1653RD POV “Anong kailangan mo?” Tanong niya sa kanyang kakambal, habang lumapit ito sa kanya. Ang akala niya ay ang ina na niyang si Aira ang pumunta sa kanya. “Bawal kabang dalawin?” Ngising wika ni Evo, habang umupo ito sa tapat niya. Nailing naman sa kanya si Aaron, habang muli itong nag-focus sa kanyang monitor. “Bro.” Sambit ni Evo, kaya nag-angat siya ng mukha niya. “Ano?” “Pwede bang iwan ko na naman ang mga bata sa ‘yo?” “Manahimik ka nga! Alam mo na busy ako!” Singhal niya rito. “Biro lang, ayaw na nga nila sa ‘yo.” Natigilan si Aaron, dahil sa sinabi ni Evo. “Anong pinagsasabi mo?” “Kasi, sinaktan mo raw si Hanma. Bakit mo ba kasi ginawa ‘yon?” “Kasi tanga siya!” “Kahit na, sana hindi mo ‘yon ginawa sa harap nila.” “Pinagsisihan ko na ‘yon. Alam mo naman na hindi ako makapag-pigil, kapag galit ako.” Wika ni Aaron, habang napahinga ng malalim si Evo. “Kumusta na siya?” Tanong nito sa kanya, kaya napakunot ang kanyang noo. “Sino?” “Si Hanma.” “Ayos lang siya.
1663RD POV Gulat na napatingin si Aaron kay Hanma, habang nakatayo ito malapit sa switch ng ilaw. “Anong ginagawa mo r'yan?” Tanong niya rito habang nakatitig lang ito sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” Iyak na tanong nito, kaya napalingon siya rito. Hindi niya kasi napansin na umiiyak ito. “Ano bang pakialam mo?” Balewala na wika niya, habang tinungo ang kusina. “Wala kaba talagang pakialam sa nararamdaman ko Aaron?” Mahina na tanong nito sa kanya. Nilingon siya ni Aaron, habang natatawa ito. “Sa tingin mo may pakialam ako sa ‘yo? Alam mo naman na simula pa lang wala na akong pakialam sa ‘yo, lalo na sa nararamdaman mo.” “Sa ating dalawa. Ikaw pala ang sinungaling Aaron.” Nawala ang ngiti sa labi ni Aaron, dahil sa sinabi sa kanya ni Hanma. “Noong tatalon ako… Sinabi mong ituturing mo na akong asawa, ‘wag lang akong tumalon.” Muling napangiti si Aaron, dahil sa sinabi ni Hanma. “Naniwala ka naman? Alam mo bang ginawa ko lang ‘yon, dahil kay Daddy?” “Walang hiya ka!!” Iyak n
1673RD POV “Nasundan niyo ba sila?” Wika ni Aaron, habang kausap sa kabilang linya ang kanyang tauhan. Inutusan niya ito na sundan ang kapatid niya at si Hanma. Wala siyang tiwala kay Hanma, at pakiramdam niya ay may pina-plano ito sa kanyang kapatid. “Opo Sir, nandito po sila sa mall.” Sagot nito sa kanya. “Sundan niyo lang sila, at ‘wag niyong hayaan na mawala sila sa paningin niyo. Lalo na si Dell.” Wika niya at pinutol ang tawag. Nang makarinig ng katok sa pinto si Aaron, ay nag-angat siya ng kanyang mukha at tumingin sa pinto. “Busy kaba Kuya?” Tanong sa kanya ni Reymart. “Bakit?” Tanong niya, habang naglalakad ito papalapit sa kanya. “Gusto sana kitang yayain.” Napakunot ang noo niya, dahil sa sinabi nito. “Saan?” “Sa bar.” “Bar?” Ulit na tanong nito habang tumango si Reymart sa kanya. “Anong problema mo?” Napa-halakhak naman ito, dahil sa tanong niya rito.“Kuya naman,” “Kilala kita, hindi ka pupunta ro’n kung wala kang problema.” Napangiti ito habang tumango sa ka
