Share

K-5

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-03-06 19:04:19

Lumipas ang isang linggo, pinirmahan na nga ni Clara ang divorce papers na pinadala sa kanya ni Maximus. Ngayon, hawak na ito ni Maximus at ipinaasikaso na sa kanyang abogado. Gabi na ng mga oras na iyon, marami na ring nainom na alak si Maximus kaya medyo nahihilo na siya.

"Tama na iyan, Maximus. Nakarami ka na eh. Maigi pang matulog ka na," suway sa kanya ni Johnny.

"Hayaan mo na ako. Nandito lang naman ako sa bahay. Kahit magpakalasing ako, ayos lang dahil hindi naman ako magmamaneho. Masakit sa akin na inaasikaso na ng abogado ko ang divorce namin ni Clara pero wala naman akong pinagsisisihan. Sinabi kong handa akong magbayad kahit gaano pa kalaking halaga iyan basta mapabilis lang ang process ng divorce natin. Hindi ko na matiis pang may asawa akong malandi. Makati pa sa higad."

"Nagpupunta ka pa rin ba sa bahay ng kumpare mo para silipin ang asawa mo doon?"

Mabagal na tumango si Maximus. "Kaninang umaga, nagtungo ako doon. At nakita kong masaya na silang nagsasama. Mga putangina nilang dalawa. Sobrang saya nilang dalawa habang ako rito, nagdudusa at labis na nasasaktan. Putangina ni Clara. Napakalandi niya! Hindi siya marunong makuntento! Talagang humanap pa siya ng ibang lalaking kakamot ng kakatihan niya!" galit niyang sigaw.

Mahigpit ang hawak ni Maximus sa bote ng alak. Kumukulo na naman ang dugo niya sa tuwing maiisip ang nakita niya kanina. Kitang-kita niya ang ningning sa mga mata ni Clara at ang lawak ng ngiti nito sa labi kasama si Arthuro. Napakatamis nilang dalawa kung titingnan na ikinadudurog ng puso ni Maximus.

"Tsk. May araw din ang dalawang iyon. Kakarmahin din silang dalawa sa ginawa nila sa iyo. Kumalma ka lang. Huwag mong hayaang lamunin ka ng matinding galit at makagawa ng kung ano. Mas magiging masaya sila kung makikita ka nilang galit na galit at lugmok. Habang sila, masayang nagsasama. Dapat, ipakita mo kay Clara na hindi siya kawalan. Alam kong sobrang sakit niyan dahil mahal mo siya pero dapat mong ipakita na malakas ka at hindi ka mahinang tao. Tandaan mo, isa ka sa pinakamayang negosyo sa bansang ito, Maximus. Huwag mong hayaang maging mababa ka sa paningin nila dahil tinitingala ka ng lahat."

Tumingin si Maximus sa kanyang kaibigan. Tama si Johnny. Tinitingala siya ng lahat. Isa siya sa pinakamayaman at makapangyarihang tao. Walang binatbat ang yaman na mayroon ngayon Arthuro sa kanya. Walang-wala.

"Tama ka... masyado akong mataas para magpakalugmok na lang ng ganito. Wala silang kuwentang dalawa. Mga kupal lang sila at salot sa lipunan!" galit niyang sabi bago muling lumaklak.

Mahinang natawa si Johnny bago lumaklak ng alak. Bubuksan naman sana ni Maximus ang isa pang bote ng alak nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang abogado.

"Hello, attorney. Napatawag ka," aniya nang sagutin niya ang tawag.

"Mr. Raiden, pasensya ka na kung tumawag ako kahit gabi na pero kailangan mo kasi itong malaman. Peke ang kasal ninyong dalawa ni Clara. Wala kayong records. Hindi valid. Hindi kayo tunay na mag-asawa," wika ng kanyang abogado sa kabilang linya.

Nagimbal ang pagkatao ni Maximus kasabay ng labis na pagkagulat. "A-Anong s-sinabi mo? T-Totoo ba ang sinasabi mong iyan?"

"Yes, Mr. Raiden. Kanina pa ako naghahanap ng records niyo na ikinasal kayo pero walang lumalabas sa system. Ibig sabihin, peke ang kasal ninyo. Ang ipinagtataka ko lang, bakit pineke ang kasal ninyo? Ikaw ba ang may gawa nito? O ang asawa mo?"

"Hindi ako ang may gawa niyan, attorney. Mahal na mahal ko si Clara kaya ko siya pinakasalan!"

