Share

Chapter 17.2: Missing Wife

Chapter 17.2: Missing Wife

Written By: Cristina de Leon

NAGISING si Wayne dahil sa isang baso ng tubig na inihagis sa mukha niya. Nang bumangon siya ay mukha agad ng galit na galit na si Chaos ang nabungaran niya.

"Saan mo dinala si Lana, ha? Saan mo siya itinago?!" galit na sigaw nito na hinawakan pa ang kwelyo ng damit niya nang makita na nagising na siya.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Pinatulog mo ako kagabi, hindi ba? Kayo ang magkasama buong magdamag tapos ako ang tatanungin mo?!" galit din na sabi niya.

"Hinagulgol ko na ang buong palasyo at ang sabi nila ay hindi nila nakita si Lana! Sa tingin nila ay nakalabas siya ng palasyo at alam ko na ikaw ang nagtago sa kanya!" sabi pa nito.

Nagulat siya kaya naman tumayo siya at itinulak ito palayo sa kanya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Ngayon ko lang nalaman na nawawala si Lana!" sabi niya.

"Sinungaling! Hindi gano'n kadaling maka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status