1683RD POV Mabilis na tumayo si Aaron, nang makarinig ito ng malakas na kalabog. Agad siyang lumabas at tiningnan ang sala. “Hanma…” Sambit niya, habang binuksan ang switch ng ilaw. “Anong ginagawa mo r'yan?” Taka niyang tanong habang nahihirapan na tumayo si Hanma. Pawis na pawis ito at madumi ang kanyang damit. “A-Aaron..” Sambit nito habang may ngiti sa kanyang labi. “Damn! Lasing ka pa rin ba?” Inis na wika niya habang nilapitan ito. “Sh!t! Ang baho mo naman! Maligo ka nga!” Inis na sigaw niya rito at tatalikuran na sana siya. “Bakit mo ako Iniwan…” Mahinang wika nito, kaya napahinto siya. “H-hindi mo ako dapat iniwan do’n.. Alam mo bang kahit piso ay wala akong dala…” Iyak na wika nito, kaya muli niya itong hinarap. “Nakarating ka roon, kaya dapat lang na marunong kang umuwi.” Walang emosyon na wika ni Aaron sa kanya. “B-bakit niyo ba ako pinapahirapan Aaron? Ano bang nagawa ko sa inyo?” Hikbing wika niya, kaya napakunot ang noo ni Aaron, habang hinarap siya. “Ang gal
1693RD POV Gabi na ng umuwi si Aaron sa condo. May nakahanda na rin na pagkain, kaya napatingin siya sa kwarto ni Hanma. Hinahanap niya rin ang katulong na pinapunta niya, dahil hindi niya ito mahanap. “Nandito kana pala… Naghanda na ako ng pagkain.” Wika ni Hanma. Napakunot naman ang noo niya, habang napatitig sa kanya. “Ikaw ang nagluto?” Tanong niya, habang tumango ito sa kanya. “Maayos na kasi ‘yong pakiramdam ko Sir, kaya pina-uwi ko nalang si Manang Beth.” Sagot nito habang nilagyan siya ng plato. “Mabuti nalang pala at nalasing ka, dahil bumalik ka sa katinuan mo.” Wika ni Aaron sa kanya, habang nagyuko si Hanma sa kanyang ulo. “Kumain kana ba?” Tanong niya rito at napakunot ang noo niya, ng umiling ito. “Bakit hindi ka pa kumain? Alam mo naman sana na kagagaling mo lang sa sakit? Gusto mo bang magkasakit ka ulit?” Asik ni Aaron, kaya umiling siya. “Sabayan mo na ako.” Muling wika ni Aaron sa kanya, kaya nag-angat ng mukha si Hanma. “Ano pang hinihintay mo? Gusto mon
170 3RD POV “Bakit mo ako iniiwasan?” Kunot-noo na tanong ni Dylan, sa anak niyang si Aaron. “Hindi kita iniiwasan Dad, busy lang ako sa trabaho.” “Trabaho? Nagpapatawa kaba Aaron?” Galit na wika ni Dylan sa kanya. “Sabihin mo nga sa akin, kung nagtatampo ka pa rin ba sa akin?” “Dad…” Sambit ni Aaron, sa kanya. “Ilang beses ba kitang pa-intindihin Aaron?” Muling wika ni Dylan, habang hindi ito sumagot. “Ang akala ko pa naman noon, matalino ka? Pero hindi mo ginagamit ang utak mo?” Napakuyom ang kamao ni Aaron, dahil sa kanyang narinig mula sa kanyang ama. “Sinabi kona sa ‘yo na kami na ang bahala. Pero hindi ka naniniwala sa amin, ng mommy mo! Wala kana ba talagang tiwala sa amin Aaron? Sa tingin mo ba kaya ka namin ipahamak? Sa tingin mo ba natutuwa kami sa sitwasyon mo ngayon?” Napakunot naman ang noo ni Evo, dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng kanyang ama. Ayaw niya rin na magtanong dito, dahil alam niya na mainit ang ulo nito. “Bakit ba kasi ayaw niyo na mag
171 3RD POV Nang magising si Aaron, ay pumunta agad ito sa kusina. Medyo late na siyang nagising kaya, inis siyang napatingin sa lamesa. “Hanma! Nasa'n kaba? Bakit walang pagkain dito?!” Malakas na sigaw niya habang kinuha ang kanyang phone. “Hanma! Bingi kaba? ‘Yong kape ko nasa'n n-.” Natigilan si Aaron, at napatingin sa sala. Ngayon niya lang naalala na wala na si Hanma, at pinalayas na niya. Napahinga siya ng malalim, habang tumayo. Nawalan na rin siya ng gana na magkape at kumain, kaya naisipan nalang nito ang lumabas, at pumunta nalang sa kanyang opisina. Hindi napansin ni Aaron, ang oras dahil sobrang busy siya sa pag-review ng mga proposal at ibang documents na kailangan niyang pag-aralan. Nang tumunog ang kanyang t'yan ay napatingin siya mesa. Kung saan laging naroon ang mga pagkain na dinadala ni Hanma, sa kanya. ‘Sh!t! Bakit ko ba hinahanap ang pangit na ‘yon?’ Inis na wika niya habang tumayo. Hindi kasi siya kumain kanina, kaya nakaramdam na siya ng gutom. Naisipa