Narinig niya ang paghinga ng malalim ng kanyang abogado sa kabilang linya. "Kailangan nating alamin kung sino ang may gawa nito at bakit niya pineke ang kasal ninyo."

Nanghihinang ibinaba ni Maximus ang tawag. Tila nawala ang tama ng alak sa kanya. Yumuko siya habang iniisip kung bakit naging peke ang kasal nilang dalawa ni Clara.

"Maximus? Bakit? Anong nangyari? Anong sabi ng abogado mo?" nag-aalalang tanong ni Johnny.

Tiningnan niya ang kanyang kaibigan. "Peke raw ang kasal namin ni Clara. At hindi ko alam kung paano ito naging peke!"

KINABUKASAN, pinuntahan ni Maximus ang kanyang tiyahin. Malalaki ang hakbang niyang naglakad papasok sa bahay nito. Naabutan niyang nagnunuod ng palabas ang kaniyang tiyahin.

"Maximus? Napadalaw ka. Anong kailangan mo?" wika ng tiyahin niyang si Lara.

"Auntie, hindi ba ikaw ang nag-asikaso ng kasal namin ni Clara? Bakit naging peke ang kasal namin? Paanong naging peke ito? Ikaw ba ang may gawa nito?" sunod-sunod niyang tanong.

Humalukipkip si Lara. "Bakit? Nagloko na ba ang asawa mo kaya nabigyang pansin mo ang marriage contract ninyo?"

Lumunok ng laway si Maximus bago tumango. "Oo. Niloko niya ako. At kabit niya ang mismong kumpare ko!"

"Hindi na ako nagulat. Tama lang talaga ang ginawa kong pamemeke ng kasal ninyong dalawa."

Nanlaki ang mata ni Maximus. "A-Anong sabi mo?"

Bumuga ng hangin ang kaniyang tiyahin bago tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Alam mo bang kaya lumala ang sakit ng mommy mo noon ay dahil sa labis na stress at pagdudusa? Ang nanay ng asawa mo ay naging kabit ng tatay mo! Ako ang nakahuli sa kanila. Sinabi ko iyon sa mommy mo. Hindi ko pa alam na may sakit siya sa puso noon at dahil sa nalaman niya, sobra siyang na-stress hanggang sa namatay. Nagsisisi ako na sinabi ko pa sa kanya iyon pero sinabi niyang wala akong dapat pagsisihan. Ginawa ko lang daw ang tama. At iyon ang sabihin sa kanya ang totoo. Bago mawala ang mommy mo, natatandaan mo pa ba ang araw na pinatawag niya ako? Sinabi niya sa akin na hindi ka puwedeng ikasal kay Clara dahil alam niyang lolokohin ka lang din nito. Kagaya ng kanyang inang malandi, nagmana doon ang peke mong asawang si Clara. Pero dahil mahal mo si Clara, hindi agad-agad mapipigilan ang kasal ninyo. Kaya inutos niya sa akin na dapat maging peke ang kasal ninyo. Ang paring nagkasal sa inyo ay peke rin. Hindi kayo legal na mag-asawa ni Clara. At ngayon, napatunayan ko nga na tama ang mommy mo. Na lolokohin ka lang din ng Clara na iyan pagdating ng araw dahil malandi siya katulad ng nanay niya."

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Maximus. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman. Parang panaginip lang ang lahat. Hindi pa rin ito pumapasok sa kanyang isipan.

Hinawakan siya sa balikat ng kanyang tiyahin. "Alam kong nagulat ka sa nalaman mo pero magpapasalamat ka rin sa akin, Maximus. Dahil tama lang ang ginawa kong pagpeke ng kasal ninyong dalawa ni Clara."

HINDI NAKAPAGMANEHO ng maayos si Maximus kaya naman itinabi niya muna sa gilid ng kalsada ang kanyang sasakyan. Parang sasabog ang ulo niya. Nakatulala lamang siya sa loob ng kanyang sasakyan. Hanggang sa matanaw niya ang isang dalagang na naglalakad palapit sa kanyang puwesto. May dalang envelope ang dalaga at nakalagay doon ang kanyang requirements. Naghahanap kasi siya ng trabaho.

Habang nakatingin si Maximus sa dalaga, biglang may pumasok sa isipan niya na siyang magiging paraan niya para makaganti kay Arthuro.

"Miss? Naghahanap ka ba ng trabaho?" aniya nang lapitan niya ang dalaga.

