LOGINPagkatapos naming kumain pumasok kami sa loob at nagsimula ng uminit. Mainit na at hindi na kaya ng aming balat ang init nito. Nagpaalam kami sa kanila na aakyat na muna sa kwarto at magpahinga. Mamayang hapon na lang tayo mag bonding sa dalampasigan sabi ko sa kanila bago umakyat sa aking kwartong ginamit kanina. Hinatid ako ni Isay sa aking kwarto at sinabihan na huwag ko daw kakalimutan na tawagan si Kuya Alejandro.Pagkapasok ko sa kwarto kinuha ko agad ang aking cellphone. I turn it on, mabuti na lang at itong bagong phone ang binuksan ko. Kabilin bilinan kasi sa akin ni Steve na magpalit na ako ng cellphone. Kinuha niya ang old cellphone ko, hindi ko na alam kung saan niya ito tinago. Nilagay niya lang sa phone book dito ang mga number ng aking mga magulang at kapatid. The rest ako na ang naglagay, kakaunti lang ang nasa phone book ko dahil hindi ko maalala ang iba pa. Mga boss ko at ka office mate ang iba.Tinawagan ko si Kuya pagka open ng aking cellphone, wala pang tatlong ri
Nagtatawanan at nagkakaasaran kami dito, puro kasiyahan ang pumuno sa amin sa araw na ito. Nawala ang mga alalahanin namin at ang pangungulila namin kila Steve. I am so happy na nandito sila Isay para pasayahin kaming tatlo. They are so nice at nakakatuwa kapag sila ang kasama mo. Puro tawanan lang ang mga nangyayari at hindi ka talaga makakaramdam ng lungkot if they are around you. I am beyond happy dahil ni minsan hindi ako sinisi ng aking mga kaibigan sa akin. Nawawalan na kasi ako ng pag asa, mukhang sa akin nag ugat lahat ng problema naming hinaharap pero ni minsan wala akong narinig sa mga ito. Lagi nilang sinasabi sa akin na kung may problema ang isa, sama sama kaming lulutasin ito. Kumbaga walang iwanan kung nasaan ang isa nandoon din ang iba. Huwag na lang daw namin isali ang aming mga pamilya, para hindi na sila madamay pa dito sa gulong pinasok namin na tatlo.Sinabi ni Cheska na nasa america ngayon ang kanyang pamilya para sa business nila doon. May pinapatayo ang isang k
"Arrraaayyy...shit naman girl ang lakas ng boses mo leche ka..." humarap ako kay Cheska at muntik ng tusukin ng barbeque stick mabuti na lang at inawat kami ni Jam."Tumigil kayong dalawa diyan...tinatanong ka kasi ni Isay kung kaylan mo daw irereto ito sa kanyang dream boy," mahinahon na sabi ni Jam. Napaisip ako at napatingin kay Isay, naalala ko nga pala ang promise ko dito."I'm sorry about that Isay...I already spoke to him last time at pwede naman daw na magkita kayo any time. Gusto mo bang makipag meet sa kanya ngayon, as far as I know nandito siya ngayon sa pilipinas," ani ko dito."Gaaaammmmeeee.....sige na at ng makita mo siya Isay..." tuwang tuwa na sabi ni Cheska."Wait nga wait...stop muna kayong lahat at may tatanong ako," sabat ni Jam para patigilin kami sa pagsasalita at paghihiyawan."Aya sino ba ang sinasabi mong ipapakilala mo kay Isay. Gusto kong makilala ito at ng makilatis din para hindi naman lugi kay Isay. Ayoko ng babaero ha," ika pa nito. Napaismid ako dito a
"I am sorry to hear that...bata ka ba ng maulila," tanong ko dito."Yeah! I'm only 6 at si ate naman nasa 8 years old siya. Dalawa lang kaming namuhay simula noon. May kuya kami pero kinuha siya ng mga tiyuhin namin at hindi pinakita sa amin. Kaya nga inaasam asam namin na soon magkikita din kaming magkakapatid," paliwanag nito.Nagulat ako sa kanyang mga pinag tapat, napaka galing naman nilang magkapatid na nagpatuloy ng buhay kahit na sa pinakamahirap na paraan. Mas maswerte din pa pala ako kahit na papano. Mahirap kami pero hindi ko naman naranasan yung ganyan, may mga magulang naman kaming umaalalay sa amin at mga kapatid na laging nakaalalay. Magtatanong pa sana ako ng biglang makarating na kami sa kusina at hindi na natuloy dahil nandito na ang aking mga kaibigan. Binati agad nila ako at inakay sa likod bahay. Namangha ako, sobrang ganda pala talaga dito at napaka fresh ng buong paligid."Bess...come, see this...OMG, ang sarap mag stay dito. Naligo na kami kanina wala pang gaano
Nagising ako na nasa isang kwarto na, hindi ko na maalala kung anong nangyari basta ang natandaan ko lang nasa sasakyan kami na may humahabol sa amin. Sa sobrang bilis ata ng sasakyan at ng mahilo hilo kami kaya ako nakatulog. Tumingin ako sa buong paligid at napagtanto ko na maganda ang kwartong ito, dahan dahan akong bumangon at pinakiramdaman ang aking sarili. Wala naman akong maramdamang iba kaya alam kong ok lang ako.Maaliwalas at nakabukas ang bintana ng hinihigaan ko, lumapit ako sa isang balcony at tumingin doon. Kaya pala maaliwalas at mukhang maganda dito nasa malapit kami sa isang beach ata sa isip isip ko. Nakakamangha ang tanawin mula sa kwarto ko, may mga naglalakad sa gilid ng beach na ito. Napa-isip ako sa sinabi ni Steve dati na baka ito yun. Nabanggit niya na pupunta daw kami sa isang beach resort dito sa batanggas. Hindi pa ako sure kung dito yun pero malakas ang aking pakiramdam. Hindi pa nagsinungaling sa akin si Steve. Speaking of Steve miss na miss ko na siya,
Lumabas ako pagkatapos makipag usap ni William kay Mr. Montalban, ayokong isipin niya na nakikinig ako dito. Kinuha ko ang aking cellphone at kunyare busy ako doon pagkalabas ko. Mamaya ko na kakausapin ang ugok na to at mukhang hindi pa rin maganda ang timpla ng mukha. Simula ng hindi na kami nakakuwi lagi ng masama ang timpla ng mukha nito."Nasaan ang iba nating mga kasamahan," tanong nito pagkalabas."Nasa labas yata sila, tara doon..." ani ko. Tumango ito kaya sabay kaming lumabas papuntang baba. Sinundo kami ng iba naming mga kasamahan pagka baba namin. Pinapasundo daw kami ng mga kaibigan namin sa restaurant na malapit dito. Kakain muna daw kami para may lakas mamaya pagkabalik sa taas."Nakausap mo na ba sila Jam? "Tanong ko dito."Kanina nakibalita ako sa kanila at yun nga iyak na naman ng iyak. Gusto ko na ngang bumalik doon pero hindi pwede, kaylangan nating matapos muna lahat ng to. Pinag sabihan ko na lang siya, matapos lang natin ito balik na agad tayo. May tiwala naman







