Loving  My Uncle Was A Sin

Loving My Uncle Was A Sin

last updateLast Updated : 2026-01-20
By:  MoonUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Lumaki si Sue na si Benedict ang laging nasa paligid ang kaibigan ng kanyang ama na marunong umayos ng sirang pinto, tahimik sa mga handaan, at palaging handang umalalay. Para sa kanya, si Benedict ay “Uncle Ben,” isang pamilyar na presensya sa bawat yugto ng kanyang pagkabata. Ngunit nagbago ang lahat nang bumalik si Sue mula sa kolehiyo. Hindi na siya ang batang naaalala ni Benedict. Isa na siyang babaeng may sariling paninindigan, may dalang sugat mula sa nakaraang pag-ibig, at may paghahanap sa isang koneksyong tunay. Samantala, si Benedict ay nabubuhay sa tahimik na mga araw—may mga panghihinayang, mga salitang hindi nasabi, at mga relasyong hindi nagtagal. Sa kanilang muling pagkakasalubong, unti-unting nabubuo ang mga sandaling hindi nila inaasahan mga late-night na usapan sa kusina, tahimik na kape, at mga katahimikang masyadong mabigat para balewalain. Dito nagsisimulang mabuo ang damdaming pareho nilang tinatakasan. Nakikita ni Benedict ang mga bagay na hindi niya dapat makita. Si Sue naman ay natutong tingnan si Benedict hindi na bilang “uncle,” kundi bilang isang lalaking maaasahan at kakaiba sa lahat ng kanyang nakilala. Ngunit ang pagitan nila ay hindi lamang edad kundi ang tiwala ng ama ni Sue, ang dangal ng pamilya, at ang bigat ng mata ng lipunan. Habang may nanliligaw kay Sue na aprubado ng lahat at hinihikayat si Benedict sa isang “tamang” relasyon, lalo silang naipit sa linya na ni isa ay hindi kayang tawirin. Hanggang isang gabi, sumabog ang lahat ng pinipigil. Ipaglalaban ba nila ang nararamdaman o susundin ang sinasabi ng lipunan bawal ang kanilang pagmamahalan.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Nakangiti ako habang naglalakad papasok ng elevator. Anniversary namin ng boyfriend ko kaya plano kong surpresahin siya. Pinindot ko naman ang 7th floor, nahirapan pa ako dahil may hawak akong cake at flowers. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi lalo na nang huminto ang elevator sa 7th floor.

Marahan lang akong naglakad, mamaya pa naman uuwi si Mike dahil nasa out of town sila ng family niya. Pero sabi naman niya ay mamaya ang uwi niya.

ROOM 244

Nilagay ko naman ang keycard para mabuksan ang pinto. Madilim ang paligid kaya binuksan ko ang ilaw. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. Mga nagkalat na damit ng lalaki at babae sa sahig. Nilapag ko naman sa mini table ang dala ko. Pinulot ko ang damit na nasa sahig at tiningna ito. Damit nga ng babae pinulot ko naman ang shirt—hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang makita ang shirt. Kay Mike ‘to ako ang nagbigay sa kanya ng shirt.

Nabaling naman ang tingin ko sa kwarto niya. Habang naglalakad papunta sa kwarto niya ay nanalangin ako na sana hindi tama ang nasa isipan ko. Pero habang papalapit ako sa kwarto niya ay parang may naririnig akong mga tunog. Lalong lumalakas habang papalapit ako. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay mas klaro kong naririnig ang ingay mula sa loob.

Hinanda ko naman ang sarili ko sa kung ano man ang makikita ko.

Please, sana mali ang nasa isip ko. Sambit ko sa isipan ko habang pinipihit ang doorknob.

Nang tuluyang magbukas ang pinto ay para akong na pako sa kinatatayuan ko. Mabigat sa pakiramdam at para bang nahihirapan akong huminga. Dahil sa nakikita ko ngayon. Ang bestfriend ko ay walang saplot na nakahiga sa kama at nakapatong naman sa kanya ang boyfriend ko na wala ring saplot. Hindi nila ako napansin at patuloy lang sila sa ginagawa nilang pagpapaligaya sa isa’t isa.

“MGA HAYOP!”

Umalingawngaw sa buong kwarto ang sigaw ko. Para bang tumigil ang mundo sa loob ng ilang segundo—pati ang hangin ay parang natatakot gumalaw.

Mabilis na napalingon sa akin si Mike. Kitang-kita sa mukha niya ang gulat, kasunod ang takot. Ang bestfriend ko—si Lara ay napasigaw at agad na hinila ang kumot para itakip sa sarili. Nanginginig ang mga kamay niya, at ang mga mata niya ay namumula, hindi ko alam kung sa hiya o sa takot.

“S-sue…,” mahina at paos na sambit ni Mike.

Ang pangalan ko sa bibig niya ay parang kutsilyong bumaon sa dibdib ko. Napatawa ako. Isang mapait, basag na tawa.

“‘Wag mo akong tawagin sa pangalan ko,” nanginginig kong sabi. “Wala kang karapatang banggitin ‘yan.”

