Share

K-6

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-03-07 17:51:42

Kanina pa nakatulala si Isabella dahil iniisip niya kung tatanggapin niya ba ang alok ni Maximus sa kanya. Bumangon siya mula sa kanyang higaan at nag-iisip ng malalim. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

'Pero twenty million iyon. Napakalaking pera. Makakabili na ako ng bahay at sasakyan sa perang iyon...' sabi niya sa isipan.

Humiga siyang muli at saka nagtaklob ng kumot. Kanina pag-uwi niya, pagod na pagod siya. Lakad dito, lakad doon. Ganoon ang ginawa niya. Kung saan-saan siya naglakad para humanap ng mga nakapaskil na "Hiring." Akala niya madali lang makahanap ng trabaho pero hindi pala.

Kinabukasan, matapos niyang mag-almusal, naglinis na siya ng buong bahay. At nang magising ang kanyang ama pati na si Clara, binati niya ito.

"Nakahanap ka na ba ng trabaho mo?" Hindi pinansin ng kanyang ama ang pagbati niya ng magandang umaga.

"H-Hindi pa po, papa pero s-susubukan ko po ulit mama. Mag-aasikaso na rin po ako. Hahanap po ulit ako ng mapapasukang trabaho," nauutal niyang sabi.

Bumuntong hininga si Arthuro. "Kahit anong trabaho, pasukin mo na. Baka nag-iinarte ka pa? Ang mahalaga, may kikitain ka kaysa naman tunganga ka lang, 'di ba? Matanda ka na eh. Dapat binubuhay mo na ang sarili mo. Huwag mo na akong aasahan pa. May iba na akong priority. At ang tita Clara mo iyon."

Napayuko si Isabella kasabay ng panginginig ng kanyang kalamnan. Tila nanliit at napahiya siya sa sinabing iyon ng kanyang ama.. Lumalabas lang na wala na talagang pakialam pa sa kanya si Arthuro dahil ang buong atensyon nito ay napunta na kay Clara. Nag-angat ng tingin si Isabella at pasimpleng tiningnan ang dalawa. Kitang-kita niya ang saya sa mata ni Clara na para bang sobra itong kinilig sa sinabi ng kanyang ama.

Hindi na lang siya umimik. Pumasok siya sa kuwarto doon at saka nag-asikaso na ng kanyang sarili. Nang matapos siyang magbihis, napatingin siya sa kapirasong papel na binigay sa kanya ni Maximus. At habang nakatingin siya doon, napagdesisyunan niyang tanggapin na lang ang offer nito.

'Wala ng pakialam pa sa akin si papa. Sarili ko na lang ang aasahan ko,' wika niya sa isipan bago nag-message kay Maximus.

Muntik pang maligaw si Isabella. Mabuti na lang, nagtanong-tanong siya at natunton ang lugar na kanilang pagkikitaan ni Maximus. Nakita niya si Maximus na nakaupo sa dulo ng kilalang restaurant doon at agad siyang lumapit. Sa isip niya, kagalang-galang ang itsura ni Maximus base sa suot nito.

"Maupo ka."

Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Kalmado kasi ang itsura ni Maximus ngunit tila may bigat sa awra nito at naiisip niyang baka masungit itong boss. Kabado tuloy siyang naupo sa harapan ni Maximus at hindi mapakali.

"So... ano ang desisyon mo. Tinatanggap mo ba ang offer ko?"

Nakailang ulit lumunok ng laway si Isabella sabay tawa ng pilit. "L-Legit po ba talaga na twenty million ang ibibigay niyo sa akin? May ano po ba ito... ah ... downpayment? Kailangan ko po kasi ng pera para makahanap ng matitirhan ko. Kahit maliit na uupahan lang."

Tumikhim si Maximus. "Hindi mo na kailangan iyon dahil sa bahay kita titira. Magiging asawa kita, right? So bakit sa ibang bahay ka pa titira? Eh 'di nalaman kaagad ng ibang tao na hindi tayo tunay na mag-asawa. Na nagpapanggap lang tayo?"

