Aia's POV
Sinama ako ngayon ni Dark sa kanyang business proposal meeting. Nandito kami sa isang fine dining restaurant kaharap Si Mr. Milendres. Bakit ba kasi isinama pa ako ni Dark dito samantalang nagagawa naman nyang umatend ng business meeting ng hindi ako isinasama?
Kanina pa ako naaalibadbaran sa secretary ni Mr. Milendres na panay ang Kawit ng buhok nito sa kanyang tenga. Nakakairita! Bat di nya na lang ipusod ang buhok nya para hindi panay ang hawi nya? Pasulyap sulyap din ito kay Dark at pangingiti na parang aso. Habang ito namang si Mr. Milendres parang aso ring naglalaway sa pag titig saakin.
Yung totoo may lahi bang aso ang dalawang ito?
“Ehem Mr. Milendres!” tumikim si Dark. Marahil napansin na din nito na hindi naman nakikinig sa mga sinasabi nya si Mr. Milendres dahil para itong asong naglalaway saakin. Balot na balot na nga ang katawan ko sa suot kong Turtle neck na long sleeve blouse Eh Kung tingnan ako ng matandang to para bang wala akong suot na saplot! Kung hindi nga lang investor ang isang ito ay gusto ko ng hampasin ng ipad na hawak ko!
“W-what is it?” tila wala sa sariling bumaling ito kay Dark na noon ay salubong na ang mga kilay. Walang pag dadalawang isip na tumayo na si Dark at padabog na iniligpit ang laptop. Napatayo din si Mr. Milendres gulat na gulat ito sa inaasal ni Dark.
“What are you doing Mr. Oxford what's wrong with you?” naguguluhan ito sa inaasal ni Dark. Maski ako ay nakaramdam ng hindi magandang aura lalo at madilim na ang anyo nito.
“This meeting is none sense! Just forget my business proposal with you Mr. Milendres. Thank you for wasting my time!” galit nitong Saad saka hinila ang kamay ko tatalikod na sana kami ng subukang magsalita ni Mr. Milendres pero agad din iyong pinutol ni Dark.
“I don't want to be rude to you Mr. Milendres even though you've been disrespectful to my secretary all the while. So as much as I am still with my senses, We're going before I lose control!” kita ko ang pagkuyom ng isang kamay ni Dark kaya naman hinawakan ko sya sa kanyang braso. Tiningala ko sya at binigyan ng nagmamakaawang tingin na huwag nya ng patulan pa ang matandang manyakis. After seeing my expression he sighed and chosed to turn back instead. Hinawakan nya muli ako sa aking kamay at lumabas na kami ng restaurant. Pag labas namin ay kita ko pa rin ang pagpipigil sa matindi nitong galit. Namumula na ang mukha nito.
“Kumalma ka nga.” awat ko dito. Huminto naman ito sa tapat ng kanyang sasakyan. Namewang ito at pinasadahan ako ng tingin.
Napa buga ito ng marahas.
“I really want to punch his face!” gigil nitong bulalas.
“Tama na Dark. Okay lang naman ako. Manyakis lang talaga ang matandang yon! Wag mo ng patulan para hindi na lumaki pa ang gulo. Remember you are a CEO pwede kang masira sa maling aksyon mo.” paalala ko sakanya.
“With all my wealth and power, I can make him now just a story.” Nagimbal naman ako sa sinabi nya.
“Dark yan ang wag na wag mong gagawin! Please lang tama na.” pagsusumamo ko sakanya. Tinitignan nya naman ako. Tuluyan itong lumambot ng makita ang pag aalala sa mukha ko.
Tila tumigil naman ang pag hinga ko ng bigla nya na lang akong kabigin at yakapin. Hawak ng isang kamay nya ang aking ulo habang ako naman ay nakasandig sa kanyang dibdib. Dark anong ginagawa mo? Gusto ko sanang isatinig pero hindi ko maibuka ang bibig ko.
“This is the reason why I don't want to bring you with me.” hindi ko inaasahan ang pag amin nya.
Naka hinga naman ako ng maluwag ng binitawan nya na ako at dumistansya na saakin.
Pakiramdam ko ay iluluwa ko ang puso ko kanina sa sobrang bilis ng kabog nito.
