CHAPTER 9 3RD POV Hindi mapakali si Ellie, dahil hindi pa rin bumabalik si Jameson. Hindi rin niya mapigilan na sisihin ang sarili niya, dahil sa ginawa niya. ‘Pero teka lang? Bakit naman siya magagalit? Alam ko naman na noon pa, hindi siya naglalabas ng pera?’ Nang bumukas ang pinto, ay agad siyang napatingin dito. Nagkasalubong naman ang kanilang mga mata, at si Ellie, ang unang nag-iwas. Napatingin siya sa kanyang phone, nang bigla itong ihagis ni Jameson sa sofa. “Bakit nasa ‘yo ‘to?” Kunot-noo na tanong niya rito. “Hinahanap mo ‘yan ‘di ba? Kaya kinuha ko.” Balewala na sagot nito at pumasok sa kanyang silid. Mabilis niya itong sinundan at kinatok ang pinto. Kunot-noo naman itong napatingin sa kanya, matapos nitong buksan ang pinto. “Bakit?” Tanong nito. “Ayaw mo bang kumain?” Tanong niya rito. “Kumain na ako, kung hindi mo maubos ‘yon, lahat. Itapon mo, ‘wag ka ring mag-alala, bayad na ‘yon lahat.” Wika nito at sinara muli ang pinto. Inis naman na pinukpok ni Ellie, an
CHAPTER 103RD POV Lumipas ang dalawang buwan, at hindi na nagpapakita sa kanya si Jameson, kahit sa mga event ng branch nila, at pagbukas nito ng bago ay hindi rin ito sumipot. ‘Nasaan na kaya siya?’ Napa-ayos siya sap ag-upo nang marinig ang katok ng pinto. “Ma’am Ellie, magsisimula na po ang meeting niyo mamaya.” Wika ng kanyang secretary, at agad siyang tumango rito. Inis naman siyang napa-hawak sa noo niya, dahil hindi niya mapigilan ang sarili niya na isipin si Jameson. Lumipas ang ilang minuto ay naisipan niyang tumayo, para pumunta sa meeting room. Pero napahawak siya sa kanyang lamesa, nang makaramdam ng pagkahilo. Muli siyang umupo at pinikit ang kanyang mga mata, dahil ang akala niya, ay mawawala agad ang pagka-hilo niya. Pero bigla nalang siyang naduwal, kaya kahit nahihilo ay mabilis niyang tinungo ang banyo at doon sumuka. “Ma’am Ellie!” Narinig niyang tawag ng secretary niya. ‘Ma’am Ellie, ayos lang po ba kayo?” Tanong nito, habang mabilis siyang umiling. “Tuma
CHAPTER 113RD POV “Mom, p-paano ako mabubuntis? A-alam n’yo naman na wala akong boyfriend.” Utal na wika ni Ellie, habang napangiti sa kanya ang kanyang ina. “Binibiro lang kita Anak, mukhang masama talaga ang pakiramdam mo, magpahinga ka nalang muna. Dadalhan nalang kita ng sabaw sa taas.” Wika nito, habang pinunasan niya ang kanyang bibig. “S-sige po Mommy.” Ngiting sagot ni Ellie, sa kanya. NANG makapasok si Ellie, sa kanyang silid, ay napahawak siya sa dibdib niya. sobrang lakas kasi ng kabog nito, dahil sa sinabi kanina ng kanyang ina. “Kailangan kung gumawa ng paraan, para hindi nila malaman ang pagbubuntis ko.” Wika ni Ellie, habang humiga sa kanyang kama. KINABUKASAN ay maagang gumising si Ellie, para ma-abutan niya ang kanyang mga magulang, dahil gusto niya silang maka-usap. “Good morning Anak?” Ngiting bati sa kanya, ng kanyang ina. Agad siyang lumapit dito, at hinalikan ito sa pisngi. “An gaga mo yatang gumising?” Tanong ng kanyang ama, habang hinalikan din niya an
