MOS: CHAPTER 04
GABRIELLA POVHindi ko na napapansin si Titus na pumupunta sa bahay. Pakiramdam ko tuloy nagtampo siya sa 'kin. Char feeling mo naman.Agad kong inayos ang gamit ko ng matapos ang klase at tumakbo palabas bago pumunta sa Business Management Building.Nagtungo ako sa classroom nila pero wala na siya do'n.Agad na ako umalis roon pero sakto namang nakita ko siyang may hawak na laptop habang may kausap na mga lalaki siguro kaklase niya."Titus!" tawag ko sa kan'ya.Napatingin sila sa 'kin dahil sa pagtawag ko. Nagsimula naman silang maglakad habang ako ay tumakbo na papunta sa gawi nila."Titus," pagtawag ko sa kan'ya nang nasa tabi na niya ako. "Mag usap tayo oh.""Para saan? Busy ako." Sabi niya at patuloy parin sa paglalakad."Nagalit kaba dahil do'n sa narinig mo? Maniwala ka mahal kita."Rinig ko naman ang bungisngis ng lalaking kausap niya."Wag kang gumawa ng gulo please lang," mahinang sabi niya sa 'kin."Bakit ba?! Eh hindi muna ako pinapansin! Hindi mo 'ko tinatawagan! Galit ka sakin eh!" Sigaw ko. "Sorry na," malambing naman akong yumakap sa braso niya.Pilit naman niya naman itong tinanggal."Tingnan mo ayaw mong magpahawak! May iba kana 'no?!" sumuko narin siya sa pagtanggal sa kamay kong mahigpit na nakapulupot sa braso niya."What do you want?""Let's talk," nakangusong sabi ko."LQ 'ata kayo pare e," natatawang sabi nito. "Alis na muna ako. Mag usap muna kayo. Ayusin niyo ha. Wag kana daw magalit," malakas na tawang sabi nito bago umalis.Ito lang ang dapat gawin sa taong ayaw kang kausapin!At successful naman ako!"Okay what do you need?" tanong niya sa 'kin bago humarap at tumingin sa mga mata ko."Sorry. Sa narinig mo... Actually, hindi 'yon 'yong gusto kong sabihin—""Wala 'yon," pagputol niya sa sasabihin ko. "Mas mabuti ngang pagka humaling lang ang nararamdaman mo sa 'kin."Hawak niya sa kabilang kamay ang laptop habang ang isang kamay naman niya ay nakapamulsa."Dahil ayaw kong magkaroon ng makulit na admirer. Hindi ako galit, dahil hindi kita gusto. Ginagalang lang kita dahil kapatid ka ng kaibigan ko," huling salitang sinabi niya bago niya ako iniwan.Pigil luha akong kumurap. Medyo masakit siya. Medyo lang naman.Galit lang siya kaya niya nasabi 'yon.Tama! Galit lang siya!Ngumiti ako ng pilit bago pumunta sa parking lot kung saan naka park ang kotse ni Kuya.Inaasahan kung wala na ito roon pero nand'on parin ito."Saan kaba galing?" malamig na tanong niya sa 'kin. "Alam mo bang kanina pa ako naghihintay rito?""Sorry. May pinuntahan lang ako." Nakayukong sabi ko at sumakay sa kotse niya.Sa likod ako umupo dahil nasa tabi ni Kuya si Marco. Napatingin naman ako sa gilid ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Titus."Buti naman hindi kana busy," pagbasag ni Kuya sa katahimikan habang nag d-drive siya."Yeah," tanging nasagot lang niya habang nakatingin sa laptop niya.Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa bintana.I love the feeling when his beside me. Pakiramdam ko ako ang pinakakuntentong tao sa mundo.Kahit na hindi niya ako pinapansin. Kahit na hindi niya ako gusto. Basta ang alam ko. Gusto ko siya. Gustuhin man niya ako o hindi.Nang matapos ng ihatid ni Kuya ang mga kaibigan niya ay agad na akong nagtungo sa kwarto ko dahil marami akong dapat saluohin.Habang nagbabasa ako kahit nandito ako sa taas ay rinig ko ang tunog ng doorbell.Nandito siya.Pero marami pa akong kailangan gawin. Mamaya ko nalang siya kukulitin.Napatingin ako sa orasan na nasa dingding.Madaling araw na?!Kaya pala medyo sumasakit na ang mata ko.Hinilot ko muna ang leeg ko bago tumayo. Kukuha lang ako ng kape. Hindi pa kasi ako tapos. Bawal akong matulog.Pagkababa ko ay agad akong nagtungo sa kusina para kumuha ng kape."Ayh tae!" gulat akong napatingin sa isang tao na nagbukas ng ref. "Sino ka?""Gutom na ako," mahinang sabi niya.Lumapit naman ako sa kan'ya at sinuri siya. Pa'no siya nakapasok sa bahay? Sa pagkakaalam ko dalawa lang ang kaibigan ni Kuya. Hindi naman ito si Marco hindi rin siya si Titus."Kumain ka muna. Pagkatapos umalis kana," sabi ko sa kan'ya at kumuha ng pagkain. "'Pag nakita ka ng Kuya ko malalagot ka."Binigay ko sa kan'ya ang pagkain bago siya mabilis na kumain."'Di naman halatang gutom ka," mahinang bulong ko.Kumuha na ako ng mug at nagtimpla ng kape 'yong kaya akong ipaglaban. Char!Muntik ko nang mabitawan ang hawak ko ng mapansing nasa sala sina Kuya at ang mga barkada niya."Gising kapa?" biglang tanong ni Kuya."Oo nag rereview ako. Eh kayo? Nandito pa sila?" Turo ko sa mga kaibigan niya."Ayaw pa nilang umuwi eh," sagot naman ni Kuya.Napatingin ako kay Titus ng mapansing nakatingin siya sa 'kin.Hindi man ako eh ka-crushback ng crush ko atleast nahuli ko siyang nakatingin sa 'kin.Lumapit ako kay Titus at umupo sa tabi niya."Stress ako," nakangusong sabi ko sa kan'ya. "Kiss mo 'ko.""Ang landi talaga nito," rinig kong sabi ni Kuya at Marco pero nakatingin lang ako kay Titus na ngayon ay seryosong nakatingin lang sa 'kin."Wag na pala." Tumayo na ako roon pero bago ako makalayo ay halos mapatili ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko dahilan para maupo ako sa hita niya."'Pag ba hinalikan kita mawawala ang stress mo?" parang may sariling isip ang ulo ko at bigla nalang itong tumango.Ngumiti naman siya at dahan dahang lumapit sa 'kin. Hanggang sa may pumalo sa ulo ko na unan... Unan?Napamulat naman ako ng marinig ko ang sigaw ni Kuya."Mama! Papa! Si Gabriella ginahasa ako!" Napatingin ako sa kan'ya ng mapansin kong hahalikan ko na sana siya.Agad akong napabitaw sa kan'ya.Kadiri!Kahit hanggang dito sa pagkain ay ang sama sama ng tingin ni Kuya sa 'kin."Hindi ko namn sinasadya e," mahinang sabi ko. "Kadiri rin kaya 'yon.""Ano ba kasing napanaginipan mo?"Napangiti ako sa naisip ko. Sa lahat ng panaginip ko ay 'yon 'yong hindi ko nakalimutan at hanggang ngayon nakatatak parin sa isip ko."Si Titus yan," panghuhula niya.Hindi nalang ako umimik. Hanggang sa nasa school na ako ay 'yon parin ang nasa isip ko. 