Share

06

QUIVA

 

 

 

Last time I brought him food on my surprise visit in his office, I was the one who got surprised. Yung feeling na pinagluto ko siya pero ayaw kong makakain siya no'n ni kahit sarsa man lang. Hindi niya dapat matitikman kung hindi lang dumating ang mama niya.

 

 

 

Sana this time, kahit hindi pa masarap ang luto ko ay makain niya. Aminado ako doon na hindi masarap ang luto ko. I'm still learning. Pero edible naman. Hindi ko naman ipapakain kung alam kong ikakasakit niya, lalo na ni Kalle.

 

 

 

Hindi naman sumakit ang tiyan ko after kong tikman kaya safe naman siguro?

 

 

 

I'm more confident now sa luto ko. Nagpaturo ako kay ate last visit ko sa kaniya. Cooking lesson na may halong chika at marriage advice.

 

 

 

Hiwalay sa asawa si ate. Hindi ko alam kung kailan, paano at kung anong talaga ang dahilan ng paghihiwalay nila ni kuya Acio. There was a misunderstanding between us sisters for a long time. Hindi kami mag-kausap sa mga panahong iyon.

 

 

 

Nakangiti akong mag-isa sa elevator. Sobrang komplikado ng relasyon namin noon ni Kalle. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na kasal na kaming dalawa. One of the beautiful things that happened on my way to forever with Kalle was my reconciliation with my sister.

 

 

 

When I thought I was losing my love, I found my way back to my sister. I thank God for that. His plans and his ways are truly beautiful. Gods timing is amazing.

 

 

 

"Is my husband inside?" Nakangiti kong tanong sa sekretarya ni Kalle. Itinigil niya ang ginagawa at tumayo.

 

 

 

"Yes, Ma'am."

 

 

 

"Is he busy? Can I come inside?"

 

 

 

"Ms. Lewis is inside Ma'am. Wala naman po silang nakaschedule na meeting. Baka pwede naman po kayong pumasok. Pinagbilin po ni Sir Nicholas na papasukin kayo anytime. Kahit gaano pa siya kabusy at kahit may kausap po siya."

 

 

 

Napangiti ako. Naalala ang sinabi niya kay Emily noong isang araw. That I can disturb him anytime dahil kami ng anak namin ang pinaka-importante sa kaniya.

 

 

 

Speaking of Emily. Kinutuban ako bigla. "Anong pangalan ni Ms. Lewis? Emily ba?"

 

 

 

"Opo. Ms. Emily Lewis."

 

 

 

Nagdilim ang paningin ko. Masama yata ang tingin na naibato ko sa sekretarya ni Kalle dahil bumakas ang pangamba sa mukha niya. And I can sense she knows what's going on.

 

 

 

"Thank you." Agad kong tinungo ang opisina ni Kalle. Sandali akong nakiramdam sa tapat ng pinto. I trust Kalle but I don't trust Emily. Humugot ako ng pasensiya bago kumatok sabay bukas sa pinto. 

 

 

 

Nandirito nga ang babaitang mais. Naging arko ang kilay ko. Bakit may lunch box na bukas sa mesa ni Kalle? At May hawak na tinidor si Emily? Sinusubuan niya ba si Kalle ko?!

 

 

 

Puno ng iritasyon ang tingin na binabato niya sa akin. Binaling ko ang tingin ko kay Kalle. He looked relieved yet also worried that I came.

 

 

 

Tumayo siya, sasalubungin ako. Tinignan ko si Emily na masama ang tingin. Mukhang may naudlot sa pagdating ko, ha?

 

 

 

"You didn't text me you're coming. Did you drive?"

 

 

 

"I wanted to surprise you. Ako nanaman ang nasurpresa." He gave me a worried look. Hinawakan ko ang kamay niya sa baywang ko.

 

 

 

I sighed as I look at him. Hes wearing his reading glass. Marami nanaman itong files na inaasikaso.

 

 

 

"Pinagluto kita." marahan kong sabi. Kinamot ko ang kaniyang batok. Ngumuti siya.

 

 

 

"Sorry girl, but I already brought him food. Ito nga o, kakainin na namin. Right, Nicholas?"

