Share

My Mute Billionaire Husband
My Mute Billionaire Husband
Author: youreminestrawberry

Simula

DALI-DALI kong iniwas ang paningin ko sa lalaking kausap ng mga magulang ko malapit sa pintuan ng bahay namin. Kaunting sulyap lang naman sana ang gagawin ko, bakit ang tagal ng mga mata kong bumitaw sa perpekto niyang tindig!

Hay nako!

Tumayo ako sa pagkakaupo sa malapad na sofa. Naglakad ako at hindi pinahalata ang pagsulyap muli sa matangkad at mukang mahiyaing lalaki na nakatayo sa gilid ng isa ding maskuladong lalaki katulad niya. Umupo ako sa kaharap na sofa na inupuan ko din kanina. Pasulyap sulyap lang ako at paulit ulit ng tayo para umupo na naman sa kaharap na sofa.

Tiningnan ko ulit ang lalaki. Nakayuko lang ito at parang sawang sawa ng nakatayo. Kanina ng lumingon ito sa akin, iba ang ekspresyon nito. Ibang iba ngayon sa pagkakayuko at pakikinig niya sa mga usapan ng matatanda sa harap niya.

Sa ikalawang pagkakataon, muntik na akong tumakbo ng mabilis at sampalin ng malakas ang lalaking kanina lang ay sinusulyap sulyapan ko lang, ngayon ay lumingon na naman sa ikalawang beses. Gamit na naman ang kakaiba niyang ekspresyon. Bakit siya ganyan makatingin? Galit ba siya dahil nakatingin ako sa kanya? Nahalata niya bang kanina ko pa siya sinusulyapan?

"Gosh..." bulong ko. Inalis ko kaagad ang atensyon ko sa kanya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na nasa akin pa rin ang mga mata niya.

Ulit, tumayo ako at pekeng umubo. Naglakad ulit ako sa kaharap na sofa at umupo roon.

Hindi ko talaga alam pero naiinis ako sa sarili ko. Gusto kong magmura kung bakit ko ginawa iyon. Bakit ko nga ba ginawa iyon? Enough na ba 'yong reason ko na dahil gwapo siya at maganda ang katawan niya? Napakaweird niya kasi. Siguro dahil ngayon lang din ako may nakitang kasing edad ko lang na bisita sa bahay namin.

"Salamat po," sinabi ko kay Nanay Ruby nang tawagin ko siya para dalhan ako ng snacks. Isa siya sa mga kasambahay namin dito. Hindi pa naman siya ganoon katanda. Sa pagkakatanda ko, thirty plus pa siguro ang edad niya. Hindi pa naman matanda iyon, di ba?

"...Yes, that's her. Thara, Ija?" agad kong nilingon ang pinanggagalingan ng boses. Si mommy. Hindi ko man lang naihanda ang magiging reaction ko. Nang lumingon kasi ako, hindi kay Mommy napunta ang mga mata ko, kundi sa katabi niya. Ang kanina kong tinititigan ay ngayon diretsong nakatitig sa mga mata ko. Hindi man lang ako nakagalaw.

"Come here, Thara." Inipit ko kaagad ang pang ibabang labi ko sa loob ng ngipin ko ng magsalita muli si Mommy. Kinakabahan ako. Ang mga mata niya, hindi man lang kumukurap. Parang wala siyang nakikita kundi ako lang. Kahit na wala iyong buhay, parang hindi ka magsasawang tingnan iyon araw araw.

"Anthara?" agad akong tumango at tumayo, hindi man lang maialis ang paningin sa lalaking weird pero pogi. Teka, ano-

"Hey, Anthara?" habang ang mga paa ko ay naglalakad papalapit sa kanya, ang mga mata ko naman ay abala sa pakikipagtitigan sa kulay abo niyang mga mata.

"Anthara, Ija. Baka naman may balak ka ng humakbang. Para ka kasing nagjo-jogging na hindi humahakbang d'yan." Sa hindi malamang dahilan, agad na naputol ang abalang mga mata namin ng gumalaw ang labi niya paitaas dahilan para magulat ako at muntik ng matalisod sa paglalakad-

Agad napunta kay Mommy ang atensyon ko, nakangiti siya ng kalahati sa lagi niyang ipinapakita sa aking ngiti. Nasa gilid niya si Daddy, nakatingin lang din sa akin gamit ang malumanay niyang mga mata. Hindi ko man lang sila napansin, kasalanan 'to-

Napalunok ako ng binalak ko ulit siyang sulyapan, nakatitig na naman siya sa akin gamit ang eskpresyon niyang 'yan. Nakakainis! Pero, napansin kong hindi na pareha ang kurba ng labi niya, nakangiti siya kanina, sigurado ako roon. Ngunit, hindi nga lang ganoon kahalata.