172 3RD POV “Hi!” Napatingin si Aaron, kay Hailey. Habang nasa gilid ito ng pinto sa kanyang condo. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya habang napatingin sa paligid. Masyado kasing tahimik, kaya napakunot ang kanyang noo. “Kanina pa pala kita hinintay.” Wika ni Hailey sa kanya, kaya muli niyang binalik ang kanyang phone sa kanyang bulsa. “Bakit? Anong kailangan mo sa akin? At paano mo nalaman ang condo unit ko?” Tanong niya habang binuksan ang pinto. “Sinabi sa akin ni Hanma.” Sagot nito, kaya natigilan siya. “Alam mo?” Tanong niya rito habang nilingon niya ito at tumango. “Anong kailangan mo sa akin?” Muling tanong niya. “Pwede bang tumuloy muna tayo?” Wika nito. “Tuloy ka.” Wika ni Aaron, kaya pumasok ito at umupo sa sofa. “Bakit sinabi ni Hanma, sa ‘yo kung nasa'n ako? At bakit mo tinatanong sa kanya?” Tanong ni Aaron, habang umupo ito sa kanyang tapat. “Gusto ko lang kasi magpasalamat sa ‘yo.” Napakunot ang noo ni Aaron, dahil sa sinabi ni Hailey. “Pasalamat? Saan?”
CHAPTER 34 3RD POV Dali-dali na tumayo si Daisy, at hindi na ito nag-abala pa na kumuha ng kumot para matakpan ang hubad na katawan niya. Nang makita niya si June, na bigla nalang natumba. “Ayos ka lang ba?” Tanong niya, habang napapikit nang maramdaman ang kirot sa kanyang p********e. “A-ayos lang ako.” Utal na sagot nito, habang inalalayan niya itong maka-akyat sa kama. “Ang bigat mo naman.” Wika niya, habang pawis na pawis. Nang maka-upo si June, sa kama ay kinuha niya ang kanyang mga damit at sinuot ito. Matapos siyang makapag-bihis ay si June, naman ang binihisan niya. Napansin niyang hindi ito kumibo, kaya hinayaan niya nalang. Pumunta siya sa sofa, dahil gusto niyang humiga. Pakiramdam niya ay nasa loob pa rin niya ang alaga nito at nakabaon. “Bakit hindi mo sinabi?” Tanong nito, kaya napatingin siya rito. “Ang alin?” Kunot-noo na sagot niya. “Na virg*n ka pa?” Napangiti siya habang humiga sa sofa. “Bakit? Kung sinabi ko ba, maniniwala ka?” Wika niya, habang natahim
CHAPTER 33 WARNING MATURED CONTEXT!!! SPG!!!3RD POV “Ano pang ginagawa mo r'yan?” Napatingin siya kay June, dahil sa kanyang narinig. “Titingnan mo nalang ba ako?” Muling wika nito. “Hoy! June! Manahimik ka nga! Baka nakakalimutan mong nasa hospital tayo?” “Hindi ko nakalimutan ‘yan. Ang gusto ko gumawa na tayo ng anak natin, dahil honeymoon naman natin ngayon.” Namilog ang kanyang mga mata, dahil sa sinabi nito.‘Tama nga ang hinala ko, manyak pa rin ang lalaking ‘to.’ Napakuyom siya sa kanyang kamao, habang pilit na ngumiti rito. “Hindi mo ba nakikita na maliwanag pa?” Wika niya, kaya napatingin ito sa bintana. “Ano naman kung maliwanag pa?” Napapikit siya sa kanyang mga mata, habang pilit na kinalma ang sarili. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit kinakabahan siya. Hindi naman sana ganito ang nararamdaman niya noon. Noong kumalong siya kay Johnson, ina-akit ito. “Halika kana. Tabihan mo na ako.” Muling wika nito. Ayaw niya sana itong susundin, pero akmang kukunin nito