Nalukot ang mukha ni Isabella sabay kagat labi. "Pasensya na po, sir. Hindi ko po naisip iyon. Pero ano po ba ang mga dapat kong gawin, sir?"

"Simple lang naman. Magiging asawa lang kita. Legal na asawa dahil talagang ikakasal tayong dalawa. Pero sa loob lang iyon ng isang taon. Kailangan ko lang talaga ng magpapanggap na asawa. Iyon lang naman. Nagloko kasi ang kinakasama ko at gusto kong gumanti sa kanya. Gusto kong ipakita na hindi siya kawalan. Huwag kang mag-alala, kahit mag-asawa tayo, hindi kita gagalawin o gagawan ng kung anong kahalayan. Wala akong pakialam sa iyo. Kahit saan mo pa gustong magpunta, bahala ka. Ang pinakabawal, hindi ka puwedeng magkaroon ng karelasyon. Kung may nobyo ka ngayon, hiwalayan mo siya."

"Wala po akong boyfriend since birth po," mabilis na sagot niya.

Lumunok ng laway si Maximus sabay tikhim. "Okay good. Ang kailangan mo lang gawin ay maging sweet sa akin tuwing may ibang tao. Pag-aralan mo kung ano ang ginagawa ng babaeng asawa sa asawa niyang lalaki. Iyon lang naman. The rest, bahala ka na sa buhay mo. Walang feelings na involved dito. Pagkatapos ng isang taon, tapos na ang contract marriage natin. Maghihiwalay tayo ng legal. Puwedeng-puwede ka ng humanap ng lalaking mamahalin mo at gusto mong pakasalan. At hindi ito scam. You can search my profile kung sino ba talaga ako. Para alam mong walang problema sa akin kung magtapon man ako ng twenty million para lang makaganti sa dati kong kinakasama."

Seryoso ang mukha ni Maximus habang nagkukuwento at may diin kaya naiisip ni Isabella na nagsasabi ito ng totoo.

"Kung papayag ka ngayon, may pinipirmahan kang agreement na katunayang hindi kita pinilit sa trabahong ito. At kapag natapos ka ng pumirma, asikasuhin na natin ang kasal natin. After nating ikasal, ibibigay ko sa iyo ang ten million. And the other half, kapag natapos na ang isang taon natin bilang mag-asawa."

May kinuhang brown envelope si Maximus sa kanyang tabi at saka ito inilapag sa mesa. Tiningnan iyon ni Isabella.

"Basahin mo ang nakasulat diyan. Iyan ang magiging agreement paper natin. Kung hindi mo magugustuhan ang mga nakasulat diyan, puwede mong sabihin sa akin kaagad ang sagot mo para matapos na itong usapan natin at mai-offer ko sa iba," dagdag pang sabi ni Maximus.

Binuksan ni Isabella ang brown envelope na iyon at binasa ang mga nakasulat doon. Naintindihan naman niyang lahat at naisip niyang magagawa naman niya iyon. Ang mahalaga, mararanasan niyang maging buhay reyna at mabibili ang mga gusto niya.

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Maximus. "Sige po. Tinatanggap ko na ang offer ninyo. Pumapayag na po akong maging contract wife ninyo."

Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ni Maximus. "Wow. That's nice. By the way, how old are you and what's your name?"

"I'm Isabella Mendes and I am twenty years old."

Saglit na natahimik si Maximus bago tumango-tango. "Okay fine. Isabella, here's the ballpen. Pakipirmahan na lang diyan ang lahat ng may check. Printed name mo and signature."

Humugot ng malalim na paghinga si Isabella habang nakatingin sa agreement na nasa kanyang harapan. Napatingin din siya sa hawak niyang ballpen. Nag-iisip pa siya kung talagang paninindigan na niya. Ngunit sumagi sa isipan niya ang sinabi ng kanyang ama kanina.

At hindi niya maiwasang maging malungkot at madismaya.