"Ija?" napatingin ako kay Mommy. Napayuko agad ako para malaman kung nakahakbang ba ako. Nang maalala ang sinabi niya kanina, agad na nawala ang kulay sa mukha ko. Tama si Mommy! Jusko, nakakahiya! Really, Thara? Humahakbang ka ba? Ha-

"S-Sorry po." Mabilis akong naglakad papunta sa kanila. Hindi alam kung lakad pa ba iyon o takbo dahil sa bilis ng galaw ko. Dahil na rin siguro sa mga mata niya at sa kahihiyan.

Nang nasa harapan na nila, kay Mommy agad ako humarap. Nginitian ko siya ng pilit. Ang mga mata ko ay hindi alam kung saan tutungo. Halatang naguguluhan.

"Ija...this is Allen. He's your Tito Fanio's niece." Ngumiti ako pero kay Mommy pa rin ang mga mata ko. Nang gumalaw ang mga kamay ni Mommy at itinuro ang dalawa sa gilid niya, doon na 'ko pilit na lumingon.

Nakita kong nakangiti na ng malawak ang maskuladong lalaking katabi ni weirdy pogi-Halata naman na siya si Tito Fanio, di ba? May kulay puti ang buhok niya, siguradong siya na nga iyan.

"H-Hi po," sinabi ko at medyo umatras ng kaunti. Napayuko ako ng makita kong kumunot ang noo ng katabi ni Tito Fanio. Si weirdy pogi.

"Pasensya na, Nio, ah? May pagkamahiyain kasi 'yang anak namin, e. Minsan lang din 'yan lumalabas kaya wala masyadong kakilala." Rinig kong sinabi ni Mommy. Napalunok ako ng tangkain ko na naman siyang sulyapan, hindi na siya nakatingin sa akin. Nakayuko na siya at parang ginagalaw ang mga kamay.

"Ija, may works ka pa bang gagawin? Kung wala, can you tour Allen? Kahit sandali lang sa bahay?" agad napaawang ang labi ko at diretsong lumingon kay Mommy. Whatttttt? No way. Hindi pwede! Mas lalo lang siguro akong mahihiya dahil sa ka-weirduhan niya, pero..kaunti lang ah, kaunti lang talaga. Medyo kasi nagustuhan ko ang pagkakatitig niya sa akin kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya.

Pero, kaunti lang talaga. Like, sobrang unti.

"Anthara, tour him." Napunta kaagad kay Dad ang atensyon ko ng magsalita siya. Malumanay ang mga mata niya. Ngunit, hindi matatago roon ang tabang. Galit ba si Daddy?

"O-Opo," sinabi ko at tumango nalang. Nilingon ko si weirdy pogi-nakita kong ganoon pa rin ang ginagawa niya. Ginagalaw niya ang mga kamay niya ng nakayuko.

Ano'ng ginagawa nito?

"Ijo.." nakita kong kinalabit ni Tito Fanio si Weirdy pogi. Nang tumigil si weirdy pogi sa paggalaw ng kanyang nga kamay, tumango siya ng nakayuko pa rin.

Ha?

"U-Uhm..sasama ka ba?" letse! Parang may kung ano sa boses ko ng sabihin ko iyon! Sa pagkakaalam ko, wala akong ubo at ilang buwan na iyon nawala. Bumalik na naman ba? Nako! Pahamak na plema!

Nakita kong gumalaw ang ulo ni weirdy pogi. Sa hindi malamang nararamdaman, bigla nalang akong kinabahan ng tagumpay siyang lumingon sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Naguguluhan? Nasisiyahan?

"H-Hali ka na?" pag aaya ko sa kanya. Binalak kong humakbang or tumalikod ng nakatingin sa kanya para malaman niya ang ibig kong sabihin. Pero, ilang segundo ang lumipas, hindi man lang siya gumalaw ng kahit kaunti sa kinatatayuan niya. Nabigla ako doon. Ngunit, mas nabigla ako sa ginawa niya ng huminto ako sa paghakbang.

Nakita kong dahan dahan gumalaw ang labi niya paitaas, katulad nong nasilayan ko kanina noong nasa sofa pa lang ako. Sabay, ginalaw niya ang mga kamay niya at saka ipinunta niya ang isang kamay niya sa dibdib niya. Gumagalaw pa rin ang isang kamay niya.

What the freaking hell? Ano'ng ibig niyang sabihin?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status