Share

Chapter 31

"Hello?" Nagmamadali kong sagot sa tawag ni Niko habang nag-aayos ng mga gamit ko. Katatapos lang ng duty ko at sinusundo na niya ako.

"You done, baby? I’m here already.”  

"Yep baby, diyan na po."

Pagkatapos naming mag oath taking ay wala na kaming pinalampas na sandali at nag training na kami nila Max at Jeff sa Red Cross, at iba pang mga training tulad ng Basic Life Support, Advanced Cardiovascular Life Support, at IV Therapy Training. Napakarami pang dapat gawin katulad na lang ng kailangan pa namin ng magandang hospital experience bago ma hire talaga bilang staff nurse kaya pagkatapos naming mag training ay nag-apply na kami agad sa isa sa pinaka malaking hospital dito sa Baguio. Kaya heto, apat na buwan muna kaming magti-training at pagkatapos ay magti-take na naman kami ng exam dito para makapasok bilang job order. Ugh! Napaka komplikado din pala pero tyaga na lang talaga ang kailangan.

"Aysus! Baby baby! Buti wala pa kayong nabubuong baby diyan!" Tudyo sa akin ni Max at hindi ko namalayang nakalapit na pala siya at binuksan na din ang locker niya.

Nakakatuwa dahil kasama ko siya ngayon sa duty. Kapareho din namin si Jeff ng shift pero sa ibang ward siya naka assigned. Sa susunod na sem pa daw siya mag mi-med school dahil gusto pa daw niyang subukan ang nursing at baka magustuhan na daw niya ay hindi na siya mag do-doctor pero hinihimok namin siyang magpatuloy.

Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya dahil mukhang narinig ng staff nurse namin!

"Tumahimik ka nga diyan!" Suway ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Palibhasa ay masaya ‘yan dahil day off namin bukas. Sino ba namang hindi matutuwa kapag day off? Napaka toxic dito sa dami ng pasyente.

"Mauna na ako, ‘andiyan na si Niko sa labas." Paalam ko sa kanya ko at kinuha ko na ang bag ko.

"Sir, mauna na po ako ha?” Paalam ko naman sa staff nurse namin.

Tumango lang siya at ngumiti. Nakakainggit si sir kasi napakagaling niya at napaka effecient niyang nurse.  Someday, magiging ‘sing galing ko din siya!

"Bye, baby!" Pahabol pang tukso sa akin ni Max kaya napangisi na lang ako at nagmamadali nang lumabas ng hospital.

Nasusundo ako ni Niko kapag gabi natatapos ang duty ko o kaya kapag umaga. Nag start na din kasi siyang mag review sa isang magandang review center dito. Though nag start na din siyang mag self-review noong mga nakaraan.

Habang palapit ng palapit ang board exam niya ay lalo akong kinakabahan kung paano namin haharapin ang pamilya niya. Sigurado kasi akong pauuwiin na siya pagkatapos ng board. Pero ayoko munang isipin ‘yon ngayon! Bahala na.

"Hi baby! You look tired again.” Sinalubong niya ako ng yakap at halik tsaka niya kinuha ang bag ko nang makalapit ako sa kanya. Tumango lang ako at agad na yumakap sa bewang niya.

Sa apartment na niya kami umuuwi dahil ayaw na din niyang magkahiwalay pa kami dahil tutal ay mag-asawa naman na daw kami. Napilitan na din akong umamin sa mga kaibigan ko at halos hindi sila makapaniwala pero sinuportahan naman nila ako. Nakiusap na lang muna ako na amin-amin na lang muna. Hindi ko pa kasi kayang umamin kay mommy at tita.

Naging maayos at masaya naman ang takbo ng buhay namin ni Niko pero sabi nga nila kung kailan ka masaya doon bumibilis ang araw! Ilang buwan na din ang lumipas at sa isang araw nga ay board exam na ni Niko at nakapasok na din kami ni Max bilang job order sa hospital na pinapasukan namin kaya kahit papaano ay sumasahod na kami. Si Jeff ay napag pasyahan na ding ituloy ang pag-mi-med school at si Jen ay grumaduate na din noong March. Excited na siyang bumalik sa Manila para magkasama na daw ulit sila ni Rust.

Everything is going smoothly so far. Ang iniisip ko na lang talaga ay ang family ni Niko lalo na ang mommy niya na alam kong ayaw sa akin. Ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang kinasal na kami to think na nakatakda pa siyang ipakasal kay Gab. Speaking of Gab..wala na din akong balita sa kanya maliban na lang sa ipinagpapatuloy din nito ang med school tulad ni Jeff pero sa Manila nga lang.

Tumigil na din sa pag re-review si Niko at gusto daw niyang ipahinga ang mga brain cells niya bago exam. Kaya nandito kami ngayon sa sala at nanonood ng movie. Nakahiga siya sa lap ko kaya nilalaro laro ko ang buhok niya habang nanonood.

Hinawakan niya ang tiyan ko.

"Wala pa din ba?" Malambing na tanong ni Niko habang nakahiga siya sa lap ko at hinawakan pa nito ang tiyan ko.  Nanonood kami ng movie dahil wala akong duty at tapos na din ang review niya kaya gusto na lang namin magpahinga dito sa apartment kesa lumabas.