'Yon tuloy ang naging inspirasyon ko.Nagkagana tuloy akong mag aral.Kailangan lang palang mapanaginipan si Crush para may gana sa buhay."Himala at hindi ka nakabusangot," panira ni Marco sa tahimik kong araw."Maganda na sana araw ko eh. Nagsalita kapa." Irap na sabi ko at tumayo."Problema no'n?"Lunch na! Kaya agad na akong nagpunta sa Cafeteria. Nakita ko naman sila Kuya sa may 'di kalayuan.Sumunod narin kami ni Marco. Uupo na sana ako sa tabi ni Titus ng may biglang naunang umupo roon."Ito na," masiglang sabi n'ong babae at nilapag ang inorder nila."Thanks Cora," nakangiting sabi ni Titus.Kahit kailan hindi niya ako tinawag sa pangalan ko ta's kung makangiti siya sa babaeng 'yan wagas.Pero hindi ako nagpapatalo 'no!"Excuse me," napatingin naman sila sa 'kin."Yes?" biglang tanong n'ong Cora daw na 'yon."Upuan ko yan. D'yan ako nakaupo." Turo sa inuupuan niya."May pangalan mo ba?"Lumang style na 'yan! Pero dahil girl scout ako lagi akong handa."Ayan oh," turo ko d'on sa upuan na may pangalan ko.Rinig ko naman ang tawa ni Marco sa gilid ko.Don't me, Bitch.Kung malandi ka, mas malandi ako.. . .SCRIPTINGYOURDESTINYMy Only Sunshine:EPILOGUETITUS BROASTEIN ZAFUETA POVDali dali kong kinuha ang libro ko dahil sasama ako ngayon kay Gabriel. Ihahatid niya ako. Hindi na ako bumili ng kotse dahil nagsasayang lang ako ng pera.Buti nalang naintindihan ng kaibigan ko ang sitwasyon ko ngayon."Nas'an si Gabriel?" Tanong ko kay Marco."Susunduin daw niya kapatid niya," sagot nito. "Mauna na daw tayo sa kotse."May kapatid siya?Sumunod ako sa kaniya. Sumakay siya sa passenger seat habang ako naman ay nasa likod. Nagbabasa. Hanggang sa naging maingay na ang loob ng kotse dahil sa isang babae. Napakababaeng tao ang lakas ng boses. "Akala ko ba mga gwapo ang kasabay natin ngayon? Hindi mo naman ako ininform na mga anak pala ni Gorilla ang dinala mo," napatawa ako sa sinabi niya pero napatigil rin ng mapansing napatingin siya sa 'kin. "Hi! I'm Gabriella. And you are?" pagpapakilala niya bigla. "Titus," tanging sagot ko lang. "Kuya saan mo napulot ang anghel na 'to? Sa pagkakaalala ko sa impyerno ka tumu
MOS: CHAPTER 37GABRIELLA POVTUMAKAS LANG AKO dahil sigurado akong pag nalaman 'to ni Titus ay magagalit iyon sa 'kin. Sinundo ako ni Hunt roon. Naka hoodie ako at itim na pants, cap narin at mask para hindi nila ako makilala.Kanina pa kami nakapark rito sa madilim na bahagi ng kagubatan. May isang lalaki silang hila hila bago nila ito tinulak at binugbog."Hindi ba natin tutulungan yung lalaki?" tukoy ko d'on sa binugbog."Mamaya," sagot niya at sinuot ang mask at cap. "Ako ang tutulong d'on sa lalaki. Dito kalang.""Pero—""Wag ng matigas ang ulo," matigas na sabi niya bago lumabas ng kotse.Anong silbi ng pagsama niya sa 'kin rito kung wala naman pala akong gagawin? Kita ko mula rito ang mabilis na paggalaw ng mga anino nila. Nakikipaglaban si Hunt sa tatlong lalaki. Pero yung isa nakatakbo. Agad akong lumabas ng kotse at sinundan ang lalaki. Ngunit hanggang sa makalayo na kami ay nawala na agad siya sa paningin ko."What the fudge! Diba ang sabi ko! Wag kang lumabas ng kotse?!
