli ng mga gamit ko pagkagaling ko sa bahay nina Sir Albert. Kinuwento ko rin naman sa kanya ang naging pag-uusap namin doon. Kinahapunan, akala ko ay aalis na kaming dalawa ni Jacob pabalik sa Maynila ngunit sinabi niya sa akin na bukas na lang kami aalis. Pinuntahan muli niya ako sa bahay namin. Gusto muna raw niyang magikot-ikot dito sa amin kaya pumayag naman ako na samahan siya. Si mama ang naiwan sa bahay namin kasama ang mga kapatid ko. Pinakilala ko rin pala kay Jacob ang mga kapatid ko. Ayaw nga nila na lumapit sa kanya. Nahihiya siguro ang mga 'to dahil ngayon lang nila nakita si Jacob.Sinamahan ko si Jacob na mamasyal dito sa amin. Pumunta kami sa mga pasyalan dito sa amin na gusto niyang mapuntahan.Magkatabi kaming dalawa na nakaupo sa loob ng sasakyan. Kasama pa rin niya si Kuya Alan na naging tour guide na nga niya. May bayad naman si Kuya Alan sa pagsama sa kanya kaya walang problema."Nakausap mo na ba ang lalaking 'yon?
SHAINA Pumunta ako sa bahay nina Sir George kinabukasan. Inagahan ko ang pagpunta ko sa kanila. Tamang-tama ay kakatapos pa lang nila na kumain ng breakfast. Ayaw sana akong kausapin niya ngunit nakiusap ako na kausapin niya. May kailangan akong sabihin sa kanya. Doon kaming dalawa nag-usap malapit sa may garden ng bahay nila kung saan ginanap ang birthday party ng daddy niya. Isa-isang pinaliwanag ko sa kanya ang mga narinig at nakita niya kahapon. Hindi ko siya gustong saktan ngunit kailangan niya na malaman 'yon dahil 'yon ang totoo."Pinaasa mo lang pala ako, Shaina. Hindi mo naman pala ako mahal..." nakangusong sabi niya sa akin matapos kong sabihin ang kailangan niya na marinig mula sa akin.I cleared my throat first and sighed deeply."Hindi po kita pinapaasa, Sir George. Nagsasabi po ako ng totoo sa harapan mo. Mas mabuti na po sigurong malaman mo ang totoo ngayon, eh, para matanggap mo kaagad na hindi po kita mahal. Sinubukan ko na mahalin ka o makaramdam ng pagmamahal sa '
SHAINA Gusto akong sumama ni Jacob sa hotel kung saan siya naka-check in ngunit hindi ako sumama sa kanya. Tumanggi ako sa kanya. Tumagal siya ng ilang oras sa bahay namin. Nakita niya ang hitsura ng bahay namin. Wala naman siyang komento sa bahay namin. Alam naman niya na mahirap lang kami kaya aware naman siya kung ano ang hitsura ng bahay namin. Matagal na nag-usap silang dalawa ng mama ko. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa. Mabait naman siya sa mama ko. Wala naman siyang pinakita na hindi kanais-nais dito. Hindi naman siya nagmayabang o ano p. Hindi mo nga siya mapagkakamalan na mayaman sa hitsura ngayon niya. Simple lang suot niyang damit.Nang makaalis siya sa bahay namin ay nag-usap kaming dalawa ni mama. Sabi niya sa amin ni mama ay babalik raw siya bukas dito sa bahay namin. Masayang-masaya ako sa pagkikita naming dalawa. Pinuntahan talaga niya ako para makita. Ginawa niya 'yon dahil mahal niya ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito siya sa