348 3RD POV “Manloloko ka Mommy!” Galit na sigaw ni Noah, habang mahigpit na hinawakan ang braso nito. Hindi rin niya pinapansin ang mga tauhan ni Alicia, na sumu-suntok sa katawan niya. “Tama na Noah!!” Malakas na sigaw ni Dell, kaya bigla siyang natigilan. “Papa!” Narinig niyang iyak ni Marie. Mabilis naman na naagaw ni Beth si Marie, sa tauhan ni Alicia. Nang matalo ng mga tauhan ni Dell, ang mga tauhan ni Alicia, ay roon pa binitawan ni Noah, ang braso nito. “Alam mong kahit kailan ay hindi kita mamahalin Noah.” Wika nito, kaya galit niya itong tiningnan. “Paano ko mamahalin, ang anak ng mortal kung kaaway noon?” Ngiting wika nito, kaya napakuyom ang kanyang kamao. “Alam mo bang tulad mo rin ang iyong ina. Isang tanga!” Sigaw niya kay Noah. “Mga bata pa lang kami, ay naiinggit na ako sa kanya, dahil lahat sila, ay siya ang gusto! Kahit pa ang mga magulang namin.” “Pero hindi ko sila kayang sumbatan, dahil sino ba ako, para manumbat. Isa lang akong hamak na ampon.” Iling
349 3RD POV “Nakakainis!” Napahawak si Dell, sa labi niya, habang nasa harapan ng salamin. Hindi niya mapigilan na makaramdam ng hiya. “Sh!t! Kailangan ko siyang harapin. Kailangan kung lakasan ang loob ko, kahit nakakahiya na.” Wika niya at muling naghilamos sa mukha niya. Nang buksan niya ang pinto ng banyo ay sumilip muna si Dell. Tiningnan niya kung nasa labas ba si Noah. Pero napakunot ang noo niya, nang hindi niya ito makita. “Noah!” Tawag niya rito, at tiningnan sa kama. Pero hindi niya ito nakita, kaya agad siyang lumabas. “Beth, nakita mo ba si Noah?” Tanong niya rito. “Umalis na po si Sir Noah, Ma’am Dell.” Napakunot ang noo niya, dahil sa sagot ni Beth, sa kanya. “Umalis? Anong ibig mong sabihin? Anong umalis?” “Ang sabi niya po, mauna na raw po tayong bumalik sa syudad, dahil may mahalaga lang daw po siyang gagawin.” “Mahalagang gawin? Dapat hindi ka pumayag, o ‘di kaya, dapat sinundan mo siya.” “Ayaw niya po na iwan ko kayo.” Yukong wika ni Beth. “Kung ganun, u
350 3RD POV “Anong ginagawa mo rito? At nasa’n ang Anak ko?!” Galit na sigaw ni Alicia, matapos niyang makita si Noah. “Danilo!” Sigaw nito, habang tinatawag din ang mga tauhan niya. “Anong nangyari?” Taka na tanong ni Danilo, sa kanya. “Tingnan mo, kung sino ang nandito? At nasa’n na ba ang mga tauhan natin? Bakit nila hinayaan na makapasok dito ang taong ‘yan?” “Anong ginawa mo rito?” Tanong sa kanya ng kanyang amang si Danilo. “Bakit? Hindi ba ako pwedeng umuwi, sa sarili kung bahay?” Sagot niya sa kanyang ama, kaya kunot-noo siyang tiningnan nito. “Bahay? Nagpapatawa kaba?” Taas kilay na wika sa kanya ni Alicia. “Mukha ba akong nagpapatawa? ‘Wag niyong sabihin na nakalimutan niyo, na sa akin na kapangalan ang bahay na ‘to, dahil ako ang nag-iisang anak ni Sofia.” Nagkatinginan si Alicia at Danilo, dahil sa sinabi sa kanila ni Noah. “Noah! Baka nakalimutan mo na ako ang iyong ama?!” Galit na sigaw sa kanya ni Danilo. “Bakit Dad? Kailan niyo ba ako itinuturing na anak?!”
