Home / All / My One and Only Love / Chapter 10 The most awaited day

Share

Chapter 10 The most awaited day

Author: R.M.
last update Last Updated: 2021-06-27 08:27:26

Mas mabilis ang dalawang linggo kesa sa dalawang taon, pero pakiramdam ni Jessica ay ilang dekada ang inintay niya sa araw ng pag uwi ni Alexander mula ng sabihin nitong uuwi na siya.

Maya't maya ay nakatingin siya sa orasan at hindi gaanong nakapag focus sa summer class niya. Buti nalang ay nandoon din ang kaibigan na si Bridget at palagi siya nitong tinutulungan sa mga na missed niyang lessons nila.

Nakilala lang din niya sa summer class si Bridget at mabilis naman silang nagkasundo. Bukod sa kaugali ito ni Alexander na masayang kasama, katulad din niya itong walang kaarte arte sa katawan. Hindi ito pala make-up pero maganda ang dalaga. Mabilis silang nagkasundo at masasabi niyang isa itong anghel na bumaba sa lupa dahil kahit papaano ay hindi siya masyadong nalungkot sa dalawang taon na nakalipas na wala si Alexander sa tabi niya.

Pero iba ang nakalipas na dalawang linggo. Para bang napakabagal ng oras at gustong gusto na niyang hilahin ito para matapos na ng matapos ang araw ng pag hihintay niya.

Maagang bumangon si Jessica ng araw na iyon para mag handa sa pag sundo kay Alexander sa airport. Sinabihan na niya ang pamilya nito na sasama siya sa pag sundo sa binata at pumayag naman ang mga ito. Alas tres pa ng hapon ang lapag ng eroplanong sinasakyan ng binata sa airport pero alas sais palang ay gising na si Jessica para maghanda.

Naghanda siya ng isusuot isang linggo na ang nakakalipas at kagabi ay siniguro niyang maayos ito. Nagulat ang Mama niya ng makita siyang bumababa ng hagdan dahil hindi ito sanay na gumigising siya ng ganun kaaga. Ang totoo, ilang ulit itong nagpapabalik balik noon sa kwarto niya para gisingin lang siya at nang hindi malate sa pagpasok sa school. Pero ngayon, parang nakakita ito ng multo ng makitang pababa si Jessica na para bang kanina pa nga ito nakagising.

"Anong himala ang tumama sa lupa at napaka aga mo atang nagising, anak?" Tanong nito sa kanya na namimilog ang mga mata.

"Wala naman Ma, gusto lang kitang tulungan ngayon sa pag hahanda ng agahan. Wala naman akong pasok at mamayang hapon pa ang alis ko para sunduin si Alex, kaya naisip kong tumulong na muna dito para wala na kong maiwang gawain." Mahabang paliwanag niya habang abot tenga ang ngiti at kitang kita ang ningning sa mga mata.

"Ayun! Kaya naman pala! Ngayon ang araw ng uwi ni Alex kaya sobrang excited ka na gumising. O baka naman hindi ka na natulog mula pa kagabi?"

"Tingin ko hindi natulog yan Ma. Tingnan mo itsura, mukang zombie sa putla at laki ng eyebags." Tumatawang kantyaw ni Jerry sa kapatid.

"KUYA!!!"

"Napaka mo! Wag ka maniwala dyan kay kuya Ma. Kung tutuusin, mas muka pa ngang zombie saken yan kakapuyat gabi gabi dahil kausap niya ang love of his life" Balik kantyaw ni Jessica sa kapatid.

Namilog ang mata ng ina nila at napabaling kay Jerry ang atensyon.

"Totoo ba Jerry? At sino naman ang mapalad na babaeng hindi mo sinungitan?" Ngisi ng ina sa panganay niya.

Mabilis na namula ang muka ng kapatid at saka tumayo. Ang akala ni Jessica ay mag wa-walk out ito pero laking gulat niya ng bigla siyang hinawakan nito sa ulo. Ni-lock head siya ng kapatid saka kinuskos ang kamao sa bumbunan niya ng paulit ulit sabay sabing, "Talagang balak mo pang ibalik saken ang atensyon ni Mama ha!"

"Aray kuya! Tama na!" Patiling sabi ni Jessica habang pilit na inaalis ang braso ng kapatid na nakapulupot sa leeg nya.

Tawa naman ng tawa ang kanilang ina sa itsura ng magkapatid. Hindi pa din nagbabago ang samahan ng mga ito simula bata hanggang sa pag laki nila. Bagay na kinatutuwa ng ina nila dahil isa iyon sa mga dahilan kaya hindi siya gaanong nahirapan sa pag taguyod sa pamilya nila na mag isa.

Masayang kumain ng sabay sabay ang tatlo. Pag kalipas ng ilang sandali ay nagpaalam na din si Jerry sa kanila para pumasok sa trabaho at naiwan silang mag ina. Gaya nga ng sinabi ni Jessica, tinulungan niya ang ina sa bahay. Kahit na nagpapatakbo ito ng kumpanya, hands on pa din ang ina niya sa bahay lalong lalo na sa kanilang mag kapatid.

Hindi alam ni Jessica kung paano nagagawa ng Mama niya na pagsabayin ang pag aalaga sa kanilang magkapatid habang pinatatakbo ang naiwang kumpanya ng ama. Ang tanging alam lang ni Jessica mula bata ay isang Super Mom ang Mama nila at napakasaya at swerte niya dahil doon. Hindi sila pinalaking tamad ng ina. Kahit may kakayahan silang kumuha ng sapat na kasambahay para wala na silang gawin, hindi ito ginawa ng ina nila. Bagkus meron lang silang dalawang kasambahay at isang boy na tumutulong sa gawain.

