Share

Chapter 5

Chapter 5

Third person pov*

Gaya ng kagustuhan ni Euka, tinuloy nga nila ang balak ng dalaga na gumala. Dumaan sila sa fire exit ng mansyon dahil hindi sila pwedeng dumaan sa harapan at baka makita sila ng ibang guard sa labas. Ayaw man sa kalooban ni Marcos na sumuway sa utos ng kaniyang boss ngunit wala na siyang magagawa dahil pumayag na siya sa gusto ni Euka.

Lakad-takbo ang ginawa nilang dalawa hangga't sa tuluyan na silang makalabas sa gate sa likuran ng mansyon. Naglalakad lang din sila papunta sa kalsada dahil wala silang sasakyan. Magco-commute lang sila, 'yon din ang gusto ni Euka. Gusto niyang maranasan ang simpleng buhay.

"Mi lady, sure ka na ba talagang magco-commute tayo?" Tanong ni Marcos sa dalaga.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Singhal nito.

Tumahimik lamang siya at hinayaan ang dalaga na pumara ng jeep. Nang makasakay na sila ay kitang-kita ang tuwa sa mukha ng dalaga. Kumikinang ang kagandahan nito dahilan ng hindi pag-alis ng kaniyang paningin sa dalaga. Napasinghap na lang siya ng bigla siyang siniko ng dalaga.

"Why are you looking at me like that?" Striktang tanong nito. "May dumi ba ang mukha ko?" Dugtong pa ng dalaga at nag-abot ito ng pamasahe sa drayber ng jeep.

Umiling lamang siya at inalis ang kaniyang paningin sa mukha nito. "Tumigil ka Marcos," bulong niya sa kaniyang sarili. Kung hindi lang siya magmumukhang timang ay paniguradong sinapak na niya ang kaniyang sarili.

"We're here...para po!" Tili ng dalaga at hinila siya palabas ng jeep.

Sumunod lamang siya rito dahil wala naman siyang ibang magawa. Mamaya na lang muna niya problemahin ang nasa-isip niya ngayon. Kanina pa kasi siya nag-alala na baka malaman ng boss niya na sinuway niya ito, ngunit hindi naman siya makahindi sa dalagang nasa unahan niya ngayon.

"Bahala na nga!" Asik niya at tumakbo para maabutan ang dalagang ngayon ay nasa escalator na ng mall.

Nang maabutan niya ang dalaga ay hinayaan lamang niya itong gawin ang gusto nitong gawin. Napapagod man siya sa kakasunod nito ngunit ininda na lamang niya.

Hangga't sa napunta sila sa may arcade. Agad siyang hinila ng dalaga at tinuro ang basketball. Napilitan man ay ginawa niya ang gusto nito. Bumili muna siya ng token bago nagsimulang mag-shoot ng bola. Mukhang hindi naman siya minalas dahil lahat ng bola ay na-shoot niya sa ring kaya nakuha niya ang premyong rabbit na stufftoy. Tuwang-tuwa naman ang dalaga.

Pagkatapos nila sa arcade ay hinila na naman siya ng dalaga papunta sa food court. Bumili ito ng pizza, shawarma, siomai at nuggets. Bumili rin ito ng float at nang mai-serve ang mga inorder ay nilantakan agad ng dalaga ang mga pagkain. Pinagmasdan lamang niya ang dalagang masayang-masaya habang kumakain.

"Ayaw mo ba, Marcos?" Mahinhing tanong ng dalaga sa kaniya.

Gusto niya, gustong-gusto niyang kumain dahil hindi pa siya nakakakain ng mga 'yon ngunit natutuwa siya habang pinagmasdan ang magandang masayanf kumakain.

"Kumain ka na, pogi." Natigilan siya nang marinig ang sinasabi ng dalaga lalo na't tinawag siya nitong pogi at inabutan pa siya ng pagkain. Tinanggap na lang niya ito at kinain.

Habang kumakain ay nagsimulang magkwento ang dalaga na pinakinggan naman niya. Halos lahat ng pangyayari sa buhay ni Euka ay kaniyang nalaman dahil sinasabi ito ng dalaga. Bigla rin siyang nakaramdam ng awa sa dalaga kaya hinawakan niya ang kamay nito na para bang sinasabi niyang nandiyan lang siya. Matamis itong ngumiti. "It's okay, I'm used to it."