351 3RD POV Hindi maiwasan ni Dell, na magtaka, dahil masyadong tahimik ang bahay nila. Nagpa-alam lang siya saglit sa kanyang mga magulang na pumunta muna sa opisina niya, dahil may kailangan siyang kunin. “Manong, nasa’n sila?” Tanong niya, sa security guard nila.“Hindi ko po alam Ma’am.” Sagot nito sa kanya. “Hindi mo alam?” Inis na wika ni Dell, at muling bumalik sa loob. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang phone number, nang kanyang ina at ama. Hindi niya kasi maiwasan na mag-alala, dahil baka may nangyari sa anak niya. Alam ni Dell, na malikot ang anak niya, at mahilig itong umalis sa bahay. Binuksan niya ang ilaw sa sala, dahil masyadong madilim. Ito ang kauna-unahan na pagkakataon, na walang ilaw ang buong bahay nila. “Mama!!” Gulat siyang napatingin sa sala, matapos niyang buksan ang ilaw at marinig ang boses ng kanyang anak. “A-anon-.” Natigilan si Dell, habang nakita si Noah, na may hawak na bulaklak at papalapit sa kanya. “N-Noah..” Utal na sambit niya,
352 WARNING MATURED CONTEXT!! SPG3RD POV “Lalabas ka pa ba?” Tanong niya, habang nakita niyang napalunok si Noah. “Hindi naman ako lalabas. Ni-lock ko lang ang pinto.” Sagot nito, habang malawak na ngumiti, at lumapit sa kanya. Namilog naman ang mga mata ni Dell, nang mahigpit na hinawakan ni Noah, ang kamay niya. “Bakit mo hinawakan ang kamay ko?” Taka na tanong niya habang tumingin ito sa kanya. “’Wag ka nalang mag-tanong.” Sagot nito at siniil ang labi niya. “Umm..” Hindi napigilan ni Dell, na mapa-ungol, habang hindi pa rin binitawan ni Noah, ang labi niya. Gusto niya sana na sabihin kay Noah, na bitawan ang kanyang kamay, dahil kanina niya pa gustong haplusin ang katawan ni Noah. “Ahhh..” Pero imbis na mag-salita siya, ay puro ungol ang lumalabas sa labi niya, dahil sa ginawang pag-dila ni Noah, sa kanyang leeg. Kinawag niya ang kanyang mga kamay, para bitawan ito ni Noah, pero mahigpit pa rin itong hinawakan ni Noah, habang patuloy siya sa ginagawa niyang paghalik at p
353 3RD POV “Kababata namin.” Malungkot na sagot nito habang tumayo. Nang makatayo si Noah, ay binuhat niya si Dell, papasok sa banyo. “Kababata? Nasa’n siya? Bakit hindi ko siya nakita?” Tanong ni Dell, matapos niya itong ilagay sa bathtub. “’Wag ka nang tumayo, ako na ang mag-papaligo sa ‘yo.” Wika ni Noah, habang kinuha ang shampoo. “Bakit ‘yan? Dapat sabon muna.” Wika ni Dell, kaya napatingin siya sa kanyang hinawakan. “Hayaan muna.” Ngiting wika nito, habang pumwesto ito sa likod niya. “Hindi mo pa, sinasagot ang tanong ko.” Wika ni Dell, habang nilagyan ni Noah, ng shampoo ang buhok niya. “Hindi mo siya makikita.” Sagot nito, kaya nilingon niya ito. “Dell, pwede bang ‘wag kang malikot.” Wika sa kanya ni Noah, kaya inaayos niya ang pagka-upo niya sa loob ng bathtub. “Bakit hindi ko siya makikita?” Kunot-noo na tanong niya.“Dahil wala na siya Dell.” Natigilan si Dell, dahil sa narinig niya mula kay Noah. “Wala? P-paanong nawala?” Curious na tanong niya rito. “No’ng lu
