“ANG MABUTING BAMPIRA”
SA ARAW-ARAW na pananatili ni Lana sa palasyo ay wala siyang ibang naiisip kundi ang kagustuhan na tumakas doon. Pero sa bandang huli ay nagbabago lamang din ang plano niya na isakatuparan ang kagustuhan dahil kapag ginawa niya iyon ay maaaring tuparin nga ni Prince Wayne ang banta nito. Baka nga ipapatay nito ang pamilya niya.
Paulit-ulit din na pinagsasamantalahan ni Wayne ang pagkababae niya. Ni wala itong pakialam kahit paulit-ulit na rin siyang umiiyak nang dahil sa ginagawa nito. Pero kahit ayaw niya sa mga nangyayari ay hinahayaan na lamang niya ito dahil wala rin namang mangyayari kahit tumutol pa siya.
Isang araw na good mood ito ay binigyan siya nito ng pabuya. Maaari na raw siyang lumabas-labas sa 'kwarto' niya kung gusto niya pero bilang kapalit ay dapat daw niyang isuot ang neck chain na isinuot nito sa leeg niya. Wala mang iyong tali, katulad ng sa aso ay sumisimbolo pa rin iyon na gustong ipakita ni Wayne sa lahat na pagmamay-ari siya nito.
Kung siya ang tatanungin, hindi na niya kailangan ng gano'n. Alam niyang alam na rin naman ng lahat ng tagasilbi sa palasyo kung sino siya. Alam niyang alam ng mga ito na personal na alipin siya ni Wayne.
Nang araw na iyon ay wala si Wayne dahil may pinuntahan itong isang pagtitipon ng mga bampira. Sinamantala niya ang pagkakataon na iyon para magpunta sa garden na natuklasan niya sa loob ng palasyo.
Nakahinga siya ng malalim nang makaamoy ng sariwang hangin sa wakas. Dati pa talaga ay mahilig na siya sa mga bulaklak. Sa tuwing nakakakita siya ng bulaklak ay gumagaan ang loob niya kahit pa alam niya na isang impyerno ang kinaroroonan niya ngayon.
Nang makakita siya ng isang bulaklak na puti ay tuwang-tuwa siya. Agad siyang lumapit doon at hahawakan na sana niya iyon nang bigla siyang makarinig ng yabag na papalapit.
"Don't worry about me. Go ahead, you can touch those flowers." Isang gwapong lalaki ang nasilayan niya.
Maputi ang lalaki, matangkad, itim na itim ang buhok na may pagkabiakis tingnan. Matangos din ang ilong nito at kissable lips. At ang mga mata nito? Kahit na mukha iyong inaantok tingnan ay parang hinihigop niyon ang kaluluwa mo. Para bang napakasarap titigan ng mga matang iyon. Sa unang tingin ay mukha itong isang anghel kahit pa may pagkaseryoso ding tingnan ang mukha nito. Mukha itong mabait pero alam niyang imposible na iyon dahil kahit ang ibang mga taga silbi rin sa palasyo na iyon ay hindi rin naman siya tinatratong tama. Mas mababa kaysa sa mga taga silbi ang tingin ng lipunan sa kanilang mga alipin na nanggaling sa Slavery District. Alipin din ang tawag sa mga tagasilbing naroon sa palasyo pero mga mabababang uri ng bampira sila. Samakatwid, nakakalamang pa rin kung ikukumpara sa kanilang mga tao...
Napaatras siya ng makita ang lalaki. Nasisilaw siya sa lalaking ito. Masyado itong gwapo sa paningin niya. Sino kaya ito?
Lumapit ang lalaki at pinitas pa ang bulaklak para sa kanya saka iyon inabot sa kanya. Hindi pa ito nakuntento at kumuha pa ito ng isa at inilagay sa gilid ng tenga niya na talagang ikinagulat at kinapula ng mukha niya!
"Mas bagay sa 'yo ang ganyan. Mas nagmumukha kang babae. You know what? I think you'll be more beautiful if you will just smile a little bit. Masyado ka kasing seryoso," sabi nito.
Nagsalita ang nakangiti rin. Mukha ngang hindi rin ngumingiti ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Mukha rin itong seryoso tingnan at tila blangko palagi ang expression ng mukha. Ang stoic nitong tignan.
"Ikaw siguro ang bagong alipin ng kapatid kong si Wayne. Halata dahil sa suot mong neck chain."
