Se connecterMY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 703RD POV “Akin na siya, ako na ang bahala sa kanila.” Wika sa kanya ni Ivanna, habang kinuha sa bisig niya si Janelle. Nang makalabas si Jin, ay hindi pa rin nawawala sa isip niya ang sinabi ng bata kanina. ‘Bakit tita mommy ang tawag ni Janelle sa kanya?’ Napahawak siya sa kanyang ulo, dahil nakaramdam siya ng sakit sa kaiisip. Hindi niya rin mapigilan ang sarili niya na tingnan ang silid, dahil gusto niya sanang pumasok, at itanong sa bata kung bakit gano’n ang tawag nito kay Ivanna. “Manong, pinapasabi ni Ma’am, na mauna na raw muna kayong umuwi, at siya na muna ang bahala sa mga bata.” Kunot-noo siyang na-patingin sa tauhan ni Ivanna, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Pero baka hindi niya mamalayan na tatakas na naman sila..” “’Wag po kayong mag-alala Manong, dahil nandito po kami.” Ngiting wika nito, habang na-patingin si Jin sa bulsa niya, nang mapansin niyang nag- vibrate ang phone niya. “Ihatid na po namin kayo.” “’Wa
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 693RD POV Nang makita ni Jin, na tatayo na naman sana ito, ay agad niya itong tinadyakan, habang mabilis niyang binuhat ang apat na anak niya, bakas naman sa mga mukha nila ang tuwa, habang mabilis siyang tumakbo. “Ang galing mo naman Manong, turuan mo rin akong makipaglaban!” Tuwang wika sa kanya ni Jensen, habang isa-isa niya silang ibinaba nang makarating sila sa loob ng restaurant, malawak naman siyang napangiti sa mga bata, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ikaw nalang ang bodyguard namin Manong,” mahina na wika ni Janelle sa kanya.“Para ipagtanggol mo kami sa mga batang gusto kaming awayin..” Muling wika nito, kaya hinaplos niya ang buhok nito. “’Wag kang mag-alala, simula ngayon ako na ang magbabantay sa inyo, at hindi ko yayahayan na may manakit sa inyo, at magsasabi ng masakit, dahil malalagot sila sa akin.” “Anong nangyari?” Napalingon si Jin, at nakitang nasa likuran na nila si Ivanna. “Mommy, ang galing ni Manong, a
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 683RD POV Nang makabalik si Jin sa mansion ni Ivanna, ay dinalhan niya ng mga laruan ang mga bata. Labis naman ang tuwa na nararamdaman niya, nang makita niya ang tuwa sa mga mukha nila. “Nagustuhan niyo ba?” Tanong niya sa kanila, habang mabilis silang tumango sa kanya. “Manong.” Napalingon si Jin at nakitang papalapit sa kanila si Ivanna, hindi niya naman mapigilan ang sarili niya na titigan ito, dahil sa ganda nito. Lihim din siyang napa-iling, dahil iniisip niyang ang laki niyang tanga, dahil hindi man lang niya namalayan na kahit iisa ang mukha ni Ivanna, at no’ng babaeng asawa ng kapatid niya, ay magkaiba sila ng ugali. “Ano ‘yang ibinigay mo?” Tanong nito, habang napatingin ito sa mga hawak ng mga bata. “Binilhan ko sila ng laruan.” Sagot niya kay Ivanna, habang tumingin ito sa kanya. “Dapat hindi kana nag-abala pa Manong,” ngumiti siya rito, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Ayos lang Ma’am, natutuwa kasi ako, kapag nak
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 673RD POV Hindi muna bumalik si Jin sa bahay ni Ivanna, dahil kailangan niya munang pagtuunan ang kumpanya niya, lalo na at tambak na naman ang mga gagawin niya, kailangan niya ring malaman kung sino talaga ang babaeng pinakasalan ng kuya niya, at kung bakit kailangan pa nitong magpanggap bilang si Ivanna. “Sir gusto po raw kayong maka-usap ni Ma’am Nova,” wika sa kanya ng secretary niya, kaya agad na napa-kunot ang noo niya. “Bakit?” tanong niya rito. “Hindi ko po alam Sir,” sagot nito. “Busy ako, kaya ayoko muna siyang makausap, nakita mo rin na marami pa akong gagawin. Isa pa, may pupuntahan pa ako pagkatapos ko rito, kaya ‘wag ka munang tumanggap ng bisita.” Wika niya sa secretary niya, habang mabilis itong tumango sa kanya, at tinalikuran siya. Muli niya naman itinuon ang kanyang atensyon sa mga documents na nasa harapan niya. Hindi na napansin ni Jin ang oras, dahil nasa trabaho lang ang atensyon niya, alam niya na ilang
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 663RD POV Habang nasa loob si Jin sa servant quarter, ay hindi niya na-pigilan ang sarili niya na suntukin ang pader, dahil sa galit na nararamdaman niya sa kanyang sarili. Habang iniisip niya kasi ang mga kagaguhan na ginawa niya noon kay Ivanna, ay lalo lamang siyang nagagalit. Lalo na sa lahat ng masasakit na sinasabi niya rito. Gusto niyang bumawi, gusto niyang itama ang lahat. Pero hindi niya alam kung paano, ayaw na rin niyang ituloy ang balak niya na agawin ito sa kuya niya, dahil sa oras na gawin niya ito, alam niyang mas lalo lamang magalit sa kanya si Ivanna. Nang marinig ni Jin, ang tunog ng phone niya, ay agad niya itong sinagot. “Jin, anak nasa’n kaba? Bakit hindi kana umuwi sa bahay?” tanong sa kanya ng kanyang ina. “Gusto ka sana naming pumunta rito, dahil nandito sa bahay ang kuya mo, pati na rin ang asawa niya,” agad na kumunot ang noo ni Jin, dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina. “A-anong nand’yan?” taka
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 653RD POV Sa paglipas ng mga araw, ay hindi pa rin nakikita ni Jin, ang kapatid niya na bumisita sa mga bata pati na rin sa bahay ni Ivanna. Napapansin niya na ang mga magulang lang ni Ivanna ang pumupunta sa bahay. Nagtataka rin siya, kung bakit minsan lang pinapalabas ang mga bata, kaya hindi niya mapigilan na maawa sa kanila. "Gusto n'yo bang maglaro?" Tanong niya sa mga bata, kaya na-patingin sila sa kanya. Nakita niya kanina na umalis si Ivanna, kaya naglakas loob siyang lapitan sila. "Gusto namin labas.." wika ng isang bata sa kanya. "Hindi pwede.." Napalingon si Jin at nakita ang yaya ng bata. "Bakit hindi niyo sila pinapayagan na lumabas?" tanong niya sa yaya ng bata. "Pinagbabawal ni Ma'am Ivanna, dahil bigla nalang silang tatakas. Ilang beses na rin silang nawala.""Dapat kasi kapag lumabas sila, binabantayan niyong mabuti, dahil kayo naman ang yaya ng mga bata." Galit na wika ni Jin, kaya bakas ang pagtataka sa mukh