CHAPTER 12 3RD POV Tumango si Ellie, habang nag-unahan sa paglandas ang kanyang mga luha. “Hindi ko rin alam kung paano ko ito sasabihin sa pamilya ko, Manang. A-alam ko na magagalit sila sa akin, at baka itakwil nila ako, sa oras na malaman nila ang totoo.” Hikbing wika niya rito.“Ano po ang balak ninyo Ma’am Ellie?” Tanong nito sa kanya. “I-itago ko nalang sa kanila ang anak ko, kailangan na hindi nila ako mahuli Manang.” Sagot niya rito. “Kung gusto mo, pwede ka manatili sa amin, hangga’t sa manganak ka.” Nag-angat siya ng kanyang mukha at tumingin dito. “Malayo ba sa inyo Manang?” Tanong niya habang tumango ito. “Mas mabuti po na ‘wag na muna ninyo ‘yang isipin. Maari kasi na maka-apekto sa anak niyo, ang pag-iyak ninyo Ma’am Ellie.” Wika nito, kaya agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha.SA paglipas ng ilang buwan, ay unti-unti na lumaki ang kanyang t’yan. Panay rin ang ginawa niyang pag-iwas sa pamilya niya. “Manang, sino po ang nasa labas kanin-.” Natigilan si Elli
CHAPTER 13 3RD POV “At bakit hindi? Nakita mo ang ginawang pambabastos ng taong ‘yan sa akin kanina. Isa pa, ano bang pakialam mo? Kung tatanggalin ko siya?” Galit na wika ni Ellie, kay Jameson. “Ellie.” Saway ng kanyang ama. “Tama na ‘yan Ellie.” Wika ni Clyde, habang hinawakan siya, at pinapasok sa loob. “Masyado ka namang high blood. Alam mo ba ang dahilan, kung bakit ka hindi pina-papasok?” Wika ng kakambal niyang si Elijah. “Kung tungkol na naman ito sa damit ko, wala akong pakialam. Isa pa, hindi ba nila alam kung magkano ‘to?” Inis na wika ni Ellie, habang umupo. Pasimple niya na tiningnan si Jameson, sa labas. Habang kausap pa rin nito ang kanyang mga magulang. MATAPOS silang kumain, ay hinatid na siya ng driver nila. Gusto sana ng kanyang ina na sa bahay na siya, matulog pero hindi pumayag si Ellie. Lahat ng dahilan ay ginawa niya, para lang hindi siya maka-uwi sa kanila. NANG makapasok siya, sa kanyang silid, ay hindi niya napigilan na mapa-iyak. Lalo na nang maalala
CHAPTER 14 3RD POV “Manang!!” Malakas na sigaw ni Ellie, habang napahawak siya sa kanyang t’yan. Kanina pa niya naramdaman ang pagsakit ng t’yan niya, pero binalewala lang niya ito. Ngayon ay mas lalo pa itong sumakit, kaya tinawag niya si Arlene. “Ma’am Ellie, bakit po?” Tanong nito, matapos itong makapalapit sa kanya. “Sobrang sakit na po ng t’yan ko Manang..” Iyak na wika niya, kaya natataranta na tinawag ni Arlene, ang kanilang driver. “Cesar! Halika rito! Bilisan mo! Mukhang manganganak na si Ma’am Ellie!” Malakas na sigaw ni Arlene, kaya dali-dali na pumasok ang driver nila. “Tawagin mo ‘yong guard. Magpa-tulong ka sa kanya na buhatin si Ma’am Ellie. Kailangan na dalhin na natin siya sa hospital.” Wika niya rito, habang inalalayan si Ellie, na maglakad. “Manang, hindi ko maihakbang ang mga paa ko, sobrang sakit na ng t’yan ko.” Iyak na wika ni Ellie, habang mahigpit na hinawakan ang braso ni Arlene. “T-tiisin mo muna ang sakit Ma’am Ellie, papunta na po tayo sa hospital.