Dahil sa sinabi nito ay mas nanlaki ang mga mata niya. Kapatid ito ni Prinsepe Wayne? Ang ibig sabihin ay isa rin itong bampira at hindi isang anghel katulad ng una niyang inakala?
Lalo siyang napaatras palayo sa lalaki at napalitan ng takot ang expression ng pagkailang na nakikita sa mukha niya kanina. Kung kapatid ito ni Wayne ay nasisiguro niya na hindi rin ito naiiba sa lalaki. Isa rin itong bampira kaya nasisiguro niya na masama rin ang pagkatao nito. Marahil ay itinatago lamang nito ang masamang ugali sa pamamagitan ng mababait na salita at kapag nakuha na ang loob niya ay saka nito ipapakita ang totoong kulay nito.
"Hey, don't be afraid of me. I will never hurt you. Pero aaminin ko na hindi kita masisisi kung ganyan ka na lang kung matakot sa akin. I guess, inaapi ka rin ng kapatid ko katulad ng ibang naging alipin niya," malungkot na sabi nito.
Tinitigan pa niya ng maigi ang lalaki at tinitimbang ang sinseridad sa sinasabi nito. Totoo nga kaya na mabuti ito? Pero imposible, sa buong buhay niya ay wala pa siyang nakikitang mabuting bampira.
"I'm not like my brother. Wala akong alipin na tao dahil para sa akin, ang mga bampira at ang tao ay magkakapantay lamang. Nagkataon lamang na ipinanganak tayo na magkaiba ang mundo pero parehas lamang tayong may buhay. Aaminin ko, hindi ko rin gusto sa tuwing nababalitaan ko na may alipin na namamatay dahil sa kalupitan ng kapatid ko."
"Hindi mo gusto pero hinahayaan mo na lang na pumatay siya ng mga walang kalaban-laban na tao?" Lumabas ang paghinanakit sa dibdib niya. Hindi niya mapigilan ang sarili na magalit pagkatapos ng mga masasamang bagay na nararanasan niya sa mga bampirang katulad nito. Alam niya na napagbubuntunan niya ito ng galit kahit wala pa itong ginagawa sa kanya. Pero masisisi ba siya nito?
Bigla niyang natakpan ang bibig. Ano iyong lumabas sa bibig niya? Isa ring prinsepe ang lalaking nasa harapan niya, kapag ginusto nito ay maaari rin siya nitong ipapatay! Bakit ba hinayaan niya ang sarili na magpadaig sa nararamdaman niya?
"Nandito ka ngayon sa palasyo kahit na ayaw mo dahil ipinanganak ka bilang alipin. Kung tutuusin, halos wala rin tayong pinagkaiba dahil kahit ayaw ko ang nakikitang pagpatay ni Wayne ay wala rin akong magawa. Katulad mo na walang ibang magawa kundi ang sundin siya dahil wala ka rin namang ibang mapagpipilian. Kapatid ko nga siguro si Wayne pero siya ang susunod na magiging hari ng palasyong ito. Sa madaling salita, hindi ko siya maaaring pigilan sa kahit anumang bagay na gusto niyang gawin dahil sa batas ng mga bampira, bawal mangialam sa business ng ibang bampira ang isang bampira lalo na kung wala ka namang kinalaman dito. Kaya kahit ayaw ko ang ginagawa ng kapatid ko ay wala akong ginagawa para pigilan siya. Dahil kapag ginawa ko iyon, maaaring kamatayan ko ang maging kapalit."
"Magagawa ba talagang ipapatay ng master ko ang sarili niyang kapatid?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Hindi kami katulad ninyong mga tao na may matinding pagpapahalaga sa lukso ng dugo. Para sa mga bampira, mas mahalaga ang kapangyarihan. Karamihan ng mga magulang sa aming mundo ay ginagamit lamang ang anak nila para sa pulitika. Paano pa kaya ang mga magkakapatid lang? Kapatid ko lamang sa ama si Wayne kaya mas madali para sa kanya na patayin ako," sabi pa nito. Wala pa ring kangiti-ngiti ang mukha.
Natahimik siya. Ngayon lamang niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. Naisip niya na tama ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Wala nga silang halos ipinagkaiba. Dahil parehas sila na sumusunod lamang sa agos ng buhay. Walang magawa sa itinakda ng kapalaran para sa kanila.