 

 

 

Humugot ako ng maraming hangin pati na ng pasensiya. Ganoon din si Kalle. Sabay namin siyang nilingon.

 

 

 

"Thank you, but I'm not going to eat that Emily. Hindi ko alam kung bakit pinagdalhan mo 'ko ng pagkain, hindi naman kailangan."

 

 

 

True.

 

 

 

"Parang hindi mo ako kilala Nicholas. I always cook for you. Nakalimutan mo na ba? At naisip ko lang na baka miss mo na ang luto ko. You used to like my recipes."

 

 

 

I made a face to Kalle. Tinatanong ko kung totoo ba. He rolled his eyes. Sabay kaming lumapit sa table niya. Napangisi ako. Hawak  ni Kalle ang kamay ko.

 

 

 

"Yes. Nakalimutan kona." ani Kalle. Lalong lumapad ang ngisi ko doon.

 

 

 

"At kapag limot mona hindi mona mamimiss." tuglong ko. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, pinatay na ako ni Emily.

 

 

 

I looked at the lunch box on the desk.

 

 

 

"Ang bait mo naman. Pinagdala mo ng pagkain ang asawa ko. Nagluto kapa. May meeting ba kayo today?" Nilingon ko si Kalle. Umiling siya. "Really? So ito talaga ang sadya ng pagpunta mo dito? Ang dami mo yatang oras? Wala kang ibang gagawin?"

 

 

 

I didn't mean to sound sarcastic. Well, maybe I did. Lalo na ngayong alam kong wala naman talagang business ang mais na'to.

 

 

 

"I have works to do. Pero naglaan talaga ako ng oras para kay Kalle. I always have time for him."

 

 

 

My teeth kissed. Napakalagkit ng ngiting iginawad niya kay Kalle. Naging mapanuya nang bumaling sa akin.

 

 

 

"You sound like you don't like it?"

 

 

 

I don't like both what you just said and you trying to feed my husband. For all I know it's one of your sultry baits to get to him.

 

 

 

"I mean who would?" Sino bang may gusto na may nagbibigay ng pagkain sa asawa mo? Lalo na't ex niya?

 

 

 

"I appreciate your goodness for bringing food for my husband. But you should not worry about these kind of things. I, the wife will take care of it." 

 

 

 

"I agree with my wife. I'm well fed."

 

 

 

Nilingon ko si Kalle na suplado ang mukha.

 

 

 

"Thanks for the food Emily. Pero gaya ng sinabi ko kanina hindi ko matatanggap iyan."

 

 

 

"I cooked this for you."

 

 

 

"I don't need another meal. I'm not looking and would never look for another meal." He said meaningfully. Yes baby. Tell her.

 

 

 

"You don't need to eat it now. Itabi mo muna--"

 

 

 

"Take it with you Emily. Please." Kaunti nalang ay mapipigtas na ang pasensiya ni Kalle. Umakbay ako sa kaniya.

 

 

 

"Or we could have lunch here. Sayang naman. Baka mapanis. Or share nalang sa mga 'dipa nakapaglunch. What do you think?"

 

 

 

If she insist to leave the food, kaysa sa itapon ko dahil hindi ko ipapakain iyon kay Kalle, ipapamigay ko nalang. Para kung may gayuma man na nakahalo doon, iba ang maiinlab kay Emily. Mahirap na.

 

 

 

"I'll just give it to anyone who wants it." Suplada niyang sabi sabay kuha sa mga lunch boxes.

 

 

 

"Yes. Just give it to someone who wants it. Someone who doesn't have..." a wife. "a lunch." pabitin kong sabi.

 

 

 

Ngiting-ngiti ako habang pinapanood ang paalis na busangot na si Emily.

 

 

 

"Sweet naman niya sa'yo." Baling ko kay Kalle. Agad niyang hinaplos ang braso ko.

 

 

 

"Bigla nalang siyang dumating, at naglabas ng lunch box. Did you see the fork on her hand? Susubuan niya ako baby." Nagsusumbong niyang sabi.

 

 

 

"Dumating ako sa tamang oras."

 

 

 

"Yes. Yes? You saved me from her, and now I should save you from stress. Did that made you upset? Are you upset with me?" He asked worried.

