Share

Chapter 30

"Oh Jaz, ano na ngayon ah. Akala ko ba uuwi ka na ng Manila?" Tanong sa akin ni Jen.

Isang linggo na din mula nang..ikasal kami pero umuuwi ako sa apartment namin tuwing gabi para hindi mag duda si Jen. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang naging desisyon namin ni Niko.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin! Dito ko na lang muna hihintayin 'yong result ng board exam. Nasabi ko na din kila tita." Nanliliit ang mga mata niyang tumingin sakin. Napakalakas talaga ng radar ng babaeng to!

"At bakit nagbago ang ihip ng hangin?" Nagdududa niyang tanong.

"Wala! Mami miss ko kayo ni Max!" Hindi kaso ako makatingin sa kanyang diretso siguro dahil hindi ko pa magawang umamin sa kanila.

"Weh?! Baka kamo si Niko! Akala ko ba sa Manila na din siya?" Nakakunot noo niyang tanong.

"May inaasikaso pa siya dito kaya dito na din muna ako. Daming tanong!" Inirapan ko na lang siya dahil gumagana na naman ang kakulitan niya.

"Nakakahalata na ako sayo Jaz ha? Nabanggit sa akin ni Jeff na engaged na yan. Pinapaalalahanan lang kita, Jaz. Ayokong masaktan ka." Bigla namang nagbago ang ekpresyon ng mukha niya at halatang nag-aalala siya kaya napatungo ako at hindi nakaimik. Paano ko ba sasabhing kinasal na nga kami ni Niko?

Mabilis na lumipas ang mga araw at halos magdadalawang buwan na mula noong board exam at isa sa mga araw na ito lalabas ang result. Grabe ang kaba ko, abot hanggang langit!

Napapitlag ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagiging nerbyosa 'ata ako lately dahil sa kaba sa maaaring maging resulta ng board.

"Hello?"

"Oh my gosh, Jaz! May result na daw! Nagloloko ang internet dito sa bahay, pwedeng paki check naman? I'm so freakin' nervous!" Bungad sa akin ni Max nang sagutin ko ang tawag niya. Halos mahimatay na din tuloy ako sa kaba!

"Hala! Sige sige." Agad na din siyang nagpaalam dahil tulad ko ay hindi na din siya mapakali. Nakakahiya kasing bumagsak lalo na at mga Louisians kami dahil mataas ang expectations ng mga tao sa amin. Pero kung sakali man, atleast we did our best. May next time pa naman.

"Niko?!" Lumabas ako ng kwarto at tinawag siya dahil kasalukuyan siyang nagluluto ng lunch namin.

"Yes, baby?" Balik tanong niya naman at tumingin pa siya sa akin pero agad na akong pumasok ng kwarto at swinitch on ang laptop niya.

"Halika muna dito please?"

Narinig ko ang pagkalampag ng kung ano sa kusina. Mukhang nataranta ang loko dahil na din siguro sa tono kong kinakabahan kaya natawa ako ng bahagya. Hay Niko! 

"Why? What happened?" Nag-aalala niyang tanong at mabilis naman niya akong pinuntahan. Lihim akong napangiti dahil napakagaling mangiliti ng puso ng lalaking 'to.

Sa bawat araw na dumaraan ay wala akong makapang pagsisisi dahil bukod sa mahal na mahal ko siya ay lalo pa niyang ipinaparamdam sa akin ang pagmamahal niya. He treats me like a queen! His queen.

Ayoko munang isipin ang pwedeng maging reaksyon ng mga pamilya namin at gusto ko lang munang i-enjoy ang pagsasama namin bilang bagong mag-asawa. Hindi naman sa hindi ko iniisip kung ano ang mararamdaman nila lalo na si mommy at tita dahil sa totoo lang parang hindi ko sila kayang makita na madi-disappoint nang dahil sa kin. Hindi ko din alam kung paano ito sasabihin sa kanila kaya minabuti na lang muna namin na i-sekreto ito para kahit papaano ay makapag-isip din kami.

Buti na lang din at hinayaan si Niko ng parents niya na mag stay pa siya dito sa Baguio at pinayagan na dito mag review. Hindi ko alam kung anong sinabi niya para payagan siya pero ipinagkibit balikat ko na lang. Kaya syempre dito na din ako magti-training ng kung anu-ano kapag nakapasa ako ng board.

