LOGINLumuluha akong tumalikod at nagpunta sa counter at umorder ng hard drinks. Derederetso kong ininom ang dalawang baso na inihain para sa akin. Pagkatapos non tumayo ako at hindi sinasadyang makabangga ako, napatingin ako sa taong hindi ko sinasadyang mabangga. Tinitigan ko ulit at pinilig ang aking ulo, inaakalang nag hahallucinate na naman ako. I saw the guy yung gwapong nakasalamuha ko sa toilet a while ago, I was mesmerized sa kanyang aura. Kakausapin ko na sana ng biglang may magsalita sa aking likuran.
"Aya, is that you!!!" rinig kong sabi ng taong kinaiinisan ko sa tanang buhay ko. Hindi ako umimik para sana umalis na siya pero mukhang sinasadya niyang kausapin ako.
"I know you are Aya...bakit ayaw mo akong harapin?" Paawa effect niyang pahayag. Kunyari mabait siyang nakikiusap. Napangiwi tuloy ako sa narinig.
"Ano ngayon kung nandito ako? Bakit may problema ba? Bawal bang pumunta dito," mataray kong banat kahit na deep inside gusto ko ng maiyak lalo na ng makita kong kayakap niya si Jake. Nang makita ako ni Jake bigla niyang binitawan ang kanyang kamay sa bewang ni Ivy.
"A-a Aya...anong ginagawa mo dito? utal niyang sagot dahil sa bigla niyang pagkakita sa akin.
"Same question ha!!! Bagay nga kayo, isang ahas at isang manloloko...perfect combination," sabi ko at pumalakpak pa.
"Sino yang kasama mo?" baling niya pa dahil nakita niya ang lalaking hanggang ngayon naka yakap pa rin ako sa kanya.
Nabaling ang tingin ko sa lalaking walang imik na nakatingin sa amin. Tatanggalin ko na sana ang aking kamay sa kanya ng maalala kong nandito pala ang dalawang ahas sa aking harapan kaya sa halip na bumitaw sa kanya lalo ko pa siyang hinila para magpantay ang aming mga mukha at walang pasabing hinalikan ko siya. Itutulak niya na sana ako ng bigla ko siyang bitawan at bumulong sa kanya.
"Help me this one and I will pay you!" bulong ko sa kanya sabay bitaw at kunyari inaayos ang kanyang damit bago humarap sa kanila. Rinig kong nagmura tong si Jake habang kahalikan ko ang lalaki at napasinghap naman ang gaga niyang katabi pero hinayaan ko lang. Ayokong mag mukhang kawawa sa harap nila kaya gagawin ko ang lahat para siya ang mapahiya at hindi ako.
"Ganyan ka na ba kadesperada at kung sino sino na lang ang pinapatulan mo," aniya na nakita ko pang nakakuyom ang kanyang mga palad. Galit siya, pwes mas galit ako.
"Look whose talking...Hinding hindi ako magiging desperada ng dahil lang sayo, kung yang babaeng yan ang pinalit mo sa akin pwes heto ring lalaking to ang kapalit mo. Fair enough right!!!Ngiting aso kong sagot sa kanya.
"Lets go love...this people don't deserved our attention and our time," hinawakan ko ang kanyang kamay at aalis na sana ng pigilan ako ni Jake.
"Stop this pretending, I know galit ka sa akin I mean sa amin pero sana intindihin mo naman. Aayusin ko muna to bago kita kakausapin. Mag usap tayo sa bahay," sabi niyang nakikiusap pero sa galit ko sinampal ko siya.
"Ang kapal ng pagmumukha mo.....gagawin mo pa akong kabit ganon...No way...ngayon ko lang narealized na sobrang tanga ko pala," sobrang galit ko sa kanya as in.
"Kaysa naman you keep pretending na boyfriend mo ang lalaking yan kahit na hindi naman," sabat niya pa. Nakatingin naman si Ivy sa akin na natatawa pero napansin kong nawala ang kanyang saya ng bigla akong hapitin ng lalaking nasa aking tabi.
"Back off dude, she's my fiance...Wala na kayo diba kaya lubayan mo na siya," rinig kong maawtoridad niyang pahayag. Aalis na sana kami ng biglang hatakin ni Jake ang aking kamay kaya nagpumiglas ako, isang hila lang ng lalaking gwapo sa akin bigla akong bumalik sa kanya agad. Napansin kong kakaiba ang kanyang lakas at ang tigas ng kanyang abs. Nasa ganoon akong tagpo at hindi ko napaghandaan ang sampal ni Ivy sa akin. Hindi ako nakahuma sa sampal niya at naramdaman ko na lang na parang umiikot na ang aking paningin.