CHAPTER 32 3RD POV “A-ahh… W-wala po Mommy, Daddy… B-bakit po pala kayo nandito?” Tanong niya sa kanila. “Gusto namin na dalawin si Dan, at magpasalamat sa kanya.” “Sinabi ko na sa inyo na ayos lang ‘yon.” Wika ni June, kaya masama niya itong tiningnan. “Mom, Dad, ayos lang po siya. ‘Wag na po kayong mag-alala.” “June Hijo, ‘wag kang mag-alala. Kukuha kami ng mga magagaling na doctor, sa iba’t-ibang bansa, para gumaling ka.” Wika ng kanyang ina. “Sa tingin niyo ba, gagaling pa ako?” Wika nito habang nakikita niya ang mga luha sa mga mata nito. “‘Wag ka nang umiyak. Kahit hindi ka makakalakad, hindi naman kita iiwan. Handa akong magiging mga paa mo.” Wika niya rito, kaya nag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya. “A-Anak, s-sigurado kaba sa desisyon mong ‘yan?” Tanong ng kanyang ina. Habang bakas sa mukha nito ang pag-alala. “Opo Mom, kaya handa na po akong pakasalan siya.” Sagot niya rito. “Kung ganun, mas mabuti siguro na maikasal na kayo, habang nandito pa kami. Ayos la
CHAPTER 31 3RD POV “Nagpapatawa kaba?” Wika nito habang nanatiling nakakunot ang noo. “Alam mong hindi ako magaling magpatawa.” Sagot niya rito, habang nilapitan ito.“Bakit bigla kang bumait? Hindi ba diring-diri ka sa akin?” Muling wika nito, kaya hindi niya napigilan na makaramdam ng hiya. “Sa nagawa ko patawad.” Hinging tawad niya rito. “Kung pakakasalan mo lang ako, dahil sa awa na nararamdaman mo ay makakaalis kana.” Muling wika nito. “Ito ang tandaan mo Daisy, hindi mo kasalanan ang nangyari sa akin.” Wika nito at itinaas ang kumot. Dali-dali naman siyang lumapit dito, para tulungan ito. “Hindi kaba nakakaintindi? Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ko kailangan ang tulong mo, kaya makakaalis kana!” Sigaw nito, pero hindi niya ito pinansin. “Pwede ba, manahimik ka nalang, dahil kahit anong pagtataboy pa ang gagawin mo sa akin, ay hindi ako aalis dito!” Sigaw Niya at inis na hinablot dito ang kumot. “Gusto mo bang mabinat ako?” Galit na wika nito sa kanya. “Kung mangyari man
CHAPTER 303RD POV “P-paanong naaksidente?” Utal na wika niya habang kibit balikat lang ang sagot ng kanyang kapatid. Mabilis niya naman itong tinalikuran at tinawagan si Hazel. “Ma'am Daisy, bakit po?” Tanong nito, matapos masagot ang kanyang tawag. “Alamin mo, kung saang bansa pumunta ang mga Woo.” Utos niya rito. “Masusunod po Ma'am Daisy.” Sagot nito, kaya agad niyang pinutol ang tawag. “Kailangan kung humingi ng tawad sa kanya… S-sana lang hindi pa huli ang lahat…” Hindi niya napigilan na makonsensya dahil sa nalaman niya. Ngayon niya lang na-realize ang kasalanan na nagawa niya, sa taong nagligtas sa buhay ng kanyang ina. “Sa'n ka pupunta?” Taka na tanong niya sa kakambal niya. Nang makita itong sumunod sa kanya, pero para itong walang naririnig. “Dahlia!” Sigaw niya rito. “Daisy, gusto kung puntahan si Fico.” Iyak na wika nito, kaya niyakap niya ito. “‘Wag kang mag-alala, ibabalik ko siya sa ‘yo.” Wika niya, kaya gulat itong napatingin sa kanya. “A-anong ibig mong sa
CHAPTER 29 3RD POV “Hoy! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo? Mahiya ka naman.” Inis na wika niya, habang ngumiti sa pari. “Pasensya na po kayo Father.” Hinging tawad niya at hinawakan ang braso ni June. “Halika na.” Madiin na wika niya, habang hinila ito. “Bakit tayo aalis? Magpapakasal pa nga tayo.” Wika nitong muli, habang patuloy niya itong hinila. “Bal*w ka talaga!” Galit na wika niya, habang nasa labas na sila ng simbahan. “Bal*w ba ang taong pakasalan ka?” Nailing siya habang tinitigan ito. “Pakasalan? Sinabi ko na sa ‘yo na hindi ako magpapakasa-.” Hindi niya na-ituloy ang sasabihin niya nang bigla na naman siya nitong buhatin. “Hindi ka magpakasal sa akin? Pwe's ibalik kita sa loob para pkasalan mo ako.” Napasigaw si Daisy, dahil sa narinig niya mula rito. “‘Wag! M-mahiya ka naman. Ginugulo mo sila sa loob.” Wika niya rito. “Ginugulo? Bakit mo nasabi ‘yan? Ang gusto ko lang naman ay pakasalan ka.” “Manahimik ka.” Madiin na wika niya. “Ayaw mo akong pakasalan ‘di ba? Kaya
