Share

Chapter 6

Kumatok si Marcos Jax sa pinto ng kwarto ni Euka at kaagad naman siyang binuksan ng dalaga. Matamis itong ngumiti sa kaniya nang masilayan nito ang dala niyang pagkain.

Bahagyang ngumiti si Marcos Jax. "Mi lady, agahan mo raw pinapahatid ng kasambahay niyo." Wika niya.

"Sumabay ka ng kumain sa akin, kasi may gagawin tayo mamaya." Masiglang saad ng dalaga.

Napakunot naman ang noo ng binata. "Mi lady, ano na naman iyang naisip mo? 'Wag mong sabihing tatakas na naman tayo?" Sunod-sunod na tanong ni Marcos sa dalaga. "Naku! Huwag mo talagang subukang tumakas ulit, mi lady. At baka tayo'y tuluyang mahuli." Pa-iling-iling na dugtong niya.

Hindi kumibo si Euka at nagsimula itong kumain. Dumating na rin ang isang kasambahay na naghatid din ng pagkain para kay Marcos kaya nagsabay na silang kumain upang maubos na ito. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa habang nilalantakan nila ang pagkain.

Ngunit dahil sa nakakabinging katahimikan, nagsalita si Marcos upang tanungin ang dalaga tungkol sa sinasabi nitong gagawin.

"Mi lady, ano ba talaga ang gagawin mo mamaya?" Tanong niya at sunod-sunod na sumubo ng pagkain.

"I wanna go somewhere, 'yong mahangin at puro puno lang ang makikita." Seryosong tugon nito.

Tumikhim si Marcos bago magsalita. "Pero Mi Lady..." hindi nito natapos ang gustong sabihin dahil tinakpan ng dalaga ang kaniyang bibig.

"I'll pay you. How much do you want?" Wika nito. "Jax please, I really wanna go out. Maawa ka naman sa'kin oh. Babayaran naman kita e," malungkot nitong dugtong at nagpapaawa pa ang mukha.

Gaya ng dati, hindi kayang tiisin ni Marcos Jax ang pagmamakaawa ng dalaga kaya tumango na lamang siya.

"Oo na, sige na. Basta dalawang oras lang tayo roon, okay?" Napipilitang saad ni Marcos Jax.

Masayang tumayo ang dalaga at nilapitan siya saka niyakap. Natameme si Marcos Jax at halos hindi makagalaw habang hawak niya ang kutsara na kanina pa may lamang pagkain. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang mundo nang magkadampi ang mga balat nilang dalawa. Pasimpli siyang umubo upang bumitaw ang dalaga at bumitaw nga ito. Napa-inom tuloy siya ng tubig.

"Wala ng bawian ha?" Masiglang wika ni Euka.

Hindi na nagsalita pa si Marcos Jax at inubos ang kaniyang pagkain saka tumayo na ito. "Maghanda ka na, Mi Lady. Magbibihis na muna ako." Saad niya at tuluyang lumabas sa kwarto ng dalaga.

Napasabunot na lamang ang binata sa kaniyang buhok dahil hinding-hindi talaga niya magawang humindi sa dalaga. Bagsak ang balikat niya habang bumaba mula sa silid ng dalaga at agad-agad na nagtungo sa kaniyang silid upang magbihis.

Wala pang sampung minuto ay binalikan niya kaagad ang dalaga. Gaya niya ay handa na rin itong umalis kaya madali silang bumaba at dumaan sa likurang bahagi ng mansyon.

"Kapag nahuli tayo ng daddy mo Mi Lady, patay talaga ako nito." Nababahalang saad ni Jax.

Kinurot lang siya ng dalaga. "Manahimik ka nga, okay? Oh, hito down payment ko." Saad nito at may inabot na sobre sa kaniya. "Para hindi ka na aangal." Dugtong nito. Kaagad namang tinanggap ni Jax 'yon dahil nga kailangan niya rin ng pera. Kailangan niyang mag-ipon dahil kung sakaling mahuli sila ni Don Vasco at masesanti siya ay may magagamit siyang pera para sa pang-araw-araw niyang gastusin. Dapat handa siya sa kung ano man ang kahihinatnan niya lalo pa't sinuway niya ang utos ng kaniyang amo para lang mapagbigyan ang dalaga.

Nang tuluyan na silang makalabas sa mansyon ay agad-agad silang pumara ng sasakyan. "Manong sa Lucia farm po," saad ng dalaga nang may huminto na trike.

Namilog ang mata ni Jax. May biglang sumagi sa isip niya. "Mi Lady, di ba't hindi ka pinapalabas ng bahay. Bakit may alam kang farm?" Tanong niya sa dalaga.