"Shit kang malandi ka...hindi ka na nga gusto ni Jake nakikisawsaw ka pa, nakita mo ba ang singsing na to ha," sigaw niya at sasabunutan na sana ako pero sa hindi sinasadyang pangyayari bigla siyang sinampal ng lalaking nakahawak sa akin. Sa sobrang lakas natumba siya at ng aawatin na sana ni Jake bigla ding natumba to. Napatingin ako sa lalaking nakayakap sa aking bewang at rinig kong,"throw them out and ban them here," rinig kong banggit niya pero hindi ko na inintindi dahil umiikot na ang aking paningin. Pumikit ako at hinayaan na lang na siya na ang bahala sa akin. Babayaran ko na lang siya bukas sabi ko sa aking isipan.
Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. Hanggang sa dalhin ako ng karimlan, hindi ko na alam kung anong nangyari pa. Napabangon ako ng maramdaman kong kumukulo ang aking tiyan kaya napatayo ako bigla. Kumaripas ako ng takbo papunta sa pintuan na bumukas at makitang banyo ito, hindi na alintana ang taong lumabas doon basta ang importante mailabas ko lahat ng nasa aking sikmura. Halos maisuka ko na lahat ng nakain ko.
Hinang hina ako ng matapos kong magsuka, nilinis ko ang sink na aking ginamit. I smell like shit, napatingin ako sa tubig na dumadaloy sa bath tub. Napangiti ako at walang babalang naghubad na lang. Hindi na alintana kung may tao man dito or wala, lumusong ako doon ng mahawakan ito. Maligamgam ang tubig at napaka bango kaya walang babalang pumaloob, napangiti ako at naginhawaan ng maramdaman ko ang tubig sa aking katawan.
Nagsisigawan na kami sa aming upuan ng mga kaibigan ko sa lakas ng impact ng sasakyan. may bumangga kasi sa amin kaya nagpagewang gewang ito. Hindi alam nila Cheska kung saan hahawak na gaya ko. Nagmura ng nagmura itong si Ate Roda at Ate Marie dahil sa nangyari."Dammit....I will kill this shit..." Ika ni ate Roda sa malakas na boses. "Holy shit...What's this kind of driving girl? This is nothing yeah!!!Give them something that they will blow them," sigaw ni Ate Marie kay Ate Roda.Natameme ako sa kanilang mga inaasta, akalain mo yun matanda pa ba ang ganitong style sabi ko sa aking sarili. Kung umasta sila para silang mga kaedad lang namin na mga batikan sa ganitong larangan. Sirugo kaya sila ang binigay nila Steve sa amin dahil kayang kaya nila ang mga ganitong pangyayari at parang wala lang sa mga ito."Sorry naman girl...I'm checking our baby girl at baka kung napano na ito kaya nawalan ako ng concentrasyon. Anyway babawi ako, hold on...yumuko kayong tatlo at pumikit if ever man
Halos hindi ako makahinga ng paglabas namin ng expressway may mga sasakyan daw na umaaligid sa amin. Titingin sana kami sa labas pero pinagbawalan kami nila Isay, may pinasuot siya sa amin na maskara para daw kahit na may sumita sa amin makita nilang hindi kami yon. Nagpapanic ako lalo na sa tuwing may makita akong hindi kaaya aya sa labas iniisip ko ng may barilan na naman."Kumalma kayong dalawa, isipin niyo na lang mga tinuro namin sa inyo at dapat presence of mind. Huwag mag panic," sabi ni Isay nahalata ata na nagpapanic kami ni Jam.Tumango kaming tat;o at tinakpan ang aming mga tenga para walang marinig. Pumikit ako at inisip ko na lang na matatapos din ito. Iniisip ko sila Steve kung nasaan na ba ang mga ito, bakit hindi man lamang kami matulungan. Nanlulumo na naman ako na at kung ano ano na naman ang pumapasok sa aking isipan na baka kinalimutan na nila kaming magkakaibigan. Sino ka nga ba sa kanya diba sa isip isip ko pero impossible naman na iwanan nila kami sa ganitong si