Umupo sa tabi niya ang lalaki. Ngayon ay parehas na silang nakamasid sa malaking aquarium na nasa harapan nila.
"Malakas ang personalidad ni Wayne. Kapag may ginusto siya ay gagawin niya ang lahat para lang makuha iyon kahit ang kapalit pa ay ang paggamit ng dahas. Iyon ang dahilan kung bakit kahit ako ang panganay ay hindi ako ang naging tagapagmana ng korona. Mga bata pa lang kami ni Wayne ay mas paborito na siya ng Hari kaysa sa akin kahit siya ang bunso. Iyon ay dahil bilang hari, kinakailangan ang lakas ng loob at pagiging marahas para makuha mo ang respeto ng mga kapwa mong bampira na nasasakupan mo. Sa totoo lang, no'ng mawala sa akin ang responsibilidad sa pagiging hari ay mas lumuwag pa ang dibdib ko kaysa ang magtanim ng sama ng loob dahil hindi ako ang napili. Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang karahasan. Karahasan na matagal ng umiiral sa pagitan ng mga tao at bampira," sabi pa nito ng hindi siya magsalita.
"Bakit mo ba sinasabi ang lahat ng ito sa akin? Isa lang akong alipin. Deserving ba ako na kainin ang oras mo?" nagtataka talagang tanong niya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may kumausap sa kanyang isang bampira na para bang magkapantay lamang sila.
Lumingon sa kanya ang lalaki at tinitigan siya sa mga mata. "Katulad ng sinasabi ko kanina, balewala sa akin kung ano ang antas mo sa lipunan. Kahit pa isa kang tao ay parehas lamang tayong may buhay kaya bakit kita titingnan na para bang mas mababa ka kaysa sa akin?" seryosong tanong nito.
Dahil sa sinabi nitong iyon ay pinamulahan siya ng mukha. Naramdaman na rin niya na lumalakas ang tibok ng puso niya lalo na ngayong ang lapit-lapit nila sa isa't-isa. Lalo pa at nagagawa niyang matitigan ang napakagandang mga mata nito...
Final Chapter Part 2: My Master Is No Longer A MonsterWritten By: Cristina de LeonMATAPOS ang labang iyon ay iginalang naman ng Slavery District ang resulta ng laban. Dahil siya ang nanalo, ayon sa mga ito, ang hatol niya bilang isang 'traydor' na tumulong sa mga alipin ay nakasalalay na lamang sa magiging desisyon ng hari.Kaya naman ng araw ding iyon ay nagbalik sila sa Wayne Kingdom. Para lamang magulat nang malaman na patay na pala ang kanyang amang hari kaya naman wala ng hahatol pa sa kanya. Ang hari ay natagpuan sa kwarto nito na nalulunod sa sarili nitong dugo. Ginamit ni Chaos ang espada nito para patayin ang ama niya. Mabuti na lamang at may nakakita rito na lumabas ng kwarto kaya nalaman ng lahat na ito ang salarin."Napakawalangya talaga ng lalaking iyon! Pati ang ama ko ay hindi niya pinatawad sa galit niya sa akin!" galit na sabi ni Wayne."Sa tingin ko, pinatay niya ang hari bago pa m
Final Chapter: Ang Katapusan Ng KasamaanWritten By: Cristina de LeonNAGPUNTA sila sa isang kalbong kagubatan para isakatuparan ang laban na naisip ni Wayne para sa pag-ibig ni Lana. Naroon din si Lana at ang buong Slavery District na medyo may kalayuan ang distansya mula sa kanila, pero kahit ganoon ay mapapanood pa rin ng mga ito ang labanan nila.Dahil sa isang kalbong kagubatan siya dinala ni Chaos ay wala siyang makitang kahit anumang bagay doon na maaaring gamitin niya para paganahin ang kapangyarihan niya na magkontrol ng kahit anumang bagay. Mukhang pinag-isipan talaga ni Chaos ang labang ito. Kung wala siyang mapapagalaw na kahit ano ay magiging dehado siya sa laban. Dahil ang mga bagay sa paligid ang madalas na ginagamit niyang sandata sa tuwing nakikipaglaban siya."Uulitin ko lang ang sinabi ko sa 'yo kanina, Wayne. Ang espadang hawak ko ngayon ay hindi mo mapapagalaw dahil nasa il