CHAPTER 153RD POV Lumipas ang tatlong taon, na hindi pa rin naka-dalaw si Ellie, sa mga anak niya, kahit mga picture nila ay wala siya, dahil sa takot niya na mahuli ng mga magulang niya. Lalo na at pakiramdam ni Ellie, ay todo bantay sa kanya ang kanyang amang si Evo. Pero patuloy pa rin siya na nagpapadala sa kanila ng pera. “Ellie.” Nag-angat siya ng kanyang mukha at napatingin sa kanyang ama. “Bakit po Daddy?” Tanong niya, habang papalapit ito sa kanya. “Sino itong Arlene Bautista?” Bigla siyang nakaramdam ng kaba, dahil sa tanong ng kanyang ama. “B-bakit po Dad?” Utal na sagot niya rito.“Anong meron sa babaeng ‘to? Bakit palagi kang naglalagay ng pera sa bank account niya?” Mas lumakas pa ang kaba na kanyang nararamdaman, dahil sa tanong nito. “Siya po ‘yong dati kung katulong Dad, na-alala niyo po ba? May nabili po kasi akong bahay, at siya ang pinagkakatiwalaan ko roon.” Sagot niya, habang pilit na tinatago ang kaba, na kanyang nararamdaman. “Bahay? Bakit ngayon mo lan
CHAPTER 163RD POV Habang nasa tapat ng bahay niya, ay hindi mapigilan ni Ellie, na makaramdam ng kaba. Hindi niya alam, kung ano ang sasabihin niya sa mga anak niya. hindi rin niya alam. “Ma’am Ellie..” Ngiting wika ni Arlene, habang lumapit ito sa kanya. “Mabuti po at naka-uwi na kayo rito.” Masayang wika nito sa kanya. “N-nasa’n sila?” Tanong niya rito. “Nasa loob po Ma’am Ellie.” Sagot nito, habang kinuha ang ibang dala niya. “Mga Anak, lumapit kayo sa akin.” Napalingon siya kay Arlene, dahil sa sinabi nito. “Mama, sino po siya?” Napatingin siya sa isang bata, na nagtago sa likod nito. “A-ang mukha niya..” Utal na wika niya, habang nakatitig rito. “Nasa’n ba si John-John?” Tanong nito sa pinsan niya. “Kasama ni Angel, sa taas.” Sagot nito. “Tawagin mo nga, sabihin mo na nandito ang tita Ellie, nila.” Muli siyang napatingin kay Arlene, dahil sa sinabi nito. Hindi niya, maiwasan na masaktan, dahil sa kanyang narinig. “Jun-Jun, lapitan mo na ang tita Ellie mo, akala ko ba
CHAPTER 303RD POV “P-paanong naaksidente?” Utal na wika niya habang kibit balikat lang ang sagot ng kanyang kapatid. Mabilis niya naman itong tinalikuran at tinawagan si Hazel. “Ma'am Daisy, bakit po?” Tanong nito, matapos masagot ang kanyang tawag. “Alamin mo, kung saang bansa pumunta ang mga Woo.” Utos niya rito. “Masusunod po Ma'am Daisy.” Sagot nito, kaya agad niyang pinutol ang tawag. “Kailangan kung humingi ng tawad sa kanya… S-sana lang hindi pa huli ang lahat…” Hindi niya napigilan na makonsensya dahil sa nalaman niya. Ngayon niya lang na-realize ang kasalanan na nagawa niya, sa taong nagligtas sa buhay ng kanyang ina. “Sa'n ka pupunta?” Taka na tanong niya sa kakambal niya. Nang makita itong sumunod sa kanya, pero para itong walang naririnig. “Dahlia!” Sigaw niya rito. “Daisy, gusto kung puntahan si Fico.” Iyak na wika nito, kaya niyakap niya ito. “‘Wag kang mag-alala, ibabalik ko siya sa ‘yo.” Wika niya, kaya gulat itong napatingin sa kanya. “A-anong ibig mong sa
CHAPTER 29 3RD POV “Hoy! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Mahiya ka naman.” Inis na wika niya, habang ngumiti sa pari. “Pasensya na po kayo Father.” Hinging tawad niya at hinawakan ang braso ni June. “Halika na.” Madiin na wika niya, habang hinila ito. “Bakit tayo aalis? Magpapakasal pa nga tayo.” Wika nitong muli, habang patuloy niya itong hinila. “Bal*w ka talaga!” Galit na wika niya, habang nasa labas na sila ng simbahan. “Bal*w ba ang taong pakasalan ka?” Nailing siya habang tinitigan ito. “Pakasalan? Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ako magpapakasa-.” Hindi niya na-ituloy ang sasabihin niya nang bigla na naman siya nitong buhatin. “Hindi ka magpakasal sa akin? Pwe's ibalik kita sa loob para pkasalan mo ako.” Napasigaw si Daisy, dahil sa narinig niya mula rito. “‘Wag! M-mahiya ka naman. Ginugulo mo sila sa loob.” Wika niya rito. “Ginugulo? Bakit mo nasabi ‘yan? Ang gusto ko lang naman ay pakasalan ka.” “Manahimik ka.” Madiin na wika niya. “Ayaw mo akong pakasalan ‘di ba? Kaya
