Share

Chapter 38

“Baby boy Gonzales out!" Masayang sigaw ng OB ko.

Kahit hapong hapo ako mula sa pagli-labor at pag-ire ay nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ko ang iyak ng baby ko.

“Heto na po ang baby niyo, ma’am.” Sabi ng nurse sa akin at ipinaranas sa akin ang unang yakap.

“Hi baby..” Bati ko sa anak ko.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang nag-uunahan na sa pagtulo ng masilayan at mayakap ko siya. Napakaliit niya at mamula mula ang kutis. Napangiti ako habang lumuluha dahil walang makakapantay sa kaligayahan na narararamdaman ko ngayon. Pawing pawi ang lahat ng sakit at paghihirap na naranasan ko! Isa na nga akong ganap na ina. Pangako anak, pupunuin kita ng pagmamahal.

“Kukunin ko na po muna si babay ma’am ha?” Sabi sa akin ng nurse makalipas ang ilang sandali at ipinasa niya ito kay Ethan na siyang pedia ng baby ko.

 "Hello baby! I’m your daddy Ethan! I’m so happy to finally meet you." Mahina ang pagkakasabi niya pero narinig ko ‘yon.

Natigilan ako pero muli akong napangiti dahil deserve naman niyang matawag siyang daddy ng anak ko dahil halos siya naman talaga ang naging karamay ko mula nang malaman kong buntis ako hanggang ngayon.  Sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi niya kami pinabayaan ni Aedin. Nakita ko pa siyang pinagpapawisan kanina habang umiire ako at kung pwede nga lang niya akong tulungan sa pag-iire ay ginawa na niya.

Napailing na lang ako at gusto kong matawa nang makita ko siyang todo iwas na mapunta sa paanan ko. Lagot talaga siya sa akin kapag dumako siya roon. Siya na mismo ang nag asikaso kay Aedin at hindi na niya ito ipinagkatiwala pa sa nurse.

"Super cute at healthy ng baby boy natin!" Sabi sa akin ni doc at nagpasalamat naman ako sa kanya bago ako tuluyang nakatulog. Alam ko naman na hindi pababayaan ni Ethan ang anak ko.

Kinabukasan ay agad namang bumisita ang mga kaibigan ko dahil sinabi na pala ni tita Jelai kay Jen. Tamang tama naman na patapos na mag dede sa akin si Aedin nang dumating sila kaya kaagad na siyang kinuha ni Jen sa akin.

"Grabe, ang cute naman ng inaanak ko! Aw may dimples pa oh tulad ni doc Ethan! Naku, kung hindi lang kayo parang pinagbiyak na bunga ng tatay mo, iisipin ko talagang si doc Ethan tatay mo eh!" Palatak ni Jen.

Napangiti naman ako  ng mapait nang mabanggit niya ang ama ni Aedin na bigla na lang naglahong parang bula. Masakit pa din sa akin dahil ayaw ko man ay siya pa din ang itinitibok ng puso ko. Pero ayaw ko na munang isipin ‘yan. Napangiti na lang ako dahil meron na akong anak na pagbubuhusan ng pagmamahal ko. At tama nga si Jen, kamukhang kamukha ng anak ko ang tatay niya. May dimples lang si Aiden.

"Tumahimik ka nga diyan! Ako kaya ang kamukha ni baby." Sabad naman ni Jeff.

" Jaz, kahit baby pa kitang kita na kung sino kamukha. Nikong Niko! Napaka gwapo! Gigil si ninang sa’yo baby!" Sabi naman ni Max at kinuha si baby mula kay Jen.

"Don't say bad words, Max! Pinagpapasahan niyo na naman. Magsi-asawa na din kasi kayo!" Sita sa kanila ni Jeff. Napailing na lang ako at natawa dahil ang gugulo nila.

"HAPPY birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Masaya naming kinantahan si Aedin.

Naging mabilis ang mga araw at hindi ko namalayang tatlong taon na nga si Aedin. Sabi nila hindi madali ang maging solo parent pero halos hindi ko ‘yon naramdaman dahil madaming nakaalalay sa amin ng anak ko.

