"EHEM-" natigil ako sa pagkakanganga ng makarinig ng tikhim. Wait, nakanganga?
Agad akong napatingin kay Mommy, nahihiyang isinarado ko ang bibig ko ng awkward na ngumiti sa akin si Mommy. Dalawang kahihiyan na, Oo tanga ako! Letse!"Take it slow," bulong ni Mommy. Naguguluhan akong tumango at saka lumingon ulit kay weir-Allen na ngayon ay nakatitig pa din sa akin. Nangangain ba 'to?"H-Hali ka na," hindi ko alam pero bigla nalang nawala ang kaba ko ng ngumiti siya sa akin kanina. Hmp, unfair. Pinagpala ang weirdo ng magandang ngiti.Nag umpisa akong humakbang ng hindi siya nililingon. Bahala na siyang hindi sumunod sa akin. Alangan naman ako pa mag adjust, di ba?Sa ilang segundong paglalakad palabas ng pintuan kung saan ang Living room, doon ko nalang napagtanto na wala ni isang tawag ni Mommy sa akin ang narinig ko. Sumunod kaya 'yong weirdong Allen na iyon kaya hindi ako pinabalik?Nang makalabas na sa Living room, huminto ako sa paglalakad at hinarap ang nagmamay ari ng tunog ng sapatos na kanina ko pa naririnig sa likod ko.Unang bumungad sa akin ang dalawang pares ng kulay abong mga mata na kanina ko pa walang sawang tinitingnan. Ang makapal niyang itim na pares na kilay ang siyang nagpapabagay pa sa tindig ng kanyang mukha. Ang kanyang matangos na ilong na mag aakala ka talagang may lahi ang taong kahara-Natigil ang lahat sa isang galaw niya lang, ginalaw galaw niya ang mga kamay niya at saka ako tiningnan ng nasisiyahan. Teka, ano? Nasisiyahan?!Napaatras ako ng binalak niyang kunin ang kamay ko. Itinago ko ang kamay ko sa likod ko at saka siya matapang na tiningnan sa mata. Ano ba 'yang eskpresyon niya, nakakabaliw!"H-Hoy! Wala na tayo sa harap nila Mommy, ah! Huwag ka ng m-magfeeling... i-inosente!" pilit ko siyang inirapan at saka tumalikod na. Nag umpisa ulit akong maglakad gamit ang mabibigat na hakbang.Hindi pa man nakatatlong lakad, naramdaman ko nalang ang sarili kong natigil sa paghakbang at naglalakihan ang mga matang nakatingin sa seryosong pagmumukha ni Allen. Iniharap niya ako sa kanya ng walang pahintulot ko? At, nakadikit pa talaga ang kamay niya balikat ko? What the fudge!Gusto ko siyang sampalin at pagsabihan ng mga salitang minsan ko lang sinasabi kapag galit ako! Kaso, hindi kaya ng bibig ko. Nakaawang lang ito at gulat na nakatingin kay Allen na seryoso ang ekspresyon.Binitawan ako ni Allen. Nakita kong napabuga siya ng hangin at saka napahilot sa kanyang ulo. Hindi pa din ako makagalaw. Sa buong buhay ko, sila Mommy lang ang nahawak sa akin at ganoon pa talaga kalapit!Nakatingin lang ako kay Allen ng ganoon pa din ang reaksyon. Nakita kong ginalaw ulit ni Allen ang mga kamay niya at medyo umatras na sa akin. Tiningnan niya ako gamit ang seryoso niyang ekspresyon. Ulit, ginalaw galaw niya ang mga kamay niya at parang nahihirapan siyang ipaintindi sa akin ang binabalak niyang malaman ko."A-Ano?" naguguluhan kong tanong nang naging maayos na ang nararamdaman kong pagkabigla. Nandoon pa din ang kaba, ngunit pilit kong iniiwasan iyon na ipakita kay Allen."H-Hindi kita maintindihan. Sabihin mo n-nalang." Tumigil siya pagkasabi ko non. Ngunit, agad agad rin na umiling. Ginalaw galaw niya ulit ang kamay niya. Itinuturo ako, itinuturo niya din ang sarili niya. Tapos, may mga galaw pa siyang napupunta sa labi at dibdib."A-Allen, H-Hindi kita mainti-" agad natigil si Allen sa paggalaw ng kamay niya nang bumukas ang pinto sa likod niya. Parehas kaming napatingin doon."Ijo? Akala ko ba-Anthara? Baby? What happen? What's that expression?" tanong ni Mommy. Si Mommy ang bumukas sa pintuan. Napalunok ako at saka siya pilit na nginitian."W-Wala, Mommy. Nagulat lang ako sa p-paglabas ninyo." Naguguluhan ngunit tumango si Mommy. Inilipat niya ang tingin kay Allen, at saka ibinalik sa akin."May problema ba? May pinag uusapan ba