CHAPTER 28 3RD POV “Ikakasal? Bakit kami ikakasal?” Gulat na wika ni Dahlia, sa mga magulang niya. “Noon paman ay pinag-planohan na ng pamilya natin ang kasal niyo Anak.” Muling wika ng kanyang ina. “Pero bakit? Hindi ba alam niyo na magka-ibigan lang kam-.” “Tama na Dahlia, sumunod ka nalang sa gusto ng mga magulang natin.” Wika sa kanya ng kanyang kuya River. “Isa pa, alam namin na may gusto ka kay Dan.” Wika ng kanyang kuya Ryker, kaya napatingin siya rito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Kuya?” Inis na wika niya, habang hindi makatingin kay Dan Fico. “Hija, mga bata pa lang kayo, ay napag-kasunduan na ng pamilya namin at mga magulang mo ang kasal ninyo. Pati na rin ikaw Hija.” Wika nito, habang gulat na napatingin si Daisy, sa ginang. “A-anong ako?” Utal na wika niya, habang kunot-noo na tumingin dito. “Alam mo bang nagkatampuhan kami noon ng iyong ina, noong nalaman namin na ikakasal kana. Mabuti nalang at hindi ‘yon, natuloy.” Ngiting wika nito, kaya napatingin siya sa ka
CHAPTER 273RD POV “‘Wag kang magpahalata Dahlia.” Wika ni Daisy, habang hinigpitan ang paghawak sa kamay ng kapatid niya. Nang dumaan sila sa harapan ni Dan, ay mas lalo pang lumakas ang kaba na nararamdaman niya. Habang nasa loob na sila ng elevator ay muli niyang inisip ang itsura nito kanina. Hindi niya alam kung si Dan Fico ba ito o si Dan June. “Dais-.” Mabilis na tinakpan ni Hazel ang bibig ni Dahlia, kaya hindi nito natuloy ang sasabihin niya. Nang tumingin sa kanya si Dahlia, ay agad siyang umiling. Nang makalabas sila sa elevator ay napakunot ang kanyang noo, nang makitang ibang floor ang pinuntahan nila. Magtatanong sana siya rito, pero natigilan siya nang may nakasalubong silang dalawang lalaki.Napahawak si Dahlia, sa kanyang dibdib matapos silang makapasok sa isang silid. “Kaninong silid ‘to? Bakit tayo nandito?” Tanong niya kay Hazel. “Maupo po muna kayo Ma'am Daisy, isa rin po ito sa pag-aari ko.” Sagot nito habang giniya siya sa sofa. “Bakit ang dami mong pa
CHAPTER 26 3RD POV “Mukhang hindi kana kilala ng bestfriend mo.” Iling na wika ni Dan, habang napatingin sa lalaking pumasok.“F-Fico.. A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo? A-at sino siya?” Galit na sigaw niya rito. “Ako ‘to Dahlia.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Mahal ko, alam mo bang ayaw na ayaw kung makita kang may kasamang ibang lalaki. Alam mo naman na minsan na kitang pinagbigyan. Pero ‘yon na ang huli.” Namilog ang mga mata ni Daisy, habang nakatingin dito. “I-ibig sabihin… Hindi ka si Dan?” Utal na wika niya, habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki na magkamukha. “Mali ka, ako pa rin si Dan.” Ngiting sagot nito. “Siya ang kapatid ko Dahlia. Si Dan June.” Wika ng kamukha nito. “Ayaw ko pa sana na magpakilala pa, pero hindi ko na kaya. Baka ikamamatay ko pa kung tagalan ko pang puntahan ka rito sa lalaking ‘yan!” Galit na wika nito. Habang tinuro si Hazel. “B-bakit? Bakit niyo ‘to ginawa Fico?” Iyak na wika ni Dahlia. “Patawarin mo ako Dahlia, pero sady