Natigilan naman ako sa tanong ni Niko at bahagyang nalungkot dahil ramdam kong gusto na niyang magka baby kami. Hindi na nga kami gumagamit ng kahit na anong protesyon pero wala pa din eh. Ayaw ko kasing magpa checkup dahil natatakot akong sabihan ng doctor na hindi ako magkakaanak. Napaka pessimistic! Nakakatawa dahil kung sino pa ang nurse, siya pa ang takot magpatingin. Irregular kasi ako at minsan nga umaabot pa hanggang tatlong buwan na wala akong dalaw.

"Hindi pa siguro right time. Hindi pa tayo okay sa family natin lalo na ang family mo.." Mahina kong sagot sa kanya.

"It's okay baby. With or without a baby, I will still love you the same." Pang-aalo niya sa akin dahil napansin niya siguro ang biglang pag tamlay ko.

Napaka sweet at considerate ni Niko. Hanggang ngayon ay wala pa din akong maipipintas sa kanya. Napaka swerte ko sa asawa ko. Ngumiti naman ako sa kanya at kinintalan siya ng halik sa labi.

"Asawa ko? Gising na.." Masuyo ko siyang ginising dahil exam day niya ngayon! Agad naman siyang nagmulat at pupungas pungas na ngumuso kaya agad ko naman siyang dinampian ng halik sa mga labi. Kahit kagigising lang niya, napaka gwapo pa din!

Mabilis na siyang bumangon at naligo. Buti na lang at off ko ngayon kaya ipinagluto ko din siya ng almusal.

"Good luck sa exam mo asawa ko! Kayang kaya mo yan! If you need anything, text mo lang ako ha? Dito lang ako sa bahay." Bilin ko sa kanya nang maihatid ko siya sa labas.

"Thank you, baby! I love you!" Nagulat ako nang bigla niya hapitin sa bewang ko at siniil pa niya ako ng halik at ngumisi pa pagkatapos. Good luck kiss daw! Napangiti na lang ako nang tuluyan na siyang umalis. Napaka sweet! Sana hindi ka magbago.

Naglinis na lang ako ng apartment dahil wala akong magawa at tanghali na nang matapos ako. Agad na din akong nagluto ng lunch dahil kumakalam na din ang sikmura ko. Nang patapos na akong  magluto ay merong kumakatok sa pintuan kaya napakunot noo ako. Imposible namang si Niko ‘yan dahil buong araw ang exam nila.

“Sino ‘yan?” Tanong ko pero hindi sumagot ang nasa labas kaya binuksan ko na lang ang pintuan. Halos malaglag naman ang puso ko sa gulat nang makitang ang mommy ni Niko ang nasa labas! Agad ko namang niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan.

"G-good afternoon po. Pasok po kayo." Nauutal ako sa kaba! This is so unexpected! "Nag i-exam pa po si Niko ngayon.” Sabi ko pa nang hindi niya ako pinansin at pasimpleng sumisilip sa loob ng bahay.

“So, ibinabahay ka na pala ng anak ko.” Nakataas ang isang kilay niyang sinabi. Ang lakas ng kabog ng puso ko!  Pakiramdam ko nasa isang teleserye kami ngayon at sasabihan niya akong layuan ang anak niya!

“U-uh kumain na po ba kayo? Gusto niyo pong kumain? Nagluto po kasi ako ng sinigang na baboy.” Hindi ko alam kung paano siya sasagutin sa sinabi niya dahil ayaw ko namang pangunahan si Niko sa pagsasabi sa pamilya niya.

"Well, you don’t have to answer because it's pretty obvious!" Sabi niya sa akin sabay tingin sa akin ng nanunuri mula ulo hanggang paa. Napatingin naman ako sa suot kong tshirt ni Niko at maiksing cotton shorts kaya hindi ito kita. Napatungo na lang ako at hindi ko alam kung paano ko sasalubungin ang nanunuri niyang tingin sa akin.

"Alam mo naman sigurong engaged na ang anak ko kay Gabrielle hindi ba?" Sabi nito sa mataas na tono. Hindi ako nakasagot at nanatili lang nakatungo.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Hindi ba sinabi sa’yo ni Paulo na after niyang mag exam ay lilipad na siya agad patungong US para mag masters?”

Nagulat ako at kumabog ng husto ang puso ko kaya bigla akong nag-angat ng ulo at napatingin sa kanya na gusto kong pagsisihan dahil halos tumagos hanggang kaluluwa ko ang mga titig niya!

"Alam kong alam mo, na I don't like you for my son. Habang maaga pa, ikaw na ang lumayo kung ayaw mong masaktan. Pinaglalaruan ka lang ng anak ko at pinagsasawaan dahil alam niyang aalis na siya!" Nakangisi pa nitong sabi sa akin. Kumuyom ang mga palad ko dahil hindi ko na halos malunok ang mga sinasabi niya.

"Pasensiya na po kayo pero hindi ko po magagawang layuan ang anak niyo.” Mahinahon kong sagot kahit sa totoo lang ay gusto kong ipagsigawan sa mukha niya kinasal na kami ng anak niya. Iniisip ko pa din na ina siya ng asawa ko kaya nararapat lamang na respetuhin ko pa din siya.

"Oh.. Matapang ka din pala hija." Sabi niya sa akin na nakataas pa din ang kilay. Tumalikod na siya at dumiretso na sa pintuan pero muli pa siyang lumingon sa akin bago tuluyang makalabas.

"One more thing hija..kasama niya si Gabrielle papuntang America. Doon sila mag-aaral pareho. Alam mo bang kaya pinayagan siya ng daddy niya na dito mag review dahil pumayag na siya sa kasunduan." Sabi niya nang nakangisi at tuluyan nang lumabas.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko sa mga nalaman ko!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status