Share

Chapter 9

Umalingawngaw sa buong terrace ang putok ng baril. Wala talagang pasensya ang Don. Gagawin at gagawin talaga nito ang gusto kapag ito'y galit. Mabuti't hindi niya tinamaan si Jax.

Agad na bumitaw si Jax at si Euka sa isa't-isa habang gulat na napalingon sa pinanggalingan ng putok.

"Daddy..."

"Boss..."

"What are you doing?!" Pasigaw na tanong ng Don.

"Daddy, calm down okay?" Agad na lumapit si Euka sa ama. "Nagkakamali ka ng inakala mo. Pinaihipan ko lang ang mata ko dahil napuwing ako, daddy naman e." Dugtong ni Euka.

"At bakit magkayakap kayo?" Galit pa ring tanong ng Don.

"Humawak ako sa kaniya daddy kasi natatakot siyang lumapit sa'kin. Kapag kasi hindi ko siya hawakan ay hindi rin niya magawa ang inutos ko sa kaniya." Pagsisinungaling ulit ni Euka. "At hinding-hindi mangyayari 'yang iniisip mo daddy. Hindi ko magugustuhan 'yang bodyguard ko na 'yan. Daddy naman hindi ako makikipaghalikan sa kaniya, kadiri kaya." Kumbinsi ni Euka sa ama. Alam niyang hindi mabuti ang kaniyang sina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status