Share

Chapter 4

Third person*

Agad na kinatuk ni Marcos Jax ang pinto sa opisina ng tinatawag nilang Don Vasco. Pangatlong beses niya itong kinatuk bago bumukas ang pinto. Napa-atras siya nang makita ang hindi katandaang-lalaki na may balbas.

Sinuri nito ang kaniyang mukha at tinitigan siya ng matalim. "Who are you?!" Wika nito.

Lumingon siya sa mga lalaking sinamahan niya kanina. Walang imik ang mga kalalakihan at parang naghihintay lamang ito kung tatanungin ng kanilang boss.

"Bogart, Welmar, Tarek?" Wika nito. "Sino itong lalaking ito?" Dugtong pa ng lalaki.

Nagturuan na naman ang tatlong lalaki ngunit sa hindi kalauna'y sumagot si Welmar. "Boss, naghahanap daw siya ng trabaho. Sakto namang inutusan mo kami para maghanap ng taga-bantay kay senyorita Euka. Siya ang sinasabi namin kanina no'ng tinawagan ka namin." Seryosong saad nito.

Tumango-tango si Don Vasco at sinuri na naman ang kabuuan ni Marcos. "How old are you?" Tanong nito sa binata.

"Beyente-kwatro, sir." Pormal na tugon ni Marcos.

Bumuntong-hininga ang Don at bumalik sa kaniyang upuan bago niya pina-upo si Marcos. Pinag-uusapan nila ang magiging trabaho niya. Wala namang ibang ginawa si Marcos kundi tumango lamang at nakinig.

Maya-maya't inutusan ng Don ang kaniyang mga body guard at pinasundo si Euka sa kaniyang kwarto. Ilang sandali pa'y bumalik ang mga lalaki kasama ang mestisang dalaga. Napatingin si Marcos sa dalaga at hindi mai-alis ang kaniyang paningin dito. Samantalang ang dalaga naman ay walang imik na umupo sa harap niya.

"He will be your body guard, for the meantime." Biglang saad ng Don habang kausap ang dalagang anak.

Humarap ang dalaga kay Marcos at walang emosyon ang mga mata nitong nakatingin sa binata. "Dad, I told you that I don't want a body guard. Malaki na ako daddy," reklamo ng dalaga ngunit hindi nakinig ang Don. Walang nagawa ang dalaga at umayon na lamang sa kagustuhan ng ama.

Nang umalis si Euka sa opisina ng ama ay pinaperma na si Marcos ng kontrata. At pagkatapos ay inihatid na siya sa kaniyang magiging silid.

"Bukas na magsisimula ang trabaho mo, kaya umayos ka." Biglang sabi ni Tarek kay Marcos. "At paalala lang, don't get too close with her." Dugtong nito at tuluyan ng sinara ang pinto.

Inilibot ni Marcos ang kaniyang paningin sa kabuuan ng silid. Kulay puti at abo ang pintura ng silid. Humanga siya sa kagandahan ng silid na ito. Mayaman nga talaga ang mga Knewtleg.

Pagkatapos niyang pagmasdan ang silid na iyon ay inayos na niya ang kaniyang mga damit at inilagay ito sa munting closet na kulay abo na may halong kulay ginto. Inayos na rin niya ang kama at pagkatapos ay humiga siya roon.

Nakatulala lamang siya sa kisame habang iniisip ang pumanaw niyang ina at ang mga kaibigan niya.

Hindi namalayan ni Marcos na nakatulog pala siya. Nagising na lamang siya nang may kumatok sa pinto. Bumalikwas siya ng bangon at agad na binuksan iyon.

Bumungad sa kaniya ang babaeng nakasu-ot ng apron. "Sir, agahan niyo po. Pinapahatid ni Don Vasco." Saad ng babae. Tinanggap naman niya agad iyon at nagpasalamat. Umalis ang babae at sinara niya ang pinto.