Kaya gumalaw na ang kanyang kamay upang pirmahan ang mga dapat pirmahan doon. Habang si Maximus naman, malawak na ngumiti kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kalooban.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cynthia Fernandez
Nice story miz author.Thanks
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Ninong's Contract Wife   K-143

    KATE ISANG TAON ANG LUMIPAS naghilom na kahit papaano ang sugat ni Mario. Ngunit sariwa pa rin sa loob ng dibdib nito kaya ibayong pag-iingat pa rin ang kanilang ginagawa. Limang buwan na rin ang lumipas simula ng ikasal sila. At isang buwan na siyang buntis ngayon. Biniyayaan silang dalawa ng kambal na anak. Sobrang saya nilang mag-asawa. "Ang galing mo talaga, love! Nakadalawa ka agad! Kinakabahan ako nito kapag manganganak na ako. Sana kayanin ko. Pero maigi na itong kambal ang anak natin para dalawa agad," nakangiting sabi ni Kate. Kagagaling lang kasi nila sa ospital upang kumpirmahin kung buntis ba talaga siya. At ngayon lang nila nalaman na buntis nga siya at kambal pa. "Huwag kang matakot, love dahil nandito ako para alagaan ka at magbigay ng lakas ng loob sa iyo. Salamat dahil matutupad na ang pangarap kong bumuo ng pamilya," nakangiti sabi ni Mario. "Pupunta ka ba mamaya sa bahay ninyo?" tanong ni Kate sa asawa. "Hindi na. Kapupunta lang natin doon nakaraan. Sa s

  • My Ninong's Contract Wife   K-142

    MARIO Isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon, nagiging maayos na ang lagay ni Mario. Hindi pa man tuluyang gumagaling ang sugat sa niya sa kanang dibdib, nakakakilos na siya ng ayos."Love, ano iyang niluluto mo?" tanong niya kay Kate nang maamoy niya ang mabangong lutuin sa kusina."Nagluluto ako ng chicken curry tapos may pritong isda rin. Sandali lang, ha? Pinalalambot ko lang ng husto ang manok para masarap ang kain natin," tugon niya kay Kate.Nilapitan niya ang kanyang nobya at saka niyakap sa likod. Nilayo ni Kate ang likod niya kaya bahagya siyang nakatuwàd kay Mario."Hindi pa magaling ang sugat mo kaya huwag mong idikit-dikit muna iyan. Baka mapasigaw ka na lang sa sakit kapag nasanggi ko iyan," saad ni Kate."Ang tagal ngaang gumaling. Naiinis na ako."Humarap sa kanya si Kate. "At bakit ka naman naiinis?" Ngumisi siya ng naloloko. "Kasi hindi kita mabayo. Gustong-gusto na kitang angkinin, love. Gigil na gigil na ako sa iyo."Pagkasabi niyan

  • My Ninong's Contract Wife   K-141

    Kate Umikot ang paningin ni Kate kasabay ng pag-agos ng dugo sa kanyang mukha. Masyadong malakas ang pagkakahampas ng baril ni Jake sa kanyang mukha. Napapikit siya ngunit narinig niya ang malakas na sigaw ni Mario. Nawalan siya ng balanse at inaasahang babagsak na lang sa lupa pero sinalo siya ni Jake. "Tangina mo umayos ka ng tayo!" malakas na sigaw ni Jake sa kanya. Sinusubukan niyang tumayo pero nanghihina talaga ang katawan niya. Pagmulat ng kanyang mata, nakita na lang niya si Jake na may tama ng bala sa balikat. "Kate!" sigaw ni Mario at dali-daling tumakbo sa kinaroroonan niya. "Mario!" malakas na sigaw ni Carlos. "Putangina niyong lahat!" sigaw naman ni Jake bago itinutok ang baril sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Kate at inasahan na ang kanyang katapusan. Ngunit hindi iyon nangyari dahil humarang si Mario. Natamaan si Mario sa kanang dibdib. Napanganga siya at malakas na sumigaw. "Mario!!!" Pinaulanan naman ng bala si Jake ng mga pulis dahilan para bawian ito kagaa