Nagsuot ako ng isang pants at tshirt lang. Gusto kong comfortable ako pagka nagharap kami ng mama ni Jake para kahit na may aberyang darating makakagalaw agad ako. Tinali ko pataas ang aking buhok at nag suot ng sneakers sa paa. Pababa na ako ng bigla akong tambangan ni Isay at ate Roda. Pinagalitan nila ako sa aking suot."Ano ba naman yang suot mo bess? Magsuot ka ng maayos hindi ganyan," nakataas kilay na sabi ni Jam nasa gilid pala nag aantay."Change...use something formal," ika naman ni Isay. Naiiling naman na nakatingin sa akin si ate Roda kaya nagtataka ako kung ano bang problema sa suot ko."Hindi naman ako aattend ng birthday party or kasal kaya bakit kaylangang formal ang susuutin ko," naguguluhang pahayag ko."Nakasuot ka bess ng parang aattend sa digmaan. Hindi pwede yan at baka sabihin nila na talagang ginawa mo yun na guilty ka ganon," sabat ni Jam dito."Use something na lagi mong sinusuot paglabas," ani Isay."Come and I will be the one to choose," sabi ni Cheska na n
Sunod sunod na may nahuli kami sa ibat ibang business na pinalalakad naming tatlo. Pinaman manan ko na rin sa aking mga tinayong business at baka may mga traydor din doon. Nagtalaga ako ng kakilala kong body guard ni Mang Kanor sa ibang bansa. May ibat ibang business kasi akong napatayo doon at siya lang ang isa sa mga taong inaasahan ko. Siya ang nagsilbing ama ko dito kaya mahalaga siya sa akin. Inabot kami ng isang Linggo sa pag aayos ng mga problema namin at hinintay din namin ang resulta ng imbistigasyon namin. Kung sino ang taong behind sa kapatid ni Jake Manalo. Ang nagngangalang Morgan, alam na namin ang back ground nito pero ang hindi lang namin malaman laman ay ang grupong kinabibilangan nito. Hindi naman namin siya pwedeng arestuhin dahil wala kaming solid evidence para dito. Nagpasya kaming magkakaibigan na ipaman man ito at alamin kung saan araw araw nagpupunta. Pinag iingat lang namin ang aming mga tauhan dahil mahirap itong kalaban. Sa mga nagdaang araw lalo kong nam
Napaisip ako at napalatak ng maalala ko ang kaibigan ng aking kapatid si Mr. Alejandro Montero. Bachelor pa yun at maarte daw sa babae. Base sa kwento nila may minahal daw ito pero hindi naman siya minahal. Inagaw daw ng isa nilang kaibigan. Yun ang kwento sa akin nila kuya, lagi kasi siya sa bahay kaya kilala ko. Guwapo at macho din. Bagay sila ng babaeng to kwela ito maarte yun perfect combination."Don't worry I know already. Pagka tapos ng problema nating ito kapag nalutas itong kasong to I promise you Isay blind date ko kayong dalawa. He's hot, makalaglag panty yun bagay na bagay kayong dalawa," nakangiti kong pahayag dito.Siniko ako ni Cheska pero inirapan ko lang ito. Bahala sila sa buhay nila ni Jam kung may maireto sila sa mga assistant nila meron din ako noh! Basta mailigtas lang kami at matapos ang problemang to kakausapin ko si kuya as in sabi ko sa aking isipan.STEVE POV:Gusto kong umuwi na agad dahil sa nalaman kong balita kila Aya. Hindi ako mapakali at maka concentr
Kinabukasan ginising ako ni Isay at tinawag kaming mag uusap lahat sa study room. May sasabihin daw sila sa aming magkakaibigan. Pagdating namin doon nakita ko ang aking mga kaibigan na antok na atok pa habang nakaupo at naghihintay sa akin. Inumpisahan agad ni Ate Roda ang pag uusap namin pagdating ko. Nagulat ako ng isawalat niya ang mastermind ng mga nangyayari sa aming mga magkakaibigan.Ang kapatid daw ni Jake ang mastermind ng lahat. Siya daw ang may gustong patumbahin ako dahil hindi daw nila matanggap na wala na ang kanilang kapatid. Galit na galit daw ito sa akin, nadamay lang ang dalawa kong kaibigan. Walang araw na hindi daw umiiyak itong nanay ni Jake kaya ang kapatid niya na raw ang gumagawa ng paraan para mahuli ako buhay man o patay."Kaya ba ng kuya niya ang pumatay," tanong ni Jam."Kaya niya, base on my research gawain niya na ito. Hindi lang basta basta ang taong ito. He is ruthless and scary kaya ingat na ingat ang mga jowa ninyo na kahit na malakas sila hindi pa r