 

 

 

I sighed. "No. I'm not upset with you. Pero magagalit talaga ako sa'yo kung tinikman mo iyong pagkain na dala niya. Malay ba natin na baka may hinalo siyang gayuma doon!"

 

 

 

His arms wrapped around me. "Silly! Kahit na may gayuma pa 'yon, hindi gagana sa akin because baby, I'm deadly in love with you."

 

 

 

Sinundot ko siya sa dibdib.

 

 

 

"Dapat lang. Because I'm deadly in love with you too. And you're dead to me if I caught you with another woman."

 

 

 

He pulled me to his chest. "I guess, I will live a long life then?" He said grinning handsomely. Inirapan ko bago sinalubong ang kaniyang halik.

 

 

 

"What did you cook for me? Sabayan mo ako sa pagkain? I have a meeting in thirty minutes."

 

 

 

"Does this mean I only have thirty minutes with you?"

 

 

 

"I also want to spend more time with you baby. I could push back some work, but this one I cannot."

 

 

 

"Dito muna ako hanggang sa matapos ang meeting niyo?"

 

 

 

"I don't want that, have you waiting alone in here. And I'll be a lot busier after the meeting. Hindi kita maasikaso. How about you rest back at home? Go shopping online? Call Gina over? Or ate Gwyneth? But for sure shell bring AA. Those two will tire you. So maybe next time. What about mom?"

 

 

 

"My mom?"

 

 

 

"No baby. My mom."

 

 

 

Kinakabahan parin ako kapag magulang niya ang pinag-uusapan.

 

 

 

"Do you want me to contact her for you?"

 

 

 

"No. Nakakahiya." He sat on his swivel chair. Half of my butt is sitting on the desk.

 

 

 

"So you could bond." Aniya. Hinihimas ang aking tiyan.

 

 

 

"Baka may inaasikaso siya. At baka mag-alala pa, akala napapano ako. I'll just visit her tomorrow. I do want to bond with her." Magandang ideya nga iyon.

 

 

 

"Alright. I'll tell her." Idinikit niya ang mukha sa tiyan ko. I'm not sure if he's trying to listen or hugging our little human.

 

 

 

"Uuwi nalang ako pag time na ng meeting mo. Susubukan kong tawagan si Gina. Or papuntahin sina ate para may kasama ako."

 

 

 

We shared the food I brought. I stayed a little longer after Kalle left for his meeting. Ang busy nga sa floor nila.

 

 

 

Ngumuso ako. 'Di na kagaya ng noon. I can't be with him when he's at work. Noon dahil guro ko siya at estudyante niya ako, we could be at one place while he does his work and while I fulfill my duty as a student.

 

 

 

Umuwi akong mag-isa. Kahit nasa meeting ay hindi nakaligtaan ni Kalle na siguraduhin nakauwi ako ng ligtas.

 

 

 

Hay... mag-isa nanaman ako sa bahay. Para may magawa ay sumubok akong magluto ng bagong putahe. Bibisitahin ko ang mama ni Kalle bukas. For sure sa kusina ang bonding namin. I should practice.

 

 

 

"Si Kalle po ito?" natutuwa kong tanong.

 

 

 

"Yes. That's Nicholas. Bata palang mahilig ng magluto. Maybe because he always sees me cooking kaya nahilig na rin magluto at nagmana sa akin." She chuckled. I agree with that. Namana nga ni Kalle ang galing niya sa pagluluto.

 

 

 

"My sister's family were coming over the house that day. We wanted to have an outdoor feast. We had too many woods from the cut trees in the backyard. We figured why not use it for cooking, and set up a bonfire."

 

 

 

I thought will bond in the kitchen but were here now in the living room, looking at their family albums. Hawak ko ang picture ng batang Kalle na may hawak na sandok, may hinahalo ang niluluto sa malaking kalan. I think pitong taon gulang palang siya dito.

 

 

 

Nagkakatuwaan kami sa mga baby pictures ni Kalle. Parang bulang naglaho ang ngiti ko nang makita ang babaeng ini-escort ng maid papasok sa bahay. Ang babaeng mais.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status