Si Gab naman ay bumalik na ng Manila dahil may inaasikaso daw ito. Di ko pa din talaga ini expect na magkaka ganito kami. Bigla na lang siyang nagbago. Baka matagal na siyang may gusto kay Niko na realized na lang talaga niya noong mag seryoso sa akin si Niko. Nanghihinayang ako sa friendship namin pero ganoon talaga siguro ang buhay.

"Baby?" Untag sa akin ni Niko kaya napakurap naman akong tumingin sa kanya.

"May result na daw eh. Kindly check kung..kung may pangalan ako? Kapag wala..uh.. huwag ka na lang kumibo. I'll..I'll be okay." Tipid akong ngumiti sa kanya. 

Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya siguro ay kung ano na. "I'm sure, you passed." Tila confident naman siyang pumasa ako kaya lalo lang akong kinabahan kasi natatakot akong madismaya siya sa akin.

Dumapa ako sa kama at nagtakip ng unan sa ulo nang magsimula na siyang magtipa sa laptop niya. Ganito pala ka intense 'yong feeling! Dinig na dinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Baby.." Malungkot niyang tawag sa akin maya-maya. Alam ko na agad. Bagsak ako! Hindi ko na napigilang maluha at hindi ko tinanggal ang unan sa ulo ko. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanya. It's okay, Jaz. May next time pa, pang-aalo ko sa sarili ko.

Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko at hinaplos haplos ako sa braso. Lalo lang akong naiyak. I hope I didn't disappoint you, Niko.

"Give me the pillow." Pilit naman niyang tinatanggal ang unan na nakatakip sa ulo ko pero mahigpit ko itong hinawakan dahil nahihiya ako sa kanya. Dinig na din niya ang impit kong pag-iyak. Pinipigilan ko nga pero lalo naman itong lumalakas.

"Baby." Tawag niya sa akin nang tumatawa at nakikipag agawan sa unan! Pinagtatawanan ba niya ako? Gusto ko tuloy siyang sapakin bigla!

"What's funny? Huh?!" Singhal ko sa kanya na nakatakip pa din sa ulo ko ang unan.

"Sino ba kasing nagsabi na bumagsak ka?" Tumatawa pa din niyang sabi! Napabangon tuloy ako bigla at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya.

"Niko?! Huwag mo na akong i-good time please! Bumagsak ako?" Para akong bata na nagpupunas ng luhang nagtanong sa kanya. Ngumisi lang siya kaya ipinukpok ko ang unan sa kanya!

"Ouch baby!" Sabi nitong umiilag dahil hindi ko siya tinigilan.

"Sabihin mo na kasi!" Singhal ko sa kanya. Kinakabahan na nga ang tao, nagagawa pa niya akong pagtawanan. Ngumuso lang siya at itinuro ang laptop niya.

Dahan-dahan akong lumingon at nanlalaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko nang makita ang in-encode niya sa Microsoft Word. "CONGRATULATIONS MY LOVELY WIFE!" Oh my gosh! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko! Totoo ba 'to?

"Niko? Iyong totoo?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala!

Umiiling siyang nakangisi at tumayo siya para kunin ang laptop. Muli naman niyang in-open ang result at pinakita niya sa akin ang pangalan ko kaya napatakip ako sa bibig ko sa sobrang pagkamangha! Tahimik akong umusal ng pasasalamat sa Diyos dahil kahit napaka undeserving kong tao ay pinakinggan pa din Niya ang panalangin ko.

Nang makabawi ako ay agad akong yumakap kay Niko nang sobrang higpit.

"Congratulations, wifey! I told you. I'm so proud of you." Sabi nito sa akin at hinalikan halikan ako sa buong mukha ko. 

"Thank you, baby!" Mangiyak ngiyak ko namang sabi sa kanya at muli ko siyang niyakap. Natawa naman siya dahil nasobrahan ko 'ata sa higpit ang yakap ko at hindi na daw siya makahinga.

Nang makabawi ako ay agad ko na ding tinignan ang pangalan ng mga kaibigan ko. Samantalang nagpaalam na si Niko sa akin at nagpatuloy na sa pagluluto.