kayo?" tanong niya. Nakita kong sabay kaming umiling ni Allen. Ako lang ang nakakita dahil nasa unahan ko siya, habang sa unahan niya naman ay si Mommy. Takang tumango si Mommy. Ngumiti siya at saka naglakad papunta sa akin.Hinaplos niya ang mukha ko at saka ako niyakap. Kahit na naguguluhan, niyakap ko rin siya pabalik. Sino ako para tumanggi sa yakap ng isang Ina?"Aalis na sila ng Tito Fanio mo. Babalik sila dito bukas, I think? Or baka si Allen lang ang pupunta dito, am I right, Ijo?" paninigurado niya kay Allen ng makabalik na siya sa kinatatayuan niya kanina. Tumango si Allen ng hindi ko nakikita kong nakangiti ba siya o kung ano. Gusto ng humakbang ng mga paa ko para tingnan ang reaksyon ni Allen, Goodness!Nginitian niya ba si Mommy? Parehas ba don sa pagkakangiti niya sa akin? Yung mga mata niya ba ay ganon din makatingin kay Mommy?"Allen, Ijo. Hali ka na." Bumukas ang pintuan at lumabas doon si Tito Fanio. Aalis na ba talaga sila? As in ngayon?Tiningnan ko ang malapad at mukhang matigas na likod ni Allen. Ano'ng gagawin ko?"U-Uhm, T-Tito.." sht, ano ba 'tong pinanggagagawa ko!"Yes?" nilingon ako ni Tito, napalingon na din si Mommy. Hinintay ko na lumingon din sa akin si Allen. Ngunit, ilang segundo na ang lumipas, hindi pa rin siya lumilingon."Ija? May..sasabihin ka ba?" napatingin ako kay Tito Fanio na halatang naghihintay ng sasabihin ko. Talo akong umiling at saka napayuko. Ano bang nagyayari sa akin.Naramdaman ko nalang na nasa harapan ko na si Mommy at ang tunog ng sapatos na sumusunod kanina sa akin ay papalayo na ng papalayo sa kung saan ako nakatayo.ILANG linggo na ang nakalipas, but still, I am here, kissing my wife na para bang ilang taon siyang nawala sa akin."A-Al, ano ba!" Nagluluto siya ngayon ng pagkain naming dalawa habang ako ay nasa likuran niya at iniistorbo siya.Napatawa ako ng mahina at saka pinagpatuloy pa ang paghalik sa batok niya. Ang sarap niyang inisin. Ngunit, kailangan ko rin limitahan iyong ginagawa ko. Ayokong iwasan niya ako 'pag nagalit ko na siya ng tuluyan."Umupo ka na," utos niya. Kaagad ko siyang sinunod at saka naghintay na sa lamesa. Nakita kong umupo siya sa harapan ko. Inilapag niya iyong ilang mga naluto niya kanina noong wala pa ako.Kanina kasi nang hindi pa ako dumating sa bahay nila, ni isa wala pa siyang naluto. Sinabi sa akin ni Tito Ed na mahilig raw magluto si Thara, so I asked her kung totoo nga ba iyon ng tuluyan na akong makabisita sa kanila. Hindi niya naman iyon itinanggi kaya naging madali lang sa aking paglutuin siya para sa hapunan naming dalawa.Napangiti ako nang mukhang masa
Allen HolmesI WAS stunned. For a moment, I though it was just my brain who's making this things up."Anak!" Nang marinig ang boses ni Mama, kaagad ko siyang nilingon at saka ko nakita silang lahat na magkakasama. Ibinalik ko iyong paningin sa asawa ko na ngayon ay nakahiga na sa lupa habang uubo ng dugo.Hindi ako makagalaw. Parang humina iyong oras dahilan para hindi kaagad ako makapagreak. Napailing iling ako at saka gumalaw.Dali dali kong nilapitan si Thara na ngayon ay nahihirapan. Kaagad na nanginig ang mga kamay ko ng mabuhat ko siya papaharap sa akin.Dugo. Napakaraming dugo ang nasa balikat at bibig niya. Napasinghap ako at nangilid ang mga luha sa mata.Dream. Panaginig lang 'to lahat.Ilang beses akong suminghap hanggang sa napansin ko ang mga taong nakapaligid na ngayon sa amin ni Thara.Damn it!Nilingon ko si Trisha. Kitang kita ko sa ekspresyon niya ang gulat habang nakatitig sa aming magkalapit ni Thara. She's still holding her gun na siyang dahilan ng pagsuka ng dugo