"Blow the candle na baby!" Sabi ko naman sa kanya at nagniningning pa ang mga mata niyang nakatingin sa fondant cake niyang two layers na may superman na theme.

"Make a wish muna, mommy?" Tanong naman niya sa akin at tumingala pa sa akin. Napaka gwapo at cute ng anak ko kaya halos malamog siya sa mga halik ko!

"Yes, baby!"

Kaagad naman siyang pumikit at pinagsalikop pa ang mga palad na tila nagdarasal. Natawa na lang ako dahil napaka bibo talaga niya. Pagkatapos niyang mag wish ay blinow na niya ang candle sa ibabaw ng cake niya at pumalakpak pa siya!

"What's your wish little man?" Lumapit na si Ethan sa amin at binuhat si Aiden.

"Oh, secret daddy doc! Lola said if I will tell you my wish then it won’t come true!” Nakanguso nitong sabi sa ninong niya. Napakadaldal niya sa edad niyang tatlo kahit medyo bulol pa siya. Nasanay na din kami kaya naiiintindihan naman namin. Tinawanan naman siya ni Ethan at pinupog siya ng halik.

"Ano na? Kumusta na kayo ni daddy doc?" Nakangising tanong ni Jen habang tinutulungan niya akong kumuha ng mga pagkain sa kusina.

"Ano ka ba? Mabait lang talaga ‘yong tao. May nililigawan nang iba ‘yon.” Sabi ko na lang pero sa totoo lang ay alam ko naman na may nararamdaman siya para sa akin dahil hindi naman ako manhid.

Minsan na din siyang umamin sa akin nang mag isang taon si Aedin pero sinabi niyang hindi ko naman kailangang tugunan ‘yon. Na guilty ako pero hindi ko naman kayang turuan ang puso ko. Mas magiging unfair ako kung susubok ako na may iba namang tinitibok ang puso ko. Naiintindihan naman niya ‘yon at isa pa kahit ano pang nangyari ay kasal pa din ako. Hindi ito magiging maayos sa harapan ng Diyos kung sakali. Pero kung sakali man na loloobin ng Diyos na umibig ako sa kanya ay kailangan ko munang magpa annul at nang sa ganoon ay walang maging problema.

Minsan nga pasimple ko siyang hinimok na manligaw sa iba katulad na lang ni Bless na kasamahan ko sa hospital na pinagtatrabuhan ko dahil bukod sa maganda siya ay mabuti pang tao. Pero katulad nga ng sinabi ko, mahirap nga naman talagang turuan ang puso.

"Aysus! Syempre pinagtutulakan mo!"

"Alam mo namang kasal pa din ako eh." Malungkot ko namang sabi sa kanya kaya napabuntong hininga na lang kaming dalawa.

"Papa doc! You're late!" Sigaw ni Aiden kaya napalingon kami ni Jen sa dumating na si Jeff.

Isa pa ‘to. Hindi siya pumayag na ninong ang itatawag sa kanya ni Aedin nang malaman niyang daddy ang tawag ni Aedin kay Ethan kaya ayan. Napangiti naman ako nang maalalang pati si Jeff ay nagtapat din sa akin. Hindi ko alam diyan kung na threatened ba siya kay Ethan dahil magkasunod lang silang nagtapat sa akin.

Parang kailan lang ay patay na patay pa ako sa kanya. Kaya daw siya umiwas noon sa akin ay dahil natatakot na din siya sa nararamdaman niya para sa akin.  Baka masaktan lang daw niya ako at masira ang friendship namin kaya hindi na siya sumubok. Kung kailan gusto na niyang magtake ng risk ay may Niko na daw sa buhay ko. Nakita naman daw niya kung paano ako alagaan ni Niko noon kaya pilit daw niyang kinalimutan ang nararamdaman niya para sa akin.

Pero tulad ni Ethan ay naunawaan naman niya ako kaya lubos akong nagpapasalamat sa kanila. Akala ko nga ay magbabago na ang trato nila ni Ethan sa akin pero ganoon pa din. Tila balewala naman sa kanila kaya lubos akong natuwa. Pati nga si Aedin ay hindi naghahanap ng tatay dahil sobra sobra pa ang mga tatay niya na kung ituring siya ay parang tunay na anak talaga. At sana kahit pa lumaki na siya ay huwag na niyang hanapin ang tunay niyang ama dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya. Ayaw kong masaktan ang anak ko.