Muntik mapasigaw sa gulat si Isabella. "H-Hello p-po. B-Bakit po?" aniya sabay atras.

Inabot ni Maximus ang kanyang business card kay Isabella bago tipid na ngumiti. "You can call me kung gusto mong magkaroon ng trabaho. Mag-message ka lang sa akin."

Tiningnan ni Isabella ang kapirasong papel na hawak niya. Nanlaki nang mabasa ang nakasulat doon.

"Kayo po ang CEO ng kompanyang ito?" hindi makapaniwalang wika ni Isabella.

Ngumiti ng malawak si Maximus. "Yes I am. At mayroon akong offer sa iyo na trabaho. Magiging madali lang ito para sa iyo. Isang taon ang kailangan mong guguluhin dito. At ang trabahong ito ay nagkakahalaga ng twenty million pesos."

Halos malaglag ang panga ni Isabella sa kanyang narinig. "P-Po? A-Ano po bang k-klaseng trabaho po iyan?"

"I need a contract wife, miss. No feelings involved. Just pure business."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Ninong's Contract Wife   K-106

    SUNSHINE "Kumusta ang mama mo?" tanong ni Leo nang pumasok siya sa kanyang trabaho kinabukasan. "Maayos na si mama. Naoperahan na siya. Nagpapagaling na lang siya sa bahay," tugon niya sa kanyang katrabaho. Tumikhim si Luke at saka lumapit sa kanya. "Kaya pala panay ang message at tawag ko sa iyo, hindi ka sumasagot. Okay na pala ang mama mo." Kumunot ang noo ni Sunshine. "Ha? Ah.. pasensya ka na kung hindi ako nagre-reply sa iyo o kung hindi ko nasagot ang tawag mo. Tuliro na kasi ako at ang focus ko lang na kay mama lang. Bihira kong mahawakan ang cellphone ko. At ang nare-reply-an ko lang ay ang mga kapatid ko." "Naiintindihan ko. Tumatawag lang ako sa iyo dahil kinausap ko iyong pinsan kong doctor. Sinabi ko kasi sa kanya ang tungkol sa mama mo. At ayos lang na operahan niya ang mama mo kahit wala ng bayad. Na kayo na lang ang sasagot sa mga gamot. Pero di bale na, ang mahalaga nasa maayos na kalagayan na ang mama mo at nakabalik ka na rin sa trabaho," wika ni Leo bago tip

  • My Ninong's Contract Wife   K-105

    SUNSHINE Kinabukasan, nakatanggap ng magandang balita si Sunshine nang magtungo siya sa ospital. Successful ang operation ng mama niya. Wala na ang malaking bukol sa obaryo ng kanyang ina. Bayad na rin ang lahat ng hospital bills at tambak pa ang gamot ng mama niya para mapabilis ang paghilom ng sugat nito. "Mama..." naluluhang sabi niya bago hinawakan ang kamay ng kanyang ina. "Anak ko.. Sunshine," mabagal na banggit ng kanyang ina. "Kumusta po kayo? Kumusta po ang pakiramdam ninyo?" "Medyo makirot ang tinahi sa akin pero maayos na ako. Nasaan pala si Carlos? Nagpunta siya dito. Ang sabi niya sa akin, boyfriend mo raw siya. Siya ang nagbayad ng lahat tapos nagtambak ng gamot sa akin. Umalis siya. Nakita mo ba?" sabi ng kanyang ina. Natahimik si Sunshine. Mukhang kailangan na niyang sabihin sa kanyang ina na boyfriend niya si Carlos para hindi ito magtatanong pa ng kung ano. "Hindi ko po siya naabutan. May sinabi po ba siya sa inyo?" "Nagpaalam siya na aalis siya dahil may bi

  • My Ninong's Contract Wife   K-105

    SUNSHINE Nakatingin lamang si Sunshine kay Carlos habang kausap nito ang mga doctor sa ospital doon. Sa isip niya, iba talaga kapag may pera ang isang tao. Ang mahirap, nagiging madali. Ang imposible, nagiging posible. Ngayon, ooperahan na kaagad ang mama niya. Nakahanda na kaagad ang pera ni Carlos pambayad sa lahat. Wala ng ibang gagawin si Sunshine kun'di ang maghintay sa successful operation ng mama niya. "Ayos ka lang?" tanong ni Carlos sa kanya kaya doon bumalik ang kanyang ulirat. Mabagal siyang tumango bago pilit na ngumiti. "O-Oo.. ayos lang ako." "Ngayon na ooperahan ang mama mo. Maghintay na lang tayo. Huwag kang kabahan. Mas palakasin mo ang loob mo. Magiging maayos din ang lahat. Gagaling din ang mama mo," wika ni Carlos bago tipid na ngumiti. Napalunok ng laway si Sunshine. Pagkatapos ng lahat, doon na siya sisingilin ni Carlos. Hindi niya maiwasang kabahan. Pinangako niya sa kanyang sarili na ibibigay niya lang ang kanyang sarili sa lalaking mapapangasawa niya. Pe