354 WAKAS 3RD POV “Mabuhay ang bagong kasal!!” Malakas na sigaw ng mga tao, matapos na pumasok si Dell at Noah, sa hotel, katatapos lang ng kanilang kasal at tuwang-tuwa ang anak nilang si Marie at ang mga pinsan nito nang, makita nila ang mga bulaklak at lobo. “Sinabi ko naman sa ‘yo noon Hija, na kayo ang magkatuluyan ‘di ba?” Ngiting wika sa kanya ng kanyang lola Paula. Napangiti naman si Dell, dito habang humalik sa pisngi nito. “Salamat po Lola..” Wika niya habang niyakap siya nito. “Payaw-ayaw ka pa noon.” Iling na wika ng lola Helen niya, kaya hindi niya mapigilan na mapangiti. “Lola naman..” Malambing na wika niya rito. “Paano naman ako Apo? Hindi mo ba ako yayakapin?” Nagtatampo na wika ni Kim. “Lola, yayakapin naman talaga kita.” Wika niya at nilapitan ito. “Alam mo bang palagay na ang loob ko ngayon Apo? Lalo na at may pamilya kana. Alam mo naman na kahit hindi ako gaanong tumatawag sa ‘yo, ay lagi ko pa rin na tinatanong sa iyong ama, kung maayos ka lang ba.” “A
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK IX CHAPTER 1“Tama na ‘yan.” Wika ni Elijah, sa kambal niya na si Ellie. “Gusto ko pa ngang kumain!” Galit na sigaw nito sa kapatid niya. “Hayaan mo na siya.” Wika ni Clyde, habang umupo ito. “Ang taba-taba na nga ni Ate, Kuya.” Iling na wika ni Eloise, kaya masama siyang tiningnan ni Ellie. “Ano bang pakialam mo? Ikaw nga payatot!” Wika niya habang nilabas ang dila. “Kuya o! Si Ate, nang-aaway na naman!” Sombong niya sa kapatid niyang si Clyde. “Kung anu-ano kasi ang sinasabi mo kay Ate.” Kunot-noo na wika ni Charles, sa kanya. “Ano bang kaguluhan ‘yan?” Tanong ni Evo, sa mga anak niya. “Kasi Dad, si Ellie, ang taba-taba na nga, kain pa rin ng kain.” Sagot ni Elijah, sa kanilang ama. “Anak, hayaan mo na ‘yang kapatid mo, sadyang masarap lang talaga ako magluto, kaya tumataba kayo.” Ngiting wika ng kanilang inang si Kai, habang nilagyan sila ng pagkain. “Ayan kana naman Mommy, kaya sobrang taba ni Ellie, ang pangit niya tulo-.” “Elijah!” Napatingin
CHAPTER 28 3RD POV “Ikakasal? Bakit kami ikakasal?” Gulat na wika ni Dahlia, sa mga magulang niya. “Noon paman ay pinag-planohan na ng pamilya natin ang kasal niyo Anak.” Muling wika ng kanyang ina. “Pero bakit? Hindi ba alam niyo na magka-ibigan lang kam-.” “Tama na Dahlia, sumunod ka nalang sa gusto ng mga magulang natin.” Wika sa kanya ng kanyang kuya River. “Isa pa, alam namin na may gusto ka kay Dan.” Wika ng kanyang kuya Ryker, kaya napatingin siya rito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Kuya?” Inis na wika niya, habang hindi makatingin kay Dan Fico. “Hija, mga bata pa lang kayo, ay napag-kasunduan na ng pamilya namin at mga magulang mo ang kasal ninyo. Pati na rin ikaw Hija.” Wika nito, habang gulat na napatingin si Daisy, sa ginang. “A-anong ako?” Utal na wika niya, habang kunot-noo na tumingin dito. “Alam mo bang nagkatampuhan kami noon ng iyong ina, noong nalaman namin na ikakasal kana. Mabuti nalang at hindi ‘yon, natuloy.” Ngiting wika nito, kaya napatingin siya sa ka
CHAPTER 273RD POV “‘Wag kang magpahalata Dahlia.” Wika ni Daisy, habang hinigpitan ang paghawak sa kamay ng kapatid niya. Nang dumaan sila sa harapan ni Dan, ay mas lalo pang lumakas ang kaba na nararamdaman niya. Habang nasa loob na sila ng elevator ay muli niyang inisip ang itsura nito kanina. Hindi niya alam kung si Dan Fico ba ito o si Dan June. “Dais-.” Mabilis na tinakpan ni Hazel ang bibig ni Dahlia, kaya hindi nito natuloy ang sasabihin niya. Nang tumingin sa kanya si Dahlia, ay agad siyang umiling. Nang makalabas sila sa elevator ay napakunot ang kanyang noo, nang makitang ibang floor ang pinuntahan nila. Magtatanong sana siya rito, pero natigilan siya nang may nakasalubong silang dalawang lalaki.Napahawak si Dahlia, sa kanyang dibdib matapos silang makapasok sa isang silid. “Kaninong silid ‘to? Bakit tayo nandito?” Tanong niya kay Hazel. “Maupo po muna kayo Ma'am Daisy, isa rin po ito sa pag-aari ko.” Sagot nito habang giniya siya sa sofa. “Bakit ang dami mong pa