CHAPTER 253RD POV Habang nasa loob na sila sa kotse, ay agad na suminyas sa kanya si Hazel, at agad na nilambingan ang boses niya habang kausap niya ito. Nang makarating sila sa condo ni Hazel, ay roon lang nakahinga si Daisy nang maluwag. “Bakit hindi mo kinuha ang camera na nilagay niya sa kotse?” Tanong niya rito. “Kapag ginawa ko ‘yon Ma’am. Maghi-hinala po siya.” Sagot nito, kaya napatitig siya rito. “At malalaman niya na alam natin ang ginagawa niya.” Muling wika sa kanya ni Hazel. “Tama ka, pero sigurado kaba na safe talaga rito?” Tanong niya habang umupo. “Opo Ma’am Daisy, marami po akong nilagay sa condo ko, para walang ibang makakapasok dito basta-basta.” Sagot nito habang napatango siya. Bigla niya naman naisip ang sinabi nito sa kanya kanina. ‘Hindi alam kung hindi siya si Dan, dahil napatunayan ko na ‘yon.’Napatingin siya kay Hazel, nang marinig niya ito. “Ano po ang sinasabi ng lalaking ‘yon, kanina Ma’am Daisy?” Tanong nito sa kanya. “Pinapagulo niya lang an
CHAPTER 24 3RD POV “Ano ‘yong ingay sa taas?’ Tanong ng kanyang ina, sa katulong nila nang makita itong bumaba. “May pusa po na nakapasok Ma’am Daina.” Sagot nito, habang napakunot ang noo ng kanyang ina. “Pusa? Paano nagkakaroon ng pusa sa taas?” Taka na tanong nito, habang naalala niya na mahilig sa pusa si June. Nakikita niya ito na laging nagpapakain ng mga pusa roon sa bahay na pinag-dalhan nito sa kanya. “Hayaan niyo na Mommy. Itapon mo nalang ang pusa.” Wika niya sa katulong habang hinawakan ang kamay ni Hazel. “Mahal ko, pwede mo ba akong samahan sa taas?” Wika niya, habang tumango ito. Nang makarinig sila ng malakas na nabasag sa loob ng kanyang silid ay agad siyang napatingin kay Hazel. “Kami nalang ang titingin sa taas Mom.” Wika niya, habang inalalayan siya ni Hazel, na maglakad. “Ito pala ang kwarto ko Mahal ko.” Ngiting wika niya, habang kumindat dito. Mabuti nalang at naisipan niyang pasuotin si Hazel, nang isang damit, na nag-mukhang malaki ang katawan niya.
CHAPTER 23 3RD POV “Mukhang malaki talaga ang problema mo, dahil lumapit ka talaga sa akin.” Ngiting wika ng kanyang lola Aira, habang giniya siya sa upuan. “Alam kung nakakahiya, pero Lola, hindi ko na kaya na ilihim sa ‘yo ang problema ko. Lalo na at napagkamalan na nila akong bal*w. Pero maniwala kayo, totoo ang sinasabi ko.” Wika niya rito. “Alam ko, Apo. ‘Wag kang mag-alala tutulungan kita.” “Gusto kung malaman ang tunay na pagkatao ni Dan, Lola. Alam ko na siya ang sagot sa lahat ng tanong ko.”“Dan?” Wika nito. “Dan Fico. Lola.” Wika niya, habang napangiti si Aira. “Sila pala ang nagpa-pasakit sa ulo mo.” Wika nito, habang napakunot ang kanyang noo, na tumingin dito. “Kilala niyo po ba siya?” Tanong niya, habang tumango ito. “Kilalang-kilala ko silang magkapatid.” Gulat siyang napatingin dito, dahil sa kanyang narinig. “Magkapatid?” Wika niya rito. “Oo Apo.” ‘I-ibig bang sabihin, kapatid niya ang matandang ‘yon?’ “Ako na ang bahala Apo, ‘wag kang mag-alala. Dadalhi
CHAPTER 223RD POV “Hindi ko alam, kung bakit mo gina-gawa ‘to.” Wika nito, habang tumayo at nilapitan siya. “A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Utal na wika niya. “Ako pa rin ba ang pinaghihinalaan mo?” Tanong nito sa kanya, habang napakunot ang noo niya. “Paano mo nalaman?” Sinabi ko sa ‘yo, mas matalino ako.” Wika nito, kaya gulat siyang napatingin dito. “I-ikaw nga.. Ikaw nga si June!” Malakas na sigaw niya, habang tumayo. Napatingin siya sa paligid at hinhanap ang mga tauhan niya. “Mali ka, hindi ako.” Ngising wika nito. “Akala ko ba, matalino ka?” Muling wika nito habang nailing. “Kuya! Akala ko ba, matalino itong princesa mo?” Lalong napakunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya rito. “K-kuya?” “Kumusta kana Mahal ko?” Namilog ang kanyang mga mata, matapos makita ang isang lalaki na pumasok. “I-ikaw..” Utal na wika niya, habang napatingin sa matanda. “Bakit mo siya kasama?!” Galit na sigaw niya kay Dan. “Dan! Sumagot ka!!” Galit na sigaw niya rito. “Ako ang pinagh