Pinagmasdan niya ang pagkain na hinatid kanina no'ng babae. Napangiti siya habang nakatingin sa mga masasarap na pagkain.

Hindi nagtagal ay nagsimula na siyang kumain at pagkatapos ay naligo na siya't nagbihis. Maya-maya pa'y may kumatok na naman sa pinto ng kaniyang kwarto kaya't binuksan agad niya ito.

"Oh, Bogart?" Mahinahong usal niya.

"Ngayon ang alis namin kasama si boss. Ikaw na ang bahala kay miss Euka at huwag mo siyang hayaang makalabas dito sa mansyon dahil 'yon ang utos ni boss." Walang ibang tugon si Marcos kundi tumango na lamang. Umalis naman kaagad si Bogart. Nang makita niyang may tatlong itim na sasakyan na lumabas mula sa gate ay agad siyang umakyat sa taas ng mansyon kung saan naroon ang malaking lobby.

Nadatnan niya si Euka na naka-upo at nagbabasa ng nobela. Nilapitan niya ito ngunit hindi siya nito pinansin.

"Miss, a-ako pala si Mar--" hindi niya natapos ang kaniyang pagpapakilala dahil tumayo si Euka at umalis sa harapan niya saka pumwesto sa sofa na malayo sa kaniya. Napasapo na lamang siya sa kaniyang noo at hindi na sinubukang kausapin ang dalaga.

Ilang minuto silang nanatiling gano'n. Nagbabasa ng nobela si Euka habang nakamasid lang si Marcos sa dalaga.

Lumipas ang dalawang oras na hindi nila namalayan. Linapitan na naman ni Marcos si Euka. "Miss," pukaw ni Marcos sa atensiyon ng dalaga.

"Help me," nabigla siya nang marinig ang boses ng dalaga.

"A-ano po?" Mahinang tanong niya.

Umangat ang tingin ng dalaga at pinagmasdan siya. "I wanna enjoy myself, I wanna go out. Please help me," nagmamakaawang saad ng dalaga.

May kung anong hindi maipaliwanag na naramdaman si Marcos ngunit mas pinagtuunan niya ng pansin ang sinasabi ng dalaga.

"Miss, bilin ng iyong ama na hindi ka pwedeng lumabas. Nasa kontrata ko rin iyon kaya wala akong magagawa." Seryosong saad ng binata.

Biglang tumayo si Euka at hinila siya papasok sa kwarto nito.

"M-miss, b-bakit mo ako dinala rito sa kwarto mo?" Nag-alalang tanong niya sa dalaga.

Ngumiti lang si Euka at binalewala ang tanong niya. Dahan-dahan siya nitong tinulak sa kama kaya napa-upo siya. Kumandong naman ang dalaga sa kaniya kaya bigla siyang nanginginig at nagsimulang uminit ang kaniyang katawan. Pinipigilan niya ang kaniyang sarili dahil baka ano pa ang magawa niya rito.

Habang nakakandong sa kaniya ang dalaga ay inilapit nito sa kaniya ang mala-dyosa nitong mukha. "Tell me what you want," panimula ng dalaga. "Gagawin ko, basta tulungan mo lang akong makalabas, kahit ngayon lang."Malambing na dugtong nito.

Napapikit siya nang ma-amoy ang mabangong hininga ng dalaga. Kunting-kunti na lang ay hindi na niya mapipigilan ang kaniyang sarili kaya dahan-dahan niyang hinawakan ang mga balikat ng dalaga.

"Okay! Okay! Sasamahan na kita, basta siguraduhin mong huwag tayong mahuli ng daddy mo." Wika niya.

Tumalon sa sobrang tuwa ang dalaga at napayakap pa ito sa kaniya. "Thank you, handsome!" Masayang saad nito at hinalikan pa siya sa pisngi. Para siyang na-istatuwa ng dumampi sa pisngi niya ang mga labi ni Euka.

"Isa pa miss, kakalimutan ko na talagang amo kita."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status