NANG nakalapit siya, umupo sya sa may tapat ko. Katabi ko naman si Von.
Diko maintindihan ang sarili ko o dahil tamado na ako sa alak na nilaklak ko, lalo syang gumwapo sa paningin ko. Para akong na engkanto! Para kasi siyang greek god! At di hamak na mas gwapo siya sa malapitan. Patataubin nito ang mga sikat na artista! Matangkad pa, siguro mga 5'11 o abot sa 6 ft ang height nito. How come di ko siya nakikita sa university? Or baka naman sa ibang university sila. Kasi imposible naman na hindi ko mapansin tong mga lalaking to sa lakas ng dating nila lalo na syempre itong suplado.
Eh paano, iisang lalaki lang naman nakikita mo? Sabi ng sutil kong brain!
Hay ano ba, naalala ko na naman tuloy siya! Erase! Kelangan kong mag enjoy sa gabing to! Hindi pwedeng siya na lang palagi ang masaya. Samantalang ako ay laging wasak ang puso.
Naputol ang iniisip ko nang biglang tumikhim si Von. Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko dahil nakatitig na pala ako sa kanya!
"Jaz, sa SLU din ba kayo nag-aaral?" Tanong niya.
"Yep. Kayo?" Balik tanong ko naman."Yeah, doon din. How come di ko nakikita ang napakagandang dilag sa university?" Naku hindi ako madadaan nito sa bola niya."Bolero ka din pala noh?" Tumatawa kong sabi sa kanya.
Tahimik lang si suplado habang hawak ang kanyang cellphone, mukhang may ka text.
Di naman tumitigil si Von sa kakukulit sakin at ipinakilala niya rin ang tatlo pa nilang kaibigan na si Erik, Rustan, at Jeremy. Lahat sila ay mga napaka gwapo grabe! Makukulit din sila tulad ni Von. Si Niko lang talaga yung tahimik at mukha talagang suplado. It's as if im not existing huh. Duh!
Napag alaman kong architecture kinukuha ng iba sa kanila at civil engineering naman sa kanila ni suplado at mag fo- fourth year na sila sa susunod na semester.
Kaya pala di kilala ni Jen dahil mas ahead sila at iba din siguro ang mga schedule nila.
"Aba! Saglit lang kaming nawala, dami mo na agad ka table bruha! Iba din!" Tili ni Jeorge este Jeorgina na galing sa dance floor. Feeling babae kasi. Hindi nito alam ang gagawin sa sobrang kilig dahil sa mga gwapong nasa table namin ngayon.
"Pakilala mo naman kami!" Sabi pa ng mga malalandi kong kaklase. Napailing na lang ako at natawa.
Bago pa ako makapag salita, naunahan na ako ni Gab na noo'y kadarating din galing dance floor kasabay ni Max at Jen.
"Oh my! Von! Niko?! Hey!" Sabi pa niya sa tatlo pa nilang mga kaibigan. At excited na niyakap niya silang lima.
Napanganga ako at mukhang magkaka close sila. At nakita ko ang warmth sa mata ni suplado noong niyakap siya ni Gab. Akala ko ba cold at suplado siya. Tsk. Hindi ka lang talaga type, Jaz! Kaya di ka pinapansin. Ouch naman.
"Hoy Gabrielle, Jazmin! Ano to ha? Bakit may mga greek gods dito na di ko man lang alam?!" Maarteng sinabi ni Jeorgina. Landi talaga eh. Halos lamutakin na nito si Rust at Erik sa mga titig niya. Sila kasi iyong malapit sa kinaroroonan niya. Buti na lang at hindi naman suplado iyong dalawa at nakiki ride on naman sila. "Jaz, you know them?" Curious na tanong naman ni Gab."Ah.." Hindi pa ako nakasagot ay sinalo na ako ni Von na ipinagpasalamat ko na din dahil diko din alam ang sasabihin ko.
"Yes, magkalapit lang kami ng apartment bro. We are basically neighbors!" Sabi ni Von kay Gab.
"Oh, so stupid of me! Oo nga pala, malapit kila Jazmin yung nilipatan niyo!" Tumatawang sabi ni Gab na napatapik pa sa noo nya.
"Oh by the way guys, this is Von, Niko.. " dagdag pa niya at ipinakilala ang limang lalaki sa mga kaibigan namin.