Chapter 21.2: Ang Pag-AminWritten By: Cristina de Leon"Pero nag-iba ang pananaw ko sa mundo ng makilala kita, Lana. Palagi kong iniisip noon na mahina sina Stefan at Princess Tiana dahil kaya nilang magmalasakit sa iba pero nang makilala kita ay napagtanto ko na iyon pala ang tunay na kabuluhan ng buhay. Iyong maprotektahan mo ang taong minamahal mo at gawin ang kahit ano para maging ligtas lang sila. Iyong malungkot o matakot kapag nalaman mo na nasa peligro ang buhay nila. Naalala mo pa ba no'ng muntikan ka nang mamatay ng dahil sa mga naging bisita ko sa palasyo na sinaid ang dugo mo? Doon ko unang naranasan na makaramdam ng isang tunay na takot, Lana. Kaya oo, nararamdaman at naiintindihan ko kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon!" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumigaw at si Lana naman ang natigilan."I'm sorry, Wayne. Hindi ko dapat sinabi sa 'yo 'yun. Ang sabi ko noon, pinapatawad na kita pero dahil
Chapter 21.1: Ang Malamig Na KwebaWritten By: Cristina de LeonHINABOL ni Wayne si Lana na ngayon ay papasok na sa baryo ng mga ito. Nasa bukana pa lamang sila ng malaking pintuan ng baryo pero may nakasalubong na agad silang mga taga Slavery District.Hindi nagdalawang isip ang mga taga Slavery District, sinugod siya ng mga ito ng mga patalim at baril na para bang hindi siya nakikilala bilang magiging susunod na hari ng Wayne Kingdom."Ano'ng ginagawa n'yo? Nakikilala ny'o ba kung sino ako?! Ang lalakas naman ng loob n'yo!" sabi niya sa pagitan ng pag-iwas sa mga ito. Nagawa pa niyang salagin ang balisong na hawak ng isa."Naging traydor ka simula nang iwan mo ang trono para sa babaeng 'yan!""Tama! Hindi ka na karapat-dapat para maging hari!""Si Prince Chaos na ang susundin namin simula ngayon!"Sunod-sunod na sabi ng mga ito sabay mas lalo pang pinag-igtinginan ang pagsugod s
Chapter 20.2: Ang Nakaraan Ng PrinsepeWritten By: Cristina de Leon"Wayne, hindi ka pa ba nagugutom? May dala ako para sa 'yo." Lumapit na siya kay Wayne at para pa itong nakakita ng multo sa gulat nang makita siya kaya naman natawa siya. "Naging masyado ka na yatang magugulatin? Bakit? Nahihiya ka ba na nakita kita na naglalaba rito?" pagbibiro niya.Ngumiti na rin ito. Tinabihan na niya ang lalaki sabay inilabas sa basket ang mga dala niyang kanin at ulam."Galing sa mama ko ang mga ulam na ito, Wayne. Nagluto siya para pasalamatan ka dahil sa ginagawa mo para sa amin. Ang mga taong bayan naman, nakunsensya ng sinermunan ng mama ko. Ang sabi niya, hindi ka raw dapat inaabuso. Wala na raw kaming pinagkaiba sa mga bampira na matagal nang nagpapahirap sa amin kung wala rin lang kaming gagawin kundi ang alilain ka rin. Ayun, nakunsensya yata sila kaya nang malaman nila na dito ako pupunta ay nagpadala sila ng
Chapter 20.1: Ang PagbabagoWritten By: Cristina de LeonNAGULAT si Lana nang makita si Wayne sa labas ng bahay nila kinabukasan. Nagsisibak ito ng kahoy at maraming binubuhat na mabibigat!"Master Wayne, bakit narito pa po kayo?" gulat na tanong niya. Ang akala niya ay umalis na ito."Ang akala mo ba ay basta na lang ako susuko sa 'yo? Asawa kita, kahit na hindi mo ako mahal ay hindi kita pwedeng iwan. Siguro nga para sa 'yo ay wala lang iyong kasal na naganap pero para sa akin ay sagrado iyon kahit pa may saling ketket. Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako minamahal, Lana. Dito lang ako sa tabi mo," nakangiting sabi nito.Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na talagang seryoso ito na manatili roon para sa kanya."Hindi magiging madali para sa 'yo kung dito ka titira. Alam mo naman na matagal ng pinapah