Share

Chapter 116

SHAINA

Tinulungan ako ni mama na mag-impake muli ng mga gamit ko pagkagaling ko sa bahay nina Sir Albert. Kinuwento ko rin naman sa kanya ang naging pag-uusap namin doon. Kinahapunan, akala ko ay aalis na kaming dalawa ni Jacob pabalik sa Maynila ngunit sinabi niya sa akin na bukas na lang kami aalis. Pinuntahan muli niya ako sa bahay namin. Gusto muna raw niyang magikot-ikot dito sa amin kaya pumayag naman ako na samahan siya. Si mama ang naiwan sa bahay namin kasama ang mga kapatid ko. Pinakilala ko rin pala kay Jacob ang mga kapatid ko. Ayaw nga nila na lumapit sa kanya. Nahihiya siguro ang mga 'to dahil ngayon lang nila nakita si Jacob.

Sinamahan ko si Jacob na mamasyal dito sa amin. Pumunta kami sa mga pasyalan dito sa amin na gusto niyang mapuntahan.

Magkatabi kaming dalawa na nakaupo sa loob ng sasakyan. Kasama pa rin niya si Kuya Alan na naging tour guide na nga niya. May bayad naman si Kuya Alan sa pagsama sa kanya kaya walang problema.

"Nakausap mo na ba ang lalaking 'yon?
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status