  • My Ninong's Contract Wife   K-140

    KATE Mabilis na lumipas ang ilang araw, payapa ang araw ni Kate na naglalakad patungo sa parking lot. May binili siyang damit at sapatos para kay Mario. Hindi niya nga napansin ang mga araw. First monthsary na kaagad nila. Kaya naisipan niyang bumili ng regalo sa kanyang nobyo. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng kanyang sasakyan, bigla na lang may humila sa kanya. Hindi kaagad siya nakasigaw dahil tinakpan ng panyo ang kanyang bibig At saka siya tinurukan ng pampatulog sa leeg. "Sa wakas, makakasama na ulit kita," rinig niyang sabi ng pamilyar na boses bago siya tuluyang nawalan ng malay. Nagising na lamang siya sa isang kuwarto na hindi pamilyar sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang huling nangyari kanina. "Tulong! Tulong!" malakas niyang sigaw. Nakatali ang kamay niya at paa habang nakaupo sa upuan na gawa sa kahoy. Panay ang agos ng kanyang luha. Iniisip niya si Mario. Kung kailan magse-celebrate sila ng kanilang monthsary, saka pa iyo nangyari.

  • My Ninong's Contract Wife   K-139

    KATE "Sigurado ka ba talaga na ikaw na lang ang mamalengke mag-isa?" tanong sa kanya ni Mario. Ngumiti siya ng matamis. "Yes, love. Mag-asikaso ka na. Ang dami mong dapat lakarin ngayon na permit. Hayaan mo na ako. Para matuto ako. Syempre, hindi naman puwedeng palagi lang akong nakadepende sa iyo. Parang wala na akong natutunan niyan." Bumuntong hininga si Mario sabay ngiti. "Hindi naman sa wala kang natutunan, gusto ko lang din na magbuhat prinsesa ka sa piling ko. Gusto kong ipakita sa iyo kung ano ang magiging buhay mo kapag naging mag-asawa na tayo." Kinilig naman si Kate at saka niyakap ng mahigpit ang kanyang nobyo. "Excited na akong dumating ang araw na iyon. Gustong-gusto ko ng maging asawa mo. Tapos bubuo tayo ng anim na anak!" Nanlaki ang mga mata ni Mario. "Anim talaga ang gusto mo? Hindi ba iyon masyadong marami? At saka ikaw ang mahihirapan kapag nanganak ka ng maraming beses." Ngumiti si Kate. "Mas marami, mas masaya! Gusto ko talaga ng maraming anak dahil

  • My Ninong's Contract Wife   K-138

    KATE Isang linggo ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon, naging maayos na ulit ang buhay ni Kate. Naging masipag na ulit siya sa kanyang negosyo. Palagi siyang sinusundo ni Marko. At kapag walang ginagawa ang nobyo niya, dumidiretso ito sa restaurant niya. "Ano? Kumusta ka naman? Pasensya ka na ngayon lang ulit ako nakadalaw dito. Naging busy lang ako. Ginugulo ka pa rin ba ng gagóng Jake na iyon?" tanong ni Erra sa kanya. Bakas sa tinig nito ang pag-aalala. "Ayos lang naman ako. Pinipilit kong maging maayos ulit. Grabe, bumali iyong trauma ko. Iyong pananakit sa akin ni Jake, sobra akong na-trauma doon. Mabaliw-baliw ako noong nakipaghiwalay ako sa kanya. Iniisip ko na ang susunod na magiging boyfriend ko, baka saktan din ako. Kaya natakot akong magmahal ng iba at si Carlos sagad ang hinahanap ko. Kasi si Carlos, never niya akong sinaktan. At kapag galit na galit lang siya, doon niya ako magagawang sigawan. Pero bihirang-bihira," salaysay niya. "Kaya nga dapat magdoble inga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status