CHAPTER 28 3RD POV “Ikakasal? Bakit kami ikakasal?” Gulat na wika ni Dahlia, sa mga magulang niya. “Noon paman ay pinag-planohan na ng pamilya natin ang kasal niyo Anak.” Muling wika ng kanyang ina. “Pero bakit? Hindi ba alam niyo na magka-ibigan lang kam-.” “Tama na Dahlia, sumunod ka nalang sa gusto ng mga magulang natin.” Wika sa kanya ng kanyang kuya River. “Isa pa, alam namin na may gusto ka kay Dan.” Wika ng kanyang kuya Ryker, kaya napatingin siya rito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Kuya?” Inis na wika niya, habang hindi makatingin kay Dan Fico. “Hija, mga bata pa lang kayo, ay napag-kasunduan na ng pamilya namin at mga magulang mo ang kasal ninyo. Pati na rin ikaw Hija.” Wika nito, habang gulat na napatingin si Daisy, sa ginang. “A-anong ako?” Utal na wika niya, habang kunot-noo na tumingin dito. “Alam mo bang nagkatampuhan kami noon ng iyong ina, noong nalaman namin na ikakasal kana. Mabuti nalang at hindi ‘yon, natuloy.” Ngiting wika nito, kaya napatingin siya sa ka
CHAPTER 273RD POV “‘Wag kang magpahalata Dahlia.” Wika ni Daisy, habang hinigpitan ang paghawak sa kamay ng kapatid niya. Nang dumaan sila sa harapan ni Dan, ay mas lalo pang lumakas ang kaba na nararamdaman niya. Habang nasa loob na sila ng elevator ay muli niyang inisip ang itsura nito kanina. Hindi niya alam kung si Dan Fico ba ito o si Dan June. “Dais-.” Mabilis na tinakpan ni Hazel ang bibig ni Dahlia, kaya hindi nito natuloy ang sasabihin niya. Nang tumingin sa kanya si Dahlia, ay agad siyang umiling. Nang makalabas sila sa elevator ay napakunot ang kanyang noo, nang makitang ibang floor ang pinuntahan nila. Magtatanong sana siya rito, pero natigilan siya nang may nakasalubong silang dalawang lalaki.Napahawak si Dahlia, sa kanyang dibdib matapos silang makapasok sa isang silid. “Kaninong silid ‘to? Bakit tayo nandito?” Tanong niya kay Hazel. “Maupo po muna kayo Ma'am Daisy, isa rin po ito sa pag-aari ko.” Sagot nito habang giniya siya sa sofa. “Bakit ang dami mong pa
CHAPTER 26 3RD POV “Mukhang hindi kana kilala ng bestfriend mo.” Iling na wika ni Dan, habang napatingin sa lalaking pumasok.“F-Fico.. A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo? A-at sino siya?” Galit na sigaw niya rito. “Ako ‘to Dahlia.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Mahal ko, alam mo bang ayaw na ayaw kung makita kang may kasamang ibang lalaki. Alam mo naman na minsan na kitang pinagbigyan. Pero ‘yon na ang huli.” Namilog ang mga mata ni Daisy, habang nakatingin dito. “I-ibig sabihin… Hindi ka si Dan?” Utal na wika niya, habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki na magkamukha. “Mali ka, ako pa rin si Dan.” Ngiting sagot nito. “Siya ang kapatid ko Dahlia. Si Dan June.” Wika ng kamukha nito. “Ayaw ko pa sana na magpakilala pa, pero hindi ko na kaya. Baka ikamamatay ko pa kung tagalan ko pang puntahan ka rito sa lalaking ‘yan!” Galit na wika nito. Habang tinuro si Hazel. “B-bakit? Bakit niyo ‘to ginawa Fico?” Iyak na wika ni Dahlia. “Patawarin mo ako Dahlia, pero sady