CHAPTER 26 3RD POV “Mukhang hindi kana kilala ng bestfriend mo.” Iling na wika ni Dan, habang napatingin sa lalaking pumasok.“F-Fico.. A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo? A-at sino siya?” Galit na sigaw niya rito. “Ako ‘to Dahlia.” Wika nito, kaya napatingin siya rito. “Mahal ko, alam mo bang ayaw na ayaw kung makita kang may kasamang ibang lalaki. Alam mo naman na minsan na kitang pinagbigyan. Pero ‘yon na ang huli.” Namilog ang mga mata ni Daisy, habang nakatingin dito. “I-ibig sabihin… Hindi ka si Dan?” Utal na wika niya, habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki na magkamukha. “Mali ka, ako pa rin si Dan.” Ngiting sagot nito. “Siya ang kapatid ko Dahlia. Si Dan June.” Wika ng kamukha nito. “Ayaw ko pa sana na magpakilala pa, pero hindi ko na kaya. Baka ikamamatay ko pa kung tagalan ko pang puntahan ka rito sa lalaking ‘yan!” Galit na wika nito. Habang tinuro si Hazel. “B-bakit? Bakit niyo ‘to ginawa Fico?” Iyak na wika ni Dahlia. “Patawarin mo ako Dahlia, pero sady
CHAPTER 253RD POV Habang nasa loob na sila sa kotse, ay agad na suminyas sa kanya si Hazel, at agad na nilambingan ang boses niya habang kausap niya ito. Nang makarating sila sa condo ni Hazel, ay roon lang nakahinga si Daisy nang maluwag. “Bakit hindi mo kinuha ang camera na nilagay niya sa kotse?” Tanong niya rito. “Kapag ginawa ko ‘yon Ma’am. Maghi-hinala po siya.” Sagot nito, kaya napatitig siya rito. “At malalaman niya na alam natin ang ginagawa niya.” Muling wika sa kanya ni Hazel. “Tama ka, pero sigurado kaba na safe talaga rito?” Tanong niya habang umupo. “Opo Ma’am Daisy, marami po akong nilagay sa condo ko, para walang ibang makakapasok dito basta-basta.” Sagot nito habang napatango siya. Bigla niya naman naisip ang sinabi nito sa kanya kanina. ‘Hindi alam kung hindi siya si Dan, dahil napatunayan ko na ‘yon.’Napatingin siya kay Hazel, nang marinig niya ito. “Ano po ang sinasabi ng lalaking ‘yon, kanina Ma’am Daisy?” Tanong nito sa kanya. “Pinapagulo niya lang an
CHAPTER 24 3RD POV “Ano ‘yong ingay sa taas?’ Tanong ng kanyang ina, sa katulong nila nang makita itong bumaba. “May pusa po na nakapasok Ma’am Daina.” Sagot nito, habang napakunot ang noo ng kanyang ina. “Pusa? Paano nagkakaroon ng pusa sa taas?” Taka na tanong nito, habang naalala niya na mahilig sa pusa si June. Nakikita niya ito na laging nagpapakain ng mga pusa roon sa bahay na pinag-dalhan nito sa kanya. “Hayaan niyo na Mommy. Itapon mo nalang ang pusa.” Wika niya sa katulong habang hinawakan ang kamay ni Hazel. “Mahal ko, pwede mo ba akong samahan sa taas?” Wika niya, habang tumango ito. Nang makarinig sila ng malakas na nabasag sa loob ng kanyang silid ay agad siyang napatingin kay Hazel. “Kami nalang ang titingin sa taas Mom.” Wika niya, habang inalalayan siya ni Hazel, na maglakad. “Ito pala ang kwarto ko Mahal ko.” Ngiting wika niya, habang kumindat dito. Mabuti nalang at naisipan niyang pasuotin si Hazel, nang isang damit, na nag-mukhang malaki ang katawan niya.