MOS: CHAPTER 36GABRIELLA POVNANDITO NGAYON SI Marlo sa Hotel Room ko. Sabi daw kasi niya may pag uusapan kaming importante. Bukas kasi ay kailangan kunang mag focus sa misyon ko.Para naman matapos na ang lahat ng ito."Tea? Juice? Water? Or Nothing?""Tubig nalang," sagot niyaTumango naman ako at kumuha ng malamig na tubig bago binigay sa kaniya at umupo sa tapat. "Anong pag uusapan natin?""Una sa lahat bago natin sisimulan 'to. Isang tanong, Isang sagot. Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo." Seryoso niyang sabi bago uminom ng tubig at pabagsak itong inilapag sa coffee table."Ano iyon?" Bored na tanong ko. "Mahal mo ba siya o hindi?""Sino?""Sino paba?"Alam ko naman kung sino 'yong tinutukoy niya. Pero ayaw ko namang mag assume."Hindi." Sagot ko dahilan ng pagtawa niya ng malakas. Napairap nalang ako bago siya sinamaan ng tingin. "Hindi?" tawang sabi pa niya. "Hindi ako naniniwala," bigla nalang sumeryoso ang mukha niya. Bipolar! "Alam mo naman pala ang sagot ba
MOS: CHAPTER 35GABRIELLA POVKAHIT NAGTATAKA ako ay sumama parin ako kay Hunt. Sabi niya sa 'kin may importante raw kaming pag uusapan. Hindi naman niya agad sinabi nagpabitin pa siya.Hininto niya ang kotse sa isang madilim na daan. Walang katao tao. Taka akong napatingin sa kaniya ngunit seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Habang mahigpit ang hawak niya sa manibela."Nagsisimula na sila," taka akong napatingin sa kaniya."Seryoso?" gulat na tanong ko ng marealise ang ibig niyang sabihin. "Gumagawa na sila ng gulo," mahinang sabi niya sabay tingin sa 'kin. "Hindi mo ba nabalitaan?"Umiling lang ako bilang sagot. "Kay Titus lang ako nakatutok. Hindi kuna alam ang mga nangyayari.""Bukas ulit ng gabi. Susunduin kita may misyon tayo."Napabuga ako ng hangin bago dahan dahang tumango."Tayka nga lang," may naalala akong dapat kong itanong sa kaniya "Kung yan pala ang sasabihin mo. Bakit kailangan mo pa akong dalhin dito?" tukoy ko sa madilim at tahimik na lugar na ito.Bigla niyan
MOA: CHAPTER 34GABRIELLA POV MASAMA PARIN SIYANG nakatingin sa 'kin habang ginagamot ang naipit kong kamay. Nilagyan niya lang ito ng ointment. Pagkatapos n'on ay masama na naman siyang tumingin sa 'kin."Kung nakakamatay lang yang tingin mo kanina pa siguro ako nakahandusay rito.""Tapos kanang makipaglandian?"What the? "Excuse me?" gulat na tanong ko sa kaniya. "I saw you... With someone, In the park." nahihirapan niyang sabi. "So you're jealous, huh?" pang aasar ko sa kaniya at tumayo. "No, I am not," matigas niyang pagtanggi. "Weh? You're jealous. Titus is jealous" patuloy na pang aasar ko sa kaniya dahilan ng pamumula ng pisnge niya."Ewan ko sayo!" inis na sabi niya at tinalikuran ako. Hindi kuna napigilan pa ang pagtawa ng malakas. Kaya pala gan'on siya nagseselos siya kay Hunt. Pero... Bakit naman siya magseselos?Agad ko siyang pinuntahan sa may kusina. Nakaupo siya habang nakatingin sa kawalan. Nakanguso pa.Ang kyut!"He's Hunt. Kaibigan ko," pagpapaliwanag ko.