"Palagi akong pumunta roon, no'ng buhay pa si mommy." Mahinhing wika ng dalaga. "Nagsimula lang naman akong hindi pinayagang lumabas ng bahay no'ng namatay na si mommy. Ewan ko ba," dugtong pa nito at bumuntong hininga.

Hindi na nangulit pa si Jax at nanahimik na lamang habang pinagmasdan ang kanilang nadadaanan. Namangha siya sa lawak ng farm na tinahak nila. May iba't-ibang uri ng puno sa paligid at may mga pinastol pang mga hayop.

Nakasunod lamang siya kay Euka na abala rin sa pagdamdam ng masarap na hangin. Nakapikit ang mga mata nito at sobrang ganda nitong tingnan. Nakakabighaning tingnan ang kaniyang matangos na ilong at ang mga pilik-matang napakaganda.

Hindi namalayan ni Jax na matagal na pala siyang nakatitig sa dalaga. Natauhan na lamang siya nang biglang piningot ng dalaga ang kaniyang ilong.

"Aray..." mahinang wika niya at nagulat sa ginawa ng dalaga.

"Kanina ka pa kasi nakatulala habang nakatitig sa'kin." Wika ng dalaga. "Tinawag kita pero hindi ka kumibo kaya piningot na lang kita," dugtong nito at parang naghihintay sa kaniyang sasabihin.

"Ah...kasi," hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot sa dalaga. Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Kasi..."

"Crush mo'ko no?" Pagputol ng dalaga sa kaniyang sinasabi. "Ano ka ba, huwag kang mahiya. Kung crush mo ako, then tell me right away." Natatawang dugtong nito.

Napanganga na lamang si Jax sa kaniyang narinig ngunit ayaw niyang isipin ng dalaga na totoo ito sa kaniyang mga pinagsasabi kaya pinutol niya ang tawa ng dalaga.

"Ano ba'ng nakain nitong babaeng 'to?" Bulong niya sa hangin.

"Hindi no!" Saad niya. "Nakatingin ako sa'yo dahil may dumi sa mukha mo, hindi dahil crush kita." Dugtong niya.

Namilog ang mga mata ng dalaga at kinapa ang sariling mukha para alamin kung may dumi ba talaga ngunit nang masigurong wala ay bigla itong lumapit sa kaniya, sobrang lapit na halos magkadikit na ang kanilang mga katawan kaya napa-atras siya.

"Hindi pala crush, pero umatras. Tsk! Tsk!" Pa-iling-iling na wika ng dalaga. "Luma na 'yan bro," dugtong nito at tuluyang naglakad papunta sa puno ng mangga.

Napabuntong-hininga na lamang si Jax at sumunod sa dalaga. Ngunit maya-maya pa'y nagulat na lamang siya nang makita ang dalaga na umakyat sa puno ng mangga. Pinigilan pa niya ito ngunit nagmamatigas ang dalaga kaya wala siyang nagawa kun'di umakyat na lang din.

"What are you doing here?" Naka-pout na tanong ng dalaga sa kaniya.

"Kasi narito ka," parang naiinis na tugon ni Jax sa dalaga.

"You look grumpy, naiinis ka ba sa'kin?" Nakataas ang kilay na tanong ng dalaga sa kaniya.

Umiling-iling lang siya at lumipat sa kabilang sanga upang makadistansya siya sa dalaga.

"Ang ganda rito..." masiglang wika ng dalaga. "Jax, look oh... the cattle is running freely." Turo nito sa maliit na baka na tumatakbo paikot sa farm. Kitang-kita kasi sa kanilang kinaruruunan ang buong farm.

Hindi na lang pinansin ni Jax ang dalaga ngunit kung anu-ano na lamang ang tinuturo nito. Tumatalon-talon pa ito kahit nasa taas siya ng mangga. At dahil sa sobrang likot nito ay muntikan na itong mahulog mabuti na lang at mabilis ang kilos ni Jax kaya nahablot niya ang kamay ng dalaga at mabilis na ipinalibot ang kaniyang bisig sa bewang nito.

Ramdam ni Jax ang biglang pagbilis nang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa kaba dahil muntik nang mahulog si Euka o dahil may iba pa siyang naramdaman na hindi niya matukoy kung ano.

Nanatili silang dalawa sa ganoong posisyon. Ngunit bigla ring nadulas si Jax mabuti't madaling nakahawak ang isa niyang kamay sa sanga na nasa likod ni Euka. Hindi niya binitawan si Euka kaya no'ng nadulas siya'y napayakap ito sa kaniya at nagkalapit ang kanilang mukha.

Pareho silang nakatitig sa mga mata at hindi nila naisip na nasa gano'ng posisyon pala sila. Parang tumigil bigla ang oras at para bang nasa himpapawid sila habang ang mga mata'y hindi bumitaw sa pagtitigan.

"Kiss me..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status