CHAPTER 23 3RD POV “Mukhang malaki talaga ang problema mo, dahil lumapit ka talaga sa akin.” Ngiting wika ng kanyang lola Aira, habang giniya siya sa upuan. “Alam kung nakakahiya, pero Lola, hindi ko na kaya na ilihim sa ‘yo ang problema ko. Lalo na at napagkamalan na nila akong bal*w. Pero maniwala kayo, totoo ang sinasabi ko.” Wika niya rito. “Alam ko, Apo. ‘Wag kang mag-alala tutulungan kita.” “Gusto kung malaman ang tunay na pagkatao ni Dan, Lola. Alam ko na siya ang sagot sa lahat ng tanong ko.”“Dan?” Wika nito. “Dan Fico. Lola.” Wika niya, habang napangiti si Aira. “Sila pala ang nagpa-pasakit sa ulo mo.” Wika nito, habang napakunot ang kanyang noo, na tumingin dito. “Kilala niyo po ba siya?” Tanong niya, habang tumango ito. “Kilalang-kilala ko silang magkapatid.” Gulat siyang napatingin dito, dahil sa kanyang narinig. “Magkapatid?” Wika niya rito. “Oo Apo.” ‘I-ibig bang sabihin, kapatid niya ang matandang ‘yon?’ “Ako na ang bahala Apo, ‘wag kang mag-alala. Dadalhi
CHAPTER 223RD POV “Hindi ko alam, kung bakit mo gina-gawa ‘to.” Wika nito, habang tumayo at nilapitan siya. “A-ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Utal na wika niya. “Ako pa rin ba ang pinaghihinalaan mo?” Tanong nito sa kanya, habang napakunot ang noo niya. “Paano mo nalaman?” Sinabi ko sa ‘yo, mas matalino ako.” Wika nito, kaya gulat siyang napatingin dito. “I-ikaw nga.. Ikaw nga si June!” Malakas na sigaw niya, habang tumayo. Napatingin siya sa paligid at hinhanap ang mga tauhan niya. “Mali ka, hindi ako.” Ngising wika nito. “Akala ko ba, matalino ka?” Muling wika nito habang nailing. “Kuya! Akala ko ba, matalino itong princesa mo?” Lalong napakunot ang kanyang noo, dahil sa narinig niya rito. “K-kuya?” “Kumusta kana Mahal ko?” Namilog ang kanyang mga mata, matapos makita ang isang lalaki na pumasok. “I-ikaw..” Utal na wika niya, habang napatingin sa matanda. “Bakit mo siya kasama?!” Galit na sigaw niya kay Dan. “Dan! Sumagot ka!!” Galit na sigaw niya rito. “Ako ang pinagh
CHAPTER 213RD POV “Makakalabas kana.” Wika niya sa kanyang tauhan. Nang malabas ito, ay agad niyang tiningnan ang lahat ng sulok sa opisina niya, naalala niya na mahilig si June, sa mga cctv camera. Iniisip niya na baka nilagyan nito ng cctv camera ang loob ng kanyang opisina, para makita nito ang lahat ng ginagawa niya.Halos mahalughog na niya ang lahat ng mga gamit niya, pero wala pa rin siyang nakita. Naisipan niyang umupo, dahil pagod na siya kakahanap at wala siyang ibang nagawa sa opisina niya. Tambak na rin ang mga document na kailangan niyang i-review.Kukunin na sana niya ito, pero natigilan siya nang makita ang lamisa niya. Hindi niya kasi nasilip ang ilalim. Nang sisilipin na sana niya ito, ay napa-igtad siya ng bigla niyang narinig ang malakas na halakhak mula sa speaker na nasa ilalim ng kanyang lamesa. “Ang galing mo pa lang maghanap Mahal ko..” Wika nito, kaya dali-dali niyang kinuha ang speaker. “Kung totoong matapang ka, bakit hindi ka magpakita sa akin?!” Siga
CHAPTER 20 3RD POV “Daisy.” Napatingin siyang muli kay Dahlia. “’Wag kang magpapatalo sa kanya.” Wika nitong muli. Habang muli niyang tiningnan si Dan, pero napakunot ang kanyang noo, nang makitang nakapikit na ito. NANG makarating sila sa bahay, ay agad siyang sinalubong ng kanyang ina. Sobra itong nag-alala sa kanya, dahil sa nangyari. “’Wag na po kayong mag-alala Mom, ayos na po ako.” Ngiting wika niya rito. “Sinabi ko na kasi sa ‘yo, Reymart. Na dapat hindi mo muna pinaalis si Daisy, alam mo naman na hindi pa siya ayos.” Galit na wika nito sa kanyang ama. “Mom, tama na.. Ayos lang po ako, ‘wag mo nang pagalitan si Daddy.” Wika niya, habang masamang tiningnan ni Diana ang asawa niya. “I’m sorry Anak, ang akala ko kasi kaya mo na.” Hinging tawad ng kanyang ama. “Dad, ayos naman na ako, kaya kalimutan niyo na po ‘yon.” Wika niya at agad na nagpa-alam. Mas gusto niya kasi na mag-isa para makapag-isip ng maayos. ‘Tama si Dahlia, hindi ako pwedeng magpadala sa takot sa taong ‘