Ang mama pa din niya ang madalas na magluto at inuutusan din sila nitong mag hugas ng pinggan at minsan ay mag linis ng bahay. Kaya hindi sila lumaking walang alam sa buhay kundi ang kumain at matulog.

Pagkatapos magligpit ng kinainan ay tumulong sa ibang gawain si Jessica. Habang ang kanyang Mama ay nagpaalam na din na aalis na para pumasok sa trabaho. Pag dating ng alas onse y media, gumayak na si Jessica para umalis. Sa daan na siguro siya manananghalian dahil hindi siya pwedeng mahuli sa pag sundo kay Alex. Etong araw na to ang most awaited day niya for 2 years at hindi siya papayag na masira ang araw na to.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My One and Only Love   Chapter 21 I love you so much

    Parang batang binully na nakahanap ng kakampi ang itsura at pakiramdam ni Alex ng yakapin siya ni Jessica. Mula ng huling makausap niya ito dalawang linggo na ang nakakaraan ay hindi na siya nakatulog ng maayos.Hindi niya sinabi kay Jessica na makalipas ang ilang bwan na magbalik sila sa America kasama ni Mara ay sinagot na siya nito sa wakas. Gusto sana niyang sorpresahin ang kaibigan kaya nilihim niya ito ng mahabang panahon. Nang 2nd anniversary nila ay tinangka niyang mag propose kay Mara pero nireject siya nito.Nitong mga nakaraang bwan ay nararamdaman na ni Alex ang panlalamig ni Mara sa kanya pero binalewala niya lang ito dahil mahal na mahal niya ang dalaga. Ngayong binigyang tugon na din nito ang matagal niyang iningatan na pag ibig para dito, ayaw naman niyang maging toxic na boyfriend at bigyan ito maraming intindihin sa relasyon nila.Pero hindi naging ganoon ang tugon ng dalaga sa approach niya, nireject pa din nito ang alok na kasal at inamin nit

  • My One and Only Love   Chapter 20 Pain worse than death

    Ilang araw lang ang lumipas ay bumalik na din sa America ang magkakapatid na Romano. This time, kasama na si Althea at Mara. Mabigat man kay Jessica ang pag alis ni Alex lalo na at kasama nito si Mara ay sumama pa din siya sa pag hatid sa mga ito.Mas mahihirapan siguro siya pag hindi niya ito nakita bago umalis dahil ilang taon na naman ang lilipas na hindi niya ito makikita. May pangamba din siya na sa pagsama ni Mara doon ay madevelop ang relasyon ng dalawa at tuluyan na ngang mawala ang pag asa na mapansin pa siya ni Alex bilang isang babae at hindi lang basta kaibigan.Pero nagdesisyon na siyang suportahan si Alex ng buong puso kahit hindi siya matutunang mahalin ng binata. Kailangan niyang kayanin ito. Hindi lang para kay Alex kundi para sa sarili na din niya."Jess!" Pagputol ni Bridget sa malalim na pag iisip ni Jessica habang nasa gitna sila ng klase. Ilang linggo na din ang nakalipas ng umalis papuntang America si Alex. Pagkatapos nitong tawagan siya p

  • My One and Only Love   Chapter 19 What would I do without you?

    Namilog ang mga mata ni Jessica at tila nawala ang antok niya.Hindi naman na bago sa kanila ang magtabi sa pag tulog. Bata pa lamang ay madalas na silang magkatabi sa pag tulog. Kung hindi ito ang makikitulog sa kwarto niya ay siya naman ang matutulog sa kwarto nito. Pero noon iyon. Mahigit dalawang taon na nang huling makatabi niya ito sa pag tulog at iyon ay noong nasa kolehiyo pa lang sila, bago ang graduation. At bago pa ito umalis papuntang America."Are you kidding me?" Tanong ni Jessica nang makabawi sa pagkabigla sa sinabi ni Alex sa kanya."What's wrong? It's not as if ngayon mo lang ako makakatabi at ngayon mo lang ako nakita na ganitong naka boxer shorts lang." Maang na balik tanong nito sa kanya."Lex, we were young then. But things were different now. We're all grown up. And I don't think it's appropriate for you to sleep here with me now." Paliwanag ni Jessica na hindi makatingin sa binata.Binalewala lang nito ang sinabi siya saka i

  • My One and Only Love   Chapter 18 I missed you

    Mabilis na nagmulat ng mata si Jessica at napabalikwas ng tayo sa kama nang madinig niya ang tinig ni Alexander. "Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Jessica sa binata. "Iniintay ka. Obvious ba?" Sagot sa kanya ng binata. "Ginabi ka naman ata masyado ngayon. Muntik na kong makatulog kakaintay sayo." Dugtong nito na mahahalata ang pagka irita sa muka. "Bakit mo naman ako iniintay? Saka diba sinabi ko naman sayo na may gagawin ako kaya busy ako buong maghapon." Sagot ni Jessica na iniiwas ang tingin kay Alex. Ayaw niyang makita nito ang nanunumbalik na sakit na nararamdaman niya. Bumuntong hininga si Alex at naupo sa kama sa tabi niya. "Jess, I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sayo. Magpapasama naman dapat ako sayo kanina, kaso dumating si Mara at nag presintang samahan ako. Hindi na ko nakatanggi sa kanya." Paliwanag ni Alex habang hindi pa din tumitinag si Jessica. 'Hmp! If I know. Gustong gusto mo naman talagang kasama ang babaen

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status