“Eh b-bakit nga ba kasi sinama mo pa ako?” Sawakas ay nasabi ko. Para tuluyang makaiwas sakanya ay umikot na ako sa kabila ng kotse at ako na ang nag bukas ng pinto ng sasakyan nya at nag kusang pumasok sa loob. Sumakay na rin ito sa driver's seat.
“Dadaan pa kasi ako sa isang branch natin sa Tagaytay baka hindi ako agad makabalik hindi kita masusundo.” Sagot nya saakin habang isinusuot namin ang aming mga seat belt. Sa tono ng salita nito ay para bang obligasyon nyang ihatid sundo ako.
“Eh di mag co-commute na lang ako isa pa hindi mo naman obligasyon ang ihatid sundo ako sir Dark.” paalala ko dito.
“I know pero yon ang gusto ko.” natigilan ako sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin?
“I wanna make sure na ligtas kang makakauwi. Tyak na mag aalala sayo ang lola mo kapag may nangyari sayo.” tila nabasa nito ang iniisip ko kaya kusa na itong nag paliwanag. Kung gayon ay si lola ang inaalala nya.
“Hindi na ako bata Dark. Kaya ko naman na. Kagaya nyan sayang yung business proposal mo Kay Mr. Milendres hindi na matutuloy yung investment nya.”
“Hindi kawalan ang kagaya nya sa kumpanya ko.” galit na turan ni Dark saka pinasibad ang sasakyan. Gaya nga ng sinabi ni Dark dumaan kami sa Tagaytay para bisitahin ang isa sa mga branches ng kumpanya nila.
Habang busy si Dark sa paglilibot sa kanyang kumpanya ay nagpaiwan naman ako dito sa resort nila. Hindi pa rin kasi ako nakaka getover sa tensyon na nangyari kanina sa restaurant. Hind naman nag reklamo si Dark ng sabihin ko sakanya na dito na lang ako sa resort maglalagi habang binibisita nya ang kumpanya nila dito.
Naupo ako sa isang bench at pinagmamasdan ang taal lake. Maganda ang humidity dito sa Tagaytay. Para kang naka aircon.
Lumapit saakin ang isa sa staff ng resort may dala itong tray na naglalaman ng grapes.
“Ma'am ipinabibigay po ni sir Dark.”
Ngumiti naman ako dito at tinanggap iyon.
Hindi ko mapigilang Matakam sa mga ubas na ibinigay saakin ni Dark. Ang taong yon wala ng ginawa kundi pakainin ako! Buti na lang talaga mabilis ang metabolism ko at hindi ako tabain kaya kahit pakainin nya ako ng pakainin ay hindi ako tumataba tanging pwet at balakang ko lang ang lumalaki saakin.
Mag didilim na ng makabalik si Dark. Past 6pm na ng tingnan ko saaking wrist watch.
“Nag enjoy ka ba sa sight seeing mo dito?” bungad nya saakin ng makalapit sya sa kinau-upuan ko. Pambihira talaga itong Boss ko!
Ako itong secretary nya pero ako pa itong laging iniintindi nya. Nakalimutan nya na yatang empleyado nya ako at akalay bisita nya lang ako dito sa resort. Sya na itong napagod habang ako heto paupo-upo lang dito.
Hindi ko tuloy mapigilang matawa na ikinakunot ng noo nya.
“Bakit natatawa ka?” takang tanong nito.
“Alam mo sa lahat ng boss ikaw na yata ang pinaka cool na boss! Biruin mo ako na nga itong maghapon walang ginawa tapos iniisip mo pa kung nakapag enjoy ako? Hindi ko na nga nagagampanan ang pagiging secretary ko Ngayon araw na ito.”
Ngumiti naman ito sa sinabi ko.
“Wala ka rin namang gagawin kung sumama ka saakin. Mapapagod ka lang.” Naupo ito sa tabi ko.
“Kahit pa bayad mo ang bawat araw ko. Nakakahiya naman na sinasahuran mo ako ng wala namang ginagawa.”
Ngumiti lang ito muli saka pinisil ang ilong ko.
Habang tumatagal hindi ko na nagugustohan ang kakaibang nararamdaman ko. Natatakot ako sa ganitong pakiramdam. Pakiramdam na nasasanay na ako na kasama ko palagi si Dark.