Napag alaman naming magka babata silang anim including Gab at puro din sila taga Quezon City. Pinili nilang mag aral dito sa Baguio dahil dinamayan daw nila si Von na noon ay ipinatapon ng kanyang ama dito. Para magtino daw. Pasaway din pala tong isang to noong high school sila. At mukha namang effective dahil seryoso daw itong patunayan sa ama na nagbago na siya. Younger ng isang taon si Gab sa kanila pero sumunod din sya sa lima noong tumuntong ng college.
"SA engineering department din pala kayo? My gosh, how come diko man lang nasilayan mga ka gwapuhan nyo?!" Si Jen na mukha ng ewan sa kalasingan. Kahit kelan talaga hindi marunong mag preno ang bibig nito.Nagkasiyahan pa kami at inabot kami ng alas dos ng madaling araw. Nakita ko ding ngumingiti si suplado kapag si Gab ang kausap.
Kaya naman pala niyang ngumiti. Seryoso man o nakangiti, napaka gwapo pa din talaga niya. Parang gusto kong mainggit kay Gab! Hindi ko namalayang nakangiti pala ako habang nakatingin sa kanya. Napakurap ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Nakakahiya! Baka kung anong isipin niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Ano ba naman to! Wala to! Dala lang ito ng alak na ininom ko! Pilit kong ibinaling sa iba ang isip ko. Saan na kaya si Jeff? Napa buntong hininga na lang ako nang maisip na malamang inuwi na naman niya ang flavor of the month niya. Sana nga ay isa lang ulit fling yun kasi sa nakikita ko in love siya sa babaeng yun. Hay puso ko, may iiwasak pa ba?! Parang gusto ko tuloy maiyak. Bigla naman akong bumalik sa reality nang tawagin ni Gab ang pangalan ko."Jaz, iuwi mo na kaya iyong dalawa. Lasing na lasing na sila! Baka mamaya niyan ay gumagapang na sila sa kalasingan." Natatawang sabi ni Gab na tinuturo yung dalawa na nasa stage na! Nasa stage talaga kaya mabilis ko silang nakita. Grabe talaga tong dalawang to. Napaka wild at ayaw magpapigil sa kasasayaw. Kasayaw nila sila Von! Hindi ko maintindihan kung bakit tuwang tuwa silang sumasayaw sa napaka crowded na lugar. Hindi kaya sila nahihirapang huminga diyan? Si Niko lang naiwan dito at kausap si Gab.
Nahihilo na din talaga ako at napadami ang inom ko. Pero kahit papaano ay alam ko pa naman ang salitang kahihiyan. Lagot sakin tong dalawang to bukas."Sige, Gab. Puntahan ko na lang sila." Mabuti nga na umuwi na kami dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko. Napa sobra talaga ako ng inom!
Naku kakaladkarin ko talaga sila kapag hindi sila sumama sa akin. Pagtayo ko ay parang mas lalong umikot ang mundo ko kaya na out of balance ako at muntik ng masubsob kung wala itong matitipubong braso na nakapulupot sa aking bewang ngayon. Wow, nandito ba si Superman? Ang bilis ng reflexes ah. Napahawak ako sa may chest niya. Ang tigas! Natawa ako ng bahagya dahil mukhang si Superman nga ito.
"Are you okay?" Bulong ng napaka swabeng boses sa may punong tenga ko. Tumaas ang balahibo at para akong kinikiliti. Parang bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko. Pag angat ko ng tingin ay si Niko! Napakalapit ng mukha niya sa akin kaya pakiramdam ko ay mahihimatay ako! "Okay ka lang?" Ulit niya kaya natauhan naman ako at napabitaw mula sa pagkakahawak ko sa kanya.
"Y-yeah, thanks." Nauutal na din ako. Ang bango niya! Parang ayoko na ngang bumitaw kanina. Nang makatayo naman ako ng maayos ay parang wala lang sa kanya at muli siyang umupo.Pinakiramdaman ko ang sarili habang nakatayo ako. Nahihilo na talaga ako at parang hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko. Feeling ko masusuka ako!
"Oh Jaz, okay ka lang? Kaya pa? Wait lang. Dexter, pakipuntahan na nga lang at alalayan si Jen at Max at nang maihatid na natin sila." Tawag ni Gab kay Dexter, kaibigan din namin. Nagsisiuwian na din kasi ang karamihan sa amin dahil anong oras na din.
Napatutop ako sa aking bibig. Tumataas na yung acid at diko na kayang pigilan.