MOS: CHAPTER 33GABRIELLA POVNAPANGITI AKO habang nakatingin sa tulog na si Titus. We end up here, in his room.Sa una sa kotse. Hindi pa niya ako tinigilan roon. May binigay siyang damit sa 'kin para makauwi ako ng maayos. Pero ramdam ko ang lagkit ng ibaba ko dahil sa mga katas na naroon.Wala akong suot na panloob. Tanging malaking t shirt lang ang suot ko. Kaya halos sobrang higpit na ng paghawak ko sa ibaba ng t shirt baka kasi mahanginan at makita nila ang perlas ko.Butiki talaga 'tong si Titus kahit kailan!Lagi nalang niyang pinupunit yung gamit ko tuwing nag aano kami. "Hindi ba ako matutunaw niyan?""Hindi naman. Tao ka kasi hindi ka Ice cream kaya wag kang tanga." Napatawa naman siya sa sinabi ko bago tuluyang nagmulat ng mata.Ngumiti siya sa 'kin bago hinalikan ang labi ko."Good Morning.""Good Morning din," nakangiting pagbati ko rin. Tumayo na siya at binandera pa talaga sa 'kin ang hubad niyang katawan.Walang hiya! Kahit ilang beses kunang nakita ang buwaya niya
MOS: CHAPTER 32GABRIELLA POVMAAYOS AKONG nakipag-usap kay Hunt. Para sabihin sa kaniya ang mga impormasyon. Tumango naman siya dahil sa mga sinabi ko. "Mukhang wala pang kahina hinala."Tumango naman ako. Nag order na siya dahil libre daw niya. Kaya kumain nalang muna ako bago ko hahabulin na naman ang Butiking 'yon.Susungitan na naman niya ako tapos ma iinis ako. Hayst! Yan lang naman ang laging eksina. Wala nabang bago?Hmm? Ano kayang klaseng bago? "Anong iniisip mo?" takang tanong ni Hunt sa 'kin. "Try mong basahin," inis na sabi ko sa kaniya. Napanguso naman siya at kumain nalang. Edi weak ka pala eh. Di mo pala kayang basahin 'yong nasa isip ko. Buti nalang same tayo. Hindi rin ako nakakabasa ng isip ng tao.Bigla nalang tumunog ang cellphone niya kaya nagpaalam muna siya. Tumango naman ako at patuloy lang sa pagkain.Ng maramdaman kong may umupo sa tapat ko na inuupuan kanina ni Hunt."May kasama ka?" bagong ligo na si Titus ang sumulubong agad sa 'kin. Bakit ang hot
MOS: CHAPTER 31GABRIELLA POVPAGKALABAS KO AY sakto namang bumukas rin ang pinto sa kabila. Ngumiti ako sa kaniya at bumati. Naka jogging pants siya at itim na sando.Habang ako naman ay oversized t shirt at maikling short lang ang suot ko."Sabay ako," nakangiti kong sabi sa kaniya. Mag jo-jogging kasi siya. Kaya sabay na ako. Baka may biglang bumaril sa kaniya sa daan habang nag j-jogging siya."Isturbo kalang eh," inis na sabi niya at nagsimula ng maglakad. Tumakbo naman ako at hinabol siya. Ngunit ang la laki ng hakbang siya. Muntik na akong masarhan ng Elevator buti nalang at nakahabol ako.Hindi pa nga ako nagsisimula ay pinagpawisan agad ako. Masama ko namang tiningnan si Titus na ngayon ay nakatayo lang na parang walang nangyari. Hanggang sa pagkalabas na namin ay hindi parin niya ako pinapansin. Ang bilis niya. Mukha siyang tumatakbo kahit nag jojogging lang naman siya. "Titus!" inis na tawag ko sa kaniya. Tumigil naman siya pero hindi parin lumilingon. Pagkahabol ko s
MOS: CHAPTER 30GABRIELLA POVNAIINIS NA AKO DAHIL sa sobrang sungit ng ka hotel-mate ko.Kalma Gabriella! Kalma!Maswerte siya at ang gwapo niya! Kung hindi baka sinipa kuna siya. "What do you need?" malamig na tanong niya. "Pizza," sabay taas ng pizza'ng hawak ko. "Pizza, with butiki flavor." Ngumisi ako pero agad ring napawi ng biglang dumilim ang mukha niya.Nandiri ba siya sa sinabi ko?"A-ayaw mo?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya at kinuha ang pizza pero mahigpit ko itong hinawakan."Are you fucking kidding me?!" inis na tanong niya sa 'kin at binitawan ang Pizza na hawak ko. "Papasukin mo muna ako."Kita ko ang pag irap niya bago binuksan ng malaki ang pintuan. Ngumiti ako sa kaniya bago pumasok sa loob at prenteng nakaupo sa sofa.Umupo naman siya sa tapat bago kumuha ng Pizza at kumain. Bago siya humiga at nag cellphone.Nasa'n 'yong malambing na Titus? Okay! Tamang lambing lang sa sarili kasi malaki na ako! Kaya ko 'to! Napanguso ako dah