Anthara Murillo"B-BABY!" Niyakap ako ng mahigpit ni Mommy. Muntik lang akong mahulog sa kinahihigaan ko, bumangon agad siya at saka lumapit sa kinaroroonan ko. Tipid akong napangiti dahil sa napapansin kong mga galaw niya."A-Are you okay? May...masakit ba? Asan? Saang parte ng katawa—""M-Mie, ayos lang ako." Hindi ko mapigilan hindi mapabuga ng hangin dahil sa hindi mapakali niyang ekspresyon. Alam kong nag aalala lang siya, ngunit, sa maliit lang na bagay?"S-Sorry. Baka kasi may masakit. Maayos ka na ba talaga?" Tumango ako. Naramdaman ko kaagad iyong dalawa niyang kamay na yumakap sa katawan ko."I really thank Him for giving you back to us." Napansin ko ang garalgal sa tono ng boses ni Mommy. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa mga naramdaman nila ni Daddy noong nawawala pa ako.Kung sana ay nag ingat lang ako at pinaglabaan ko iyong sarili ko. Puno rin kasi ng takot iyong reaksyon ko non kaya hindi na ako nakalaban pa. At kung lumaban pa ako, baka bumalik lang rin sa akin iy
MABILIS na pinaandar ko ang sasakyan ko papalayo roon sa building ni Luis at ng mga kasama niya. Nauna na akong umalis sa kanila habang sumisinghap.Shit! Shit!Napahawak ako ng mahigpit sa manibela ko. Still, hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig kanina.Narinig kong nag ingay ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha iyon at saka nagpokus pa sa pagmamaneho."Damn! Nakita na si Thara!" sagot ni Faxon sa kabilang linya. Napangiti ako. So, it was true.Napapikit ako kahit na patuloy pa rin na gumagalaw ang sasakyan ko. I'm glad that she's safe now."Safe..." naibulong ko. Dinilat ko ang mga mata ko at saka inihinto ang sasakyan matapos maging minuto na ang segundo sa pagmamaneho. Lumabas ako ng sasakyan. Kaagad na naalerto ako nang makita ko ang mga pinsan ko sa labas ng Police Station. Nakita kong agad akong napansin ni Damaris. Naiiyak siyang napapikit bago dali daling tumakbo papunta sa akin. Niyakap niya ako nang nasa harapan ko na siya."Al...nakita n-na siya..." Hindi ako nagsalit
Anthara Murillo"ANO'NG ibig mong sabihin?" tanong ko sa mapapel na babaeng 'to. Gustong gusto ko na siyang sugurin para makaganti sa pagkulong niya sa akin rito sa kuwarto, ngunit hindi ko kaya.Nakagapos iyong dalawang kamay ko ng makapal na lubid habang nakaupo sa kama. Ilang araw na ako rito. Ngunit, ngayon lang tuluyan na humarap sa akin ang babaeng 'to."I really don't get it kung bakit hindi tinuloy ni Luis iyong pagrape sayo noong araw na iyon." Naismid siya nang matalim ko siyang pagmasdan.Napakawalang hiya niya!"Kahit na napainom ko na siya non ng gamot, hindi niya pa din nagawa." Umiling iling siya habang may hawak na alak sa kanang kamay. Nakita ko siyang lumapit sa akin. Kaagad na napaalerto ako at saka siya mas sinamaan pa ng tingin.Bakit niya ba 'to ginagawa? Dahil ba sa pagmamahal niya sa lalaking mahal ko rin?Napatawa ako ng mahina kahit na umiinit na iyong gilid ng mga mata ko. Hindi pwedeng makita niya sa reaksyon ko na kinakabahan ako sa mga gagawin niya."Alam
"NAKAKAPAGSALITA ka?" tanong ni Faxon nang makaalis na kami sa mansion ng Lolo ko. Narito na kami ngayon sa opisina ng kompanya ko, nag iisip ng mga balak gawin para mapadali ang paghahanap kay Thara.I missed her, badly. Dahil sa kapabayaan kong magpauto sa kompanya ko, hindi ko siya nagawang iligtas.Napapikit ako. Sumandal ako sa swivel chair ko rito sa opisina at saka nag isip pa ng mga posible kong magawa para tuluyan ng mahanap si Thara.Ininom ko ang alak na nasa maliit na baso. Hawak hawak ko ito at nasa kanan kamay ko.Where is she? Kunti nalang at mababaliw na ako sa kakaisip kung ano na ngayon ang nangyayari sa kanya."Hey, nakakapagsalita ka nga?" Kanina pa tanong ng tanong ang isang 'to.Napapikit ako ng mariin."Damn, man. Magsalita ka naman." Binuksan ko ang mga mata ko. Hirap na hirap na nga ako sa isang salita pa lang. I can't even mention my own name. Kahit ang sa asawa ko. Salitang 'ra' lang ang kaya kong banggitin."Okay okay. I'm just curious, that's all. Come on.