  • My Ninong's Contract Wife   K-104

    SUNSHINE Sumunod na pang mga araw, tila lalong hindi nagiging maganda ang lahat ng ina ni Sunshine. Kapansin-pansin din ang paglaki ng kaniyang tiyan. Labis na nag-aalala na si Sunshine. "Mama, dalhin na po kita sa ospital. Sobra na po akong nag-alala sa kalagayan niyo. Hindi na po normal ang paglaki ng tiyan ninyo. Kakaiba na po ito. Dalhin na po kita sa ospital, mama," kinakabahang wika ni Sunshine. "Sige, anak... sobrang sakit na rin ng tiyan ko at tagiliran. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ayoko pang mawala sa mundong ito. Maliliit pa ang mga kapatid mo. Gusto ko pa kayong makasama ng matagal. Gusto ko pa kayong makita," naluluhang wika ng kanyang ina. "Huwag po kayong magsalita ng ganiyan, mama. Hahaba pa po ang buhay ninyo. Halika na po. Pupunta na tayo sa ospital," wika ni Sunshine bago inalalayan ang kanyang ina. Inarkila na lang niya ang traysikel ng kanilang kapitbahay patungo sa ospital dahil malapit lang ang ospital sa kanila. Pagkarating nila doon

  • My Ninong's Contract Wife   K-103

    CARLA Walang ibang ginawa si Carla kundi matulog at magpahinga. Ang asawa niyang si Conrad ang siyang nag-aalaga sa kanilang dalawa ng baby niya. Kapag magpapahinga siya, ang yaya naman ng baby nila ang mag-aalaga. Ngunit kapag gising siya, kinukuha niya sa yaya ang baby nila at siya ang nag-aalaga. Sa loob ng dalawang buwan, ganoon lang ang ginawa ni Carla. Napahanga siya sa pagmamahal sa kanya ni Conrad. Lalong lumalim ang pagmamahal niya sa kanyang asawa. Mas naging matibay ang pagsasama nila. "Grabe naman! Napakaganda mo namang babae talaga! Iba talaga kapag nasa tamang lalaki na! Napakagandang pudáy naman talaga iyan!" bulalas ni Isabella nang magkita sila. "Letse! Ikaw ang pinakamagandang pudáy dahil buntis ka na namang gaga ka! Ang bilis mo namang magbuntis! Parang kailan lang, nanganak ka sa pangalawa mo tapos ngayon, buntis ka na naman? Nagmamadali ka ba?" tumatawang sabi niya sa kaibigan. Ngumisi si Isabella. "Hay naku, Carla... parang ganoon na nga. Medyo nagmam

  • My Ninong's Contract Wife   K-102

    CARLA Ilang buwan ang lumipas simula nang magkaayos sina Carla at Conrad, ang bahay ni Carla ay ginawa niyang staycation para kumita ito. Pinaganda niya ito ng husto at saka nilagyan pool. At ang negosyo niya, unti-unti na itong lumalagong muli sa tulong ng kanyang asawa. Kahit malapit ng manganak si Carla, patuloy pa rin ang pagbisita niya sa kanyang munting negosyo. "Ang dami nating nagawang mga damit ngayon! Nakakatuwa! Ang daming orders! Good job guys!" papuri niya sa mga empleyado niya. Ilang sandali pa ang lumipas, biglang nakaramdam ng kakaibang sakit sa kanyang balakang si Carla. Napahawak siya sa kanyang tiyan dahil humihilab ito. Napansin siya ng isa niyang empleyado. "Hala ka, ma'am! Manganganak ka na yata!" sigaw nito. Napanganga si Carla habang hindi maipaliwanag na sakit paikot sa kanyang balakang ang nararamdaman niya. "Parang ta-tama ka.. tawagin mo si manong driver! Dalhin na ako sa ospital!" sigaw niya habang nakahawak sa kanyang tiyan. Binuhat na si C

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status