"Buti hindi ka naglayas, ma'am?" Tanong niya sa dalaga.

"Kung kaya ko lang, ginawa ko na noon pa." Buntong-hininga nito at tinuloy ang pagsubo ng pagkain. "Huwag na nga nating pag-usapan 'to. Let's enjoy the day," dugtong nito at malapad na ngumiti.

Nagkukwentuhan ulit sila ng kung anu-ano ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Marcos na binigay ni Don Vasco kahapon. Agad niya itong sinagot kahit kinabahan siya.

"Mr. Gomez!" Bulyaw nito sa kabilang linya. "Where are you?!" Dugtong nito.

Sumenyas siya kay Euka upang humingi ng alibi. Agad namang sumenyas pabalik si Euka at madali naman niyang naintindihan iyon.

"A-ah, nasa harden po ng mansyon boss."Nauutal na tugon niya. "G-gusto lang ni miss Euka na...na magpahangin." Dugtong pa niya.

Sinulyapan niya si Euka na busy na rin sa cellphone nito at parang may tini-text. Nang maputol ang tawag ng kaniyang boss ay agad silang umalis sa food court at dali-daling naghahanap ng taxi para makauwi na sila.

Nagpahatid sila sa unang kanto bago ang mansyon ng mga Knewtleg. Naglalakad lamang sila papunta roon at dumaan ulit sa likuran. Saktong pagdating nila sa munting harden sa likuran ay siya ring pagdating ng dalawang guard.

"Mukhang sinisigurado talaga ng daddy mo kung narito ka ba," bulong niya sa dalaga.

"But we outsmarted them," tugon naman ng dalaga.

Palihim silang tumawa at tinanaw lamang ang dalawang guard na naglalakad pabalik sa pinanggalingan nito.

Nang mawala sa kanilang paningin ang dalawang guard ay nag fist bump pa sila.

"Thank you, Marcos." Masiglang wika ni Euka.

"Walang anuman, ma'am." Nakangiting tugon niya.

"Can you please stop calling me ma'am, kapag tayong dalawa lang?" Seryosong wika ng dalaga.

"Roger, mi lady!" Saad niya at kinindatan pa ang dalaga.

Hinampas lang din siya ng dalaga at nagpa-alam na ito na aakyat na sa kaniyang kwarto. Ayaw niyang aakyat ito mag-isa kaya hinatid niya hanggang sa pinto ng kwarto nito. Siya pa ang nagbukas sa pinto at agad namang pumasok ang dalaga sa loob.

Bago nito isara ang pinto ay bigla na naman siyang hinalikan sa pisngi. "Thank you for today, Mr. Savior." Pilyang saad nito at pabagsak na sinarhan ng pinto ang binata.

Napa-iling na lamang si Marcos at bumaba na upang pumasok sa sarili niyang silid. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi sila nahuli. Kasi 'pag nagkataon, paniguradong lagot siya. Unang araw pa nga ng kaniyang trabaho tapos sinuway na niya agad ang kaniyang boss.

Habang naglalakad siya pababa sa kaniyang hagdan ay nakasalubong niya ang babaeng kasambahay na naghahatid sa kaniya ng agahan kanina. May dala na naman itong food tray.

"Sir, mabuti't narito ka. Kumain ka na lang muna doon sa kusina, nakahanda na 'yong pagkain mo. Ihahatid ko sana mamaya pagkatapos kung ihatid ito kay ma'am Euka, ngunit nandito ka naman pala. Tumuloy ka na lang po roon," sabi nito. "Oh, di kaya'y sabay na lang kayo ni ma'am na kumain. At nang hindi naman siya mabuburyo. Mauna ka na lang po roon, kukuhanin ko 'yong para sa'yo." Dugtong nito at inabot sa kaniya ang dalang food tray saka nagmamadaling bumalik sa kusina.

Napa-iling na lamang siya at umakyat pabalik sa kwarto ni Euka habang may dalang food tray.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status