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Akala ko malakas ako. Akala ko kaya kong tumayo nang matatag sa harap ng ganitong eksena. Pero hindi pala. Iba ang sakit kapag mismong harap-harapan kang trinaydor ng dalawang taong pinaka-pinagkatiwalaan mo.

“Angel, pakinggan mo muna ako—” tumayo si Mike mula sa kama.

“Ano?” singhal ko. “Ano ang gusto mong ipaliwanag? Na nadulas ka? Na aksidente ‘to? Na bigla na lang kayong napunta sa kama?”

Tahimik siya.

At sa katahimikang iyon, mas lalo akong nasaktan.

Lumapit ako ng ilang hakbang. Nanginginig ang tuhod ko pero pinilit kong maging matatag. Tumingin ako kay Lara. Sa bestfriend kong alam ang lahat tungkol sa akin. Alam niya kung gaano ko kamahal si Mike. Siya ang kasama ko sa bawat iyak, sa bawat problema, sa bawat kwento ng pagmamahal ko sa lalaking ito.

“Lara,” mahinang tawag ko. “Bakit mo ‘to nagawa sa akin?”

Hindi siya makatingin sa mga mata ko. Nakayuko lang siya, mahigpit na yakap ang kumot sa dibdib niya.

“Ako… pasensya na,” mahina niyang sagot. “Hindi ko ginusto—”

“Hindi mo ginusto?” napatawa ulit ako, this time mas masakit. “Hindi mo ginusto, pero nandito ka. Nasa kama ka ng boyfriend ko. Hubad. Kasama siya.”

Umiwas siya ng tingin. At doon ko napatunayan, wala na akong kaibigan.

Napalingon ulit ako kay Mike. “Anniversary natin ngayon,” bulong ko. “Alam mo ba ‘yon?”

Nanlaki ang mata niya.

“Nandito ako para surpresahin ka,” dagdag ko. “May cake ako. May flowers. Buong araw akong nakangiti dahil iniisip kita. Iniisip kung gaano ka sasaya kapag nakita mo ako.”

Humakbang ako palayo, sabay turo sa mini table kung saan nakapatong ang dala ko.

“‘Yan ang sorpresa ko para sa’yo,” nanginginig kong sabi. “Pero mukhang nauna ka nang magsaya.”

“Sue, hindi ko ginusto na masaktan ka,” mabilis niyang sabi. “Nagkamali ako. Isang beses lang ‘to. Pangako—”

“Isang beses?” tanong ko. “Isang beses lang na pinili mong lokohin ako? Isang beses lang na mas mahalaga sa’yo ang sandali kaysa sa limang taon nating relasyon?”

Wala siyang maisagot.

At sa kawalan ng sagot, unti-unting bumibigat ang puso ko hanggang sa parang durog-durog na ito sa loob ng dibdib ko.

“Alam mo kung ano ang mas masakit?” tanong ko. “Hindi lang ikaw ang nanloko. Pati siya.” Muli akong tumingin kay Lara. “Ikaw ang taong pinagkatiwalaan ko ng lahat. Ikaw ang tinawag kong kapatid. Ikaw ang alam ang bawat sugat ko. Tapos ikaw pa ang gagawa nito sa akin.”

Tumulo ang luha niya. “Mahal kita, Sue. Hindi ko sinadya. Nadala lang ako! Kasalanan mo rin naman ‘to ayaw mo kasing may mangyari sa atin—”

“Huwag mo nang sabihin ‘yan,” putol ko.

“Kung mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan ng ganito.”

Tahimik ang buong kwarto. Ang tanging maririnig lang ay ang mabigat kong paghinga at ang tunog ng mga hikbi namin.

Dahan-dahan akong lumingon palayo sa kanila. Pinulot ko ang cake at ang mga bulaklak. Tumingin ako sandali sa mga iyon, sa simbolo ng pagmamahal na handa kong ibigay.

At saka ko ito ibinaba sa sahig.

“Alam n’yo,” mahina kong sabi, “akala ko ang pinakamalalang sakit sa mundo ay ang mawalan ng taong mahal mo. Pero mali pala. Mas masakit ang malaman na ang mga taong pinagkatiwalaan mo… sila pa ang sisira sa’yo.”

Humakbang ako palabas ng kwarto.

“Sue, huwag ka umalis,” tawag ni Mike. “Ayusin natin ‘to. Mahal kita.”

Huminto ako sa may pintuan. “Mahal mo ako?” tanong ko, hindi ko siya nlingon. “Kung mahal mo ako, hindi mo magagawa sa akin ‘to. Kung mahal mo ako mahihintay mo kung kailan ko ibibigay sa’yo ang katawan ko. Hindi ‘yung hahanapin mo ‘yun sa iba.”

Binuksan ko ang pinto at tuluyang lumabas.

Sa sandaling iyon, hindi lang relasyon ang iniwan ko sa likod. Iniwan ko rin ang mga taong hindi marunong pahalagahan ang tulad ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status