"I’m sorry po baby but look at this! Hmm.” Nakangisi naman sabi niya at inilabas ang regalo niya kay Aedin.

Napaawang naman ang mga labi ng anak ko nang makita niya ang maliit na bike na dala dala ni Jeff. Ayan na nga ang sinasabi ko..spoiled ang anak ko sa mga kaibigan ko at idagdag pa si mommy at sila tita Jelai.

"Oo nga pala, naghahanap kami ng site nurse ngayon at ini rekomenda kita!" Balewalang sabi sa akin ni Jen habang nagpapahinga kami sa salas. Hinihintay din namin si Max na nasa duty pa. Nasa labas naman ang mga boys at naglalaro sila ng basketball sa maliit na court ni Aedin.

Si tita naman ay nasa kusina at sinasamahan si manang Gina sa pag-aayos ng mga pinagkainan. Kumuha kasi kami ng kasama dito sa bahay para may kasalitan kami sa pag-aalaga kay Aiden noong bumalik ako sa trabaho nang mag isang taon siya.

Si mommy ay nagbakasyon din noong first birthday ni Aiden at halos ayaw na niyang bumalik at mami-miss daw niya ang apo niya pero kinailangan niyang bumalik. Plano ko ngang mag-apply na din doon kaya nag resign na ako sa hospital na pinagtatrabahuan ko.

"Ka re -resign ko nga lang di ba kasi mag-a-apply ako sa London. Tsaka bruha ka talaga! Alam ko naman kung kaninong kumpanya ka nagta trabaho." Sabi ko naman sa kanya.

Sa kumpanya nila Niko siya nagtatrabaho kaya kahit wala ng trabaho sa buong mundo ay hinding hindi ako aapak doon!

"Sige na.. pwede naman habang nag-a-apply ka? Kahit tatlong buwan lang! Para kasama kita.. please?" Nag pa cute pa siya at as if naman papayag ako.

"Ayoko! Makita ko pa iyong pinaka-iniiwasan ko diyan eh." Inirapan ko siya. Naku, ayoko nga!

"Naku sa opisina naglalagi yung mga big boss! Malayo mula doon yung site kung saan tayo magwo-work. Saka hindi siya yung may handle sa project na to. May office tayo sa mismong site, mga barracks nga lang pero maayos naman at de aircon din naman! Sige na Jaz.. sa office ka lang din at paper works din gagawin mo maliban na lang kung talagang may nangangailangan ng first aid." Para siyang helpless na nagmamaka awa sa akin!

"Eh bakit ba kasi atat na atat kang ipasok ako diyan?!" Nakakunot noo kong tanong sa kanya dahil nakakapagtaka talaga! Hindi naman niya ako inaya kahit kailan na magtrabaho sa kanila kahit noong nag a apply pa lang ako uli sa hospital kaya nagtataka talaga ako.

Nag-aalangan pa siyang sumagot. "Eh kasi kasalanan ko kung bakit nag resign yung site nurse namin. Kaya nagalit yung project manager sa akin at kailangan ko daw makahanap ng kapalit niya..asap." Napakagat labi pa nitong sinabi sa akin at halatang guilty ang bruha!

"Hay Jen! Naku! Ewan ko na lang talaga sayo! Paano pala kung di ako nag resign?"

"Eh di patay ako, Jaz.. kaya please please oh.." Pagmamaka-awa niya sakin. Napabuntong hininga na lang ako sa inis ko sa kanya.

Kung sabagay, sigurado namang hindi kami magkikita ‘non dahil wala naman siya dito sa Pilipinas. Hay, Jen! Kung hindi ko lang talaga kaibigan ‘to!

"Three months lang ha?!" Singhal ko sa kanya.

"Oo! Naku thank you Jaz! Hinding hindi ko ito makakalimutan!" Tila naman siya nakahinga ng maluwag at niyakap niya ako ng mahigpit!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status