Sobrang saya ko dahil pumasa kaming lahat! Hindi na ako makapag hintay na tawagan sila!

"H-hello, Jaz? Ano na?" Gusto kong matawa dahil sobrang kabado pa din ni Max pero pinigilan kong matawa.

"Hmm Max.." Malungkot kong bungad sa kanya. Pigil na pigil ang tawa ko. Ginaya ko nga si Niko!

Napasinghap siya at pakiramdam ko ay nanlumo na siya dahil hindi siya nakaimik.

"Uy, Max?"

"O-oh..bagsak ako, right?" Naiiyak na niyang tanong.

"Congrats, Maria Xandra Gomez, R.N!" Masaya kong bati sa kanya. Muli kong narinig ang pagsinghap niya na tila hindi makapaniwala!

"Totoo ba yan Jaz?!" Paninigurado niya.

"Yup! RN na tayo nila Jeff!"

"Oh my gosh! Thank God! Oh my! I still can't believe, Jaz!" Halos mabingi naman ako sa lakas ng tili niya! This calls for a celebration!" Sumunod kong binati sa Jeff na mukhang kagigising pa lang kaya hindi rin ito makapaniwala at ginu-good time ko lang daw siya. Tuwang tuwa ito nang ma confirm niya dahil may bumati na din pala sa kanya sa text.

Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan si Niko sa kusina. Napangiti ako at yumakap sa bewang niya habang nakatalikod siya at abalang naghahalo sa niluluto niya. Napakasaya ko talaga!

"I love you, asawa ko!" Sabi ko sa kanya habang nakayakap ako ng mahigpit sa kanya.

"My wife's being clingy huh? I love you more, baby!" Tumatawa nitong sabi at agad na humarap sa akin at gumanti ng yakap. Muli niya akong hinalikan sa noo at ulo ko. I really find that gesture sweet!

Isinandig ko ang ulo ko sa dibdib niya. Para pa din akong lumulutang sa alapaap! I already passed the board at ganap na akong nurse ngayon. Tapos meron pa akong gwapong asawa! Ano pa bang mahihiling ko?

Sa isang sikat na resto bar kami nag celebrate kasama ang mga kaibigan ko dahil hindi namin feel mag mag disco ngayon. May acoustic band na tumutugtog sa stage at napakalamig ng boses ng babaeng kumakanta.

Syempre kasama ko si Niko na nakabakod sa akin ngayon. Tuwang tuwa naman si Jen dahil nakapunta din si Rust na galing pa ng Manila. Hindi rin masyadong halata na miss nila ang isa't isa dahil halos hindi na sila mapaghiwalay pa! Si Jeff naman at Max ay walang mga partner kaya silang dalawa na din ang magkatabi. Tinutukso nga namin sila sa isa't isa pero para silang diring diri sa bawat isa!

Nag order lang kaming mga girls ng light drinks. Gusto lang talaga naming mag chill pero ang mga boys ay medyo napadami din ng inom.

"Wag masyado Niko, mag da drive ka pa." Bulong ko sa kanya.

"Don't worry, baby." Sabi lang nito sabay halik sa noo ko.

"Ayan na naman po ang mga PDA! Oh Jeff ba't wala kang dalang babae? Nagdala ka din sana para sulit! Nahiya pa kayo sa akin!" Palatak ni Max na tila naaalibadbaran dahil napaka sweet din ni Jen at Rust!

"Kung gusto mo, tayo na lang din para hindi ka na bitter diyan?" Biro naman ni Jeff sa kanya kaya natawa kami dahil para siyang mamamatay sa sinabi ni Jeff.

"Tse! Excuse me?!" Nanlalaki ang mga mata niya.

"Bakit ba kasi hindi mo pa sinagot si Von? Ayan tuloy!" Sabi naman ni Jen na walang preno ang bibig! Bigla 'ata niyang na realize na medyo off 'yong nasabi niya. "U-uh haha congrats pala sa inyong tatlo! Grabe! Proud na proud ako sa inyo ha! Cheers!" Biglang kabig niya at itinaas namin ang mga iniinom namin bilang pag sang-ayon.

Thank you so much for voting! 🙏❤️

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status