"Hala! Bro, can you accompany Jazzy to the rest room please? I'll just wait for Max and Jen.." Natatarantang pakiusap ni Gab kay Niko.
Agad namang tumayo ito at inalalayan ako. Nilagay niya ang isang braso niya sa aking bewang. Wala na akong panahon para mailang dahil diko na talaga kayang pigilan pa to!
Sinamahan niiya ako hanggang sa loob ng restroom at hinahagod ang likod ko habang nilalabas ko lahat ng ininom ko. Buti na lang walang tao kung hindi nakakahiya. Eh sa kanya, di ka nahihiya sabi na naman ng isipan ko.
Hinawakan niya ang buhok ko para hindi mabasa habang nag mumumog ako sa lababo.
"Here." Anya at inabot ang panyo niya sa akin.
Nahimasmasan ako doon ah. Dinalaw tuloy ako ng hiya. At di ko alam kung paano siya titignan. Nakatingin lang siya sa akin at naiilang ako.
"Hmm thank you ha.." sabi ko ng nakatungo.
"No problem, sakay na kayo sa amin tutal magkalapit lang tayo ng apartment."Oh my gosh! Di pa din talaga ako makapaniwalang kinakausap niya ako ngayon at di sinusungitan! Kaya naman medyo napatulala ako. Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa mga labi niya. Mamula mula ito at halatang hindi nag yo-yosi. Kaya nagulat na lang ako pagtingin ko sa mga mata niya na nakatitig na din sa..mga labi ko.NIKO'S POVMy heart was beating so fast and my tears began to roll down my cheeks when I saw her walking slowly down the aisle. God, she’s so beautiful. I just can’t believe she’s all mine.“Dude, you’re cheesy.” Von who’s standing beside me chuckled when he saw me in tears so he handed me his hanky. But he’s obviously emotional as I am! I just smiled nervously as I wiped off my tears. Ah, can’t help it.“Niko, oo naalala ko nga ang unang beses na nagkasalubong tayo..napaka suplado mo at sinungitan mo pa ako.” She said smiling.“But I never thought na ‘yong guwapong suplado na ‘yon ay ang magiging asawa ko pala. I actually wrote my vow but I won’t read it anymore and I will just speak my heart out today; my vow to you in front of God and of our loved ones.”
Jazmin's POV"Sabagay ma'am Jazmin, hindi na talaga kami magtataka na na- in love sa’yo si Boss Niko. Sa ganda mong yan ma'am!"Nalaman na nila na asawa ko si Niko. Gulat na gulat sila pero hindi na daw nakapagtataka. Mga bolero."Kaya pala magre-resign na si ma'am, siguro aalagaan na lang niya si sir!" Tudyo naman ng iba."Pero ma'am bakit iba ‘yong kasama ni boss no’ng nag random inspection sila tapos parang hindi kayo magkakilala?"My gosh, napapansin nila lahat! Mga kalalaking mga tao, mga tsismoso."Mas maganda ka naman do’n ma'am Jazmin! May LQ lang siguro, ‘di ba ma'am? Bawing bawi naman si sir ngayon. Parang nililigawan ulit si ma'am!" Sabi naman ng isa pang engineer. Kaloka sila.Halos dalawang linggo na din mula noong nagkausap kami. Hindi ko pa din siya kinikibo hanggang ngayon pero ayan nga at inar
"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin! Kung hindi pa ako siniko ni Max ay hindi pa ako makakakilos sa kinatatayuan ko.Kaagad namang nagpababa si Aedin kay Jen dahil nasa mababaw na lang kami at tumakbo na ito patungo kay Niko. Kaagad naman niya itong sinalubong ng yakap at binuhat. Nakangiti sila pareho pero napasimangot ako at padabog na umahon mula sa dagat.Nakangiti siyang nakatingin sa akin na akala mo ay parang walang nangyari kaya tinignan ko siya ng masama nang tuluyan akong makaahon. Tinawag niya ako nang nilampasan ko siya pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa lounge chair dahil nandoon ang tuwalya ko.Para naman siyang nagulat sa inakto ko pero sumunod pa din siya habang karga si Aedin. Hinawakan niya ako sa braso ko nang hindi ako tumitingin sa kanya kaya iwinaksi ko ito."Mommy,
"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko
“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat."I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko."It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Na
"Mommy, I want to be near the window!"Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na.""I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!"Daddy!" Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang b